"Kumusta siya Doc?" Dinig kong tanong ni tita sa isang nurse na nag aasikaso kay Maggie. "No changes, but stable naman po ang kaniyang lagay, so nothing to worry about." Ngumiti na lang sa kaniya ng mapait si tita. "Sa tingin niyo ho, m-magigising na po ba anak ko?" Tanong niyang muli. Napa-awang ng kaunti ang bibig ng Nurse sa narinig. "Pasensya na po, we can't tell yet, pero mag tiwala lang po tayo ma'am," pagpapalakas ng loob ng nirse kay tita. Sinuklian na lang siya ng isang mapait sa ngiti. "Can you still see Maggie?" Tanong sa akin ni tita ng makabalik. Umiling na lang ako. Matapos namin pumunta sa hospital bigla na lang nawala si Maggie. Hindi ko alam kung saan ba siya pumunta. Sa totoo lang nag aalala rin ako. "Baka sign na po ito na babalik na siya sa katawan niya," saad ni Ken na nakatingin lang sa nakahigang katawan ni Maggie. "Mm, baka nga po. Tiwala lang po tayo. Magigising rin po si Maggie." Pagpapalakas ng loob naman ni Caden. Maaaring oo, maaari ring hindi. Wika ng utak ko. We spent our last day of school peacefully. Nalaman rin ng mga kaklase namin ang nangyari sa aming tatlo pero hindi nila alam ang pinag daanan namin kay Maggie. Marami lang chismis na kumakalat mula sa kaniya na hindi naman totoo. "Can you see her?" Tanong ni Ken ng matapos ang aming last class. Umiling lang ako bilang sagot. "Bisitahin kaya ulit natin siya mamaya? Ilang araw na rin bago tayo huling pumunta roon dala ng pagka-busy sa last school year natin," alok ni Caden. Tumango na lang ako. "Hey, wag ka panghihinaan ng loob, Maggie will be back," pansin siguro ni Ken ang pagiging matamlay ko. Di ko kasi maiwasan mag overthink kung ano na ba ang nangyari kay Maggie. Ilang araw na siyang hindi nagpapakita. "Di pa rin po siya gising?" Obvious na tanong ni Caden. "Oo, sabi ng doktor wala naman daw bago sa kaniya." Mabilis na umagos ang luha sa mga mata ni tita matapos banggitin iyon. "I'm losing hope," nanginginig na anito. Mabilis naman siyang inalalayan ni Ken. "Tita, kaya siguro hindi nagpapakita si Maggie kasi on process pa rin ang paghahanap niya sa kung paano siya makakabalik sa katawan niya," pagbibigay lakas ni Ken rito. Hindi ko na kaya, lumabas na ako at pumunta sa parke kung saan unang beses ulit kaming nagkita. "Maggie! Where are you?!" Nangigiyak na sigaw ko. Unti-unti na rin nauubos ang pag asa sa'kin. "Maggie, bakit 'di ka nagpapakita?" napaluhod ako sa panghihina ng tuhod ko. "Alam mo ba kung gaano kami karaming nag aalala sa'yo? Please don't be selfish! Magpakita ka naman, kahit sign na nandirito ka pa," garalgal ang boses na sambit ko. "Maggie, we wait for how many years for you to comeback, ngayon naman na nakita na kita bakit ngayon ka pa ulit nawala?" Tanong ko sa hangin. "Hindi ako nawala," ang lungkot sa mukha ko ay napalitan ng pagtataka at ang pag asang unti-unti ng nawawala ay muling nabuhay. "I just don't want you to see me like this..." nanginginig ang boses nito. Her opacity, she's slowly vanishing, gaya sa nangyari kay Queen Alicia. Ang kinaibahan lang sa kaniya ay parang bumababa ang opacity niya. "M-maggie," tanging na sambit ko. "I'm sorry Cold, I can't go back to my body..." pakiramdam ko nabingi ako bigla sa narinig ko. "W-what? A-ano sinasabi mo?" Takang tanong ko nang makatayo ako papalapit sa kaniya. "Remember what Queen Alicia said? Noong hawak ko ang kwintas?" Tanong nito. Pilit ko naman inalala ang sinasabi niya. "Princess Maggie, don't you dare break that thing... alam mo kung ano ang magiging consequences 'di ba?" Wika nito na halatang natatakot. "This is the consequence Cold, I am not able to go back to my body when I break that necklace. All of us will go from where we should be," nginig ang kaniyang boses habang sinasabi ang mga yun. "You knew?" Tanong ko. Tango na lang ang isinagot nito. Nang dahil doon napahilamos na lang ako sa aking mukha. "Alam mo pero tinuloy mo? How selfish is that Mag—" "I saved myself, my other mother, and the living souls to be free from the curse. Now tell me, is that being selfish Cold?" Putol nito sa sasabihin ko. "Y-yes!" Pagmamatigas ko. "Hindi mo ba kami naisip? Kaming mga kaibigan mo? S-si tita? Hindi mo ba kami inisip?" Inis kong tanong. "That's the only way Cold! Wala ng ibang paraan para makabalik ako sa katawan ko dahil hindi na talaga ako pwedeng makabalik pa roon!" Sigaw nito dahilan para matikom ko ang bibig ko. "So the reason we came here is to help you go to the right place you should be?" Sarkastikong tanong ko. Napayuko na lang si Maggie. I take that as a yes. "Kung alam ko lang, edi sana hindi na namin prinoblema kung paano ka makakabalik sa katawan mo," napa angat muli ang tingin sa akin ni Maggie matapos marinig 'yun "Kami rin pala ang dahilan kaya mapapalayo ka sa'min lalo." Saad ko habang nakatingin ng diretso sa kaniyang mga mata. "I'm sorry, this is my fault," napayuko na lang siya saka tinakpan ng kamay ang kaniyang mukha. Yayakapin ko na sana siya kaso hindi na pwede. Unti-unti na siyang naglalaho. Hindi na napigilan pa ng mga mata ko ang lumuha dahil sa sitwasyon na aking nakikita. Kahit pa parang nakayakap ako sa hangin ay hindi ko yun ininda. "Cold,I love you." Sa puntong yun ay mas bumuhos ang luha ko. "I love you too, Maggie. I love you so much." Mariin kong saad habang nakayakap pa rin rito kahit di ko na siya dama pa. "I'm sorry if I can't be with you forever, we all have limitations. Our life has a limitations, go get the culprit who murdered your Mother. Get the justice for her. My last wish is make my mother as your second mother, bumawi sa kaniya. Ikaw na ang bahalang mag fulfill ng mga pagkukulang ko..." saad ni Maggie habang nakayakap kami pareho sa isa't isa. "Stop giving last message, you'll stay with me..." pagpapalakas ko ng loob sa sarili at sa kaniya kahit na alam ko na napaka imposible. Kumalas ito sa pagkakayakap at tumingin sa akin. "Cremate my body, okay? I love you, and thank you for the friendship we had." Sasagot pa lang sana ako nang bigla ng magkalas kalas ang kaniyang itsura at maging isang abo. Mabilis siyang tinangay ng hangin. Wala akong nagawa para pigilan ang hangin na tangayin siya. Panandalian akong natulala sa pinag liparan ng kaniyang abo saka mabilis na tumulo ang luha sa mata ko na kanina pa namumuo. It took me 1 minute to realize what was just happened. "I love you Maggie. Gagawin ko lahat ng sinabi mo," napayuko na lang ako sa sahig saka umiyak nang umiyak. 1 year Later "Do you think she's happy from where she is right now?" Tanong ni Ken sa akin habang nakatingin pa rin sa pigurin na naglalaman ng abo ni Maggie. May nakadikit rin na litrato sa salamin kung saan nakalagay ito. "Of course she is," mapait na ngiting sagot ko. Binisita namin siya rito kung saan nakalagay ang kaniyang abo. "Merry Christmas tita!" maligayang sambit ni Caden nang buksan ni tita ang pinto. I lived here now, since that what Maggie wants. "Merry christmas din mga hijo! Tara sabay-sabay na tayong mag noche buena. "Merry christmas bud, " bati ni Ken at Caden sa akin. Naging masaya naman ang noche buena namin kasama ang mga kaibigan ko at kanilang pamilya. Napag desisyunan kasi ni tita na sabay-sabay kaming magsalo-salo para sa noche buena para naman mas buhay ang bahay. At hindi nga siya nagkamali. Dahil ngayon ay nabalutan na ng saya at pagmamahal ang bawat sulok ng bahay. Nang dahil kay tita naramdaman kong muli na meron akong ina. Speaking of ina binisita ko na rin ang puntod ni Mom kanina bago kami umuwi rito at matapos naming bisitahin ang abo ni Maggie.
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
good 😊
08/06/2025
0bien
31/05/2025
0how to money
24/03/2025
0Tingnan Lahat