Sa kalagitnaan ng pag pasok ko sa school na daanan ko ang isang parke. It looks peaceful. Tumingin ako sa wrist watch ko, may oras pa naman. I decided to stay there for a minute. Naghanap ako ng parking for bikes and when I saw one, agad kong pinarada ang aking bike saka naupo sa bench. Wala pa naman gaanong tao dahil masyado pang maaga. I felt at peace. Sariwang hangin. Ito talaga ang hanap ko. Habang tumitingin sa paligid na agaw ang atensyon ko ng isang makalumang well or should I say, a wishing well. Nahikayat ako bigla na lapitan ito. Malumot na ang itsura ng well pero may makikita ka pa rin ka-ganda-han sa kabila no'n. May isang sign sa gilid na naka-ukit sa bato. "Wishes are not only commanded in fairy tales, sometimes things become possible if we want them bad enough." I said as I read the statement written on the rock. Sa tabi ng sign na ito ay may mga wishing coins na mukhang luma na rin. Nangangalawang na ang itsura ng mga ito. Halos mangupas na rin ang kulay ginto nitong kulay. Hindi naman talaga ako interesado sa mga wishing wells, but I still grab a coin and tried to wish. Wala naman masamang sumubok 'di ba? tanong ko sa sarili. Bumuntong hininga muna ako, then I started to speak. "I hope someone will came, the one who can help me heal and recover from this pain I am in right now,," pikit mata kong sambit sa hawak ko na coin. "Argh it's cringe, but I hope this will work," wala sa sarili kong sabi saka ibinato na ang coin na hawak. Pinanood ko pa ito kung paano ko hinagis at biglang tumama sa bukana ng well at tumalbog dahilan para malaglag ito sa sahig. Agad kong sinundan 'yung pa gulong-gulong na coin pa-ikot sa gilid ng well hanggang sa tumama ito sa sapatos at mauntog ako sa malambot na kung ano. Dahan-dahan akong nag angat ng tingin para ma-confirm ko ang pinag tamaan ng ulo ko at laking gulat ko nang makita kung saan tumama ang aking ulo. Sa pwetan ng babae ito kaya agad akong lumayo at tumayo. 'Di pa man ako nakakahingi ng tawad ay nagsisisigaw at tili na siya. "Ahhh manyak! Lumayo ka sa'kin kung hindi isusumbong kita sa pulis! Tulong! May manyak dito!" paduro-duro, palakad-lakad at pahinto-hinto rin na sambit ng dalaga. "Miss! Miss! I'm not a manyak hindi ko sinasa—" "Jusko kuya 'wag ako! Studyante ho ako! Nag aaral sa pribadong paaralan kaya 'di niyo ko maloloko! Tulong may manyak dito!" patuloy pa rin ang pag sisisigaw niya. Nagsimula ng tumayo ang ilang tao at parang takang nakatingin sa'kin. "Miss can you please calm down first? 'Di kita mina-manyak, sa itsura mong 'yan!" sabay turo sa kabuoan niya. I didn't mean to offend her, but atleast she stops on shouting. "H-hoy! Para sabihin ko sayo! Pinagmamalaki ako ng mama ko sa kagandahang taglay ko 'no!" pag ya-yabang niya. "Well I don't care, just please stop shouting and relax," pagkakalma ko sa kan'ya. "Jusko paano ho ako kakalma? Eh matapos niyong hawakan ang..." nahiya siya biglang ituloy ang kaniyang sinasabi at itinuro-turo nalang ang likod niya gamit nguso. "Ah basta! Isusumbong kita!" Pamimilit pa rin niya. "It's not intentionally—" "I don't care either! Manong!" Pagbibigay diin niya sa huling sinabi niya. "Oh wow! Thank you for the compliment huh," sarkastiko kong sambit. "Now can you please lower your voice kasi nakakahiya sa mga tao rito," humingi ako ng tawad sa mga nag akalang minanyak ko ang babaeng 'to. Tuluyan naman siyang kumalma at umalis na ang kaninang mga taong umaambang lapitan kami. Sinuri niya ko mula ulo hanggang paa. "Velagurall student? Taga St. Velagurall ka?" wala sa sariling na pa tango ako. "Why?" "Same school huh? kung minamalas nga naman oh! Iisang school pa talaga tayo, nako, humanda ka sa principal mamaya!" pananakot niya. "Okay," malamig kong sabi. "Confident ha!" "Of course, dahil 'yung nagawa ko is not intentional" "Not intentional? Hmp sa principal ka mag paliwanag! Pasalamat ka at may exam kaya may ilang oras ka pa para mag isip ng idadahilan mo!" saka pumunta sa paradahan ng bisikleta at kinuha ang e-bike niya. "That was an accident!" sigaw ko ng makalayo siya. "Accident your face!" sigaw niya pabalik. Sira na ang umaga ko. Nang mawala na siya sa paningin ko, humarap na uli ako sa balon. Natauhan ako ng biglang sumagi sa isip ko ang coin na ginamit ko. Tinignan ko 'yung pinaghintuan ng coin kanina ngunit wala na. Mukhang lumusot sa butas. Malas nga naman. Malamang pahiwatig na 'yun na hindi totoo ang wishing well. Hindi ko napigilan anh sariling mapailing sa naisip. Pumunta na ako sa parking at kinuha na bike ko. Sumulyap pa ako saglit sa well at tuluyan ng umalis.
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
good 😊
08/06/2025
0bien
31/05/2025
0how to money
24/03/2025
0Tingnan Lahat