logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Falling for Someone

Falling for Someone

astraelie


Prologue

"Ohmyghad! Makakalabas na ako!!" Masaya kong binalita sa dalawa kong kaibigan.
Tumatalon talon pa ako na parang ewan dahil sa tuwa na nararamdaman ko ngayon. Akala mo nanalo ako sa lotto eh. Hello, world! Makakalaya na rin ako rito sa hospital. Ilang buwan ulit akong nandito? Nakalimutan ko na. Basta alam ko hindi naman ata ako inabot ng taon dito sa hospital na ito.
“Apaka OA mo,” Tumayo si Feya at napairap sa akin, “Halata nga. Nakabihis ka na eh,” Kahit kailan talaga panira siya sa moment ko.
"Akala mo naman nakulong ka," Singit ni Adaly.
Napairap ako dahil sa kanila. Masyado na silang epal ah. Kailangan na nilang ipatumba. Wala man lang support sa kaibigan nila like “Congrats” “Finally! Makakalabas ka na rin.” Ganoon dapat ang bonding!
"Asan sila tita?" Tanong ni Feya.
“Secret walang clue,” Pamimilosopo ko sa kaniya, “Aray naman!” Binato ba naman ako ng sapatos niya. Kung ihagis ko rin kaya itong sapatos niya pero sa labas ng kwarto ko ihahagis. Ay parang magandang idea ‘yon!
“Nagtatanong ako ng maayos,” Nakataas na ang kaniyang isang kilay. Akala mo naman matatakot ako sa kaniya.
“Hulaan mo raw, beh,” Natawa ako sa sinabi ni Adaly. Isa pa itong pilosopo eh.
“Ang galing niyo talaga. Pwede na kayong kunin ni Lord,” Nagsalubong na ang dalawang kilay niya. Galit ka na niyan?
“Ay sabi ni Lord, mauuna ka raw. Masyado raw kaming mabait para mauna sa taas,” Hinampas ni Feya sa balikat si Adaly.
Buti nga sa kaniya. Deserve. Habang naghahampasan sila, inaayos ko naman yung mga gamit ko kasi bababa na kami tsaka baka magbago isip ng doctor at hindi ako paalisin dito. Ano na kayang mangyayari sa akin sa labas? Totoo kaya ‘yong taong ‘yon? Baka isang anino lang charot!
"Nasa baba na sila. Parking. Doon na lang daw nila ako hihintayin," Sagot ko kanina sa tanong ni Feya.
Kinuha ko na ang gamit ko at tinignan sila. Magulo na ang buhok nila pati mga damit. Masyado ba akong matagal mag-ayos ng gamit o sila itong matagal magsabunutan at maghampasan?
“Sana kanina mo pa sinabi,” Sabi ni Feya habang inaayos yung damit at buhok niya.
“Feya, huwag ka na maglagay ng lipstick,” utos ko sa kaniya.
“Bakit? Kasi mabubura rin naman?” Tumingin siya sa akin at naudlot paglalagay niya ng lipstick.
“Hindi bagay sayo. Wala pa rin naman pagbabago sa mukha mo kahit maglagay ka ng lipstick. Mukha ka pa ring aso,” Pagkatapos kong sabihin ‘yon ay dali dali akong lumabas sa kwarto.
“Tayla!!!” Sigaw niya sa loob ng kwarto kaya natawa na lang ako.
Maganda si Feya. Sinabi ko rin naman sa kaniya ‘yon noon. Sadyang inaasar ko lang siya. Masamang nakatingin sa akin si Feya habang lumalabas sa kwarto pero nginitian ko lang siya. Natutuwa ako kasi makakaalis na ako rito sa hospital. Aba! Parang nangalay ata likod ko sa kakahiga.
“Hi, Tayla! Aalis ka na? Ingat ka ha,” Sabi ni ate Camille na naging nurse ko.
“Opo, ate. Mag-ingat ka rin po ha?” Nginitian ko siya tsaka ako sumabay sa paglalakad kina Adaly, “Gagala ba tayo nga---“
Hala! Bakit nandito sila sa harapan ko? Nananaginip pa ba ako? Hindi pa ba ako nagigising? Totoo pala sila? Akala ko sa panaginip ko lang sila makikita pero bakit nandito sila sa harapan ko?!
“Hoy, bruha! Bakit parang naestatwa ka riyan?” Tanong ni Feya sa akin.
“Hampasin mo nga ako, beh,” Utos ko sa kaniya at hinampas nga niya ako ng malakas, “Aray! Bakit ang lakas ng pagkahampas mo? Pwede naman mahina!”
“Aba! Hahampasin na rin naman kita, bakit hindi pa malakas diba?” Inismiran ko na lang siya. Pangit niya kabonding.
“Bakit ba parang nakakita ka ng multo kanina?” Tanong ni Adaly. Tumingin ulit ako sa tatlong lalaking nasa harapan namin, “Ah! Dahil sa kanila ba? Nako! Hi, babe!” Lumapit siya kay Edvin at humalik sa pisngi nito.
Wow! Respeto sa single oh. Alam ko naman na single ako pero huwag naman sana ipamukha sa akin diba? Masakit sa heart.
“Nako! Pasensiya na ha? Alam niyo naman na ilang buwan siyang tulog kaya akala niya ngayon niya lang kayo nakita,” Biro ni Feya sa kanila.
Hindi nila alam na napanaginipan ko sila dahil hindi ko rin  alam kung paano ko sasabihin sa kanila. “Nasa panaginip ko sila” "Nandoon kayo lahat sa panaginip ko.” Hindi ko pwedeng sabihin ‘yon. Mahirap ipaliwanag noh kung bakit nasa panaginip ko sila. Bakit nga ba???
Inakbayan bigla ni Edvin si Adaly. Hala! Anong meron sa kanila? Napakunot ang noo ko dahil sa kinikilos nilang dalawa. Sila na ba? Paano nangyari ‘yon? Parang wala naman sa panaginip ko na naging sila ha!
“Okay lang, babe. Naiintindihan namin,” Sabi ni Edvin at nginitian ako.
Napaiwas ako ng tingin dahil sa ginawa niya. Pakiramdam ko pamilyar yung nararamdaman ko ngayon. Ganyan na ganyan yung ngiti ni Edvin sa panaginip ko noong una ko silang nakita sa panaginip ko. Buti na lang talaga sila ni Adaly.
"BABE?!" Medyo OA kong pagkakasabi.
Wala lang. Late reaction lang.
“Ano ba naman ‘yan, Tayla?” Sinamaan ako ng tingin ni Adaly.
“Saan?” Mahinang tanong ko.
“Anong saan?” Nagtatakang tanong niya.
"Saan niyo sila unang nakita?" Tanong ko ulit sa kaniya.
“Secret walang clue,” Walang kwenta niyang sagot.
Kaibigan ko nga ‘to.
Napatingin ako kay Green na nasa harapan ko ngayon na nakatingin lang din pala siya sa akin. Wow! Masyado ba akong maganda para tignan mo ng ganiyan? Joke! Medyo naiilang ako sa paraan ng pagtingin niya kaya umiwas ako ng tingin. Bakit parang kilala niya ako? Feeling ko kilala nila ako eh. Baka naman nagkita na kami dati pero hindi ko lang matandaan?
“Nakalimutan mo na ba talaga yung gabing ‘yon?” Nagtatakang tanong ni Feya sa’kin.
“Ang alin naman?”
Hindi ko alam kung anong sinasabi niyang gabing ‘yon. Wala akong ibang maisip kundi yung nasa panaginip ko. Ang alam ko roon kami nagkita eh o may iba pa? Ang daming ganap sa panaginip ko kaya hindi ko maalala yung tinutukoy niya!
“Dito talaga tayo mag-uusap?” Mataray na tanong ni Grant.
Napatingin ako sa paligid. Nakaharang pala kami sa daanan na parang akala mo kami may-ari ng daan. Nasa gitna ba naman kami mismo nag-uusap. Paalis na sana dapat kami kasi nga pwede na raw akong umuwi. Inayos ko yung bills kaya pinauna ko na sila mama sa parking lot at sila Adaly yung sumama sa akin. Hanggang sa makita namin itong tatlong lalaki na nasa harapan namin na hindi ko alam kung bakit sila narito!
“Sa starbucks na lang kaya tayo magkwentuhan?” Suggest ni Feya.
“Sabihan mo sila tita, Tayla,” Utos ni Adaly.
“Ikaw na lang tutal ikaw nakaisip,” Sinamaan niya ako ng tingin dahil sa sagot ko.
Tumango na lang ako sa sinabi niya. Pero dapat ako magpasalamat sa kaniya kasi makakaiwas ako sa kanila dahil pupuntahan ko sila mama sa baba.
“Ito nga pala sina Grant at Green,” Pakilala ni Edvin sa dalawa niyang kaibigan.
Hindi naman na niya kailangan ipakilala sa akin kasi kilala ko naman na sila. Nakabonding ko pa nga sila sa panaginip ko eh.
“Mauuna na ako sa inyo ha? Nasa baba kasi sila mama. Huwag niyo na rin akong sundan! Huwag niyo rin akong samahan!” Sabi ko sa kanila. Hindi ko na sila hinintay na magsalita para wala na silang masabi.
"Samahan na kita."
Kakasabi ko lang na huwag ako samahan eh!
"Hatid na kita sa labas. Tara na," Pagyaya ni Green sa akin.
Hindi ko namalayan na napahinto na pala ako sa paglalakad kaya nasa gilid ko na siya at nakatingin sa akin. Nararamdaman ko lang na nakatingin siya sa akin. Hindi ko magawang tignan kasi naiilang ako! Kung yelo ako panigurado tunaw na ako ngayon. Bakit ba naman kasi nakita ko pa siya at ang masaklap nakasama ko siya sa panaginip ko!
"Ahh... Ehh... Hindi mo naman na ako kailangan ihatid eh kaya ko nama—"
"Tara na." Okay, fine.
Nagbuntong hininga ako, “Sabi ko nga,” Mahinang sabi ko. Wala kang sinabi, Tayla!
Wala akong choice kundi sumang-ayon sa kaniya. Ayaw ko rin makipagtalo kay Green. Nauna na akong naglakad at sumunod sa akin si Green. Tamang tama at nagbukas na yung elevator kaya pumasok na kami sa loob. Tangina! Bakit kami lang dito sa loob ng elevator??? Ang awkward naman! Dapat may kasama kami eh. Chaperon kumbaga.
“Buti nagising ka na. Kamusta?” Pambabasag ni Green sa katahimikan.
“Ayaw mo atang magising ako,” Mataray na sabi ko sa kaniya.
“Hindi sa ganoon. Kamusta nga? Hindi mo sinagot tanong ko,” Kailangan bang sagutin tanong mo? Tsk.
“Okay lang.”
"Kamusta naman ang panaginip mo?" Chismosong tanong ni Green.
Biglang nanlaki dalawa kong mata dahil sa tanong niya. Tumingin ako kay Green at nakita ko na nakatingin siya sa akin. Gandang ganda ito sa’kin ah. Kalma, ako lang ‘to.
"H-huh?" Nauutal yarn, Tayla???
"Diba ilang buwan kang tulog baka may napanaginipan ka. Hindi impossible ‘yon,” Paliwanag niya.
Ayun pala ang ibig niyang sabihin akala ko naman kung ano. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib nang marinig ko ‘yon. Hindi niya malalaman dahil wala itong alam. Wala nga ba talaga??? Nakakapraning!
"Okay lang," Tipid kong sagot sa kaniya.
"Meron ka ngang panaginip? Baka gusto mong ishare sakin?"
Ang chismoso mo naman po, kuya. Kailangan bang i-share ko pati panaginip ko?
Saktong nasa ground floor na kami kaya hindi ko na siya sinagot. Aba! Hindi ko na kailangan sagutin ‘yon. Bahala na siya manghula kung anong napanaginipan ko.
Dere-derecho akong lumabas patungong parking lot at hinanap sila mama. Asan na ba kasi sila? Dapat kasi sa malapit lang sila nagpark eh. Alam kong nakasunod yung isa sa akin kasi nararamdaman ko presensya niya sa likuran ko. Nang makita ko na sila mama, huminto ako at lumingon kay Green.
“Salamat sa pagsama. Kakausapin ko lang sila mama. Pwede ka na bumalik sa kanila,” Seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Ano kayang nasa isip nito ngayon?
"Sana ito na yung huling pagkikita natin."
Gusto kong sabihin sa kaniya kaso naalala ko na pupunta pa pala kaming starbucks para magkwentuhan. Ang pangit ng timing! Gusto ko na lang umuwi para hindi ko na siya makita kasi baka hindi ko kayanin at hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya. Kakalabas ko lang ng hospital pero pakiramdam ko mapapabalik ako sa hospital dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Ang malas talaga oh!
Hindi ko na hinintay yung sasabihin ni Green at tumalikod na lang basta basta para maglakad palayo sa kaniya. Gustong gusto ko na talaga makalayo sa kaniya! Habang naglalakad ako, narinig ko yung boses ni Green at may sinabi siya na kinalamig ng katawan ko.
"Keely Tazanna Villareal."
Napatigil ako sa paglalakad. Paano niya nalaman buong pangalan ko?! Stalker ba ‘to? Hindi ko alam kung lilingon ako o hindi. Pero lilingon na sana ako kaso bigla akong napatameme sa susunod niyang sinabi.
"Keely means princess. Tazanna means beautiful. Asahan mong hindi ito yung huli nating pagkikita dahil hindi na kita hahayaang mawala, my beautiful princess. Akin ka lang. Btw, long time no see.”

Komento sa Aklat (90)

  • avatar
    April Jhoy Boribor

    ang lungkot naman ng story nato😥😥pinatawa at pinakilig ako😥😥tas biglang pinaiyak😭😭

    11h

      0
  • avatar
    Princess Aretaño Torecillo

    stories are so nice

    27/07

      0
  • avatar
    Alfonso Jr.Marlon

    so beautiful

    08/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata