Azy’s POV “You wear out my fucking patience, woman!” malakas niyang sigaw sa mismong mukha ko at malakas akong sinampal dahilan para dumugo ang gilid ng aking labi. “Punish her!” Matapos niyang i-utos ang bagay na ’yon. Pagalit siyang umalis sa sofa. ALAM niyo ba ang pinarusa sa akin ng Cyprus na ’yon? Nakabitin ako sa isang malaking puno. Nasa taas ang paa at nasa baba ang ulo. Ang hirap ng ganitong posisyon kaya pumikit na lang ako at hinayaan ang sakit kong nararamdaman. Wala namang paraan para makatakas ako rito. Naidilat ko lang ang aking mga mata nang may narinig akong tunog ng sasakyan. Bumaba roon ang isang lalaking kasing-edad ni Cyprus. Napatigil siya sa paglalakad nang makita ako. Yumukod siya. Nakasuot siya ng shade kaya nang titigan niya ang mukha ko, tinanggal niya ’yon. Nakita ko ang mga mga niyang kulay asul. “Hi, Azy,” kaway niya sa akin. Nangunot agad ang noo ko dahil tinawag ako nito sa sarili kong pangalan. Hindi ko ’to kilala kaya nakakapagtaka. Tumayo siya ng tuwid. Nilagay niya ang isang kamay niya sa isang bulsa at ang isa namang kamay ay ginamit pangcellphone. “Come out, Cyprus,” aniya sa call. “Just come out. Why are you so lazy?” Pinatay niya ang tawag at muli akong tiningnan. Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto ng bahay at nakita kong lumabas si Cyprus na may nakasimangot na mukha. Agad niyang pinasingkit ang mga mata nang tumama sa kaniya ang sinag ng araw. Naglakad siya papalapit sa amin. “What do you what?” tanong niya agad sa lalaking may blue eyes. “Do you know she is the croupier’s daughter?” “Arnold Himura?” “Yes, you kidnapped her? Are you stupid?” “I killed her family, you shut up.” “So you don’t know her?” “Ano bang pakialam ko sa babaeng ’yan?” inis niyang tanong at tumalikod na. “I don’t have fucking care about her, okay?! Stop asking.” Napailing-iling ang lalaki. “It’s up to you. Anak siya ng may-ari ng casino.” Cyprus’ POV “Anak siya ng may-ari ng casino.” I stopped my intention to walk because I heard what Thorn said. “Really, huh?” A smirk appeared on my lips immediately. Senyales na natutuwa ako sa nalaman. “Alam mong kaaway ko ang nagmamay-ari ng casino, Thorn.” Napaisip ako. “So ibig sabihin itong walang kwentang babae ay unang anak ni Arnold Himura sa iba? Haha. Kaya naman pala palagi ring nakatambay ang palautang niyang tatay dahil nandoroon ang asawa. Nakatatawa.” “I know that, Cyp,” he replied. “Madame Butterfly also knows that Azy Himura is her daughter. What if she finds out you plan to kill her? Pinapahirapan ng ganito?” Naningkit ang mga mata ko dahil sa kaniyang sinabi. “I don’t care who the girl’s parents are. As long as everything I want to do to her, I will do it. In short I don’t care about Madame Butterfly. Ngayon pa nga lang ay may naiisip na akong paraan para magantihan siya.” I looked at the woman. “Using her own daughter, right, Thorn?” He laughed a little. “It’s up to you. I can’t stop you from doing what you’re doing and I have no intention of opposing your plans. Whatever you want to do, go ahead and do it.” Napangiti ako. Hinarap ko ang babaeng nakapikit habang nakalambitin. “Pakpak na lang ang kulang sa ’yo, mukha ka ng paniki.” She opened her eyes dahil sa sinabi ko. Galit agad ang mga mata niya. “This is your punishment. Wait for me to release you.” I rolled my eyes at her. “Siya ba ang may gawa kung bakit may band aid ka riyan sa ulo?” Thorn asked. Naglakad muna kami palayo sa ibaba bago ako sumagot sa kaniya ng oo. Nagtaka pa nga raw siya dahil bakit buhay pa ang babaeng ’yon at hindi ko pa pinatay but I didn’t answer him. “I want to take revenge on Madame Butterfly with her daughter. Isa sa makapangyarihan ang matandang ’yon kaya kating-kati ako.” “What will you do now?” “Roromansahin ko muna,” I gave him a small smile. “Iinisin ko muna ng paunti-unti hanggang sumabog.” Azy’s POV Simula nang bata ako, hindi pinakilala sa akin ng tatay ko kung sino ang totoo kong nanay. Sinasabi niyang masama ito kaya hindi na siya nag-abalang ipakilala ako. He’s right. Kung totoong mabait at mahal ako ng nanay ko, kahit gaano pa siya kasama ay makukuha niya pa rin akong bisitahin simula bata pa lang pero hindi niya nagawa iyon. Hindi ko siya inaasahan ngayon, hindi ko inaasahan ang pagligtas niya dahil alam ko namang hindi niya magagawa ’yon. Tatlong oras akong nasa ganoong posisyon nang pakawalan ako ng mga tauhan. Akala ko nga ay ilalaglag nila ako mula sa pagkakatali pero ingat na ingat silang hindi madagdagan ng sugat ang mukha ko. Nakakapagtaka ang mga kilos nitong mga ’to. Pagkapasok sa bahay ay ay dinala agad nila ako sa dining table. Mabuti naman at naisipan nila dahil kanina pa ako nagugutom. Wala rin sina Cyprus at Thorn dito. Tanging tauhan lang ang nagbabantay sa akin kaya malaya akong makakakain. Patapos na akong kumain nang makita ko ang dalawang lalaking pababa ng hagdan. Pareho silang nag-uusap. Tingin ni Thorn ang unang napunta sa gawi ko sunod ang kay Cyprus. Nakatitig ang kaibigan niya samantalang ang walanghiyang lalaki ay tila hindi ako nakita. Sinawalangbahala ang presensya ko at nagtuloy-tuloy sa kaniyang destinasyon. Walang problema at pabor na pabor sa akin dahil mas gusto ko pang ganoon siya. “Anong lugar ’to?” tanong ko sa mga tauhan na nasa iisang direksyon lamang ang tingin. Walang sumagot sa kanila. Alam kong may isa riyan na may dila dahil walang magbabalita kay Cyprus sa kung anong nangyayari pero mukhang wala rito ngayon. Nagtuloy na lang ako sa pagkain. Napahinto ako nang mahagip ng mga mata ko ang cellphone ni Cyprus. Kita ko ang lockscreen niya. Nakangiti siya sa larawan na may babaeng nakahalik sa kaniyang pisngi. Sino ang babaeng ’to? His wife?
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
That so nice 👍
15/02
0Tingnan Lahat