logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 4:

Azy’s POV
Akala ko ay tuluyan na akong lulubog nang makita kong may tumalong isang lalaki. Hindi ko nakita ang kaniyang mukha dahil natakpan agad ng buhok niya. Ako ang tinunton niya, hinawakan niya ako sa baywang para hatakin pataas.
Hingal na hingal akong lumanghap ng hangin nang makaahon. Pagdating sa mababaw na parte ay binuhat niya ako ng pangsakong bigas at pabagsak na binaba sa lupa. Napadaing agad ako sa ginawa niyang ’yon.
“Sino ka? Isa ka ba sa tauhan ng gagong lalaking ’yon?!” nahihirapan kong tanong.
Pakiramdam ko ay ayaw niya talagang ipakita ang mukha niya sa akin. Nakahiga ako rito sa lupa at siya ay nakatalikod sa akin na parang sobrang ilap.
“Anong rason mo para iahon ako sa lawa?”
He took a deep breathe. Nagpamulsa siya at sinagot ako. “It’s me, woman,” he said coldly. Iyan na naman ang boses niya. “Iniisip mo bang niligtas kita dahil ayaw kitang mamatay? Ang sabi ko ay naglalaro tayo. The game is not over yet. Ayokong makitang mamamatay ka agad na hindi naghihirap sa mismong mga kamay ko.”
“Ano ba talagang pakay mo sa akin?! Bakit mo ’to ginagawa?! Sino ka ba at bakit ayaw mong ipakita ’yang mukha mo?! Kilala ba kita?! Ano?!”
“Haha,” napailing-iling siya. “Gustong-gusto ko talagang makita kung gaano ka kadesperada.”
Mas lalong uminit ang ulo ko sa sinabi niya. Galit na galit ako pero siya ay nananatiling kalmado. Tuwang-tuwa siyang napaglalaruan niya ako.
“Ano bang kailangan mo sa akin?! Pakawalan mo ako! Wala akong mahanap na rason para ganituhin ako ng kahit sinong tao!”
“Wala kang mahanap pero ako mayro’n,” sagot niya agad. “Kapag sinabi kong die, mamatay ka. Hangga’t wala akong inuutos at kahit ano pang pagpapakamatay ang gawin mo, hindi ka mamamatay dahil ayoko. Pinapili kita ng kapalaran mo.” Hinarap niya ng kaunti ang ulo niya sa akin. Kita ko ang kaunting ngisi sa labi niya. “And this is your destiny in life, woman.”
Nagpatuloy siya sa pag-alis.
“Cyprus!” galit kong sigaw. Iyon ang pangalan niya pero hindi man lang siya humarap.
“Darating ang tauhan ko para damputin ka. Kaawa-awang nilalang.”
Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga tauhan niya dahil nilagyan ako nito ng piring sa mata. Nang huminto ang sasakyan ay binuhat na naman nila ako at pabagsak na ibinaba. Para akong isang sakong bigas kung ibagsak, walang pag-iingat. Masakit na ang mga binti at braso ko dahil sa ginagawa nila.
“Nandito ka sa hideout ko para hindi ka magmukhang tanga.”
Siya na naman!
“Malamig ba? Dadagdagan natin ’yan maya-maya.”
Hindi ko siya sinagot. Hinayaan ko siyang mag-isang magsalita.
“Pakainin niyo na ang alaga natin. May kailangan pa tayo sa kaniya,” utos niya sa kung kanino.
Isinandal ako ng taong ’to sa pader at pilit akong sinusubuan dahil ayokong ibuka ang aking bibig. Dahil nawalan na siya ng pasensya, hinawakan niya na ako sa panga at pilit pinapakain.
“Sino ba ang boss niyo?!” tanong ko rito.
Kanina ko pa sila tinatanong pero wala man lang sumasagot. Takot ba sila sa boss nilang payatot?!
Matapos nila akong pakain, naramdaman kong binuhat na naman ako ng mga ito. Hindi na nila tinanggal ang tali ko sa pulsuhan at sa paa.
Naramdaman kong may pinasukan kaming isang kwarto. Doon lang nila tinanggal ang piring ko. Nakita ko ang lugar. Hindi ’to kwarto kun’di banyo.
“Anong gagawin niyo sa akin?!”
Tatlo silang kitang-kita ko ang mukha. Nakatitig lamang sila sa akin na walang emosyon.
Napatili ako nang maramdaman ko na naman ang malamig na tubig. Binagsak ako ng lalaking ’to sa malaking bathtub na sobrang lamig ng tubig. Hindi pa siya nakuntento, pinosasan niya pa ako para siguraduhing hindi ako makakaalis dito.
“Gusto niyo ba akong manigas?! Hoy! Mga tanga! Alisin niyo ako rito!”
Nag-untugan agad ang mga ngipin ko sa lamig na nararamdaman. Kahit ang banyong ’to ay malamig sa hindi ko malamang dahilan. Ito ang tinutukoy ng gagong lalaking iyon. Hindi pa siya kuntentong binabad ako sa arawan, ginawa pa talaga ito.
Sa panginginig dahil sa lamig, nakuha ko pa ring makatulog dahil sa sobrang hina at pagod ng aking katawan.
I just woke up lying in bed. Iba na ang damit ko and my hands and feet are no longer tied. Bakas na bakas sa balat ko ang mahigpit nilang pagtali. Mahapdi ’to at namumula. Walanghiya sila.
Hindi ko na inisip kung sino ang nagbihis sa akin dahil hindi naman masakit ang aking gitna. Wala rin naman akong naramdaman kanina na may iba silang ginawa sa katawan ko.
Tatayo sana ako nang bumukas agad ang pinto. Gusto ko tuloy malaman kung may cctv camera ba rito dahil tila napapanood nila ako.
Kinuha ako ng dalawang tauhan, kinaladkad sa kung saan. Masakit ang isang binti ko kaya ika-ika ako maglakad.
Lumabas kami sa malawak na bahay na ’to, napunta kami sa isang kwartong may lalaking nakatayo. Alam kong siya na naman dahil nakamaskara ito. Bumato siya ng isang dart at wala iyong mintis bago ako harapin.
“How‘s your sleep? Nagkasipon ka ba dahil sa lamig?”
Inupo ako ng dalawang lalaki sa sofa. Nasalubong ko ang mga tingin ni Cyprus. Ang mga mata niya ay wala kang mababasa. Walang emosyon kun’di pagiging malamig lamang. Kung tumingin siya sa akin ay tila wala lang.
“Have you eaten breakfast? Before we play,” aniya.
Bumato na naman ng dart. Madali lang para sa kaniya ang nilalaro niya.
“Sino ka?” lakas loob kong tanong.
Hindi niya ako sinagot. Sa kwartong ’to ay pinapasok niya lahat ng tauhan niyang nakaitim lahat. Base sa tangkad at mukha, may binata at may mga matatanda.
“Ask them,” he ordered. Nakangisi na naman siya.
Hindi ko siya sinunod. Kapag galing sa kaniya pakiramdam ko ay hindi totoo. Nakikipaglaro lamang siya.
“Sa tingin mo ilan lahat ’yan?” tanong niya na naman. Hinarap na ako. “Singkwenta ang nasa loob ng bahay at iba pa ang mga nasa labas. Paano ka na makatatakas?”
“You liar! Kung be mine ang napili kong pinto, parang death pa rin ang pinasukan ko dahil sa ginagawa mo. Ang sabihin mo ayaw mo akong patakasin!”
“Wow.” Hindi ko makita ang reaksyon niya dahil sa maskara. “Ipakilala niyo ako sa alaga natin kung sino ba ang kinakausap niya,” utos niya sa mga tauhan kaso ni wala man lang sumagot. “Ayaw ka nilang sagutin.” He laughed a little. “E, paano sasagot? Pinutulan ko lahat ng dila. Tinahi ko pa ang mga labi.”
Nanlaki ang aking mga mata sa kaniyang sinabi. Isa-isa kong tiningnan ang mga tauhan niya at tama siya sa sinabi niya.

Komento sa Aklat (1)

  • avatar
    SandiganMomena

    That so nice 👍

    15/02

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata