logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 3:

Azy’s POV
Sa kagustuhan kong malaman kung anong nangyari sa aking pamilya ay pumunta ako sa police station. May isa namang pulis ang agad na nag-asikaso sa akin dahil alam niya raw ang kaso na ’yon.
“Hindi ako naniniwala na kaya nabangga ng truck ang sinasakyang jeep ng pamilya mo dahil lang sa overtake. Hindi ako ang magpapasya sa suspek kaya naisantabi ang hinala ko,” pahayag niya sa akin. “Nang masarado ang kaso ng pamilya mo, may taong nagpiyansa sa suspek ng napakalaking pera kaya agad ding nakawala. Pasensya na, miss. Kung ako ang nasa sitwasyon mo, lubos ang mararamdamang galit ko. Ang kapal ng matandang ’yon.”
Agad din palang nasarado ang kaso ng pamilya ko. Nakatatawa. Dahil sa pahayag ng pulis ay mas lalong nadagdagan ang galit na nararamdaman ko sa puso.
Gabi na nang matapos akong magtanong-tanong. Lahat sila ay iisa ang pahayag. Gusto kong malaman ang pangalan ng suspek para pagtanongan pero ni isa sa kanila ay walang nagbigay. Ang dami nilang sinabi na kesyo hindi pinubliko at kesyo tumakas na sa Manila.
I’m just fourth year college student. Isa lamang akong estudiyante, walang trabaho at walang sapat na pera para ipaglaban ang hustisya ng pamilya ko. Dahil sa problema kong kinakaharap, ni hindi ko man lang nabisita ang school ko para magtanong tungkol sa aking pag-aaral.
Sakto, may nagmensahe sa akin. Isa sa kaibigan ko. Ang dami kong kaibigan pero ito lang ang isang nakaalala sa akin.
From: Mina
Uy, be. Ba’t ka nagtransfer ng school? Dahil ba ’yon sa pagnanakaw mo ng voucher ng mga estudiyante? I-kikick out ka sana kaso ikaw na mismo ang umalis.”
Nakaw?!
Hindi ko siya nireplyan. Mabuti na lang hindi ako bumisita sa school ko dahil wala talaga akong alam na nangyayari sa buhay ko.
Nagmadali akong maglakad dahil kanina ko pa nararamdamang may sumusunod sa akin. Sa kaba kong iyon ay napatili ako nang may humila sa akin papasok sa isang madilim na eskinita.
“Nice to meet you again.”
Boses lalaki. Ang boses na ’to ay pamilya sa akin. Nasa likuran ko siya. Hawak-hawak ang bibig ko at may nakatutok na kutsilyo sa aking leeg dahilan para hindi ako magpumiglas.
“Nagustuhan mo ba ang surprise ko sa ’yo?” kalmado niyang tanong.
Kinagat ko ang kamay niya kaya nakapagsalita ako. “Ikaw ang pumatay sa pamilya ko! Pinatay mo sila!”
“It’s my surprise. Don’t you like it, woman?” napatawa siya ng mahina. “I’m here para ipaalam sa ’yo na hindi escape ang napili mo. From now on you are mine. I only showed my surprise because I want to see you cry.”
Sa inis ko ay malakas kong sinipa ang nasa gitna niya kaya agad ’tong napadaing. Hindi man lang siya natumba. Naihawak niya lang doon ang dalawang kamay niya. Ngayon ko lang din napansin na nakamaskara ang mukha niya.
“Tulong! Tulong! May tao ba riyan?! Tulong!” panay ko sigaw habang tumatakbo. “Tulungan niyo ako!”
Madilim sa kalsada at puro puno. Hindi ko alam na kapag ganitong oras pala ay wala ng mga sasakyang dumadaan pero hindi ako nawalan ng pag-asa. Alam ko kung paano makalalabas dito.
“Tulong!” walang tigil kong paghingi ng tulong.
Tumingin ako sa likuran. Nakita kong sumusunod pa rin siya sa akin. Naglalakad lamang siya at ang isang kamay ay may hawak na kutsilyo. Kita ko ang mga mata niyang nanlilisik sa akin.
Panay lang ako takbo. Nabuhayan ako ng loob nang makita kong may mga pulis na nagpapatrol. Tumingin ako sa likuran at nawala ang lalaki kaya agad akong pumunta sa mga ito.
“Miss, ayos ka lang?” tanong agad ng pulis sa akin. Napansin na hinihingal ako.
“May humahabol sa akin! Gusto akong patay—”
Hindi natuloy ang pagsasalita ko nang mapansin kong apat silang pulis pero ni isa sa kanila ay wala man lang nakasuot ng police duty belt.
Naramdaman ko ring may lalaking huminto sa aking likuran. Dahan-dahan ko ’tong hinarap at hindi nga nagkamali, nasa likuran ko na siya.
Mas lalo siyang lumapit sa akin. Halos magdikit na ang aming katawan. Diretso lamang ang tingin niya hanggang may injection siyang sinàksak sa aking likuran rason para maramdaman kong inaantok ako.
            Nagising ako nang maramdaman kong napapaso ang balat ko sa init. Pagkadilat ko ng aking mga mata ay nasilaw agad ako kaya muli akong pumikit. Tatayo sana ngunit tila umuuga ang kinalalagyan ko kapag gumagalaw ako kaya minulat ko muli ang aking mga mata.
Nakita kong nakatali ang aking mga pulsuhan pati ang aking mga paa. Agad akong nataranta nang mapagtantong nakahiga ako sa maliit na bangka. Mas lalo akong kinabahan na nasa malawak na lawa ako. Pantay na pantay ang tubig nito dahilan para hindi ako agusin sa kung saan.
Pinilit kong umupo pero hindi ko magawa. Kapag nagpumilit akong tumakas dito, siguradong malulunod ako.
Nilibot ko ang aking tingin. Puro lupa lang ang aking nakikita. Wala man lang nakapalibot na mga puno’t halaman dahilan para mas mapaso ang balat ko sa init. Ramdam ko na rin ang uhaw.
Balak ba akong patayin ng lalaking ’yon?
“May tao ba riyan?!” malakas kong sigaw na walang sumagot.
Anong atraso ko para gawin sa akin ng lalaking ’yon ang ganito?
“Tulungan niyo ako!” sigaw ko pa.
Wala akong ibang naririnig. Tanging ako lang talaga ang nandirito. Nanatili akong tahimik at naghintay na baka may tumulong sa akin ngunit umabot ang gabi ay wala talaga akong nakita ni kahit kaninong anino.
Gusto kong yakapin ang sarili ko dahil sa lamig. Nanghihina na rin ako dahil sa gutom at sakit ng ulo. Hindi ko alam kung paano makakaalis at alam kong nasa kamay na naman ako ng lalaking ’yon kaya hindi ako nagdalawang isip na ugain nang ugain ang bangka upang mahulog ako sa tubig.
Ilang sandali lang naramdaman kong nalaglag ako at nabasa. Pinikit ko ang aking mga mata at hinayaan ang sariling lumubog.
Kung ganito lang din naman pala ang mangyayari sa buhay ko, mas magandang maaga na akong mamatay.

Komento sa Aklat (1)

  • avatar
    SandiganMomena

    That so nice 👍

    15/02

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata