Azy’s POV I woke up with a headache. Add to that the sunlight coming through this bedroom window. Bumangon ako sa kama na may kasamang pagdaing. Ang isang kamay ay pinipiga ang ulo dahil grabe ang sakit nito. Napatigil lang ako sa ganoong ginagawa nang makita ko ang suot ko. Hospital gown? Dahil sa pagtataka ko ay minulat ko na nang tuluyan ang aking mga mata. Mas lalo pa ’tong nanlaki nang mapagtanto kong nasa isang kwarto ako ng isang ospital. Walang duda ang aking hinala. Wala namang kung ano-anong aparato ang nakasaksak sa aking katawan kaya tumayo agad ako at pumunta sa bintana. Binuksan ko ’to at hinawi ang kurtina. Ganoon na lamang akong malula dahil nasa pinakamataas na palapag yata ako. Ang mga kotse at halaman sa ibaba ay tila naging langgam. Naramdaman ko pang humampas ang malakas na hangin sa aking mukha. Sinubukan kong buksan ang isang bintana ngunit nakasarado. Dahil sa katarantahan, kaba at pagkagulo ay lumabas agad ako ng kwarto para makalabas dito. Wala akong sakit. Walang nangyari sa akin. “Hello?! May tao ba riyan?!” malakas kong sigaw nang matunton ang pasilyo. Mas lalo akong natakot dahil nababalutan ito ng katahimikan. Lahat ng pinto ay nakasarado. Ang mga ilaw sa dulo ay mga nakapatay. Gumamit ako ng elevator, humihinto ako bawat palapag para tingnan kung may tao ba pero tanging dilim ang bumubungad sa akin kaya hindi na ako tumutuloy. Nasaan ako ngayon? Ang tagal kong makarating sa ibaba dahil sa sobrang daming palapag. Pagkarating ko sa lobby ay wala man lang bumungad na kahit ano sa akin. Bukod sa kinaroroonan kong palapag kanina ay itong lobby lang din ang may ilaw. Pumunta agad ako sa main door. Dumagdag ang kaba ko dahil nakakandado ito. Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang reception table na may telepono kaya agad akong tumawag sa numero. “Fuck!” malakas kong sigaw dahil hindi nakakonektado ang walang kwentang bagay na ’to. “Bakit ba ako nandirito?! Wala akong sakit!” Napahilamos ako ng mukha. Pilit ko ring inaalala ang nangyari sa akin bago ako mapunta rito pero ni-isang pangyayari ay wala man lang pumapasok sa isip ko. Tuluyan na akong nawalan ng pag-asa kaya napaupo na lang ako sa sofa. Kahit sa labas ay wala man lang taong dumadaan. Wala man lang ding sasakyan. Hindi ko alam kung paano ako makalalabas at hindi ko alam kung paano ako makahihingi ng tulong. Napatingin ako sa salamin. Nakita ko ang sarili kong wala namang pinagbago. Walang nakabenda. Walang kasugat-sugat. Ganoon pa rin. Normal. Mas lalo tuloy akong nagtaka kung sino ang taong may lakas loob ikulong ako sa ganito. Alam kong may gumawa nito para mapunta ako rito. Maya-maya lang ay may narinig ako sa buong ospital na tunog ng speaker. Ilang sandali lang ay may lalaking nagsalita gamit ang baritonong boses. “I’m glad you’re awake,” aniya. Naestatwa ako dahil doon. Malamig at seryoso lamang ang kaniyang boses. Nakuha nitong pataasin ang balahibo ko dahil pumasok agad sa isip ko na itong lalaking ’to ang nagkulong sa akin sa sobrang taas na hospital building na ito. Sa kagustuhang makalabas at sa inis dahil hindi ko malaman ang dahilan niya para paglaruan ako kaya agad akong nagtanong. “Nasaan ako?! Who are you?!” buong lakas kong sigaw. “Alam kong naririnig at nakikita mo ako! Natutuwa ka bang panoorin akong desperadang naghahanap ng daan para makalabas?! You moron!” “That’s your punishment. Calm down,” he said. Kalmado lang ang boses niya at hindi siya apektado sa pagdedeliryo ko. “Find the three doors. There’s a death, escape and be mine. Let’s play, okay?” “What?!” hindi ako makapaniwala dahil doon. “Wala akong maisip na rason para mapunta ako rito! Anong punishment?! I didn’t do anything! You stupid!” “How dare you para pagsalitaan ako ng ganiyan? You don’t know me,” nag-iba ang tono ng pananalita niya. “Ikaw ang magdedesisyon sa buhay mo. Mananatili ka riyan ng walang pagkain at tubig at hihintayin na lang ang sariling mamatay? O hahanapin ang pinapahanap ko at kung ano ang pipiliin mo, iyon ang kapalaran mo. What happens in your life depends on you. If escape is what you get. All right, run away. If it’s death, then die, woman.” Gustong-gusto kong makita ang lalaking nagsasalita upang saktan ito dahil sa paglalaro niyang ginagawa. Ayoko namang mamatay na lang dito dahil hinihintay ako ng pamilya ko. Alam kong nag-aalala na sila sa akin. “Saan mahahanap ’yon?” tanong ko. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. “Ano ba sabi ko kanina? Find.” “Are you dumb?! Ang daming palapag dito at hindi ko alam kung saan pupunta!” “You are too pitiful,” pang-aasar niya. “Why don’t you look behind you?” Sinunod ko ang gusto niya. Tumingin ako sa likuran. Dilim lang ang nakita ko pero nang bumukas ang ilaw ay nakita ko ang tatlong pintuan na puro kulay itim. “Choose wisely,” aniya bago mawala ang koneksyon sa kaniya. Doon na sunod-sunod tumibok ang puso ko dahil sa kaba. Nanginginig ang mga tuhod kong lumapit dito. Tinitigan ko ng maigi ang tatlong pintuan. Hindi agad ako nakapili dahil ang boses ng lalaking ’yon ay may determinasyon. Please, guide me. Pinili ko ang pintuang nasa kaliwa, uminit na lang yata ang palad ko sa doorknob dahil hindi ko mapihit. Nilakasan ko ang loob ko at binuksan ’to. Liwanag ang bumungad sa akin. Walang pag-aalinlangan akong naglakad papasok. Hindi ko pa nakikita ang resulta ay may isang tao na agad na bumaril sa akin dahilan para bumagsak ang katawan ko sa sahig at mawalan ng malay.
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
That so nice 👍
15/02
0Tingnan Lahat