logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 6 First Met

"Kasalanan mo 'to eh! kaya napalabas tayo!" Inis na reklamo ko kay Brion habang nasa hagdan kami at nakaupo.
"Ako na nga nauntog, ako pa may kasalanan." Balik nyang reklamo sa akin.
"EH! BAKIT KASI PAHARA HARA YAN SA LAMESA KO??!! ALAM MO NAMANG NAGSUSULAT AKO!!!" Pagtukoy ko sa siko nyang nakatuon kanina sa notebook ko.
"I don'y like your hand writing, it looks like kinahig na manok. Its much better if hindi ka na lang magsulat." panlalait nya.
Aba bakit parang kasalanan ko pa kung panget ang sulat ko? Kaya ba ayaw nyang makita na nagsusulat ako?
"EH BAKIT KA KASI TUMITINGIN?" Gigil sa inis kong tanong sa kanya.
"It's so distracting. My head is spinning."
So parang kasalanan ko nga? Oh! wala pa ding may pake! Sino ba sya? Ano sya chicks!
"Ano ba kasing pakialam mo?! at pati sulat ko pinapakialaman mo!" mataray kong tanong.
"Nakakaturn off."
"OH ANO NGAYON??! DI KO KAILANGAN NG PAGHANGA MO!"
'Ano bang pakialam ko kung maturn off sya sa sulat ko diba?! Unang araw na unang araw nya kung makapangbwisit sagad to the bones!'
"Next time, I will teach you how to write an alphabet. Para ka kasing hindi nag grade 1 sa sulat mo..." Kinuha nya ang cellphone saka nagpipindot doon. Pagkatapos ay pinakita nya sa akin ang nasa screen ng cellphone nya.
"Oh anong pakialam ko jan?" pagtukoy ko sa pinapakita nya.
"That's what we called an alphabet." pagtuturo nya. Walang may paki!
'SIRA DIN ANG TUKTOK NG ABNOY NA 'TO!'
"That's what A up to Z look like." turo nya sa mga alphabet.
"Alam ko!" pagsusuplada ko.
"That's good. Ganito ang pag-sulat ng 'A'" ani nya na gumuguhit sa hangin.
"Masarap ba?" tanong ko sa kanya kaya natigilan sya saglit at kunot noong tumingin sa akin.
Masarap bang mang asar?
"What?" naguguluhan nyang tanong.
"Anong lasa?" muli kong tanong.
"Masarap ba?" paguulit ko muli ng tanong kaya lalong kumunot ang noo nya, sarap nyang tingnan HAHAAHH. Ano kayang iniisip nya? HAHA.
After a few seconds of silence ay bigla syang ngumiti, "you wanna taste it?" kinagat pa nya ang pangibabang labi kaya ako naman ang nangunot ang noo.
"Ha?" wala sa ssarili kong sagot.
"I said if you wanna taste it?" tanong nya na may pilyong ngiti. Alin ba?
"You wanna taste my lips, my tongue, my mouth every corne---" pinutol ko na agad ang sunod sunod nyang pagsasalita saka mabilis syang tinalikuran.
"Wait! you said earlier if masarap ba? so I guess about yun sa kanina na sabi mo ay hahalikan mo ko sa harap nila, but I don't know if I taste good. You're safe here wala namang tao.. Tayong dalawa lang so you can tast---"
"ABNORMAL!!!" At mabilis ko na syang iniwan. Abnoy ang lalaking yon!
'BWISITTTTT!!!!!'Ano bang utak mayroon ang lalaking yon?!!!'
Bat kasi nagtanong pa ako kung 'masarap ba?' ang ibig ko lang namang sabihin kung masarap ba sa pakiramdam ang mamikon kasi ako gustong gusto ko na syang hampasin!
Nang dahil sa inis ay nilayasan ko sya saka pumunta sa rooftop para makapagpahangin.
Bakit kasi sa daming makakatabi ay sya pa? napakapakialamero, may sayad ang bungo! Kulang ang pag iisip! Abnormal!
Habang nakacross arm at nakatayong nakatingin sa malayo, nag aalis ng inis, hindi ko na namalayan pa ang oras ng may maramdamang tao mula sa likod ko.
"Ano ba! hanggang dito ba ay susundan mo pa rin ako?"
"Ah eh sorry" nagulat ako sa boses na iyon at mabilis na humarap sa kanya ngunit saktong tatalikod na sya ng mahawakan ko ang kamay nya.
"Malachi, sorry. Akala ko kasi masamang espirito." paghingi ko ng paumanhin.
Kumunot naman ang noo nya sa sinabi ko, "ah ang ibig kong sabihin ay akala ko yung kumag na kasama kong napalabas kanina."
Ngumiti naman sya sa akin, "ayos lang." Bibitawan ko na sana ang kaniyang kamay ng naramdaman kong hinigpitan nya ang pagkakahawak sa kamay ko.
"Ahhh Mik--" naputol nyang tawag ng magsidatingan sa rooftop sina Matteo na may hawak hawak na mga pagkain at napatingin pa ito sa kamay naming magkahawak ni Malachi at medyo natigilan.
"Nakaabala ba kami?" mapaklang tanong ni Matteo "Sige balik ka nalang sa room pagkatapos nyo." Tinalikuran nya na ako.
Nakatingin lang sa akin sina Cathy at Jeniah saka unti unti na ring tumalikod kasunod ni Matteo kaya agad kong inalis ang hindi ko na namalayang magkahawak naming kamay ni Malachiat tumakbo agad ako papunta sa kanila.
'Kaya naiwan si Malachi.'
"Matteo! Sandali" pag habol ko sa kanila ngunit hindi nila ako pinansin at dire diretso lang sa pagalis, kaya binilisan ko pa ang paghabol sa kaniya.
"Matteo!" paghawak ko sa kaniyang kamay kaya tumigil sya saglit ngunit hindi humaharap sa akin. "Matteo, hindi ko sinasadyang mahawakan ang kamay nya."
"Ayos lang." tugon nya na nakatalikod pa rin sa akin saka ipinahid ang kabilang likod ng kamay nya sa mata.
"Umiiyak ka ba?" nag aalala kong tanong sa kanya ng hindi sya makaharap sa akin.
"Ahh ano hindi, parang napuwing lang." pagdadahilan nya.
"Binili na nga pala kita sa canteen ng paborito mong pancake, nakita ko kasi may tinda kaya naalala kita." Nakatungo nyang sabi at inabot iyon sa akin.
"Sige CR lang ako." Sabay tanggal nya ng kamay ko sa kamay nya at tinalikuran na ako.
Umuna na kami nina Cathy at Jeniah papuntang classroom at ng makaupo ay napatingin ako sa bigay na pancake ni Matteo.
Hindi pa rin nya talaga nalilimutan ang pancake na paborito ko kaya wala sa sarili akong napangiti lalo na ng may naalala.
'Bakit ka umiiyak?' tanong ng isang batang lalaki at lumapit ito sa isang batang babae saka tumabi sa pagkakaupo.
'Gusto ko na kasing umuwi sa Madrid' malungkot na ani ng batang babae 'ayaw ko na dito!' naiiyak pang dagdag nito. 'Miss ko na si mama, si papa, pati ang aking nakababatang kapatid.'
'May mga bagay talaga na sadya nating iiwan pag dating ng araw, kaya ngayon palang sinasanay na rin nila tayong mabuhay ng wala sila.' Pangangaral ng batang lalaki na akala mo'y isang matandang mangangaral.
'Pero ayaw kong dumating ang araw na mawala sila sa akin,' malungkot na ani ng batang babae.
'Kaya dapat mas galingan pa natin para maprotektahan natin sila pagdating ng araw.' Nakangiting pangungumbinsi ng batang lalaki
'Ngunit darating ang panahon na kahit anong protekta natin sa kanila, tadhana na ang maglalayo sa atin sa kanila.'
'Tama ka, sapagkat hindi lahat ng buhay ay kaya nating protektahan kung iyon ang nakatakda sa kanila ay wala na tayong laban. Tayo ang susunod na henerasyon, kaya dapat mas pag igihin natin, dahil hindi lang para sa atin ang laban na ito kundi para sa ating pamilya at sa kapayapaan ng bawat nating nasasakupan.'
Bahagya namang ngumiti sa kanya ang batang babae at inabutan ito ng batang lalaki ng isang pancake 'Wow! paborito ko yan! san galing yan,' ngiting ngiting ani ng batang babae. '
May nagbigay lang sa akin.'
'Hati na tayo!' masayang sambit ng batang babae saka nya ito hinati at binigay ang kabiyak sa batang lalaki. "Ano palang pangalan mo?"
"Ah ako nga pala si Matteo" nakangiting pagpapakilala ng batang lalaki.
"ako si Mikas!"
"HEY!!" Biglang pang gugulat ni Jeniah kaya nabalik ako sa reyalidad. "Bat ka ngumingiti mag isa jan?" natatawang sambit ni Jeniah at umiling lang ako sa kanya.
Hindi ko namalayan na katabi ko na pala si Matteo at nakatingin rin sa akin, "hindi mo ba nagustuhan?" Takang tanong nya ng hindi ko pa kinakain ang pancake.
"Nagustuhan ko" nakangiti kong sambit, "may naalala lang ako, Hati na tayo!" Masaya kong sabi na ikinataka nya saka ko hinati yung pancake at binigay sa kanya.

Komento sa Aklat (148)

  • avatar
    CaasiJasmin

    Ganda ng story kaso bitin, may book 2 na po ba ito?

    17/01

      0
  • avatar
    Yohann Emponado

    thanck you

    02/12

      0
  • avatar
    Johnsen R Marin

    ilove this app its to coll

    02/11

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata