logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

FIGHT - 6

FIGHT - 6
"You can stay here as long as you want, hija. Feel at home." Theo's mother welcomely said to Dorry.
Simula nung pinalayas siya ng ina niya sa mismong pamamahay nila, naglakas-loob at kinapalan na niya ang mukha na sa bahay muna nina Theo mag stay.
"Maraming salamat po, tita Thrina." nahihiyang sabi nya.
"Naku, wala 'yon, Dorry. O sige, maiwan muna kita dito sa guest room ha, may aasikasuhin pa kasi ako eh." paalam nito at lumabas na ng silid.
Mag aalas-diyes na ng gabi at mabuti na lang ay naabutan pa niyang gising ang ina ni Theo. Nakaramdam ito ng awa ng makita siyang basang-basa ng ulan nang makarating sa bahay nila kaya kaagad niya siyang pinapasok sa pamamahay.
Dorry grab her belt bag and bring out her phone. Good thing it didn't got wet thanks to her water proof belt bag.
"Bud, gising ka pa ba?" she chatted Theo. "Nandito pala ako sa guest room nyo. Saka ko na sasabihin ang mga nangyari kapag nagkaharap tayo... Ge, sana bangungutin ka."
Then she pressed sent.
Ibinaba niya ang phone sa tabi niya at nahiga saka tumitig sa kisame. She prayed that someday, her parents will support her on everything she wants in life like other parents do to their child.
Her phone rang so she sat up and see who's the caller.
Oh, it's a video call from Theo. So he's still awake?
"Bud! What the hell is happening to you?! Ano na naman ang ginawa mo at pinalayas ka sa bahay nyo?! Wait-- I think I know the reason. Is it because of your hair?" dire-diretso nitong tanong sa kanya.
Ngumiti siya ng pilit at handa na magpaliwanag nang bigla nitong pinatay ang video call.
Napatanga sya. "Problema nun?"
Maya-maya ay narinig nya ang sunod-sunod na katok sa pinto ng guest room kung nasaan siya ngayon kaya bumangon muna sya at pinagbuksan ang kumakatok.
"Oh? Bakit ka pumunta dito?"
"Bakit? Hindi ba ako ako pwede pumunta dito?" sagot ni Theo at diretsong pumasok ng silid at naupo sa gilid ng kama saka pinagkrus ang braso sa tapat ng dibdib. "Explain."
Dorry exhaled and started to explain all what happened before she landed here in Davis' house.
Hindi makapaniwala si Theo na itatakwil siya ng sarili niyang magulang ng dahil lang sa kagustuhan ni Dorry. Mali naman talaga ang hindi sumunod sa ating mga magulang pero sakal na sakal na siya na palagi siyang control ng kanyang magulang na parang hindi siya pwedeng magdisisyon para sa sarili niya.
"I'm not a kid anymore, bud. I know what I'm doing and that's what I want for myself. Alam kong hindi ako straight, okay? Feel free to judge or insult me whenever you want. But I can't change myself the way they want me to be. It's my choice. And I will never ever regret it." Dorry said with her head held high.
Tinapik ni Theo ang balikat niya. "Bud, we're just ten years old. Bata pa tayo. But I admired you though. For being tough and strong to have your own decision and to think what's best for you." he softly smiled at her. "Anyway, I have to go. Maaga pala akong aalis bukas kasi may practice pa kami ng bball--"
"Wait. Sama na ako sayo. May training din kami sa taekwondo. And I don't want to be late either."
Theo shrugged before left the guest room. "Okey dokey."
THE morning came and as planned, the two woke up early to go to their practice in their own sports. But when Dorry's training in taekwondo ended, she didn't expect that the sports coordinator gathered them to have a short but important meeting.
"Listen up, athletes! Today, I will distribute to you all the waiver that you will give to your parents and get their permission to sign up for the upcoming competition in Korea. This is important for you to enter the competition so don't lose it, understood?"
"Yes, sir!" all athletes yelled.
"Good."
Matapos ang ilang minutong pagtitipon, lahat ng mga atleta ay bumalik sa kanya-kanyang silid para sa kanilang klase. Sabay si Dorry at Theo na bumalik kahit tinamad na si Theo magklase dahil pagod sa training.
But Dorry did everything para lang mapapayag siyang pumasok sa klase. She even threatened him.
Ang tanging laman ng isip ni Dorry habang nagkaklase sila ay kung paano niya mapapapermahan ang ibinigay sa kanilang waiver.
Alam naman niyang hindi gusto ng mga magulang niya na mag taekwondo siya. Lumaban pa kaya sa ibang bansa?
Napailing-iling siya. "Tsk. Think, Dorry, think."
Kailangan niyang gumawa ng paraan para makasali siya sa laban ng taekwondo sa Korea. She must come up with a plan on how to covince her parents to let her compete on other country.
"WHY don't we cheat a bit?"
Dorry stilled at Theo's question while they're walking home.
"Anong ibig mong sabihin?"
Theo winked at the girls who passed through them before answering her question. "I mean, pwede mo namang huwag ipaalam sa parents mo na may kailangan silang pirmahan na waiver."
Binatukan ng isa ni Dorry si Theo. "Are you nuts? Paano ako makakasali sa competition nyan kung walang pirma ang waiver ko?"
Theo look at her with flaty face. "Bud, let my parents handle it. My parents will sign your waiver so there's no problem anymore!"
Nahulog ang panga ni Dorry sa sinabi ng kaibigan. Alam niyang puro kalokohan ang alam nito pero mukhang seryoso si Theo ngayon sa mga pinagsasasabi nito.
"W-We can't do that. I may get disqualified if they find out--"
"Then we won't let them find out about that." he sighed. "Kapag gusto, may paraan, bud. Di ba gusto mong makasali sa competition?"
Napalunok sya. "Oo pero, mali pa rin eh. Tsk. I don't know anymore, bud. Ang hirap kapag hindi suportado sayo ang mga magulang mo sa gusto mo."
Theo approached her and caressed her back to comfort her. "We will find a way, bud. Don't worry, I'm here to support you."
THE NEXT thing she knew, they were in front of Theo's parents who's begging to sign Dorry's waiver.
At first, his mother was suprised about that. Theo's mother knew that it was a kind of cheating but Theo didn't mind as long as Dorry could enter the competition.
"Oh come on, mom. Have mercy on us, please. This is the only way Dorry could enter that competition in Korea. Her parents couldn't support her and she only have us to do that so please, mom, sign her waiver."
Gustong-gustong pigilan ni Dorry si Theo na halos lumuhod na sa pagmamakaawa sa ina. Pero pinigilan niya ang sarili dahil gusto rin naman niyang makapasok sa laban.
Thrina, Theo's mother, sighed in defeat. "Okay I'll do it."
"Yes!" malakas na sumigaw si Theo sa tuwa ng mapapayag ang ina saka yumakap dito. "Thank you, mom. Love you!"
Mukhang mas masaya at excited pa ito kumpara sa kanya.
"Yeah, yeah. By the way," bumaling ang ina nito sa kanya. "Alam mo ba ang itsura ng pirma ng mommy mo, hija?"
Mabilis siyang tumango at nilabas ang phone para ipakita rito ang itsura ng pirma ng kaniyang ina. "Opo. Heto po."
Tinanggap nito ang phone niya at pinakatitigan iyon. "Hmm, this is a bit easy." she glanced at her. "Now, where's your waiver?"
Inilabas niya ang ibinigay na waiver sa kanyang bag at ibinigay sa ginang.
Then after a few seconds, Thrina handed the waiver to her. Shocking her big time when she saw the signature above her mother's printed name.
Hindi siya makapaniwalang napatingin sa ginang. "Wow. Kamukhang-kamukha po ng pirma ni mommy. Ang galing nyo po!"
Theo smirked. "Told yah I had a best mom in copying signatures-- aww!"
"That's for helping purposes only, my son. Masyado mo namang pinapamukhang mandaraya ako." sabi ng ginang sa anak.
She laughed at what she said but what makes her laugh even more is Theo's expression behind her mother when she left them at the living room.
Now that her problem is solved, she felt a little bit ease and relieved.
Dorry was about to stood up to go to the bathroom when her phone rings so she checked it. It was her brother calling.
"Hello, Kuya?"
"Oh, hi beb!" sagot nito sa kabilang linya. "I'm sorry hindi ako nakatawag kaninang umaga. May emergency lang kasi eh. By the way I'm here in the Philippines to meet up with my bussiness partner and a client. I think matatagalan ako dito but I'm sure na hindi ako uuwi hanggat wala akong pasalubong sayo."
She stilled. "Nasa ibang bansa ka?" nakaramdam sya ng pagtatampo. "Iiwan mo ako kasama nina mom at dad?"
Natahimik ang kapatid sa kabilang linya.
"Uhm," Branden cleared his throat. "Hindi sa ganon, beb. But I'll do everything I can to get back to you as soon as possible, okay? Ano ba ang gusto mong pasalubong, hmm? I'll give it to you right away. Pwede ko rin namang ipadala jan."
Mahina syang natawa. "Kuya, alam mo naman na ayoko ng mga gamit at foods jan sa Pilipinas."
"Oh... okay I remember! Hahaha! Anyways, wala ka bang gusto na pwede kong ipadala jan?"
Huminga siya ng malalim. "Sarili mo, Kuya. Sarili mo ang gusto kong ipadala dito." she heavily sighed. "You know that I only have you, right? So please, hurry up and get back here."
DORRY
"Ano bang nangyayari sayo, ha? Kanina ka pa dyan tulala eh."
Bumalik ang diwa ko sa tanong ni Astrid na kakarating lang sa mesa namin dito sa Butter Café na pinag pa-partime-man nila ni Mars. Si Astrid din ang nag serve ng order namin na milktea, cheese burger, honey garlic chicken, pasta at fries.
It's our cheat day after all.
"Wala 'yon. Gutom lang 'to." sagot ko at tinulungan siyang ilapag ang mga pagkain sa mesa.
Astrid just rolled her eyes and shrugged then left the table. Sakto naman na lumapit sa amin si Marzena na may hawak na papel at inabot iyon kay Hanelle.
"Ahm, ano ito?"
"Bills." nakangiting sagot ni Mars sa kanya.
"Huh? Di ba dapat pagkatapos pa namin kumain ibigay ang bills?" tanong ni Ara.
Napailing-iling ako at kinuha ang papel ng listahan sa bill ng pagkain namin kay Hanelle saka inilabas ang aking pitaka sa bulsa at nag abot ng limang libo kay Mars.
"Oh heto na po, madame. Huwag nyo na pong gambalahin si Hanelle at baka malipasan 'yan ng gutom."
Napangiti at napapalakpak si Hanelle sa tuwa. Siya dapat ang magbabayad ng bills naming lahat dahil siya ang may pinakamaraming mali na steps namin sa cheer dance.
"Thank you, Dorry!"
I winked. "Don't mention it."
"HEY yow people!"
Nabulabog lahat ang mga customers na kumakain dito -- kasama na kami -- nang biglang bumukas ang pinto ng Butter Café at iniluwa non ang mga magbabarkada na sina Hunt, Carter, Philip, Aiden, Zac at Theo.
Lumapit si Rylee sa akin at bumulong. "Ano na naman kaya ang balak ng mga 'yan? Tsk. Sarap hambalusin."
I evily grinned. "Shall we?"
Natawa sya at pabirong hinampas ang balikat ko. "Gagi. Maghahanap ka na naman ng away."
Lumapit ang anim na mga hudyo sa amin at nagkanya-kanyang kuha ng upuan at ipinagpilitang ipagsiksikan ang kanilang mga upuan sa aming parihabang lamesa.
"Hey, bud, how are you? Still upset because of yesterday?"
I glared at Theo who sit next to me. "It was all your fault, bud."
He look confused. "Huh? Why me? Wala naman akong ginawang masama kahapon ah. I even cheered you up, bud. Ikaw itong nagkamali ng steps tapos ako 'tong sisisihin mo? Ano ka, chicks?"
Nagtawanan lahat ng lalaki sa table namin sa sinabi ni Theo.
"Bro, may itsura naman si Dorry ah but as a guy and not as a woman. She even cut her hair to look like she's one of us but still she looks like a woman, bud! Fuck. Why do you even trying so hard, Dorry? Hindi naman bagay sayo." Aiden let a loud laugh.
"Hey! You're insulting her, you piece of shit." liningon ako ni Theo. "You okay, bud?"
Mapakla akong tumawa saka tumayo at bitbit ng duffel bag ko. "Una na 'ko." sambit ko sabay alis ng Café.
Rinig kong paulit-ulit tinawag ng mga kaibigan ko ang pangalan ko pero hindi na ako naglakas ng loob pang lumingon.
So while walking away towards to my apartment, I just noticed that Kuya hasn't been senting me a message or email after I send him last week some many messages on his email account to ask him where he was located here in the Philippines.
Halos araw-araw ako nag memessage sa kanya sa email pero na-busy ako ngayong week kaya nakalimutan ko na rin na hanapin si Kuya.
It's almost been a year since I started to live here in the Philippines but I still haven't heard about him. Hindi rin sya nagpaparamdam kung nasaang lupalop ba siya rito sa Pilipinas. Minsan nga iniisip ko na lang na kinalimutan na niya ako. Ni si ate Freyah na girlfriend nya hindi alam kun nasaan sya. Hindi rin sya ma-contact o matawagan.
Sometimes nightmares visit me every night I fell asleep. And the bad thing is, it's all about Kuya. So I've been starting to worried about him everytime I dreamed about him that he's in the middle of danger.
Good thing Theo's here to help me find him but as you can see, he's always busy playing basketball especially managing at his own bar where he can find hot sexy girls on each and every corner of the bar.
Tumigil ako sa paglalakad ng makitang malapit na mag kulay pula ang traffic light pero nahagip ng mata ko ang isang matandang kuba ang likod at mabagal maglakad na may bitbit na karton ng grocery at mga plastik na may mga prutas at gulay.
Naaawa ako dahil pilit niyang binibilisan ang lakad dahil mag kukulay pula na ang traffic light kaya tumakbo na ako patungo sa kanya at tinulungan siyang bitbitin lahat ng dala niya at inakay patawid sa kabilang kalsada.
Hindi pa kami nakakakalahati ay nagkulay berde na ang traffic light. Means aandar na ang mga sasakyan kaya may mga ilang bumusina na sa amin.
"Hoy! Magpapakamatay ba kayo, ha?! Mga hinayupak! Mga abala!" sigaw nung truck driver na kanina pang busina.
I clenched my jaw and raised my middle finger. "Tangina kang kalbo ka! Kita mo bang may matandang tumawid dito?!"
"Aba! Ibang klase kang bata ka ah! Gusto mo bang sagasaan kita?!"
Ngumisi ako. "Sige! Gawin mong tanga ka! Tignan natin kung sinong hindi makakakita ng gagawin mo."
Tumingin ito sa paligid at biglang nagulat nang makitang lahat ng tao ay nakalabas ang cellphone at nakatutok sa kanya ang mga camera.
Natahimik naman ang truck driver at hindi na nagsalita pa kaya itinuloy namin ang paglakad habang akay ko ang matanda.
"M-Maraming salamat, hija. Nasigawan ka pa tuloy nung lalaki kanina." usal nito nang makarating kami sa kabilang kalsada.
Namulsa ako matapos ibigay sa kanya ang mga bitbit ny kanina. "Naku wala ho iyon. Huwag nyo na po pansinin yung kalbong lalaki. Gago ho iyon."
Tinanong ko siya kung may sundo ba dahil napakarami niyang bitbit. Baka mahirapan siya bago pa makarating s kanila kung dala niya iyan lahat. Mabuti at sumagot ito na meron siyang sundo kaya napanatag ang loob ko.
"Pero bakit ang dami nyo naman pong pinamili? Para pong nag panic buying kayo nyan."
Mukhang natigilan ang matanda at lumingon sa kanan at kaliwa saka lumapit sa akin para bumulong.
"Hija, ngayon pa lang kailangan na ng mga tao mag-ingat at hanggat maaari, manatili tayong sa bahay na lang at huwag nang lumabas habang maaga pa. Iwasan rin natin ang makihalobilo sa ibang tao kaya binabalaan kita, hija."
Kumunot ang nuo ko sa sinabi niya. "Ano pong ibig nying sabihin? Bakit naman po hanggat maaari ay manatili tayo sa bahay na lang?"
"Hindi mo pa maiintindihan sa ngayon, hija. Pero darating ang panahon na may kakalat na sakit na uubos sa maraming tao."
Natulala ako sa sinabi niya. That doesn't make sense and she's right. I didn't get it. Hindi ko alam kung ano nng ipinapahiwatig niya. Maybe ganun lang talaga ang mga matatanda. Nagsasabi sila ng kung anu-ano ng dahil sa kanilang pinaniniwalaan.
Magtatanong pa sana ako nang paglingon ko sa direksyon niya, wala na sya. Inilibot ko ang paningin ko sa kung saan pero hindi ko na sya nakita pa.
Imposible naman atang tumakbo siya ng ilang segundong hindi ako nakatingin sa kanya di ba?
"Is it just my imagination?" I sighed. "Nababaliw na ata ako."
With that, I walked straight to my apartment. Setting aside what happened today.
~amph1trite~

Komento sa Aklat (65)

  • avatar
    Melody Valle - Ochinang

    wala na po bang update? nakakabitin. 😓

    17/08

      0
  • avatar
    Ramon Devisfruto

    good novela, kasi magbabarkada magkakaibigan, nagtutulungan binibisita bawat may sakit or something. supporting each others dreams.

    17/01

      0
  • avatar
    Aerielle Joy Amod

    🤍☺️

    15/08/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata