logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Rewrite The Stars [BxB]

Rewrite The Stars [BxB]

Mr_IC3Y


Chapter 1

ARVIN
UNTI-UNTI kong idinilat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang liwang ng sikat ng araw. Ginamit ko ang kaliwang kamay ko para takpan ang mga mata ko sa nakakasilaw na liwanag at hinintay na maka-adjust ang mga mata ko.
Nakaupo ako ngayon at nakasandal sa isang malaking puno. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at pinagmasdan ang paligid.
May mga nakikita akong bench, puno, mga berdeng damo, fountain, at mga iilang tao. In short para akong nasa isang park.
“Gising ka na pala,” boses ng isang babae na nanggagaling sa likuran ko. Humarap ako sa kung sinong nagsalita at bumungad sa akin ang isang babae at lalaki na sa tingin ko ay kasing edad ko lang.
“Ako ba'ng kausap niyo?” habang nakaturo ang daliri ko sa sarili ko, pero tango lang ang isinagot nila.
“Anong pangalan mo?” balik na tanong nang babae.
“Pangalan ko?” bahagya akong napaisip, bakit parang may nakakalimutan ako? “Arvin, tama, ako si Arvin at kayo si?"
“I'm Arianne and he's—”
“Axel,” walang gana niyang pagpapakilala.
“Tara sumama ka sa'min,” sabi nung Arianne at nagsimula silang maglakad.
Ang creepy naman nila. Tapos gusto pa nila na sumama ako sa kanila, weird.
“Ano sasama ka ba?” galit na saad ni Axel, apaka high blood naman nito.
“Ito na, sasama na.” Lumapit ako sa kanila at sumabay sa paglalakad.
Habang nagkwe-kwento sila about sa personal life nila ay napatayo ako sa nalaman ko.
Mga multo ngayon ang kausap ko, ang nakapagtataka at nakakagulat ay isa na rin akong multo! Hindi ko nga alam kung pano ako namatay at lalong hindi ko maalala ang mga nangyari sa akin noong buhay pa ako.
Hindi gaya ko, sila Arianne at Axel ay naaalala nila ang lahat. Si Arianne ay namatay dahil sa malubhang sakit at si Axel naman ay namatay dahil sa isang plane crash. Nandito pa rin sila sa mundo ng buhay dahil hindi pa raw sila handa na sumama sa liwanag.
“Kahit edad o birthday mo 'di mo maalala?” hindi makapaniwalang tanong ni Axel.
“Edad at pangalan naaalala ko, pero 'yong iba, gaya ng birthday, tirahan pati mga magulang ko hindi ko na maalala,” nandito kami ngayon sa isang kubo 'di kalayuan kung saan ako nagising.
“Ano ka, multong may amnesia?” Natatawang tanong ni Arianne.
“Meron ba no'n?”
Posible kayang magka-amnesia ang multo?
“Ikaw pa lang!” sabay silang nagsalita and they both laugh.
Pinabayaan ko lang silang tumawa at naglakad palabas. Hindi ako galit sa kanila, kailangan ko lang sigurong mag-isip-isip.
“Wait, saan ka pupunta?” tanong ni Arianne.
“D'yan lang sa labas,”
“Ikaw kasi,” sabi ni Arianne kay Axel.
“Bakit ako? Ikaw kaya 'tong kung anu-ano sinasabi,” hindi pa ako nakakalayo ng kubo ay rinig ko pa ang sisihan nilang dalawa.
Nilibot ko ang buong lugar baka sakaling may maalala ako. Naisip ko, na kaya ako nandito ay baka lagi akong dito pumupunta noong buhay pa ako, pero sa tagal ko ng pinagmamasdan ang buong paligid ay wala pa rin akong maalala.
Naglalakad ako ngayon pabalik sa kubo na puno ang utak ng mga tanong, mga tanong na 'di ko alam kung anong sagot.
Bigla akong napalingon nang may narinig akong malakas na ingay na gawa ng dalawang kotseng nagbanggaan.
Napahawak ako sa ulo ko nang sumakit ito, dumilim ang paningin ko at may mga imahe akong nakikita.
Nakita ko ang sarili ko na nag-dra-drive ng kotse at nakangiti sa babaeng katabi ko, ngunit 'di ko maaninag ang mukha nito, ilang segondo lang ay nabangga ang kotseng sinasakyan namin sa isang truck na papasalubong sa amin.
Napaluhod ako nang biglang nang hina ang mga tuhod ko, unti-unti na ring dumidilim ang paningin ko hanggang sa tuluyan na akong lamunin ng dilim.
~~~
“AHHH!” sigaw ko habang ginugulo ang buhok ko. Dalawang linggo na ang nakaraan pero ang naaalala ko lang ay noong nabunggo ang sinasakyan namin, bukod doon wala na.
Tumayo ako mula pagkakaupo sa bench at naglakad.
Nakakita ako ng bato habang naglalakad at dahil wala akong magawa ay napag-interesan ko itong sipain, naka-ilang sipa na ako sa bato pero tumatagos lang ang paa ko, sa sobrang inis ko ay ibinigay ko ang buong lakas ko para lang sipain 'yung bato.
Dahil sa kalokohang ginawa ko ay tumama 'yung bato sa ulo ng isang lalaking nakasuot ng hoodie, humawak siya sa ulo niya at lumingon kung nasaan ako, lumingon din ako at baka may tao sa likuran ko na pwede niyang pagbintangan, pero wala.
Nagulat ako nang pagkaharap ko ay nakatayo na siya sa harapan ko.
“Ikaw! Wala ka bang magawa?! Bakit ka nambabato?!,” galit na sigaw nito na lalong nagpagulat sa akin.
'Nakikita niya ako?' I thought to my self.
"Sis, look, nagsasalita siya mag-isa"
"Sinong kausap niya?"
"Anong nangyayari sa kanya?"
"Dude, tignan mo yung lalaki nagsasalita mag-isa"
“N-Nakikita. . . mo. . . ako?” gulat pa rin ako sa mga nangyari.
Hindi siya sumagot bagkos ay lumingon-lingon lang ito saka isinuot ang hood ng hoodie niya at naglakad na parang walang nangyari. Habang ako naiwan dito na nakatayo at gulat pa rin.
“Huy! Nandito ka lang pala kanina pa kami naghahanap sayo,” nabalik ako sa reyalidad nang may nagsalita. Tinignan ko kung sino ito at sina axel lang pala.
“Bat' parang gulat na gulat ka?” Arianne asked me.
“Yung lalaki nakikita niya ako, may bato, sinipa ko, natamaan siya, lumingon siya, tapos nakita niya ako?!” magulong pagpaliwanag ko.
“Hinay-hinay lang, hindi ka namin maintindihan,” sabi ni Arianne na halatang gulungulo sa pinagsasabi ko. Maski ako naguluhan din sa sinabi ko. “Ipaliwang mo ng maayos at dahan-dahan,” dagdag niya.
“May sinipa akong bato at tumamayun sa ulo ng isang lakaki, lumingon siya sa pwesto ko kaya lumingon din ako baka may tao pero wala, nang pagharap ko nakatayo na siya sa harap ko at bigla niya akong sinigawan na bakit ko daw siya binato,” mahaba kong lintanya.
“Totoo ba yan, baka gumagawa ka lang ng kwento?” Tumingin ako ng masama kay Axel na halatang hindi naniniwala sa mga sinabi ko.
“Kung ayaw mong maniwala edi 'wag,” palaban kong saad.
“Ang alam ko may mga tao talagang nakakakita sa mga kagaya natin, pero bihira lang. Yung iba nagkukunwari lang na nakakakita sila ng mga multo, yung iba itinatanggi na nakakakita sila,” Napatingin kaming dalawa kay Arianne nang nagsalita ito.
“Bakit naman sila nagkukunwari?”
“Ewan ko, siguro mga attention seeker? napagkikitaan nila? o baka gusto lang talaga nilang manakot?” sagot ni Arianne.
“Oh 'di ba baka attention seeker lang yung lalaking sinasabi mo,” kahit kailan talaga panira 'tong si Axel. Basta, naniniwala pa rin ako na nakikita niya ako kanina.
“Nakikita niya talaga ako, nakakakita tagala siya ng mga multo. Wala ka kasi kanina kaya 'di mo alam,”
“Hay naku, bangayan kayo ng bangayan,” pigil Arianne sa pag-aaway namin. “Bago ko nga pala makalimutan, may naisip kami na baka pwedeng makapagbalik ng alala mo,” dagdag pa niya.
Tumingin ako kay Axel kasi may naisip akong pang-asar sa kanya.
“Nag-iisip ka pala?, akala ko inuod na yung utak mo,” natatawang asar ko kay Axel.
“Naisip lang naman namin na pukpukin ka ng bato,” balik niyang banat.
“Ayan nanaman kayo,” sabi ni Arianne at nagsimula siyang maglakad, sumunod naman si Axel.
Lumingo muna ako sa kung saan naglakad 'yung lalaki kanina bago ako tuluyang umalis at sumabay kila Arianne at Axel.
Naisip nila na ibangga yung nananahimik na kotse na nakita nila, nandito kami ngayon sa parking lot at disidido silang gawin plano nila. Hindi na sila naawa sa may-ari ng kotse.
Nung' may narinid kasi akong nagbanggaang kotse ay may mga naalala ako, kaya gusto nilang gawin ulit 'yun at baka may maalala raw ulit ako. Kanina pa nila ibinabangga yung koste at sirang-sira na nga yung harapan, pinatunog pa yung busina pero wala pa rin talaga akong naaalala. Sayang lang yung kotse sa mga pinag-gagawa nila.
Sinubukan ko naman silang pigilan pero pumasok na agad si Axel sa loob ng kotse at ibinangga. Ito namang si Arianne pumasok din sa kotse at pinatunog yung busina nang kotse, at dahil epic failed yung ginawa nila, ay bumalik na lang kami sa kubo.
“Wala ka talagang naalala?” paulit-ulit na tanong ni Arianne, pang-lima na niya 'yan ngayon.
“Wala nga. Sinira niyo lang yung kotse ang ganda pa naman,” hanggang ngayon nanghihinayang pa rin ako doon sa koste.
“Sabi ko naman kasi pukpokin na lang natin siya ng bato,” singit ni Axel.
“Patawa ka Axel, pano mo ako mapupukpok ng bato?” pwede kaming humawak ng mga bagay na walang buhay pero tatagos lang 'yun kapag ipinukpok sa mga kagaya naming multo.
“Ay, oo nga pala,” natawa na lang kaming dalawa sa sinabi ni Axel.
“Anong hinanahanap mo?” tanong ni Arianne. Nagkunwari akong may hinahanap kasi gusto kong asarin si Axel.
Siguro ganito ako nung buhay pa, masayahin, makulit, at mapang-asar.
“Ano pa ba?, edi yung utak ni Axel baka kasi natanggal sa ulo niya,” nagtawanan kaming tatlo sa sinabi ko.
Tumingin si Axel kay Arianne at mukhang pag-tri-tripan niya si Arianne.
“Arianne,” tawag ni Axel kay Arianne.
“Oh, bakit?” sagot ni Arianne.
“Kaya mo bang huminga habang nakalabas ang dila mo?” nakangiting tanong ni Axel. Ginawa naman ito ni Arianne, at natawa ako sa mukha niya.
“Ang ganda mo dyan, mukha kang aso!” napuno ulit ng tawanan ang kubo dahil sa sinabi ni Axel.
“Ikaw!” galit na sigaw ni Arianne at akmang babatukan si Axel.
Napahawak ako sa ulo ko nang sumakit ulit ito at bahagyang nag-block out ang paningin ko.
“Ayos ka lang?” Napatingin ako kila Arianne at Axel at kita ko sa mukha nila ang pag-aalala, kaya pinilit kong ngumiti pero lalong sumakit ang ulo ko at may mga imahe ulit akong nakikita.
~~~
“You look so beautiful Camille,” puri ko sa babaeng nasa harap ko. Pero hindi ko pa rin maaninag ang mukha niya, siya rin yung babaeng kasama ko sa kotse dahil sa damit niya, nakasuot siya ng blue plane dress.
Siguro ay nagyari ito bago mabangga ang sinasakyan namin. Naglakad siya palapit sa akin at hinalikan ako.
“Sorry nakatingin kasi sila,” sabi niya. Tumingin ako sa likod niya at nakasilip ang magulang niya.
“Ok lang, ano tara na?” Bumitaw kami sa pagkakayakap at naglakad papunta sa isang kotse.
Sumakay kami sa kotse at nakita ko ulit kung paano mabangga ang sinasakyan namin sa isang truck.

Komento sa Aklat (80)

  • avatar
    RanarioDonna Mae

    g2ood job, ang galing ng kwento, kahit medyo nalito ako sa umpisa maganda naman. keep it up

    20/01/2022

      0
  • avatar
    EmoyFilzah

    great

    20/07

      0
  • avatar
    NanaJean

    nice story

    30/06/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata