logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Weight of Love | Chapter 3

SIMULA noong araw na 'yon ay parati ng nakikita ni Dorothy si Link. Pakiramdam niya kahit saan siya pumunta sa loob ng University ay naroon ang lalaki. Ilang beses na siya nitong sinubukang lapitan at kausapin pero parati siyang nakakagawa ng paraan para makaiwas.
Pero ang labis na ipinagtataka niya ay kung paano nito nalalaman ang mga lugar kung saan siya nagtatago tuwing vacant niya.
“Sabi ko na nga ba narito ka, eh.”
Napabuntong-hininga siya nang malingunan ang ngiting ngiting si Link na nakatayo sa kanyang gilid. Dito na nga siya sa rooftop ng kanilang building nagpunta pero natunton pa rin siya nito.
Agad niyang isinilid sa kanyang bag ang librong binabasa bago tumayo. Maglalakad na sana siya pero mabilis itong humarang sa daraanan niya. Mariin siyang napapikit sa kakulitan nito.
“Teka, aalis ka na?”
Seryoso niya itong tiningala at muli siyang nagbuga ng malalim na hininga.“Ano bang kailangan mo sa’kin?” mahina niyang tanong dito.
Mataman siyang tinitigan ng lalaki kaya nakaramdam siya ng pagkailang. Tumungo siya pero nanigas siya sa kinatatayuan nang hawakan nito ang baba niya at iniagat ang kanyang mukha. Agad naman nitong binitawan iyon at namulsa.
Muling nagtama ang kanilang paningin. Hindi niya maiwasang purihin ang taglay nitong kagwapuhan. Kayumanggi ang kulay ng balat ni Link. Semi-kalbo ang alam niyang tawag sa istilo ng buhok nito. Matangkad itong lalaki. Halos hanggang dibdib lang siya nito kahit pa may katangkaran din siya. Pwedeng pwede itong maging modelo tulad sa mga nakikita niya sa mga magazine ng kapatid niyang si Davina.
Gusto niyang itanong dito kung ilang taon na ito. Disi-otso na siya kaya alam niyang hindi nalalayo ang edad nito sa kanya o baka nga magkasing edad lang silang dalawa. Pero bakit ganoon na lang ang pagka-matured ng itsura ng lalaki?
“Gusto ko sanang makipag-kaibigan sa’yo, Dorothy,”sabi nito na labis niyang ikinabigla.
Nanlaki ang mga mata niya pero agad siyang nakaramdam ng hiya kaya napakurap-kurap siya. “K-kaibigan?”
Parang napakadulas ng salitang kaibigan sa dila niya ng nga oras na 'yon. Hindi siya makapaniwalang may taong magsasabi sa kanya na gusto siyang maging kaibigan nito.
Nakangiti itong tumango sa tanong niyang iyon. Tinitigan niya ito sa mga mata at nakikita niya naman ang sinseridad doon. Pero sapat ba iyon para magtiwala siya sa kaharap?
“B-bakit?”muli niyang tanong.
Nakita niya ang pagtaas ng isang kilay nito. Gusto niyang matawa dahil ngayon lang siya nakakita ng lalaking gumawa niyon.
“Bakit hindi?”balik nitong tanong sa kanya.
“I-I mean, bakit sa akin? M-marami naman diyang iba—”
“Sa’yo ko gustong makipagkaibigan, Dory, hindi sa kanila.”Putol nito sa sinasabi niya. Seryoso na ang mukha nito.
“Okay lang sa’yong...”'Magkaroon ng kaibigan na tulad ko?' Napabuntong-hininga siyang muli at hindi na itinuloy ang sasabihin. Maglalakad na sana siya pero muli siya nitong hinarangan.
“Palagi mo akong iniiwasan, Dorothy. Kaunti na lang iisipin kong ayaw mo sa tulad ko.”
Mabilis na nakaramdam ng konsensya si Dorothy nang marinig ang lungkot sa boses ni Link nang sabihin iyon. Sunod-sunod siyang napailing.“H-hindi sa gano’n,”aniya na iminwestra pa ang mga kamay.
“Kung gano’n bakit kapag nilalapitan at kinakausap kita ay umaalis ka?”malungkot na sabi muli ng lalaki kaya lalong kinain ng konsensya si Dorothy.
“Kasi na...”
“Na?”tanong nito nang hindi niya itinuloy ang sinasabi.
Napatungo siya. Hindi na niya kinakaya ang pagsalubong sa titig nito.“N-nahihiya ako sa'yo.”Nakagat niya ibabang labi at napapikit. Hindi sumagot ang lalaki kaya muli siyang nag-angat ng tingin. Nakita niya itong nakatitig sa kanya habang may ngiti na muli sa labi. Labis niyang ipinagtaka iyon. “B-bakit?”
Umiling iling ito at nakangiting nag-iwas ng tingin pero agad din namang ibinalik ang tingin sa kanya.
“Wala kang dapat ikahiya sa akin, Dorothy. Alam mo bang ako nga ang nahihiyang lumapit sa’yo?”anito na bahagya pang yumuko para magpantay ang kanilang mukha.
Bahagyang nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ni Link. Ngayon lang siya nakarinig ng ganoon at hindi niya alam kung bakit parang nagbigay iyon ng munting saya sa puso niya.
“N-nahihiya ka sa’kin?”
“Oo. Gusto kong makipagkaibigan sa’yo pero tuwing sinusubakan kong lapitan ka nawawalan naman ako ng lakas ng loob.”
May paghanga niyang natitigan ang lalaki dahil sa mga naririnig mula rito. Bakit napakalakas ng loob nito na sabihin ang nararadaman nito? Sana ay ganoon din siya. Sana lahat ng nararamdaman niya ay masabi niya rin ng direkta para hindi iyon naiipon sa kanyang puso.
“Tapos kapag may lakas naman ako ng loob iniiwasan mo naman ako,”nakasimangot na sabi nito kaya lalo siyang nakonsensya.
“S-sorry! A-akala ko k-kasi—”
“Akala mo tulad ako ng iba na tutuksuhin ka?”
Kung gano’n alam nito ang kalagayan niya. Napayuko siya dahil sa biglang lungkot na naramdaman. “O-oo.”
Marahan at may pag-iingat siyang hinawakan ni Link sa magkabilang balikat. Muli niya itong tiningala at sinalubong ang titig nito.
“Dorothy, hindi ako tulad nila. Totoo ang sinasabi kong gusto kitang maging kaibigan. Sana bigyan mo ako ng pagkakataon na mapatunayan ang sarili ko sa’yo. Ipinapangako ko na magiging mabuti akong kaibigan,”sabi nito bago nagbigay ng matamis na ngiti.
Hindi niya alam kung dapat niya bang panghawakan ang mga sinabing iyon ng lalaki. Hindi madali para sa kanya ang basta-basta lang na magtiwala. Alam niya sa sarili niyang naninibago siya dahil ito lang ang naglakas ng loob na makipaglapit sa kanya. Ayaw man niya pero kinukwestiyon niya ang tunay na intensyon ng lalaki.
Pero kahit may takot siyang nararamdam ay ramdam niya sa kanyang puso ang kagustuhang tanggapin ang pakikipagkaibigan nito. Kaya naman ibinigay niya ang tiwala rito at tinanggap niya ang alok nito. Naging magkaibigan silang dalawa ni Link. Pagkakaibigan na hindi niya hiniling pero ibinigay sa kanya ng Diyos.
Tuwing vacant niya ay parati niya itong kasama. Minsan ay magkakasama silang nakatambay sa rooftop kasama si Amy at si Walter— ang lalaking laging kasama nito. Napag-alaman niyang magpinsan pala ang dalawa.
“Bakit ganyan ka makatitig?”tanong niya kay Amy isang hapon. Nakapangalumbaba ito sa lamesa ng cafeteria at nakangiting nakatitig sa kanya.
“Masaya lang ako na nakikita na kitang nakangiti. Alam mo bang sa loob ng sampung taon nating pagkakaibigan ay ngayon lang kita nakitang ngumiti nang totoo?”
Napangiti siya sa sinabing iyon ng kaibigan. Ngiti na may halong lungkot at saya. Malungkot dahil totoo ang sinabi ng kaibigan. Kahit siya ay walang maalalang naging masaya siya ng lubos sa mga nakalipas na taon. At masaya dahil napakagaan ng loob niya nitong mga nagdaang linggo.
Masaya siyang nakilala niya si Link. Tinotoo nito ang pangakong magiging mabuti itong kaibigan sa kanya. Labis siyang nagpapasalamat dahil dumating ito sa buhay niya.
“Minsan nagtatampo na ako sa’yo, Bes,”nakasimangot na ani Amy sa kanya na m ikinagulat niya. Umayos ito ng upo at nakangusong nakatingin sa kanya ng masama.
“B-bakit? May nagawa ba akong mali?”natatarantang aniya. Ayaw niyang nagtatampo o nagagalit sa kanya ang kaibigan niya. Hindi iyon maganda sa pakiramdam.
“Eh, kasi naman ang tagal tagal na nating magkaibigan pero hindi man lang kita napasaya ng ganyan!”
Nagulat man sa sinabi ng kaibigan pero napangiti siya roon. Lalo namang sumama ang tingin nito sa kanya. Lumipat siya ng upuang nasa tabi nito at hinawakan ang kamay ng kaibigan.
“Hindi mo lang alam kung gaano akong kasaya na may isang Amy sa buhay ko. Ikaw ang isa sa tumanggap sa akin habang inaayawan ako ng buong mundo. Mahal na mahal kita, Bes.”
“Talaga?”nakangusong tanong nito. Nakangiti siyang tumango. Bigla siya nitong niyakap na ikinatawa niya.“Mahal na mahal din kita, Bes!”
Walang mapaglagyan ang saya ni Dorothy sa mga nagdaang linggo. Masaya siya na may bago siyang kaibigan. Malaking tulong ang nagawa ni Link sa buhay niya dahil parati siya nitong pinapaalalahan na dapat niyang mahalin ang sarili.
Pero may mga bagay pa rin talaga na sisira sa tiwala niya sa kanyang sarili.
“Ate, bagay ba?”tanong ni Dakota sa kanya isang umaga.
Sabado at wala silang pasok. Nasa sala siya at nagpapahinga dahil katatapos niya lamang maglinis ng kanilang bahay. Nasa harap niya ang kapatid at nagsusukat ng bagong bili nitong damit.
Tinitigan niya ito nna nakasuot ng maroon na crop top at maong jeans. Nakangiti siyang tumango at nag thumbs up pa rito. “Oo. Bagay na bagay.”
“Hay, salamat!”Muli itong humarap sa whole body mirror nila na naroon sa sala.
“Magsuot din kaya ako ng ganyan, Dakota?”wala sa sariling aniya habang nakatitig sa nakatalikod na kapatid.
“Ganito, Ate?”natatawang sabi nito at humarap sa kanya. “Huwag na, huy! Kahit pa flat ang tummy mo, malaki ka pa rin. Nakakahiya, 'no!”Muli itong humarap sa salamin habang naiiling.
Hindi niya maiwasang masaktan sa sinabing iyon ng kapatid. Nakakakita naman siya sa internet ng mga kasing laki niya ang pangangatawan at bumagay naman iyon sa mga ito. Pero bakit sa kanya ay hindi pwede?
Bakit kailangang may pamantayan sa pananamit sa mga tulad niyang malalaki. Bakit kailangan na dapat ganyan lang ang kanya, na hindi pwede ang ganito. Bakit kailangan na lahat ng bagay ay may limitasyon para sa isang tulad niya?

Komento sa Aklat (45)

  • avatar
    Reynald Bernardo

    excellence

    12d

      0
  • avatar
    Hailey Warain

    uyww

    15/08

      0
  • avatar
    ۦۦ ۦۦ

    thanks ulit

    05/08

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata