logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 2: Another day

KALIA'S POV
"May gusto ka bang katayin?" kunot noo kong tinignan si Dustin. Nginuso naman niya ang tray kong wala pa ding bawas pero durog durog na ang pagkain dahil sa pinaggagawa ko.
"May problema ba?" pag-aalala ni Aisha.
"Wala." walang ganang sambit ko. "Wala akong ganang kumain. Kayo nalang din kumain mamaya. Wag niyo na akong hintayin."
Nagkatinginan lang silang dalawa. Tumayo na ako at kinuha ang tray ko. Kesa sa paglaruan ko lang ang pagkain ko, maigi ng ibalik nalang counter area.
Tinanguan ko lang sila bilang paalam. Alam nila na kapag wala ako sa mood eh hindi nila ako mapipilit kumain o kung anuman ang gawin. Kesa madamay sila eh hahayaan nalang nila ako.
Bago ako tuluyang lumabas ng cafeteria, naglibot muna ako ng tingin sa buong paligid. Baka sakaling makita ko si Ashton kaso lalong nangunot ang noo ko ng iba lang ang makita ko.
Kumindat sa akin si Uno mula sa hindi kalayuan. Aksidenteng nagkaabot kasi ang mga mata namin, akala niya siguro siya ang hinahanap ko. As if!
Lumabas na ako ng cafeteria dahil baka lalo lang ako mawala sa mood kapag pinatulan ko pa siya.
Uno is part of the clan na kaagaw sa trono ng clan na kinabibilangan ko. Actually magkaaway kami niyan pero sadyang nang-aasar at nampipikon. Alam niya kasing mabilis akong mapikon pero hindi ko siya papatulan dahil sayang lang sa oras.
May dapat akong asikasuhin kesa sa kanya.
Wag ko lang malaman na clan niya ang may pakana ng mangyayari sa amin ni Ashton.
Ashton is nobody for me pero hindi ko maiwasang mag-alala at gusto kong malaman ang kasagutan kung paano nagbago ang ability ko.
Simula ng mahawakan ko ang kamay niya, malinaw na ang vision ko. Nakikita ko na ang buong pangyayari na hindi tulad noon ay puro clues lang at hindi pa malinaw. Karaniwan ay bagay lang ang nakikita ko at ang mga labi ng taong nahawakan ko. But this time, it's totally different. Sinubukan ko kila Aisha kung ganoon din ba ang makikita and yeah, it's the same.
Nangunot ang noo ko ng bumungad sa akin ang aking kambal sa labas ng unit ko. Nakasandal siya sa pader habang parang may nilalaro sa kanyang kanang paa. May dala siyang paper bag.
Hindi ako nagsalita ng maramdaman na niya ang pagdating ko. Saglit niya lang ako dinaanan ng tingin at saka niya binuksan ang pinto ng unit ko by entering the pass code.
Yes, without asking me.
Para saan pa ang paghihintay niya if siya din naman pala ang magbubukas ng pinto? Alam niya ang pass code ng unit ko kahit hindi kami close kasi nirequire niya akong magpalitan kaming dalawa ng pass code. Alam ko din pass code ng unit niya pero ni-isang beses ay hindi ako nagpupunta sa kanya. And this is actually the first time na maligaw siya sa unit ko.
Nilapag niya ang paper bag sa study table ko at saka naglibot ng paningin sa kwarto ko ng hindi nagsasalita. Ako naman ay taka lang siyang pinapanuod. Hindi ko din naman alam kung ano ang sasabihin. Hayaan kong siya nalang ang maunang magsalita sa aming dalawa.
Nangunot ang noo ko ng chineck niya ng mabuti ang terrace ng unit ko at saka tumingin sa akin, "You can lock it properly, right? Gusto mo bang papalitan natin ang lock nito to make sure it's safe?"
Napatingin ako sa paper bag na dala-dala niya kanina. It's from nana.
Nana is my grandma. Iisang paper bag lang ang ginagamit niya everytime na may ipapadala siya sa amin.
"Worry about yourself." walang emosyong sambit ko.
May nangyari bang hindi maganda kay nana?
Napabuntong hininga siya at saka umupo sa mini chair na nakapwesto malapit sa terrace. Yumuko siya at napansin kong nilaro niya ang kanyang mga kamay. It means there's something wrong.
"Nana..." biglang bumilis ang tibok ng puso ko. "She was attcked."
I immediately check the paper bag kung ano ba ang laman nito. It's a documents of her properties. Bakit kailangan niyang ipadala sa amin 'to?
"Who dropped by?"
"Manang." he looked at me, emotionless. "She asked me to keep that documents."
"How is she?" pag-alalang tanong ko.
Nana is not getting any younger. Nihindi ko na nga matanda ang huling hitsura niya ng huli naming pagkikita. Dad cut our ties to nana. Ayaw na daw niyang nakikipag-usap kami sa family ni mommy kasi puro kapahamakan lang daw ang dala. Bukod sa akin, sinisi niya din si nana sa pagkapanaw ni mommy.
"Right now, she's probably better." walang emosyong tugon niya.
"Let's get a pass." walang pag-aalinlangang sambit ko.
Sumama naman bigla ang tingin niya sa akin. Alam kong hindi siya papayag dahil takot siya kay daddy but I don't care. Kung ayaw niya sumama, lalabas akong mag-isa. I want to make sure that nana is really okay.
"You know the answer. Hindi tayo makakakuha ng pass dahil sinabihan sila ni dad about sa pagbibigay ng pass sa atin." pagpapaalala niya.
Napaupo naman ako sa swivel chair ko ng maalala iyon.
Right, kahit nandito kami sa loob ay kontrolado ni daddy ang buhay namin. Partida hindi siya nagpapakita sa amin. In five years na nandito kami sa St. Simon ay kahit kailan hindi niya kami nagawang bisitahin. He's just giving instructions sa Student government to control us. Kahit bayaran sila ni daddy ay hindi naman nila nagagawa ang inuutos ni daddy dahil hindi sila makalapit sa aming dalawa ni Sky.
Tumayo na si Sky at saka lumapit sa akin. He tapped my shoulder lightly and sighed, "Don't think anything that will be against dad. Hintayin nalang natin na bumisita ulit si manang."
Agad akong tumayo at hinabol siya bago tuluyang buksan ang pinto. Hinawakan ko ang kamay niya na bigla naman niyang hinatak.
I took a deep breath. He needs to know. He's my twin brother after all.
"I told you, don't use ---"
Napapikit ako ng mariin as I took a deep breath again, "I will die in two days."
Silence....
Nagkatitigan lang kami.
Nihindi siya nakagalaw sa kinatatayuan niya at ganoon din ako. I looked at him deeply baka sakaling mabasa ko ang iniisip niya.
"Stop lying." walang emosyong sambit niya.
Sabi na ehh...
Napabuntong hininga nalang ako. Alam kong ayan lang ang sasabihin niya. Alam kong hindi siya maniniwala.
"I want to keep nana safe before I die." seryosong sambit ko.
Hindi ako papayag na hindi makita si nana. Kailangan kong siyang maitago. Hindi ko alam ang mangyayari sa akin sa pagdating ng araw na 'yon. Hindi ko pa nakikita si Ashton kaya wala pa akong nabubuong plano.
"You know this is the reason why I never believe in you, right?" napabuga siya ng hangin at saka tumingin na para bang hindi talaga siya naniniwala sa akin.
"That's why I never ask you to believe." walang emosyong tugon ko.
Bigla niyang nilahad ang kamay niya sa akin. Napatitig lang ako sa kamay niya dahil sa ginawa niya. Hinatak niya ang kamay ko dahilan para makita ko ang nangyari sa kanila ni manang.
"Now tell me kung anong nakikita mo."
Hindi agad ako nakapagsalita.
Nana...
Manang...
---
THIRD PERSON'S POV
"Ano hong ginagawa mo dito?" bungad ni Sky sa kanyang naging yaya ng halos sampung taon. Si manang Sylvia. Kumunot ang noo niya ng mapasadahan ang kabuuan ng matanda. "What the heck happened to you, manang?"
"Hijo." walang anu-ano'y inabot niya kay Sky ang dalawang paper bag na kanyang hawak. Kinuha pa nito ang kamay ng binata at mariing nakipagtitigan rito. "Bantayan mo ang iyong kakambal. Ayan ang huling sinabi sa akin nga iyong lola."
Napalunok naman ito ng paulit ulit ng makaramdam siya ng kaba.
"Ano bang nangyari sa inyo, manang?" naguguluhang sambit nito.
Hindi katulad ng karaniwang inaasal ni Sky ay bigla siyang nagbago sa harap ng matanda. Malambot siya dito lalo na sa kanya lola na si nana.
Muling nakipagtitigan ang matanda sa kanya at nagsimula ng umagos ang luha nito.
"May nagtakang pumaslang sa iyong nana kagabi. Hindi ako sigurado pero katulad ng suot nila ang pumaslang sa mommy niyo. Nasa hospital ang lola niyo at nagtamo ng maraming sugat. Kung hindi kami dumating ni Bert ay baka wala na siya ngayon." pagpapaliwanag nito. "Itabi mo ang mga papeles na 'yan. May pag-asang bumalik pa sila dahil nabigo sila sa plano nila kay Lady Cynthia."
Muntik ng matumba si Sky dahil sa gulat pero agad din siyang nakabawi. Naisip niyang hindi dapat siya maging mahina sa harap ng kanyang yaya. Alam niyang lumaban ito upang mailigtas ang kanyang pinakamamahal na lola. Binigyan niya ng mahigpit na yakap ang matanda at paulit-ulit na sinambit ang, "Thank you for being safe."
"Hijo, kahit anong mangyari. Wag na wag kayong lalabas ng eskwelahan. Kami na ni Bert ang bahala sa lola niyo. Bantayan mo ng mabuti si Kalia." pagpapaalala ng matanda. Agad-agad itong nagpunas ng luha ng may pumasok na student council sa visitor's room.
Pinaalalahanan ng student council si Sky na tapos na ang oras ng bisita at maaari na niyang paalisin ang kanyang bisita.
Napamura nalang si Sky sa kanyang isip. Nagagalit siya sa katotohanang itinuturing silang bilanggo sa loob ng paaralan.
-----
KALIA'S POV
Wala sa sariling natumba ako sa upuan ng makita ko ang pag-uusap nila ni manang. Hanggang ngayon ay kami lang ang iniisip ni nana.
Mas naging pursigido akong makalabas upang makita si nana.
"You can't foresee your own death." matigas na pagpapaalala ni Sky sa akin.
Seryoso akong tumingin sa kanya.
"Do you think I will lie just to go out from this hell?" sarkastikong sambit ko. "I will die here, Sky."
"Stop it. It's not funny." galit niyang sigaw sa akin.
Naniniwala ka na ngayon?
I don't need to force him na sumama sa akin. I have my own way para makalabas dito. I need to see nana before anything else! Hindi na ako makakapaghintay pa na lumipas ang araw.
I need Dustin and Aisha's help.
"Hindi ka lalabas." mariing sambit niya. "Ano sa tingin mo ---"
"Don't worry, I have my own way. Hindi ko kailangan makiusap sa kanila. May paraan ako para makita si nana ng hindi lumalapit sa council."
Kinuha ko ang paper bag na binigay niya sa akin kanina at nagpunta sa terrace. I have a little space here na ako lang ang nakakaalam. Minsan na nakapuslit sila Dustin dito at tinulungan akong gawin ang butas na ito. Ito na ang nagsilbing taguan ko ng mga importanteng bagay na nakukuha ko sa labas na bawal ipasok sa campus.
Yes, this will be not the first time na pupuslit ako sa campus. I've done it a lot of times kasama si Aisha at Dustin. Five years na kaming nandito at kahit bakasyon ay hindi kami pwedeng lumabas. Natatakot kasi ang management na baka hindi na kami bumalik at ipagkalat namin ang mga nangyayari dito sa campus. Paminsan-minsan ay pumupuslit kaming tatlo para lang bumisita sa mga kaibigan namin.
And ever since na pumasok kami dito, our parents force us to cut all our ties outside the university.
But no way! Syempre ay hindi namin ginawa 'yon. Ewan lang sa ibang students. Merong students dito na mas matagal pa sa amin baka sila ay wala ng alam sa nangyayari sa totoong mundo.
"Kalia!" tawag pansin sa akin ni Sky. I looked at him at takang-taka siya sa nakita niyang butas. I've been using this unit for about five years. Makakaalis lang ata ako dito kapag malamig na bangkay na ako eh.
"Don't worry about me! I have friends by my side." lumapit ako sa kanya at binalik sa kanya at pagtap na ginawa niya sa balikat ko kanina. "Worry about yourself. Don't trust anyone inside."
"Don't tell me ---"
"Yes, I'm going out without their permission. I'm not going to die just because of that. I know the time and place of my death." binigyan ko siya ng mapait na ngiti. Napabuga nalang siya ng hangin dahil hindi siya makapaniwala.
We're twins but as we grow older, we grew apart.
Hindi na namin alam kung sino ba ang isa't-isa. I can't even read him like the others na panuodin ko lang ang kilos ay alam mo na kung ano susunod na gagawin ng tao.
Hindi ko na siya kilala.
Nagulat ako sa biglaan niyang pagyakap sa akin pero nanatili akong kalmado. Mas lalong hindi ako nakagalaw ng maramdaman kong gumagalaw ang kanyang balikat at narinig kong humihikbi siya.
Magsasalita sana ako pero bigla siyang humiwalay sa pagkakayakap at pasimpleng pinunasan ang kanyang pisnge na nabasa ng luha. Mabilis siyang lumabas ng unit ko ng hindi na nagsasalita.
What was that?
Agad akong sumunod sa kanya. Tatawagin ko sana siya pero paglabas ko sa hallway ay bigla siyang nawala.
Sky, what the heck?
Bumalik nalang ako sa loob ng kwarto ko at saka ibinagsak ang katawan ko sa kama.
Paulit ulit akong nagbuntong hininga at mariing napapikit dahil sa mga nangyari.
Hindi ko siguro mararamdaman ito kung hindi si nana ang sinaktan nila. Hindi ako lalabas kung hindi si nana ang ginalaw nila.
Ano bang gusto nila sa pamilya namin? Kayamanan ni mommy at nana? Bakit hindi nalang isinuko ni nana sa kanila kung ayun lang din naman ang habol nila?
Muli akong napaupo at napatitig sa pinto. Bahagya kong tinagilid ang ulo at takang-takang nakatitig lang sa pinto.
Okay, given na twins kami. Pero hindi ko inaasahan na ganon nalang ang magiging reaksyon niya. Akala ko ba hindi siya naniniwala sa akin? Bakit bigla nalang siyang yumakap at mas malala ay naiyak pa siya?
Para kong kikilabutan dahil sa inakto niya.
Anyways, hindi 'yan dapat ang pagtuunan ko ng pansin. Matanda na si Sky para isipin pa. Oo matanda na din naman si nana pero mahina na siya hindi tulad ng dati. I can give up everything just to protect her like what she did for me and for Sky.
Almost ten years na kaming hindi nagkikita but that doesn't mean she stopped taking care of us. She's always there for us! Tuwing lalayas ako sa puder ni daddy, binibigyan niya ako ng bubong na masisilungan ng hindi nalalaman ni daddy. Ayaw niya kasing mas ikapahamak ko pa kapag nalaman ni daddy na hindi natigil ang pakikipag-usap namin kay nana.
Nana was the reason kung ano ako ngayon. She trained me to be a better person.
Saka ko na iisipin ang sarili ko at si Ashton kapag naassure ko na ang safety ni nana.
Nana first before anything else...

Komento sa Aklat (1)

  • avatar
    PaetJan Jethro

    its very good but its hard to win

    16/02/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata