logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Closer

Time went by so fast. Hindi ko na namalayang ilang linggo at buwan na rin ang lumipas at madami na ang nangyari.
Madaming nagbago sa paligid ko pero hindi nag-iba ang pagkakaibigan na nabuo naming lima a few months ago. In fact, mukhang mas naging close nga kami sa isa't isa, at unti-unting bumubukas ang puso ko sa pagtanggap sa mga lalaki.
I just came to realize that whatever pain and suffering I've went through noong bata pa ako ay walang koneksyon sa lahat ng lalaki sa mundo. And Mavi made me realize that.
I realized na hindi lahat ng lalaki ay kagaya ng father ko, hindi lahat ay mang-iiwan sa ere. Or maybe it's too early for me to say that. 
Ang mahalaga, sa ngayon ay madaming magagandang bagay ang nagbago sa akin at unti-unti kong nahahanap ang kasiyahan na deserve ko.
"Masyado naman atang malalim ang iniisip mo," napaayos ako ng upo nang may maglapag ng shake sa table. Nasa isang milktea shop kami sa mall, at kasama ko si Mavi.
Inilingan ko s'ya saka humigop sa strawberry shake na binili ko.
"Saan mo gustong pumunta?," nakangiting tanong n'ya kaya napaisip ako.
Nag-isip ako ng lugar na hindi ko madalas mapuntahan. Saka ko naisip ang arcade. Hindi mahilig si Mama sa mga arcade games kaya hindi ako madalas makapunta dito noong bata pa ako eh. Tapos ngayon naman ay madalas wala akong time para sa sarili ko.
"Arcade?," I answered, unsurely. Hindi ko kasi sure kung gusto rin ba n'ya magpunta sa arcade eh.
"Sure, tara!," para s'yang bata na nakangiti at saka ako hinila patayo. Napilitan tuloy akong magmadaling tumayo bitbit ang bag ko.
Nang makarating kami ay napangiti ako, thinking that I'm not used to going to arcades. Naaalala ko, noong bata ako, dito ako madalas dalhin ni Papa.
"Pa, tara d'on!," the six-year-old me said habang hinahatak ko pa noon si Papa na masayang nakikipag-usap kay Mama.
Ang bagal pa nila noong maglakad kaya bumitaw ako at tumakbo papasok sa arcade. Maya-maya ay natanaw ko rin sila na pumasok sa loob.
I remember myself having so much fun playing on that claw machine. Naalala ko pang umiyak ako noon dahil hindi ko makuha ang stuffed toy na Spongebob. Sa huli, my father spent so many tokens just to get me that stuffed toy.
We were so happy back then. Were. Dahil mula noon, ayon na ang una at huling beses kong pumasok sa arcade with my family.
"Hey, kanina ka pang tulala. Okay ka lang ba? Gusto mo bang umuwi na tayo?," narinig kong sabi ni Mavi kaya napatigil ako sa pag-iisip ng memories ko.
Nakita ko ang nag-aalala n'yang mukha kaya nginitian ko s'ya.
"I'm fine. Tara na!," and it's my time na hilahin s'ya ngayon papasok sa loob.
I looked around, now smiling, dahil this time, papasok ako sa arcade nang hindi nasasaktan habang inaalala ang nakaraan ko.
"Tara dito!," hila ko kay Mavi na ngayon ay may dalang mga tokens. Kumuha ako ng isa at naghulog sa claw machine.
Stuffed toy ni Olaf ang nand'on at gusto ko 'yong makuha. Kaso kung minamalas nga lang ako, nakaka-limang token na ako ay hindi ko pa rin 'yon nakukuha.
Sumimangot nalang ako saka muling tinitigan ang stuffed toy.
"Nevermind, sa iba na nga lang," nakasimangot kong sabi at aalis na sana nang hilahin ni Mavi ang palapulsuhan ko.
"Wait, subukan ko," natatawa n'yang sabi kaya nanatili na lang akong nakatayo. 
Naghulog s'ya ng isang token at muntik na n'yang makuha ang stuffed toy. Tinitigan ko s'ya para sabihing kuhanin n'ya ang stuffed toy para sa akin. Mukhang naintindihan naman n'ya kaya bumuntong-hininga s'ya saka naghulog ng panibagong token.
10..9..8..
Unti-unting nababawasan ang timer at etong si Mavi, hindi pa rin mapalagay kung ano ang pipiliing kuhanin.
"Mavi.." bulong ko nang makaabot sa 3 seconds ang timer.
Agad akong napasigaw nang makuha n'ya ang stuffed toy. Sa sobrang tuwa ko, hindi ko namalayang niyakap ko na pala s'ya.
Nang matauhan ay agad akong bumitaw at nagpagpag ng damit ko. Awkward ko s'yang nginitian.
"Sorry hehe," sabi ko saka nag-peace sign.
Wala naman s'yang sinabi, kinuha lang n'ya ang premyo na nakuha n'ya saka iniabot sa akin. Hindi naman maawat ang labi ko sa pagngiti.
"Thank you!," masayang sabi ko nang iabot n'ya 'yon sa akin. Ginulo naman n'ya ang buhok ko saka ako tinawanan.
Sumunod naming pinuntahan yung area kung saan pwede kang mag-basketball. 
Naghulog s'ya ng isang token samantalang ako ay tahimik lang na tumayo sa gilid. Nilingon din naman ako agad ni Mavi.
"Ayaw mo?," takang tanong n'ya.
Hindi naman ako marunong maglaro ng basketball kaya umiling na lang ako. Wala rin naman kasing nagturo sa akin na maglaro noon.
"Hindi ako marunong," sagot ko na lang. Saka ko s'ya pinilit na maglaro na.
Pero masyadong pasaway etong si Mavi at hinila ako palapit sa kan'ya saka ako iniharap sa may ring. Tumunog na rin ang timer kaya naglabasan ang mga bola na gagamitin.
Kumuha si Mavi ng isa at iniabot 'yon sa akin.
"Tuturuan kita," nakangiting sabi n'ya.
Nawalan na ako ng time para mag-react dahil pumunta s'ya sa likod ko para hawakan ang palapulsuhan ko at iguide ako kung paano magbasketball. 
Hindi ko na naiintindihan ang mga sinasabi n'ya dahil nakatitig na lang ako sa kan'ya the whole time. Hindi ko alam kung bakit nakangiti ako ngayon at ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Nice one!," nakangiting sabi n'ya kaya napakurap ako at bumalik sa katinuan.
Nai-shoot pala ang bola at ngayon ay may score na kami.
"Isa pa, ulitin mo!," nakangiting sabi n'ya habang pinagagaan ang loob ko.
Wala naman akong choice kung hindi maglaro pa dahil sayang ang token na inihulog n'ya.
Sa huli, naka-101 points ako. Hindi na raw masama para sa first timer kaya eto ako, parang gusto kong magyabang kina Sky at Harper.
Nang matapos s'ya maglaro, naka-300 points s'ya kaya naman tuwang tuwa ako. Pagkatapos doon ay nagpunta kami sa dulong part kung saan pwedeng magrent ng room para mag-videoke.
"Wow, singer ka pala ha," pang-aasar ko nang makapasok kami sa loob. 
"Bakit ako? Ikaw ang kakanta dito," sabi n'ya habang tumatawa kaya natawa na rin ako.
Umupo ako para kuhanin ang song book at naghanap ng makakanta. Nang makahanap ako ay inilagay ko ang number saka inabot ang song book kay Mavi para s'ya naman ang maghanap.
"Swerte mo, makaka-witness ka ng live concert ko," natatawang biro ko at tinawanan n'ya lang ako.
Aba, hindi ako nagjojoke 'no! Kung ako sa kan'ya ay susulitin ko na ang moment na 'to habang libre pa ang concert ko!
"I've been awake for a while now.. You've got me feeling like a child now.. 'Cause every time I see your bubbly face.. I get the tingles in a silly place," panimula ko sa pagkanta.
Nilingon ko si Mavi only to find him being too stunned to speak. Itinigil n'ya ang paghahanap ng kanta habang nakatingin sa akin. Pinagpatuloy ko lang ang pagkanta hanggang sa matapos ko ito.
"Pwede na ba akong mag-audition sa The Voice?," pang-aasar ko sa kan'ya. 
"Hindi, ang panget ng boses mo," pang-aasar n'ya pabalik saka tumayo para maglagay ng kanta.
"Pakinggan mo ako," sabi n'ya pa saka inagaw ang mic sa akin.
Kampanteng umupo naman ako, stopping myself from any distractions. Maya-maya rin ay tumunog na ang minus 1 ng kanta n'ya.
When I Met You ah?
"There I was, an empty piece of a shell.." he started singing. 
Para namang may kung ano sa akin na napatigil sa kung ano mang bagay ang ginagawa ko para makinig sa kan'ya.
"You gave me a reason for my being and I love what I'm feeling.. You have me a meaning to my life.. Yes, I've gone beyond existing.. And it all began..," pagkanta n'ya sa chorus.
"...when I met you," he sang as he looked at me.
At eto na naman ang tibok ng puso ko, ayaw magpaawat. Hindi ko na tuloy namalayan na tapos na pala ang kanta n'ya.
"So, how's my voice?," inosenteng tanong n'ya kaya nag-iwas ako ng tingin.
"A-ang panget," My gosh! Bakit ako nauutal?!
I heard him chuckle at nang nilingon ko s'ya ay nakangiti s'ya nang nakakaasar sa akin kaya sinamaan ko s'ya ng tingin.
We sang a couple songs hanggang sa maubusan kami ng token. Paglabas namin ay saka ko lang narealize na 6:00 na. 
Grabe, gaano kami katagal sa arcade?!
"Kailangan mo na bang umuwi?," he asked. Agad akong umiling.
Nagpaalam naman ako kay Mama na pupunta kami sa mall ni Mavi. And guess what, excited na excited s'ya! Akala mo naman ay kung ano ang gagawin ko para ma-excite s'ya nang ganoon. Kung ano-ano pa nga ang iniabot n'ya sa akin kaninang umaga gaya ng lipstick, make ups, tapos inabutan pa ako ng pair of high heels!
"Hindi pa naman, alam naman ni Mama na baka malate ako ng uwi," sabi ko at tumango s'ya.
"Wait," pagpapaalam n'ya sa akin kaya tumango ako. Maya-maya ay inilabas n'ya ang cellphone n'ya.
"Hello?," he said habang may kausap sa kabilang linya.
"Hello Ma, masusundo nyo ba kami mamaya?," sabi pa n'ya. Ayaw ko sanang makinig kasi baka masabihan pa akong chismosa kaso nasa tabi ko s'ya mismo kaya hindi ko rin maiwasan.
"Kakain lang kami, then tapos na," he continued. "Okay, thanks. Love you!"
Napangiti ako. Just like I thought noon, he really has a great relationship with his family. I should be jealous, pero habang tumatagal ay unti-unti ko na ring natatanggap.
"Mom said that they will pick us up dito sa mall, kumain muna tayo sa resto," he said kaya nagulat ako. Pick us up ba kamo? Bakit nadamay ako?!
"Ako?! Bakit kasama ako?!," takang tanong ko. He innocently looked at me.
"Why? May masama ba?," umiling lang ako. "Gabi na rin kasi and ayaw kong mag-commute na tayong dalawa lang kasi delikado. Hindi rin naman kita papayagang mag-commute mag-isa"
Tumango-tango ako. He's really concerned, and he proves it kada magkasama kami. Well if he's concerned as a friend, I must say that he's a really great friend.
Sa huli, dahil wala na rin naman akong choice ay sumama ako sa kan'ya sa isang resto. The restaurant looks great, ang fancy ng designs, halatang pang-mayaman.
Speaking of which, I just hope na may meal sila worth 100 pesos dahil kulang na ang pera ko. Nakakainis naman kasi, bakit sa ganitong restaurant pa s'ya nag-aya!
Umupo kami sa may bakanteng table, table for two s'ya actually. Agad din namang lumapit ang isang waiter sa amin, dala ang menu. Kung ano anong napkins and towels ang nasa table, pati mga eating utensils like knife, spoon, fork, at iba't ibang size ng plato.
Tiningnan ko ang mga ginagawa ni Mavi, he took a napkin and placed it on his lap. Agad ko rin s'yang ginaya pero natabig ko ata ang isa sa mga baso, causing a little noise.
"Reign? Okay ka lang ba?," he worriedly said.
Awkward akong ngumiti sa kan'ya at sa waiter na pakiramdam ko ay hinuhusgahan na ang pagkatao ko ngayon. Sorry naman ha, hindi kasi ako sanay sa mamahaling resto!
"May I take your orders, please?," nakangiting tanong n'ya kay Mavi. Tiningnan ko ang menu at nakakahilo, literal na nakakahilo, ang mga presyo!
"I'll take the steak, please," sabi ni Mavi. "What about you, Reign?"
Inalis ko ang mukha ko sa menu saka ngumiti. "Same," I said as I smiled.
Nginitian kami ng waiter saka naglakad palayo para iready ang orders namin. Sa loob ko ay gusto kong magwala dahil nakita ko ang presyo ng steak at nasa 400 pesos 'yon.
Naisip ko na sign na siguro 'to na iwasan ko na si Mavi dahil mauubusan ako ng pera kapag kasama s'ya!
"Hoy, bakit ba kanina ka pang tulala? Sure ka bang okay ka lang?," tanong n'ya sa akin.
"Huh? Oo ano ba! Gutom lang ako, hehe!," hindi ko mapigilang tumawa awkwardly. Nakita ko namang nag-aalala s'ya kaya nginitian ko s'ya.
Nang dumating ang steak ay wala akong ibang choice kung hindi kainin, syempre, napakamahal nito!
"How's the steak?," sabi n'ya nang matapos kami kumain. Nagthumbs up ako dahil nanguya pa ako nang tanungin n'ya ako.
I heard him chuckle. 
Nang masigurong tapos na kaming dalawa ay tinawag na n'ya ang waiter para sa bill. Binuksan ko naman ang wallet ko at tahimik na nagdasal na sana ay huwag akong pagalitan ni Mama kapag nalaman n'yang gagastusin ko ang ipon ko para sa isang steak.
"Hey, ako na. Libre ko 'to. Hindi kita tinanong kung saan mo gusto kaya ako na ang magbabayad," presinta n'ya.
Ilang minuto pa kaming nagtalo tungkol sa pagbabayad at sa huli, s'ya ang nasunod.
Next time na lang daw ako bumawi sa panglilibre sa kan'ya. Dahil d'on, pinangako ko sa sarili kong mag-iipon na ako para mailibre ko rin s'ya sa mamahaling resto.
"Tara, nasa parking lot daw sila naghihintay," sabi n'ya nang makalabas kami sa resto.
Tumango ako at sumunod lang sa kan'ya hanggang sa makalabas kami ng mall at makapunta sa parking lot.
Sumunod lang ako sa kan'ya dahil nahihiya ako.
"Uwi nalang kaya akong mag-isa?," suggestion ko habang naglalakad kami sa parking. Agad n'ya akong nilingon at pinagsamaan ng tingin.
"Nahihiya kasi ako!," sabi ko pa.
Medyo madilim sa may parking lot kaya hinawakan n'ya ang palapulsuhan ko para siguro hindi ako mawala.
At dahil d'on, hindi na naman maawat ang tibok ng puso ko at ramdam ko na namumula ang pisngi ko. Mygosh! Buti na lang at madilim!
Nang makarating kami ay parking lot ng sasakyan nila, nagulat ako kasi para 'yong van ng mga artista!
Agad ding nagbukas ang pinto nang kumatok si Mavi dito.
"Hi anak!," a woman greeted as the door opened, I assume that she's Mavi's mother.
"Omg, hello! I'm Daniela, mother of Andrei! You can call me Tita Dani," she greeted me.
Ngumiti ako at unti-unting nawala ang kaba ko. Agad din kaming pumasok sa loob. Habang nasa loob ay kung ano-anong kwento ang ikinwento ni Tita Dani sa akin.
Pinatatahimik s'ya ni Mavi pero ayaw n'yang makinig dahil ang dami n'yang kwento sa akin.
"Ma, 'wag mo masyadong daldalin si Reign. Baka hindi s'ya maging comfortable," suway pa ni Mavi kaya parang nagulat si Tita Dani.
"Omg! Sorry!," sabi pa n'ya kaya ngumiti ako.
"Okay lang po," nakangiting sabi ko.
Dahil doon ay pinagpatuloy ni Tita Dani ang kwento n'ya kanina.
"Pagpasensyahan mo na 'yang Mama ni Andrei, ha. Natutuwa lang talaga 'yang may makausap na kagaya mo," sabi ng nagdadrive, which I assume na father ni Mavi.
I smiled. I wonder what does it feel like to have this kind of family? A kind of family that you can rely to, a family you are comfortable with, and most importantly, a complete family.
Kung ano-ano pa ang mga napag-usapan namin sa van at sobrang sayang kasama ng parents ni Mavi.
Hanggang sa nakarating na kami sa subdivision at naghihintay pala sa akin si Mama sa labas ng gate namin. Nabanggit ko rin kasi na ihahatid ako ng pamilya ni Mavi kaya gusto raw n'yang magpasalamat.
"Thank you po sobra, sa paghatid sa anak ko. Thank you, Mavi sa pag-alaga kay Reign," nakangiting sabi ni Mama sa kanila saka inabot ang isang box ng brownies na ginawa n'ya raw.
Nagkwentuhan muna sina Tita Dani at Mama habang ako ay nagpaalam kay Mavi.
"Mavi, uhmm, thank you talaga! Salamat sa pagsama sa akin sa arcade, salamat sa stuffed toy, salamat sa libre mo kanina, thank you for being with me today!," I said as I genuinely smiled.
Ginulo naman n'ya ang buhok ko, "Thank you rin sayo. I hope you enjoyed"
Nginitian ko s'ya saka ako nagwave bago pumasok sa bahay. Bago ako makapasok ay narinig ko ang sigaw n'ya.
"Good night, Reign!"
And that night... was one of the best nights in my life.

Komento sa Aklat (25)

  • avatar
    John John Ocaso

    ets so

    28/07

      0
  • avatar
    GualvaRose

    Great story🤍

    22/06

      0
  • avatar
    PangandamanJohaer

    work hard

    22/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata