EARTH Habang nasa swimming pool ako nakatambay, nag-iisip ako ng magandang ideya kung paano ko mapapayag si Mixxene. Sa tingin ko’y siya lang ang makatutulong sa ’kin ngunit dahil sa magkaaway kami, dagli niyang tinanggihan ang proposal ko. While thinking, I took a quick glimpse at the specter in orange dress. She seemed a bit uneasy. Pamilyar din ang isang ’yon. Oo nga, siya ’yong pumuna sa ’kin noong nagkubli ako sa isang pillar kahit multo naman daw ako. Ano’ng problema niya? Klinaro ko ang aking lalamunan bago magsalita. “Hey, ghost in orange dress, may problema ba? Ba’t palakad-lakad ka riyan? Parang naalibadbaran ako sa ginagawa mo,” puna ko sa kaniya at umaktong nasusuka kahit hindi naman talaga. She stopped then cast a glance at me. “I wanted to talk to my little sister. Pero hindi ko man lang magawa. Hindi niya kasi ako naririnig at nakikita,” she answered then pushed her bottom lip forward in petulant annoyance. Nanlaki ang mga mata ko na parang mga barya. Tila nagkaroon ng light bulb sa itaas ng aking ulo. “Tinakot mo ba siya?” sabik na kuwestiyon ko sa kaniya. She hastily nodded her head as a response. Gusto kong magtatalon sa saya. That was it! “Hindi ko naman talaga intensyon na takutin ang nakababata kong kapatid na babae. Nais ko lang talaga siyang kausapin kaso nga lang, hindi niya ako nakikita. Kaya hinulog ko ang mga book niya sa sahig,” pahayag niya sabay upo sa sementadong upuan. Kung sinindak niya ang kaniyang nakababatang kapatid, paniguradong napuyat ’yon at marahil ay lalapit ’yon sa CQAE Society kinabukasan. Hihingi iyon ng tulong kina Mixxene at Harrice. Ito na ang pagkakataon ko upang tanggapin na nila ang offer ko. All I had to do now was to coax this ghost in orange dress na makipagtulungan sa ’kin. Desperado na talaga ako. Nawa’y pumayag ang isang ’to. “I’m pretty certain na lalapit ang kapatid mo—wait, ano pala ang name niya?” I asked, my brows were furrowing. “Telly. Her name is Telly Nobelia,” mahinang turan niya habang nakapangalumbaba. “Ahhh,” I uttered, nodding my head rhythmically. “Sure ako na hihingi ng tulong si Telly sa CQAE Society—sila ang kilalang paranormal sleuths dito sa Gareth High,” pagbibigay-alam ko sa multong kaharap ko. “T-Talaga? May gano’n?” hindi makapaniwalang saad niya. Umoo ako gamit ang dalawa kong kilay. “Pero puwede bang humingi ng pabor?” may pag-aatubili kong sabi. Pumaskil sa aking mukha ang awkward na ngiti. “Puwede bang sumunod ka sa ’kin? Hindi naman ’to masama, eh. Wala naman tayong gagawing ilegal. Desperado na kasi ako, eh. Please,” pagsusumamo ko habang ipinagtiklop ko ang mga palad ko na wari’y nagdarasal. Tinitigan niya ako nang ilang segundo, suot ang nakalamukos na mukha. Doon ko na isinalaysay sa kaniya ang plano ko. Sinabihan ko siya na magwala sa kuwarto ni Telly ’pag dumating na roon sina Mixxene Moore at Harrice Ramos. Dapat magmatigas din siya kung makikiusap sila sa kaniya na huminahon at kailangan niyang umastang puno ng poot. Saka na siya magwo-walk out sa kuwarto ng nakababatang kapatid na babae. Then after several minutes, babalik siya sa loob ng silid and that time, kasama na ako. Kailangan din na aakto siyang mahinahon sa kaniyang pagbabalik at aastang parang may kaluluwang nagpa-realize sa kaniya na masuwerte siya kaysa sa ibang multo. At ’yan ang balak ko mamaya. Thank God, pumayag siya! * * * “Thank you so much, Tanya, ah,” nakangiting pasalamat ko sa kaniya dahil sa naitulong niya sa akin ngayong gabi. Umalis na kami sa mansion nila pagkatapos maresolba ang ’di pagkakaintindihan ng dalawang magkakapatid. Well, wala pa namang resulta. Hindi pa naman ako kinausap ni Mixxene pero alam kong hahanapin nila ako bukas. Sure ako. “Wala ’yon. Don’t mention it,” kagyat niyang sagot. “By the way, sigurado ka ba talagang magwo-work ang plano mo na ’yon? Sure ka ba riyan na pagkatapos ng gabing ito ay tutulungan ka na nina Mixxene at Harrice?” may pag-aalangang kuwestiyon ni Tanya. Puno ng kompiyansa akong tumango at kumurba sa ’king labi ang isang ngiti. “Sigurado ako na bukas na bukas, hahanapin nila ako. Magwo-work iyong ginawa natin kanina—este, ginawa mo kanina. I’m pretty certain that they would invite me to partake to their society and welcome me to their humble abode with open arms. All thanks to you, Tanya,” masayang wika ko. Lubos akong nagpapasalamat sa kaniya. She then cracked a grin at me. “Ano ka ba? Wala ’yon. I’m glad na nakatulong ako sa ’yo. Anyway, Earth, balak ko nang sumama sa Angel of Death. Salamat at nakilala kita. Wish ko sa ’yo na sana makamit mo na ang hustisyang inaasam-asam mo,” she told me, still plastering a smile on her face. Sana nga. “Pakibantayan ang kapatid ko, ha,” pahabol pa niya. Tumango-tango ako bilang sagot. Pagkatapos niyang sambitin iyon ay bigla na lang siyang nawala na parang bula. Dumiretso naman ako sa bahay namin upang i-check si mama kung kumusta na siya. And, of course, si Pete Sawyer. Gusto ko siyang manmanan. Gusto kong mabatid kung may binabalak ba siya. Pagpasok ko naman sa bahay namin ay nadatnan ko si mama sa kusina na tumatangis habang naghihiwa ng sibuyas sa ibabaw ng isang chopping board. She was looking at nothingness. Kung dahil ba sa onion na hinihiwa niya o sa pagkawala ko kung bakit dumaosdos ang kaniyang mga luha ay hindi ko na batid. Siguro pareho. Sandali akong natigil. Tila panandalian akong naparalisa nang makita si mama na nagluluksa dahil sa aking pagkawala. “’Ma,” sambit ko kahit na aware ako na hindi niya ako maririnig. “’Ma, ’wag ka na pong umiyak. Nandito naman po ako, eh. Hindi kita iiwan.” Nagsimulang mag-init ang sulok ng mga mata ko. “Magpakatatag ka, ’ma. ’Wag n’yo pong hayaan ang sarili n’yo. ’Di ko po kakayanin kung magkasakit kayo dahil sa ’kin.” My tears began to avalanche down my cheeks. Patuloy pa rin siya sa ginagawa niya. Tila wala siyang balak na tumigil hangga’t hindi iyon maging pino. Alam mo ’yong masakit? ’Yong makikita mo ’yong taong mahal mo na unti-unting nadudurog ngunit wala kang magawa. ’Yong nais mo siyang sabihan ng “tahan na” pero hindi ka niya maririnig. Para lang akong hangin dito sa kusina. ’Yong gusto mong ipulupot ang mga braso mo sa kaniyang katawan subalit hindi maaari. Tatagos lang ako. Hindi ko siya mahahawakan. At hindi ko siya mapapatahan. Nakagagaan kasi ng pakiramdam ang yakap, may scientific explanation ’yan. Pero pa’no ba ’yan? Kaluluwa na lang ako ngayon. Pero teka lang, puwede ko namang mahawakan ang mga bagay, ’di ba? Siguro naman puwede ko nang hawakan ang mga tao. Dahan-dahan akong lumapit kay mama at sinubukang ipulupot ang aking mga braso sa kaniyang katawan. Ngunit tumagos lang ang mga braso ko. Hindi ko talaga siya mahahawakan at mayayakap. I can only touch objects, not humans. “’Ma, magpahinga na po kayo. You deserve to rest after everything. ’Wag n’yong pagurin ang sarili n’yo, ’ma,” mangiyak-ngiyak kong saad, na wala rin namang saysay. Parang kumakanta ako sa entablado ngunit hindi naman naka-on ang mikropono. Hanggang sa bumigay na ang kaniyang mga binti. Nabitawan niya ang kutsilyo at bumagsak iyon na lumikha ng ’di kanais-nais na ingay. Napaupo si mama at humagulgol. “What is it, Flavia?” Akmang lalapit ako kay mama nang may marinig akong boses. Si Pete iyon, hindi ako nagkakamali. Kararating lang niya at nasa sala na siya ngayon. Tila wala siyang gana. May kausap siya sa kabilang linya. Ang girlfriend ko. Si Flavia Flores. Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kinaroroonan niya. Hindi ko na kailangan pang ikubli ang aking sarili sapagkat hindi naman niya ako nakikita. Malaya ko siyang titigan at pakinggan nang malapitan. Kahuhubad lang niya sa kaniyang polo. Ang kamerang dala niya—na pag-aari ko—ay natanaw kong nakapatong sa maliit na mesa. Umupo siya sa malambot na sofa at walang ganang pinakinggan ang kausap nito na si Flavia. “Mukhang sisikat na naman ang CQAE Society bukas dahil sa article na isinulat ni Caldane Richurt. Wanna do something, babe?” pagbibigay-alam ni Flavia kay Pete, na halatang may masamang binabalak. Si Flavia kasi ang kakampi ko noon laban kina Mixxene Moore at Harrice Ramos. Bumuntonghininga si Pete. “Flavia, ’wag muna ngayon, okay? Pagod na ’ko. Gusto ko nang magpahinga. Kung may pinaplano ka against the CQAE Society, just stop it already,” mariing atas niya kay Flavia. Flavia hissed. “What happened to you, Earth? I think you are not the Earth that I knew anymore,” my girlfriend retorted, sounding irritated. “Who . . . are . . . you?” “Nonsense,” Pete uttered, annoyed. “P’wede ba, Flavia? Pagod nga lang ako. Kailangan kong magpahinga, alright? Bye!” Saka in-end na niya ang tawag, na paniguradong ikinainis ng nobya ko. Ang sulok ng labi ko ay dahan-dahang umangat. That was it. Hindi siya galit kina Mixxene at Harrice kasi hindi naman siya si Earth. Hindi siya ako. Tiningnan ko siya nang ilang segundo. Pete, ano ba talaga ang binabalak mo? Pete, bakit mo ba inangkin ang pagkatao ko? * * * Kinabukasan, maaga akong nagtungo sa Gareth High. Dumiretso na ako sa paborito kong tambayan—sa may swimming pool—na alam kong dito rin ako hahanapin ng paranormal sleuths ng eskuwelahang ito. Nakita ko na naman kanina ang isang matandang babae na may kulay niyebeng buhok sa ilalim ng lumang sombrero, ’yong kumpol ng mga kaluluwang animo’y nagpoprotesta, at saka ’yong ma-attitude na multo. Hindi ko na lamang siya pinansin. Nasanay na rin ako sa mga pasaring niya. Noong isinalaysay ko kay Tanya ang plano ko, naisip ko na dalawang ibon ang puwede kong masapul dahil sa balak ko. Una, kahit kaunti lang, matutulungan ko si Tanya. Which was nangyari na nga. Pangalawa, lalapitan ako nila Mixxene dahil sa naitulong ko sa kanilang kaso kagabi. At ’yan na lang ang hinihintay kong mangyari. Alam kong sa oras na ito, paparating na sila sa kinaroroonan ko. Hindi naglaon, may narinig akong yabag ng mga sapatos na papunta sa kinauupuan kong sementadong upuan. A smirk curved on my lips. Just what I thought. “Earth,” tawag sa ’kin ni Mixxene, base sa boses na aking narinig. “Earth, kailangan mong sumama sa amin ngayon din,” mariin niyang utos sa akin. I gulped. Dahan-dahan akong tumingin sa gawi niya at bumungad sa ’kin ang seryoso niyang mukha. Kasama rin niya ngayon si Harrice Ramos na batid kong hindi ako nakikita. Wala siyang kakayahan kagaya ng kung ano’ng mayro’n si Mixxene. Kahapon ay na-figure out ko rin kung ano ang silbi ni Harrice. Siya ang sasapian ng mga kaluluwa upang makipag-communicate sila sa taong nais nilang makausap. “B-Bakit?” maang-maangan ko pa, suot ang lukot na mukha. “Ano naman ang gagawin n’yo sa ’kin?” Gusto kong palakpakan ang aking sarili dahil sa galing kong umarte. “Isasantabi muna natin ang alitan natin para na rin sa ikabubuti ng isa’t isa,” panimula niya at hindi kumalas ng tingin sa akin. “Yes, Earth, you heard it right. Pumapayag na ako sa alok mo. Iko-consider ka namin as the third member of the CQAE Society para tuluyan na nilang tantanan ang club namin. And in return, we’ll help you with the enigma of your sudden demise,” gatong pa niya sa naunang sinabi niya sa akin habang nakahalukipkip. Dumapo ang mga mata ko kay Harrice at napatango-tango ito sa sinabi ng kasama. “Alam mo, Earth? Kahit hindi kita nakikita o naririnig, naniniwala akong nandiyan ka,” bulalas ni Harrice at pumaskil sa kaniyang mukha ang isang ngiti. “Siya nga pala, kalimutan na natin ’yong nangyari noon. Ang mahalaga sa ngayon ay matutulungan mo kaming dalawa ni Mixxene at matutulungan ka rin namin,” dagdag pa niya sabay taas-baba ng dalawa niyang kilay. Tumikhim si Mixxene. “One more thing,” she interposed, shifting her gaze from me to her companion. “Zion na ang itatawag natin sa kaniya simula ngayon kung maraming tao. Pero kung tayo lang naman, puwede naman natin siyang tawaging Earth,” anunsyo niya. “Ano?” gulat na sambit ni Harrice. “Bakit?” kunot-noong kuwestiyon ko. Mixxene rolled her eyes. “Nagpapanggap nga si Jupiter Jan Sawyer or Pete bilang Earth, ’di ba? Kaya kailangan muna natin itong ilihim sa publiko,” wika niya. “That’s why we would call him Zion from now on.” Harrice nodded his head understandingly. “Okay. Naintindihan ko na.” “Good,” Mixxene uttered then cracked a smile. “What happens in Cebu, stays in Cebu,” she quipped. “It means, this secret must remain between us, alright? No one will know except us.” Muling nagtaas-baba ang ulo ni Harrice. “Alright. Roger that, Ms. Prexy.” Kung hindi lang sana ako nakikita ni Mixxene, d-in-isplay ko na sana ang ngiting tagumpay sa aking mukha. Pero natatanaw niya ako kaya kailangan kong itago iyon. Hindi naman ’to mangyayari kung pumayag lang sana si Mixxene noong una. Hindi ko intensyon na lokohin silang dalawa. Naging desperado lang ako kaya ito ang naisip ko. At ngayon, patuloy sila sa pag-indak sa ’king bawat paghatak. Nang marating ng aming mga paa ang clubroom nila—ang clubroom namin, nadatnan namin ang chairman ng student inspectors na si Horace Horatio na patingin-tingin sa mga gamit nila Mixxene na tila ba ibig niya iyong bilhin at iuwi. “Horace,” gulat na sambit ni Mixxene. Naglakad siya papasok at sumunod na rin kami ni Harrice. “Nandito ka na pala. Remind ko lang sa ’yo, ah, na kahit chairman ka pa ng student inspectors, hindi pa rin magandang isipin na basta-basta ka na lang pumapasok sa tahanang ’di sa ’yo. I wouldn’t be surprised if one day, someone sues you for trespassing,” nakahalukipkip niyang saad. “Tama,” segunda ni Harrice habang napatango-tango. “Alam mo, Horace? Sumusobra ka na. Lumalagpas ka na sa linya. Sana hindi gumaya sa ’yo ang iba mo pang kasamahan,” gatong pa niya. Lalong tumalim ang tingin nito sa chairman. Ngunit parang wala lang kay Horace ang mga sinabi nila. Pasok sa isang tainga, labas sa kaliwa. Kilala ko ang mga kagaya niya. Ganiyan din ako noong buhay pa ’ko. “Are you done?” mahayap na sagot ni Horace. Ipinagkrus din nito ang kaniyang mga braso sa harap ng kaniyang dibdib habang nakangisi. “Can we talk about your club now? Did you find one already?” pagbato niya ng mga katanungan kay Mixxene. The president hissed. “Didn’t I tell you that I found a bogy to partake our society? Panandalian ka bang nabingi kagabi, Horace? Or hindi ka lang talaga makaintindi?” Answering a questions by throwing another questions, huh? “Truth,” singit ng bise presidente ng CQAE Society na si Harrice. Muling ngumisi si Horace. “Bogy? Are you joshing me?” he then queried, arching a brow. Mixxene shook her head. “No, I’m not,” kagyat niyang tugon. “For the record, hindi nagbibiro si Ms. Prexy kapag nasa seryosong diskusyon siya,” hirit pa ng pangalawang pangulo. “I don’t believe in ghost!” singhal ni Horace. “Then you have to,” mabilis na tugon ni Mixxene. Bahagyang tumaas ang boses niya. “At kami ang magpapaniwala sa ’yo na totoo ang mga multo.” “Wait lang!” awat ni Harrice sa dalawa saka napalingon-lingon sa paligid. “Ear—este, Zion, kung nasaan ka man nakatayo, lumapit ka nga sa mesa saka pakilaglag nga ’yong kulay red na ballpen sa sahig,” atas niya at agad naman akong tumalima. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa mesa kung saan nakapatong ang red ballpen na tinutukoy ng bise presidente at inihulog ko ’yon sa sahig gaya ng utos niya. Nautusan pa nga. Napatingin naman si Horace Horatio sa red ballpen at unti-unting namilog ang kaniyang mga mata na parang mga barya. Subalit kaagad naman niyang ikinubli ang gulat. Harrice snickered. “Hindi ka pa rin ba naniniwala na may bago na kaming na-recruit na nagngangalang Zion?” usisa niya sa chairman. “Zion, pakiabot nga n’ong bughaw na folder—” “Okay, stop!” putol ni Horace. “This is driving me nuts! Stop!” he then snorted. Dahan-dahang lumapit si Mixxene sa kaniya habang unti-unting pumipinta sa kaniyang mukha ang ngiting tagumpay. “The one who can’t see ghost,” she said. She must be pertaining to Harrice. “The one who can communicate with dead people.” She was referring to herself. “And the benevolent bogy,” dagdag niya at batid kong ako ang tinutukoy niya. “If everyone knows about this, they’ll surely commend us because our society is so damn cool, right?”
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
ganda
19/04/2025
0subrang ganda Ng kwento!!
16/09/2024
0so niceeeeee!!🥹❤️
06/09/2024
0Tingnan Lahat