logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

SWIM - 8

SWIM - 8
Naabutan ni Hanelle na nakikipag aagawan ng kutsilyo si Ethan sa Itay niya kaya agad niya itong pinigilan.
"Ethan, ano ba?! Tumigil ka na!"
Panay ang pagpupumiglas nito sa kanya. Yakap yakap nito ang bewang niya.
"Bitiwan mo 'ko, Elle!"
Humarap ito sa kanya at malakas siya nitong itinulak kaya napahiga siya sa buhanginan.
Wala na ito sa kanyang sarili na tila sinasaniban na.
Napasinghap si Hanelle nang tuluyan nang maagaw ni Ethan ang patalim sa kanyang Itay. At dahil matanda na nga ito, walang kahirap-hirap na maagaw ni Ethan ang kutsilyo rito at itinutok sa sariling leeg.
"E-Eth--"
"Tumahimik ka." wika nito.
"Iho, kumalma ka, huwag mo namang sayangin ang buhay mo."
Matatalim ang matang humarap si Ethan sa kanyang Inay na nagsalita.
"Wala na akong buhay simula nang mamatay si mama."
"H-hindi totoo yan, Eth. Nandito pa kami."
Bumaling ito sa kanya na luhaan.
"Hindi ko kayo kaano-ano kaya tumahimik ka!" sigaw nito sa kanya.
Pumikit ito saglit saka pwersahang isasaksak ang patalim sa leeg.
Napasigaw siya sa kaiiyak at napatigil rin nang mapigilan ng isang kamay ni Ethan na saksakin ang leeg nito saka may itinutok na kung ano sa batok ni Ethan.
"C-coach, Vic." sambit ni Hanelle. Nagulat sa biglang pagdating ng coach at sa ginawa sa kaibigan.
Binalingan niya si Ethan na dahan-dahan na napapaluhod na sinalo naman ng coach nila. Unti-unti rin itong nawalan ng malay hanggang sa makatulog.
"Ano pong ginawa nyo sa kanya?!"
Tinulungan siya ng kanyang Inay na tumayo.
"Wag kang mag alala. Pampatulog yung itinurok ko sa kanya." aniya nito saka binuhat si Ethan at dinala sa loob ng bahay nila.
Nakahinga ng maluwag ang mga lolo't lola ni Hanelle. Mabuti na lang at agad na napigilan ng coach Vic nila si Ethan.
BUONG araw siyang hindi umalis sa tabi ni Ethan habang ito'y walang malay. Binantayan niya ito magdamag. Gusto kasi niya na kapag nagising ito, siya kaagad ang una nitong makikita. Wala siyang pakialam kung ipagtabuyan siya nito. Hinding hindi siya aalis sa tabi nito.
Masayang nagpasalamat si Hanelle sa diyos nang kinabukasan ay nagising na si Ethan. Ngunit hindi ito nagsasalita at nakatulala lang sa kawalan. Kapag tinatanong nila ito, tango o iling lang ang sagot nito. Hindi ito umiiyak. Malamang at ubos na ang luha niya sa kaiiyak.
Naawa si Hanelle para sa kaibigan dahil naisip niya na kung siya ang nasa posisyon ni Ethan, magiging manhid rin siya at tila may sariling mundo kaya hinayaan nya muna itong mapag isa. Alam niyang hindi pa ito maka move on sa nangyari.
At sino ba namang makaka move on agad sa pagkamatay ng pinakamamahal mong ina na nag iisa mo nang kasama?
Hindi ka nag iisa, Eth. Nandito pa kami.
Wika niya sa isip habang nakatanaw kay Ethan na nakatulala sa dagat.
Umalis siya saglit para bumili ng paboritong inumin nila ni Ethan.
Sana makatulong ito sa kanya kahit papaano
"Ate, dalawa po."
Tumango ang nag titinda at binigay ang kanyang binili saka ang kanyang bayad.
Dalawa ang kapit-kapit niya papunta sa gilid ng dagat. Inabot niya ang isa kay Eth.
"Ano 'yan?" tanong nito nang hindi tumitingin sa hawak niya. "Lason ba yan?"
"Hindi. Paborito mo' to oh,"
Nagpigil siya ng ngiti nang hindi matiis ni Ethan ang lingunin ang kung anong hawak niya.
Kinuha niya ang hawak ni Hanelle saka tinungga ang nasa plastik cup.
"Okay ka na?"
Natawa si Eth na tumingin sa kanya. "Sa tingin mo ba maaalis lahat ng iniisip ko sa isang inom ng ice tea?"
Ngumuso siya. "Sorry na. Eto naman, hindi mabiro."
"Tss. Ang pangit mo magbiro."
Umupo siya sa tabi ni Ethan at kumuha ng mga maliliit na bato at ibibigay ito sa kanya.
"Anong gagawin ko dyan?"
"Ihagis mo isa-isa."
"At bakit?"
"Dyan mo ibuhos lahat ng sakit na nararamdaman mo sa pamamagitan ng paghagis nitong mga ito."
Tumayo siya saka inalok niya ng kamay si Ethan para ito naman ang makatayo. Hinila ni Hanelle si Ethan patungo sa malaking bato malapit sa pangpang at malayo-layo sa kanilang baryo.
Umakyat sila sa malaking bato at tinanaw ang napakalawak na karagatan.
Dumipa si Hanelle sabay ipinikit ang mga mata.
"Simulan mo na, Eth. Itapon mo na ng malakas isa-isa 'yang mga batong hawak mo tapos sumigaw ka ng napakalakas at duon mo ibuhos lahat... Lahat-lahat ng sakit at problemang nararamdaman mo."
Nanatiling nakapikit si Hanelle at nakadipa pa rin ang mga braso.
Narinig niyang bumuntong-hininga si Ethan at nagmulat siya ng mata nang marinig ang pagtunog ng tubig. Tanda ng pagtapon ni Ethan ng mga bato. Pinanuod niya ito habang isa-isang inihahagis ang mga bato. Nakakunot ang mga nuo nito. Nagtatangis ang bagang at malapit na rin bumuhos ang luhang nagbabadyang tumulo sa mata nito. May pwersa ang pagtapon nito ng mga bato sa tubig. Hindi mo kakikitaan ng kahinaan.
At nang maubos lahat ng batong ibinigay nito sa kanya, walang pag aalinlangang sumigaw nga ng napakalakas itong si Ethan. Ilang minuto niyang pinagmasdan ang kaibigan bago ito mapagod at tumigil sa kakasigaw kasabay non ang pagbuhos ng mga luhang kanina pang gustong tumulo sa mga mata nito.
Lumuhod siya upang yakapin sa ito tagiliran at aluin. Pinigilan niyang hindi umiyak dahil alam niyang hindi ito makakatulong kay Eth.
ILANG oras pa silang nagtagal bago mapagdesisyunang umuwi. Sa wakas, pumayag na si Ethan na sa kanila na manatili.
Sumama si Hanelle sa paghahakot ng mga kagamitan sa bahay nina Ethan at ang namayapa na nitong ina para tumulong.
NAPATIGIL siya sa pagkuha sana ng kahon na nasa ilalim ng kama ng ina ni Ethan nang may mapansin siyang nakasingit na matigas na papel sa gilid ng kama nito.
Sa pagkakyuryos niya, kinuha niya iyon at tinignan.
Bahagyang napaawang ang labi niya nang makitang litrato iyon ng dalawang lalaki at isang babae. Ang babae ang yung ina ni Ethan na nasa edad bente-otso pa lang mahigit. May kasama itong dalawang lalaki sa litrato. Ang ina ni Ethan ay may hawak hawak na sanggol at yung isang lalaking katabi nito ay medyo nasa edad na dalawang taong gulang pa lamang.
Hindi niya makita ang itsura nung lalaki dahil medyo burado na ito. Mukhang matagal na itong nakatago dahil kumukupas na ang litrato.
Itanong ko kaya sa kanya?
Napailing si Hanelle sa naisip. Hindi pwede. Baka isinikreto ito ni Tita Ethyl kay Ethan. Yari siya kapag siguro nalaman ito ni Ethan. Wala naman kasi itong kinekwento sa kanya na may kapatid ito.
Sakana muna niya iyon ipapakita kapag alam na niya na may kapatid nga si Ethan. Ayaw niyang magsinungaling pero ayaw rin nyang masaktan ang kaibigan. Baka magwala ito kapag nalaman na may kapatid pala siya. Sakana niya sasabihin. Kapag nakahanap na siya ng sagot kung sino ang nasa litratong iyon. Hindi sya pwedeng magpadalos-dalos basta. Kailangan may kasiguraduhan.
"ELLE, Eth, kain na muna!"
Narinig niya ang sigaw ng Itay niya mula sa labas ng bahay nina Ethan kaya dali-dali niyang itinago sa bulsa ang larawan na nakuha niya.
"Tay, ano pong ulam ngayon?"
"Tilapia, apo. Marami akong huli ngayon eh."
Malapad na napangiti si Hanelle nang maamoy ang masarap at katakam-takam na halimuyak ng iniihaw na tilapia na pinapaypayan ng isa sa kasamahan ng Itay niya sa pangingisda.
"Mukhang mapaparami ako ngayon ah," komento ni Eth.
Pagbalik ng Inay niya, may dala-dala na itong malaking dahon ng saging para tipid sa paghuhugas ng mga plato.
"Kuya Pab, papasa po nung toyo." nakisuyo si Hanelle sa mangingisdang kasamahan ng Itay niya. "Salamat po."
Nang malagyan ng toyo ang isda, inumpisahan na niyang kainin ito ng nakakamay.
Ramdam niya ang titig ni Ethan sa tagiliran niya kaya nilingon niya ito. Mukhang alam na niya kung anong ibig sabihin nito.
"Akin na lang yung buntot."
Sabi na nga ba eh. Usal niya sa sarili.
"Oh," hinati niya ang tilapia at ibibigay rito ang parteng buntot ng isda.
"Thank youuu!"
Napailing-iling na lang siya sa inasta nito. Halatang paborito ang buntot ng isda. Baka maya-maya, magkaron na ito ng buntot sa katakawan nito.
HABANG lumilipas ang mga araw na magkasama si Hanelle at Ethan sa iisang bubong, lalo silang naging napakalapit sa isat-isa. Hanggang sa dumating ang panahong na...
"Elle, gusto kita."
Hindi alam ni Hanelle ang sasabihin niya matapos niyang marining ang mga katagang iyon galing sa matalik na kaibigan.
Gusto niya itong palakpakan dahil ang galing ng pag arte nito na parang totoo. Madalas silang mabiruan ni Ethan kaya naniniwala siyang prank lang ito o biro para mapapaniwala siya pero may kung anong nagsasabi sa loob niya na totoo si Ethan sa mga sinasabi nito at walang halong biro.
"Eth, alam kong magaling ka magbiro pero--"
"Hindi ako nagbibiro." seryosong putol nito sa sasabihin sana niya.
"O-okay?" nag iwas siya ng tingin.
Nagitla siya nang hawakan ni Eth ang kamay niya at tinitignan siya na may pagmamakaawa sa mga mata.
Nasa harap sila ng stage ng kanilang paaralan. Ngayon ang graduation ni Hanelle bilang grade 10 at nakatogang umamin sa kanya si Ethan sa nararamdaman nito para sa kanya at hindi niya iyon inaasahan.
Silang dalawa na lang ang nasa covered court ng school dahil yung iba niyang kaklase ang nagsialisan na. Si Ethan ang tanging dumalo at sumama sa kanya sa pag akyat ng stage dahil hindi nakadalo ang kanyang Inay at Itay.
Na-stroke ang kanyang Inay at ang Itay naman niya ay kailangang mangisda sa dagat dahil parang may milagro daw sa dagat sa dami ng mga isda.
"Elle, alam kong kaibigan lang ang tingin mo sa akin..." umiling-iling ito at itinuro ang sarili. "pero iba na itong nararamdaman ko. Hindi lang kaibigan ang tingin ko sayo." huminga ng malalim si Ethan. "Matagal ko nang nararamdaman ito at matagal ko na ring gustong sabihin sayo ito pero naduwag ako. Natakot ako. Natakot ako na... na baka layuan mo ako o magbago ang pakikitungo mo sa akin ngayo'y nalaman mo na, na matagal na kitang gusto." 
Despirado ang mga mata ni Ethan na nakatitig sa mga mata ni Hanelle. Hindi siya makasagot at hindi rin niya alam ang isasagot dito. Sa totoo lang, nakakaramdam siya ng pagkailang dahil mukhang naghihintay ng sagot si Ethan mula sa kanya.
"It's okay, you don't need to answer. Nakakagaan lang sa loob na, nasabi ko na rin ang matagal ko nang gustong sabihin sayo." matamis itong ngumiti sa kanya kapagkuwan. "Congratulations, Elle... for being a valedictorian. You made it. I'm so proud of you."
Pinisil nito ang kanang pisngi niya at tinap ang kanyang bunbunan.
"Libre kita ng Ice tea mamaya ha." tumawa ito at saka siya iniwan.
Naiwan siyang nakatayo na parang iniwan basta sa ere. Pilit niyang ipinapasok sa isipan ang sinabi ni Ethan. Hindi kasi matanggap ng kanyang sistema ang mga pinagsasabi nito sa kanya. Sa mata nilang pagsasama simula bata pa lamang, ngayon lang siya nakaramdam ng pagkailang mula rito.
Piling nga niya ay parang nagbago na talaga ang tingin niya kay Ethan. Hindi na ito ang Ethan na lagi niyang kaasaran o kabiruan sa lahat ng bagay na pinaggagawa nila kundi pakiramdam niya ay parang ito na ang Ethan na manliligaw niya.
"Nababaliw na ako."
"Elle! Tara na!"
Hindi kaagad niya napansin na nanduon pa pala si Ethan na naghihintay sa kanya na malapit na sa may gate ng kanilang school.
"E-eto na!"
Lakad-takbo ang ginawa niya papalapit rito.
"CONGRATS, apo!"
Sigaw ng kanyang Inay at Itay. Iyon kaagad ang bumungad sa kanya pagkabukas na pagkabukas ng pinto na gawa sa puno ng kanilang bahay.
Napatakip na lamang si Hanelle sa kanyang bibig nang makitang may hawak na cake ang kanyang Itay. Bilog at plane white ang kulay ng cake na mayroong nakasulat na Congratulations, apo! sa ibabaw ng cake. May mga banderitas rin na nakasabit sa mga dingding na gawa sa manila paper.
May namuong luha sa kanyang mata. Lumapit siya sa mga ito at parehas na niyakap.
"Maraming salamat po, Itay, Inay. Hindi ko po inaakalang may pakana kayong ganito. Hindi nyo naman po kailangan gawin ito eh, nag aksaya pa po kayo ng pero sa panggastos dito sa cake. At ang mahalaga naman po ay nagawa kong makagraduate at sama-sama po tayo ngayon."
Hinagod ng Inay at Itay niya ang kanyang likuran.
"Apo, ngayon lang nangyari ito sayo kaya dapat nating ipagdiwang." aniya ng kanyang Itay.
"Elle, huwag mong isipin ang gastos. Magagawan at magagawan rin naman yan ng paraan ng Itay mo. Pagbutihin mo lang pag aaral mo. Iyon lang ang maisusukli mo sa amin." wika naman ng kanyang Inay.
"Tama ang Inay mo, apo. Kaya proud na proud kami sa iyo at napanatili mong maayos ang pag aaral mo kahit na marami ang humahadlang sa iyong dinaraanan. Napanatili mo ring pagsabayin ang paglalangoy at pag aaral, apo. Valedictorian ka pa nga eh!" may pag mamalaki sa boses ng kanyang Itay. "Basta apo, huwag mong kakalimutang mahal na mahal ka namin ng Inay mo."
Tumango-tango rin siya habang yakap-yakap pa rin ang dalawang matanda. "Opo, salamat po sa inyo, Inay, Itay. Mahal na mahal ko rin po kayo."
"Oh sya, tama na iyan. Matutunaw na ang cake oh!" natatawang sabi ng kanyang Inay saka kumawala sa pagkakayap nila.
MALIIT na salo-salo lamang ang kanilang nakayanan sa selebrasyon ng graduation ni Hanelle. Siya, si Ethan at ang kanyang Inay at Itay lamang.
Naiilang pa rin siya hanggang ngayon kay Ethan na panay ang sulyap sa kanyang habang kumakain ng cake kaya medyo nawalan siya ng ganang kumain.
"Ahm, 'nay,' tay, tulog na po ako. Good night po." paalam niya. Hindi niya naubos ang cake kaya ibinalik muna niya iyon sa lalagyan para makain pa bukas.
"Ha? Ala-sais pa lamang, apo. Ang agap pa ah." pansin ng Itay niya.
Napakagat siya sa labi at mabilis na nag isip ng paraan para makalusot nang kapanipaniwala.
"Tay, inaantok na po ako eh. Napuyat po ako kahapon dahil sa kaexcitedan." pagdadahilanan niya.
Narinig niyang mahinang bumungisngis si Ethan. Alam nitong hindi siya puyat kagabi eh. Maagap nga siyang nakatulog kaya wala siyang lusot dito.
"Ganun ba, sige, pahinga ka na muna, apo. Bukas na lang uli."
Muli siyang nag paalam sa kanila saka dumiretso sa maliit niyang kwarto.
Nang makahiga sa lapag, tinitigan niya ang kisame na gawa lamang sa pinagdikit-dikit na kahoy na para bang nanunuod ng isang palabas ron. Hindi naman talaga siya inaantok eh. Palaging sumasagi sa isipan niya ang pagtatapat ni Ethan sa kanya kanina. Hindi ito mawala sa kukote niya kahit anong gawin niya.
"Delikado ito."
Pumikit siya at pinilit na patulugin ang sarili.
Bumukas muli ang kanyang mga mata nang marinig na bumukas ang pinto ng kwarto niya.
Hindi niya maaninag kung sino ang pumasok dahil madilim na sa labas at wala nang ilaw. Tanging ilaw na lang ng buwan ang nagsisilbing liwanag niya.
Tumagilid siya ng higa. Alam naman niyang ang Inay niya ang tatabi ng higa sa kanya. Minsan kasi tumatabi sa kanya ang Inay niya kapag hindi makatulog.
Naramdaman niyang gumalaw at lumalim ang kutsong kinahihigaan niya. Ibig sabihin, nakahiga na ang Inay niya.
"Good night, 'Nay."
Imik niya at muling bumalik sa pagkakapikit ng mata. 
Maya-maya ay umimik ang kanyang katabi na ikinagulat niya.
"Good night, Elle."
|©amph1trite|

Komento sa Aklat (22)

  • avatar
    Joerelyn Valdez III

    saan ba nagpunta su ethan at bakit hindi niya kasama happy ending sana may story pa kayo author sobra ganda may aral ka pa mapupulot sa story ni hanelle

    16/01/2022

      0
  • avatar
    Rayza Angelo Manumbas

    why

    28/04

      0
  • avatar
    Melody Valle - Ochinang

    ang gansa ng story. mas una kung natapos ang series 2. hahaha. sana matapos na ng series 3. keep it up. 👏👏👏👏 done reading.. 12/29/2022 @ 10:07pm

    29/12/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata