logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

08

Sinubsob ko ang sarili ko sa trabaho lalo na't malapit na ang deadline para sa mga kailangan sa charity ball ni Lev. Sa hindi malamang dahilan, parang mas pinoproblema ko pa ang pag-attend sa charity ball kaysa sa trabaho ko.
Hindi kasi ako sanay sa mga sosyal na okasyon. Ang maituturing kong sosyal na okasyon na dinaluhan ko ay noong 18th birthday pa ng pinsan ko na ginanap sa isang hotel pero ilang taon na ang nakakalipas mula noon. Idagdag mo pa si Ada na panay ang pangungulit sa pagbili ng damit.
"Calli," narinig ko na naman ang mataray na boses ni Shanon.
I looked up from my desk and met her gaze. Ganoon pa din, nakataas ang isang kilay sa akin at nakapameywang.
"May naghahanap sa 'yo sa lounge."
Tumango naman ako at tumayo. "Sige."
"Ewan ko ba! Ako ba ang lost and found station?" bulong niya kahit narinig ko pa rin.
Bakit kaya ang init ng dugo niya sa akin? Hindi ko naman siya pinakitaan ng masamang ugali mula nang dumating ako dito. Nang bumukas ang elevator doors, halos magwala ako sa pigurang namataan ko.
"Ano na naman ba kailangan nito?" bulong ko sa sarili ko.
Nang magtama ang mga paningin namin, agad siyang naglakad papalapit sa akin. This time, hinarap ko siya nang may paninindigan.
"What do you want?" singhal ko sa kanya.
Lumingon-lingon muna siya sa paligid namin bago ako tinignan.
"Now is not the time to be hard-headed, Calli."
I let out a bitter laugh. "Ano naman pake mo? Bilisan mo na magsalita bago pa kita sampalin ulit."
Tumikhim muna si Pierre at iginiya ako papunta sa gilid. Binawi ko ang braso ko sa kanya at matalim siyang tinitigan.
"Don't touch me, Rouiller."
"I'm not a virus, Calli. Parang dati lang gustong-gusto mong magkahawak tayo ng kamay—"
"May dahilan bakit tinawag na dati. Sana aware ka doon."
Muling tumikhim si Pierre. Sabi ko na nga ba walang patutunguhan 'tong usapan na 'to. I turned my heels but Pierre grabbed my wrist.
"Calli, I'll make this quick."
Hinatak ko naman sa kanya ang palapulsuhan ko. "I said don't touch me—"
"Layuan mo si Lev. That man is dangerous."
"All of a sudden nagkaroon ka ng pake sa akin. What changed? Nagseselos ka ba?"
Kumunot ang noo niya at bumakas na ang galit sa kanyang mukha. His jaw clenched as his fists balled. Napalunok ako sa kaba pero hindi ako nagpatinag.
"May mga bagay na hindi ko pwede sabihin sa iyo. May dahilan ako bakit sinasabi ko 'to sayo. I still love you, Calli, and I'll do everything to keep you out of harm's way."
Nag-iwas ako ng tingin. Hindi dahil sa naiinis ako kung hindi dahil alam kong may katotohanan ang sinasabi niya. Sa tatlong taon naming magkarelasyon, he has always been vocal about his feelings and thoughts.
Tama ba itong nararamdaman ko? Tama ba na sumang-ayon ako sa kanya?
"Aalis na 'ko, may trabaho pa 'ko."
Pumihit na 'ko pabalik ng elevator doors pero hinawakan ni Pierre ang braso ko at hinila palapit sa kanya. Kasunod nito ang pagpulot ng mga bisig niya sa akin. Pilit man akong kumakalas, mas hinihigpitan niya ang kanyang yakap.
"Please be careful, Calli. God's knows what I can do if something unpleasant happens to you. Wala pa man nangyayari, but God forgive me."
*****
"Maniniwala ka ba kay Pierre?"
Napabuntong-hininga ako. Hindi ko na alam. May parte sa akin na gusto siyang paniwalaan pero mas nananig ang galit ko sa kanya. Nabulag na 'ata ako ng galit.
"Calli?" muling tawag ni Ada at ngayon nilingon ko na siya.
"Sorry, Ada," sabi ko at pinadausdos ang mga kamay ko sa mga damit na nakasabit.
Hinawakan ni Ada ang kamay ko at pinisil ito. "Huwag mo na lang muna isipin 'yon. C'mon, help me pick a dress for your charity ball."
Marahan naman ulit akong hinatak ni Ada sa mga gowns and cocktail dresses. Ngayon, nagdadalawang-isip na 'ko para sa event na 'yan. Tama ba na pagdudahan ko ang isang taong hindi ko naman lubos na kilala?
"Ada, puwede ba time out muna?"
Umupo na ako sa tinatapakan ng isang standee. Tatlumpung minuto na ang nakakaraan at 'di pa rin ako nakakapili ng susuotin.
"Ikaw naman kasi, Calli. Hindi talaga tayo makakabilia sa ganyang attitude mo," nakapameywang na pangaral ni Ada.
"Bakit ba kasi kailangan pa bumili? I have fine clothes at home—"
"Fine clothes? You mean your jeans and overworn Sunday dresses? C'mon, Calli, charity ball ang pupuntahan mo at hindi binyag."
Napairap na lang ako sa hangin. I took a deep breath and forced myself to stand. We continued to search the entire department store until my eyes landed upon such a beautiful clothing.
The tag had the dress' description. It was a black dot mesh flounce lantern sleeve bodycon. Simple yet classy.
"Ma'am, try niyo po," sabi ng sales clerk na biglang sumulpot sa tabi ko.
I absentmindedly nodded. The next thing I know, I was wearing the dress. Tamang-tama ang fit. Lampas lang ng ilang pulgada mula sa tuhod ko ang damit. It accentuated my curves I thought I never had.
Hinawi ko na ang kurtina ng fitting room para ipakita kay Ada ang damit na napili ko.
"Grabe, ang ganda mo, Calli," sabi ni Ada while eyeing me from head to toe.
Tinignan ko ang tag price nito. "2, 999? This baby's coming home with me."
*****
Bumukas ang elevator doors hudyat na mayroong paparating. Hindi na ako nagtaas ng tingin dahil alam ko naman na kung sino 'yon.
"Mr. Tavarella, what a pleasant surprise," bati ni Shannon sa dumating.
"You know, business."
I kept looking at my peripheral vision and realized he was walking towards me. Nang makakita ako ng pares ng sapatos sa gilid ko, doon lang ako nag-angat ng tingin.
"Did you receive my text, Calli?"
Tumango ako. Kumunot naman ang kanyang noo sa akin.
"Uh, pwede ba na sa labas na lang natin pag-usapan 'yong other details ng event?"
"No need, Mr. Tavarella." Kumunot naman ang kanyang noo nang banggitin ko ang apelyido niya.
I stood and faced him with such professionalism.
"Sa conference room na lang natin pag-usapan 'yan, tutal naman work-related."
"Mr. Tavarella, huh?" He flashed a smirk at me.
Hindi ako nagpatinag at poker-face pa rin ako sa kanya. "I also have something to discuss to you."
"Sure, lead the way, Ms. Montecillo."
Tumango ako at naglakad na patungo ng conference room.
"What's with the attitude, Calli?" tanong ni Lev nang makaupo na kami.
I was sitting in the middle at the front while he was sitting at the far end. Tinted ang salamin ng conference room at soundproof kaya parang nakakabingi ang katahimikan na pumapalibot sa amin.
"What attitude, Mr. Tavarella?" pagpapatay-malisya ko. "Anyway, I wanna start by saying na kinausap ko na si Mr. Sefiro about this project at pending pa ang desisyon. I just want to give you a heads up."
He leaned his back on the reclining chair. Inilagay niya ang kanyang mga kamay sa likuran ng kanyang ulo at dumekwatro.
"Ipapasa ko na ang project sa iba," anunsyo ko habang hindi pinuputol ang titigan namin.
Sa totoo lang, wala pang isang oras nang magpaalam ako tungkol diyan kay Mr. Sefiro. Nagtaka siya dahil ilang araw na lang, chairity ball na ni Lev. Akala niya ngkaproblema kami pero ako talaga ang may problema.
The room fell silent. Lev was only staring at me with a smirk on his face. Panay ang iwas ko ng tingin dahil kumakalabog ang puso ko dahil sa bumabalot na tensyon sa amin.
"Let me guess, Pierre said something that changed your mind," kaswal niyang saad.
I tried not to look shocked but his smirk grew into a grin when I flinched on my seat. The AC was on but I was sweating hard.
"No, Mr. Tavarella—"
"Drop the act, Calli," he interjected and stood.
Akala ko hahakbang siya papalapit sa akin pero buti na lang at humilig siya sa salamin. Tinignan niya 'ko gamit ang mga mapanuri niyang mata at pinagkrus ang kanyang mga braso.
"Alam kong biglaan—"
"Wala akong pake kung biglaan. Someone made you doubt me, that's why you've changed your mind, and I'm guessing that it's Pierre."
Tumayo na ako at tumindig. "Hindi ko matatanggap ang paratang na 'yan."
He walked closer to me. Every step he took made me gulp. Lalong nagtambol ang puso ko nang isang dipa na lang ang distansya namin.
"Iniiwasan mo ba 'ko, Ms. Montecillo?" he whispered in such a seductive way.
"Mas maganda kung isang batikan ang gagawa ng project mo kasi isa kang tanyag na tao, a-at..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko.
"Ikaw ang gusto ko. Wait let me rephrase that. Ikaw lang ang gusto ko."
Halos kumawala ang puso ko sa dibdib ko. He was looking at me intently when he let those words go. Bakit ganoon? Iba ang dating sa akin ng sinabi niya. There was something beneath those words.
"M-mr. T-ta...v-arella..."
"I don't give a damn whatever Pierre told you, but let me tell you this," he licked his lower lips as his hazel eyes stayed focused on me, "I'm no devil, but I'm no saint as well. I'm not afraid of that Rouiller."
Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin, his minty breath lingering in my nose.
"You're staying with me, Calli."

Komento sa Aklat (0)

    Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata