logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

07

Patuloy pa rin ang pag-echo nang mga huling salita ni Lev sa akin. Ngayon, hindi ako makapag-concentrate sa trabaho. Bakit parang ganun-ganun na lang kung pagsalitaan niya ang mga Rouiller? May galit din ba siya sa kanila? Ano ang ginawa nila kay Lev?
"Calli." Muntikan na akong atakihin sa puso dahil sa tumawag sa akin.
Nilingon ko kung sino ito at si Mr. Sefiro pala na nakakunot ang noo ngayon sa akin. Tumayo ako at napa-bow pa dahil sa hiya.
"May problema ka ba, Calli?" Naningkit na ang mga mata ni Mr. Sefiro.
Umiling ako. "Nako, wala po. Nag-iisip lang po ako ng templates."
Napatango na lang si Mr. Sefiro. "Well, ala sais na. Take the day off."
"Sige po, salamat po."
Umalis na si Mr. Sefiro at dali-dali ko na inayos ang mga gamit ko. Siguro itulog ko na lang 'to. Aayos din ang pakiramdam ko. Sana hindi na ako gambalain pa ni Pierre.
Pagkabukas ng elevator doors, naningkit ang mga mata ko nang mapansin ang isang pigura na nakatayo sa labas ng building. Nang makalapit ako, napagtanto kong si Lev pala 'to.
"Lev?"
Nilingon niya na ako at napangiti. "Kanina pa kita hinihintay."
"Ha? May meeting ba tayo? Sorry, nakalimutan ko 'ata."
Napahalakhak naman siya. His eyes laughed as laughter escaped his mouth.
"Wala tayong meeting. Gusto lang sana kita ihatid. After what happened, alam ko na maraming gumugulo sa isip mo."
I felt my cheeks heat up. Umiling ako at nginitian siya.
"Salamat sa pag-aalala, Lev, pero okay na ako. Ayaw ko na maabala ka pa. Hindi naman kalayuan ang bahay namin. Magji-jeep lang ako at tricycle."
"Sorry, but I can't let you do that."
Napataas naman ang isang kilay ko sa kanya. Mas lumapad ang ngiti niya at humakbang palapit sa akin. The distamce was getting more dangerous as he got closer. Ngayon, hindi na naman ulit ako makatingin sa kanya ng deretso.
"Gabi na, Calli. Mamaya sa gagong driver ka pa makasakay. I wanna make sure you get home safe."
Mas lalo 'ata namula at nag-init ang mga pisngi ko nang makita ko ang sinseridad sa mga mata niya.
"Nahihiya talaga ako, Lev," pagpipilit ko.
"Tanggalin mo 'yang hiya na 'yan. Sige ka, baka araw-arawin kong ihatid ka para masanay ka na."
Napakamot na lang ako sa batok ko. Ano pa bang magagawa ko?
"Sige, pero sa susunod pagbigyan mo na ko na tanggihan ka."
"I can't promise that, Calli."
The way he smiled cheekily made me realize that what he's saying could be true. Iginiya niya na ako sa sasakyan niya at pinagbuksan ako ng pinto.
"S-salamat." I bit my lower lip to stop the shakiness in my voice.
*****
"Dito na lang, Lev," sabi ko sabay turo sa apartment building namin.
Inihinto niya ito sa tapat. Nilingon ko si Lev.
"Baka puwede kita imbitahan na mag-kape or juice, pasasalamat na rin sa ginawa ko."
"Nako, sa susunod na lang, Calli. Mas maganda siguro na magpahinga ka na din. You've had a long day, Ms. Montecillo. You deserve some rest," saad niya sa isang malambing na tono.
"Sige, salamat ulit, Lev. Maraming salamat."
"No worries."
"Ingat ka sa pagmamaneho," sabi ko bago bumaba ng sasakyan niya.
Nagulat naman ako nang bumaba rin siya. Nilingon ko siya at pinagkrus niya ang kanyang mga braso't sumandal sa pinto ng kanyang sasakyan.
"Sige na, Calli. I'll wait 'til you get in."
Hindi na ako nakipagtalo pa dahil damang-dama ko na ang pagkalabog ng puso ko. Kumaway na lang ako sa kanya dahil kapag sinubukan ko pang magsalita, manginginig na naman ang boses ko.
I ran the stairs to the 3rd floor where mine and Ada's apartment room was. Nang makapasok na 'ko sa loob, dali-dali akong dumungaw sa bintana, 'yong tipong 'di niya mapapansin. Nagsimula na umandar ang sasakyan ni Lev paalis.
Napansandal ako sa bintana at hindi ko namalayan na gumapang na ang kamay ko papunta sa kinaroroonan ng puso ko. Ano ang nangyayari?
*****
I began to busy myself with office works. Mas inaagahan ko na ang pag-uwi para hindi kami magkasalubong ni Lev. Baka kasi totohanin niya 'yong sinabi niya noong nakaraan, hindi ko na alam ang gagawin kong pagtanggi sa kanya.
Dahil Sabado ngayon, nandito lang kami ni Ada sa bahay pero busy kami sa kanya-kanya naming trabaho.
"Calli!"
Napalampas ko tuloy 'yong line na dino-drawing ko dahil sa gulat at paghampas ni Ada sa sofa.
"Ano ba, Ada, nakakagulat ka naman," inis kong saad.
She was just sitting across from me, eyes foused on her phone with earplugs on her ears. Paniguradong nanonood na naman 'to ng K-Drama.
Kinuha ko 'yong eraser ko at ibinato sa kanya. Sakto tumama sa cellphone niya na naging dahilan para mahulog 'to sa hita niya.
"Seriously, Calli?" inis niyang sambit pagkatanggal ng earplugs.
"Nakakagulat ka, e!" sabi ko sabay tuon na ulit ng atensyon ko sa pag-do-drawing.
"Magluto ka na, nagugutom na 'ko," utos ni Ada'ng mala-Señorita.
Napataas naman ang kilay ko sa kanya. Dinampot ko ang isa ko pang eraser at ibinato sa kanya.
"Go lang, be," asar niya.
Lokaret din minsan 'to. Tinignan ko ang wall clock at alas onse na pala. Nagligpit na 'ko ng mga gamit ko para makapagluto na. Pagkatapos, tumayo na 'ko mula sa pagkakasalampak sa sahig para silipin ang laman ng ref namin.
"Ada, tocino na lang ulamin natin." Dahil 'yon na lang din naman ang laman ng ref namin. Grabe, kailangan na pala namin mag-grocery.
"Ikaw na bahala, ikaw din naman magluluto."
Napairap na lang ako sa hangin dahil busy siya kaka-selpon. Maya-maya lang, tumayo na rin si Ada. Siya na ang naglagay ng bigas sa rice cooker at ako naman ang nagluto ng tocino.
We began to do our chores when the doorbell rang.
"Ako na," sabi ni Ada at lumabas at sinilip ang nasa labas.
Ilang minuto lang ang nakalipas at bumalik na si Ada. Ada's aura looked different when she faced me. She was grinning widely as she stared at me.
Tinaasan ko siya ng kilay at nakapameywang sa kanya. "Ano nangyari sa 'yo?"
Imbis na sumagot, hinawakan niya ang palapulsuhan ko at hinatak palabas. Bago pa 'ko makapagprotesta, she gently shoved me near the figure I was becoming familiar with.
"Lev?" Hindi ko maitago ang pagtataka sa boses ko.
"Naabala ba kita, Calli?"
"Nako, hindi ho. Sa katunayan, wala kaming masyadong ginagawa," sabat ni Ada.
She was grinning like a puppy. Sa sobrang focused niya kay Lev, hindi niya napapansin ang matalim kong titig sa kanya.
"That's great," hindi maituloy ni Lev ang sasabihin niya, mukhang nahihiya kay Ada.
"Lev, meet my bestfriend, Ada. Ada, meet Mr. Tavarella—err, Lev."
Ada abruptly reached her hand out for Lev to shake. Lev was quick to flash his pearly white teeth.
"Ada, 'di ba may gagawin ka pa? 'Yong tocino?"
Nilingon naman ako ni Ada nang nakakunot ang noo. Pinandilatan ko siya at mukhang na-gets naman niya ang gusto kong iparating. Nako, mamaya masabi niya pa ang mga kalokohang natakbo sa isip niya. Tumango siya sa akin at muling nilingon si Lev.
"Nice to meet you. Maiwan ko muna kayo."
Nang makaalis na si Ada, tsaka ko hinarap si Lev.
"Uh, may meeting ba tayo? Nagiging makakalimutin na 'ata ako."
Umiling si Lev, "Wala naman, Calli. I just dropped by to give you this."
Bimuksan niya ang passenger seat ng sasakyan niya at kinuha ang isang basket na punong-puno ng mga prutas.
"Ha? Bakit?" natatawa kong sambit habang tinatanggap ang basket.
Hindi makatingin si Lev sa akin ngayon at nagkamot ng batok niya.
"The choices were flowers and chocolates, but they're overrated. Mas mapapakinabangan mo 'yan. A basket of nutrients."
I continued to giggle, still not getting his point. "I mean, ano meron? Ba't may pa-ganito ka pa? Hindi ko naman birthday."
He shyly laughed at my attempt to crack a joke. "Kasi nga 'di ba 'yong kahapon with Pierre, I jus wanted something to lift your spirits. Ngayon, nagtama na ang mga mata namin. "The sight of you crying didn't leave my mind. I knew I had to do something."
"Nakakahiya man pero salamat," sabi ko at medyo inangat ang basket. "You didn't fail at lifting my spirits. Thank you so much."
"No worries, Calli."
"Pasok ka muna sa loob. Sakto manananghalian na kami pero 'di pang fine dine kinakain namin," at bahagya pa kaming natawa.
"I'm no unicorn, Calli. Hindi naman por que manager ako, e, hindi na 'ko marunong kumain ng fishball at kwek-kwek. Mind you, kwek-kweks are my fave."
Mas lalo pa akong natawa sa sinabi niya. "So, ano? Tutuloy ka ba muna?"
"Pass muna, Calli. Pupunta na rin kasi ako ng hotel."
Napatango naman ako. "Ah, ganoon ba? Sige, ingat ka. Salamat ulit dito."
"Bago ko pala malimutan, kahit obvious naman na, I'd like to formally invite you sa charity ball."
Alam ko naman na imbitado kami pero hindi ko pa rin maitanggi ang gulat sa mukha ko, lalo pa't galing sa bibig ni Lev 'yan.
"Salamat, Lev. Kahit 'di ako sanay sa ganyang mga okasyon."
"Kaya dapat pumunta ka. Zion will be there as well as your workmates. You won't feel out of place," then he took a step forward, getting near the dangerous distance. "I'll be there. I won't let you out of my sight."

Komento sa Aklat (0)

    Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata