logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 3:

Kalhira’s POV
            “I’m sorry,” hingi ko agad ng tawag. Nilapag ko sa upuan ang dala kong bag pati na rin ang bag ni Karen. “I got drunk last night so Maia didn’t send me home.”
Tumayo siya mula sa pagkakaupo at nilingon ako. Sobrang tangkad ng asawa ni Karen. Naglakad ito papalapit sa akin, bawat hakbang niya ay rinig mo ang tunog ng sapatos. Nakaformal attire siya, basa ang buhok at parang papasok siya sa trabaho.
Nang makalapit siya sa akin, doon ko lang natitigan ang kaniyang mukha. Malalim ang kaniyang mga mata at kulay kayumanggi ’yon. Straight ang buhok niya at makakapal ang kilay. Nalipat agad ang tingin ko sa pilik-mata niya dahil mahaba at makakapal. Ang ilong niya ay sobrang tangos. Ang labi niyang kulay rosas at halatang malambot. Sobrang kinis ng kaniyang mukha at ang sarap hawakan n’on.
“When have you used a low-quality bag?” tanong niya na hindi man lang tinapunan ang bag ko.
Ang boses niya tila galing sa kailaliman. Ang sarap pakinggan ng paulit-ulit. Kung gwapo ang mukha niya, ganoon din ang boses. Bagay na bagay sa kaniyang hitsura.
Anong dahilan ni Karen para lokohin ’to? Baka naman masama ang ugali.
“Ah, that’s not mine,” rason ko agad. “May pagbibigyan ako.”
Tinabingi niya ang kaniyang ulo at nagpamulsa. “Take a bath. Ibang aroma ang naamoy ko sa ’yo.”
Matapos niyang sabihin, tinalikuran niya ako at dire-diretsong naglakad.
’Gaya ng sinabi ni Silas ay maligo muna ako kaya umakyat ako sa taas. Dito agad ako nagkaproblema dahil sobrang daming kwarto. Hindi ko alam kung saan ang kwarto nilang mag-asawa kaya kinuha ko ang cellphone ko para i-text si Karen.
To: Karen
ang daming pinto rito. hindi ko alam kung nasaan ang kwarto niyo.
Nakahinga ako nang malalim dahil tumugon agad siya. Mabuti na lang mabilis siyang nagreply.
From: Karen
Pinakadulo ng pasilyo. Kulay brown ang pinto. Kwarto naman ng anak ko ang kulay pink ang pinto.
Tinungo ko na ang kwarto nila. Napakalawak, halos kumpleto sa gamit at ang bango ng amoy. Napatingin ako sa wall glass dahil wala man lang naggilid ng kurtina. Madilim tuloy sa loob.
Pumunta ako rito para pumasok ang sinag ng araw. Matapos ay naghanap ng damit sa closet ni Karen saka na naligo. Namangha pa ako dahil sobrang dami niyang damit na magaganda.
Ngayong nasa banyo ako, hindi ko alam kung anong gagamitin kong sabon dahil sobrang dami. Iba-iba ang kulay pati na rin ang brand. Ginamit ko na lang lahat para matapos na ako mag-asikaso ng sarili.
Matapos ’yon ay bumaba na ako. Nakita ko si Silas pati ang batang babae, mukhang ito ang anak ni Karen.
“Cook for us, wife,” utos ni Silas sa akin. Malamig ang kaniyang pananalita at palaging seryoso ang kaniyang mukha.
“Mommy, good morning!” harap sa akin ng bata.
Nagulat na lang ako nang makita ko ang mukha niya. Tinago ko ang aking reaksyon, siya iyong batang kumapit sa akin sa mall.
Ngumiti ako sa kaniya ng matamis.
“Good morning,” tugon ko.
Hindi ko alam kung anong itatawag ko sa kaniya. Maitanong nga kay Karen mamaya.
“What do you want for breakfast?” tanong ko sa kanila.
“Anything, mom!” sigaw ng bata. Hindi sumagot ang lalaki. Mukhang kung anong p’wedeng lutuin dito ay iyon ang niluluto ni Karen para sa kanila.
Habang nagluluto ako, napaigtad ako nang may dalawang brasong pumulupot sa baywang ko. Naramdaman ko ang dibdib niyang matigas na dumikit sa likod ko. Naiiwas ko ng kaunti ang aking leeg nang amuyin niya ’yon. Siniksik ang mukha at hinalik-halikan. Amoy na amoy ko ang buhok ng lalaki, sobrang bango n’on.
Sunod-sunod ang kaba ko at hindi ko alam ang irereaksyon. Ito ang unang beses na may lalaking yumakap sa akin. Hindi ko naman siya p’wedeng itulak kaya nag-isip agad ako ng sasabihin.
“Later po. Nagluluto pa ako,” malambing kong sabi. Tinago ang pagkautal.
Hindi ko rin alam ang tawag sa kaniya ni Karen kaya ito ang kailangan kong malaman.
“Your skin smells different,” aniya. “We have our own smells at naaamoy ’yon sa leeg o batok.”
Napahinto ako at agad na nablanko.
Natuyuan ang lalamunan ko. Hindi ko alam ang isasagot. Mabuti na lang kasasalang ko lang ng umagahan namin kaya hindi pa ’to naluluto, hindi ko kasi maigalaw ang aking sarili. Mukhang napansin ni Silas dahil natahimik ako kaya muli siyang nagsalita.
“May tinurok ka na naman ba sa katawan mo, Karen?” masungit nitong tanong. Nakatitig mismo sa mukha ko.
“Ah, yes,” malumanay kong sagot at ngumiti.
“Looks like you enjoyed Maia’s birthday,” pagpaparinig niya. “Your smiles are sweet today. You are not frowning.”
“Yes, I enjoyed,” sagot ko at inasikaso na ang niluluto dahil humiwalay na rin naman siya sa akin.
“Really? That thing is new to you because no matter what party you go to, nakakukuha ka ng kaaway.“
“I’m thankful dahil payapa ang party ko kagabi,” sagot ko. “Anong oras ang schedule mo ngayon? May luto na ako, p’wede ka nang kumain. Baka mahuli ka sa trabaho.”
“Kanina pa ako late dahil ang tagal mong umuwi,” sagot niya na may nakakunot na noo.
“I’m sorry. Let’s eat.”
Bumalik na siya sa lamesa nang maghain na ako ng mga pagkain. Naiilang ako dahil habang kumikilos ako ay pinapanood ako nito. Hindi ko alam kung ganito ba siya kay Karen.
Sinandukan ko na ng pagkain ang anak niya ’gaya ng ginawa ko kay Karis. Dinurog ko ang mainit na kanin at nilagyan ng ulam bago ibigay dito.
“Eat your food,” bilin ko rito.
“Yes, mommy!” masiglang tugon niya. Tinaas pa ang dalawang kamay hawak ang mga kubyertos.
“Chloe, you have home study. Faster and fix yourself,” kausap ni Silas sa anak.
Tumango sa kaniya si Chloe. Abala kaming tatlo sa pagkain. Tahimik lang ako dahil hindi ko naman alam ang nangyayari dito sa bahay nila. Baka kapag nagsalita ako o magtanong ay mahuli ako nito sa mga sagot ko.
“May pupuntahan ka na naman ba?” Silas asked me.
“Ah, no,” sagot ko agad. “Mas gusto kong magpahinga ngayong araw at bantayan si Chloe sa home study niya.”
Nagulat ako kay Chloe nang ibagsak niya ang mga kubyertos at tumingin sa akin. “Really, mommy?! Are you not busy na?!”
Pinunasan ko ang bibig niya.
“Yes, baby,” I smiled at her. “It’s ‘are you not busy na po?’ Use po and opo kapag nakikipag-usap ka sa mommy and daddy mo pati sa mga matatanda, okay?”
“Yes po!”
“Faster para maasikaso na kita.”
Bumalik nabsiya sa pagkain kaya tumingin ako kay Silas. Napagtanto kong pinapanood niya pala kami ng anak niya.
“Why?” tanong ko. Nangangapa tuloy ako sa itatawag sa kaniya. “I also have to take care of our daughter.”
Wala siyang naging tugon. Seryoso siyang bumalik sa pagkain.

Komento sa Aklat (218)

  • avatar
    Charmille Elaba

    I love it but make it more precise

    17/04/2025

      0
  • avatar
    SabillaRhea Grace

    ilove reading

    31/03/2025

      0
  • avatar
    Noeme Calixtro

    really good story i can't forget how it started and to the end.

    05/12/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata