logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 2:

Khalira’s POV
“Karen, bunganga mo!” muling suyaw sa kaniya. “Magfocus ka sa pamilya mo. Doonmo ituon ang atensyon mo. Hindi mo na kailangang suportahan ang pag-aaral at pagpapagamot ko. Ako na mismo ang gagawa ng paraa—”
“Edi sana matagal niyo nang ginawa!” bulyaw niya ulit. “Ngayon niyo pa naisipang tulungan ako kung kailangan lubog na lubog na ako sa utang! Hanggang ngayon binayaran ko pa rin ’yong utang ko para pambayad ng bills sa ospital dahil na-confine kayo, ma!” Napahilamos siya ng mukha. “Nang manganak ’tong magaling niyong anak, malaki rin ang nailabas kong pera. Malaki rin ang tuition fee ni Kim dahil sa course niyang kinuha. Lahat dala-dala ko, ma. Kung kailan hirap na hirap na ako kaiisip kung saan kukuha ng pera, ngayon niyo lang naisip na tumulong? Sobra kayong nakatatawa.”
May narinig akong hikbi, nakita ko si Kim na palihim na umiiyak. Napahinga ako nang malalim. Lahat ng sinabi ni Karen ay totoo.
“Anong gagawin ko?” tanong ko sa kaniya.
“Kalhira, tumigil ka!” Hinawakan ni mama ang kamay ko papalapit sa kaniya. “Kailangan ka ng anak mo rito, ano ba?!”
“Pabayaan niyo siyang magdesisyon, ma. Malaki na ’yan,” reklamo ni Karen. “Kailangan ko ng tulong ni Kalhira dahil papatayin ako ni Silas kung aalis ako ng bahay na walang paalam!”
“Ma, hayaan niyo akong tumulong,” pagmamakaawa ko kay mama dahil tutol siya sa kagustuhan ni Karen.
“Anak, hindi mo kailangang pumasok sa ganoong sitwasyon. Paano kapag nalaman ni Silas na hindi ikaw si Karen? Sigurado akong sasaktan ka niya!” bakas na bakas sa boses ni mama ang pag-aalala.
“Ma, hindi, ma,” pagpapagaan ko sa kaniya ng loob. “Kailangan ni Karen ng tulong ko at maaalagaan niyo naman po si Karis, ’di ba? Ma, ito na ’yong pagkakataon para bumawi ako sa kaniya.”
Narinig ni Karen ang sinabi ko kaya napairap siya ng mga mata.
Napahinga nang malalim si mama. Wala nang nagawa sa naging desisyon ko.
“Bilisan mong magdesisyon, Kalhira. Bukas na bukas ay aalis ako,” masungit niyang pagpaparinig.
“Ano ba ang gagawin ko? Sabihin mo lahat ng impormasyon,” tingin ko sa kaniya.
“Bukas na bukas ay kailangan mong pumunta sa bahay. Ako mismo ang maghahatid sa ’yo. Malakas ang pakiramdam ni Silas. Iwasan mong mahuli niya tayong dalawa. Uuwi ka lang dito kapag uuwi ako ng bahay. Kung may hindi ka alam tungkol sa pamilya ko, i-text mo ako para tanongin. Kung makikipagtalik ka kay Silas. Go. Wala akong pakialam. Kung kaya mong perahan ang asawa ko ay gawin mo. Madali lang siyang magbigay.”
“How about your daughter?” tanong ko.
Napahinga siya nang malalim. “Buhok ang magkaiba sa atin. Dalawang araw akong umalis at alam ng asawa ko ’yon, madaling gawan ng palusot ang buhok, Kalhira. Gamitin mo ang utak mo. Iyong anak ko, hindi siya problema.”
“Sige.”
              Kinabukasan ay pumili lang ako ng gamit na kailangan dahil sinabi rin sa akin ni Karen na mga gamit niya ang gagamitin ko roon. Nag-usap na rin kami ni mama kaya ayos na sa kaniya, nasaktan daw siya sa bulyaw ni Karen kaya pinayagan niya na lang ako. Kinausap ko si Kim na alagaan si mama dahil may sakit ’to, tumango naman siya sa akin.
Maya-maya lang ay nasa labas na si Karen kaya hindi ko alam kung paano ako magpapaalam sa anak ko. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag o magsisinungaling na lang ba.
“Sabihin mong magtatrabaho ka, Kalhira,” ani mama.
Pumasok ako sa kwarto ni Karis. Kumatok ako at ginising siya. Pinainom ko muna siya ng tubig bago kausapin.
“Karis, papasok muna si mama sa trabaho. Matagal ako roon,” aniko.
Nawala agad ang antok niya at tumitig sa akin.
“’Di ba malaki ka na? Si lola muna ang magbabantay sa ’yo. Kailangan magtrabaho ni mama para may pera tayo pangschool mo, para maibigay ko lahat ng gusto mo at pampagamot kay lola.”
“Bakit po matagal?” kumikibot agad ang labi niya.
“Shh, uuwi naman si mama. Hindi kita papabayaan. Lagi akong tatawag para kumustahin ka, ayos lang ba sa ’yo?”
“Hindi mo po ako iiwan tulad ni papa?” paninigurado niya.
Sinasabi ko kasing iniwan kami ng papa niya kaya wala siyang tatay.
“Siyempre naman, mahal na mahal kita, anak.”
Yinakap ko siya at hinalikan sa pisngi. May tumulong luha sa aking mga mata pero agad ding pinawi iyon. Hinawakan ko siya sa dalawang pisngi.
“Iyong mga bilin ko, susundin mo, huh? Huwag papasakitin ang ulo ni lola, Karis, huh?”
“Opo, mama,” sagot niya. “Uwi ka rin po, mama, huh?”
Sunod-sunod akong tumango sa kaniya.
            Nakasakay na ako ngayon sa kotse ni Karen. Pinatabi ko muna si Karis kay mama matulog dahil kapag nakita akong umalis ng anak ko, walang dudang hahagulgol siya at hahabol sa akin. Mahirap umalis kapag ayaw kang paalisin ng anak mo.
“I came from the hotel because it was my friend’s birthday. Her name is Maia. Kapag nagtanong si Silas, alam mo na agad ang isasagot mo.”
Tumango ako sa kaniya.
“Ayusin mo ang pagpapanggap mo, Kalhira. Pareho tayong malalagot kaya nalaman ni Silas na niloloko natin siya. Huwag kang tatanga-tanga.”
Hindi na ako sumagot sa sinabi niya. Nanahimik na lamang ako. Alas-otso na ng umaga nang makarating kami. Bumaba agad siya sa kotse niya. Marunong ako magmaneho ng kotse kaya ako ang nagmaneho papasok sa loob. Ngayon ko lang ’to napuntahan kaya pagbaba ko sa sasakyan, nilibot ko agad ang paningin ko.
Ito pala ang buhay ni Karen.
Malaki ang tiwala ng kakambal ko sa akin at inaasahan ako kaya wala siyang ibang bilin pa. Naramdaman ko agad ang kaba nang mapagpasyahan kong pumasok na sa loob.
Pagbukas ko ng pinto, may nagsalita agad.
“Napag-usapan nating gabi ka uuwi, now it’s morning, Karen.”
Hinanap ng mga mata ko ang nagsalita. Nakaupo siya sa sala, nakatalikod mula sa akin.

Komento sa Aklat (218)

  • avatar
    Charmille Elaba

    I love it but make it more precise

    17/04/2025

      0
  • avatar
    SabillaRhea Grace

    ilove reading

    31/03/2025

      0
  • avatar
    Noeme Calixtro

    really good story i can't forget how it started and to the end.

    05/12/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata