logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

I’M JUST HIS SUBSTITUTE WIFE

I’M JUST HIS SUBSTITUTE WIFE

ItsyourgirlZiryang


Chapter 1:

Khalira’s POV
           Nililibot ko ang mall dahil hinahanap ko si mama. May bibilhin daw siya kaya humiwalay muna sa akin saglit habang kausap ko ang sales lady. Nakita ko siya malapit sa playground, nagtitinginan na naman ng laruan para sa anak ko. Bawat alis talaga namin ay kailangan may pasalubong siya.
She really loves my daughter.
“Ma—”
Hindi natuloy ang pagtawag ko sa kaniya nang biglang may batang babaeng lumapit sa akin. Kinapitan niya pa ang binti ko animong ayaw ako paalisin. Hindi ko ’to kilala kaya umusbong agad sa mukha ko ang pagtataka.
“Mommy! Mommy! You’re here!”
Tumalon-talon pa siya sa tuwa. Naibanat niya ang labi niya ng malawak para sa ngiti. Hindi nawala ang kintab sa kaniyang paningin.
“Ah, girl,” kausap ko rito. Nangangapa ako kung paano siya papatigilin. “I’m sorry. May kailangan pa akong gawin, e.”
“Chloe!”
May tumawag sa batang babae kaya lumuwag ang hawak niya sa akin. Ginamit ko ang pagkakataon upang lumapit kay mama. Naiwang nakatayong mag-isa ang bata at nakatingin sa tumawag sa kaniya. Hindi ko na sila nilingon pero rinig ko ang usapan nila.
“Mommy is here, daddy! I saw her!” aniya.
“Chloe, stop it. Let’s go.”
          Pagdating namin sa bahay, bumungad agad ang anak kong si Karis. Kumapit agad siya sa amin ni mama. Sa simpleng salubong ng anak ko ay nakawawalang pagod talaga. Silang dalawa ni mama ang pinakainiingatan ko ngayon.
“Mama! Kanina ko pa po kayo hinihintay saka po iyong inutos niyong ligpitin po ’yong kalat ko, ginawa ko na rin po,” imporma niya sa akin habang naglalakad kami papasok ng bahay.
“Dahil diyan,” sabi ni mama at may nilabas sa paper bag. “May pasalubong ako!”
Agad nagliwanag ang mukha ng aking anak. Bumitaw siya sa akin upang yakapin ang lola niya. Hinalikan niya ’to ng marami sa pisngi.
“Thank you, lola! Salamat po!” aniya at tiningnan ang laruang lutu-lutuan.
Nakangiti akong pinapanood sila. Nang makapasok kami sa loob, pumunta agad si Karis sa sala dahil sabik na agad maglaro.
“Nakatutuwa talagang bilhan ang apo ko, Kalhira,” bulong ni mama.
“Siyempre, mama. Masayahin ’yan, e.”
Nilapag ko lahat ng dala namin. Tutulungan ko na sana ang bunso kong kapatid sa pag-aasikaso sa kusina nang bumukas ang pintuan.
“Oh, Karen, napapunta ka, anak?”
Nilapitan agad ni mama ang kakambal ko para paupuin pero tinanggihan niya ang alok ni mama. Nasa akin agad ang tingin niya. Matagal na siyang hindi umuuwi rito kaya nakakapagtaka.
“Huwag na, mama. Si Kalhira lang ang kailangan ko,” sabi niya sa nanay namin.
Huminga ako nang malalim. Nilapitan ko si Karis na abala sa paglalaro, hindi man lang tiningnan si Karen dahil hindi niya ’to kilala. Simula nang ipinanganak ko si Karis, hindi ko siya pinakilala bilang tita.
“Anak,” masinsin kong kausap dito. “P’wede bang sa kwarto ka muna maglaro? May bisita si mama e. Tatawagin na lang kita kapag kakain na tayo.”
Tumingin siya sa paligid at nahinto ang tingin niya kay Karen, napansin kong nagkatitigan silang magtita. Muling binalik ni Karis ang tingin sa akin at ngumiti.
“Opo, mama!”
Tumayo ako nang tumakbo na si Karis papunta sa kwarto niya dala-dala ang mga laruan. Doon ko na hinarap si Karen na nakasunod ng tingin sa anak ko.
“Is she your daughter?” mataray niyang tanong. She laughed a little before face me again. “Nakatutuwang nataguyod mo ang anak mo ng walang suporta ko,” pang-iinsulto niya at tumingin kay mama. “Oh, baka naman lahat ng pinapadala ko kay mama, hinihingi mo para mabuhay lang ang ana—”
“Kung nang-iinsulto ka lang p’wede ka nang umali—”
“May atraso ka sa akin, Kalhira,” putol niya sa sasabihin. “We’re twins pero ako ang panganay na anak. Hindi ako nakatapos ng pag-aaral dahil kailangan kitang sustentuhan pero nabuntis ka ng lalaking hindi mo kilala. Hindi mo man lang naisip ang sakripisyo ko sa ’y—”
“I am a rape victi—”
“No, you’re not! Magkambal tayo! Kung anong gawain ko para mabuhay lang tayo, ginagawa mo rin! Hindi tayo magkaiba! Bayarang babae ka rin!”
I stopped at what she said even though there was no truth. Matalim ang titig niya sa akin at ramdam kong hanggang ngayon malaki ang galit niya.
“Kung bayarang babae ka, huwag mo akong ihantulad sa ’yo,” ganti ko. “Wala kang alam sa nangyari. Ikaw mismo ang nang-iwan sa akin sa lugar na ’yon kaya ako ganito. Hindi masasayang ang sakripisyo mo kun’di dahil sa’yo.”
“And now ako ang sinisisi mo?” hindi makapaniwalang tanong niya. “Malandi ka kasi kaya nangyari sa ’yo ang bagay na ’y—”
“Tama na ’yan, Karen,” suyaw sa kaniya ni mama.
Natawa siya sa sinabi ng nanay namin. “As always, si Kalhira lagi e. Magkakampi kayong dalawa. Ano pa bang aasahan ko?” Napairap siya nang mga mata at sineryoso ang mukha. “Be my husband’s susbtitute wife, Kalhira. Para naman ambag ka sa pamilya natin.”
“Karen, ano ba ’yan?” si mama agad ang nagreklamo. “Nasa maayos na pamilya ka na at bakit mo pa inuutos kay Kalhira ’yan? May anak siya ri—”
“Ay, ma, hindi sapat ang binibigay ni Silas sa akin!” sigaw niya mismo sa nanay ko. “Pag-aaral pa ni Kim, bayaran niya sa school!” tukoy niya sa bunso naming kapatid. “Pagpapagamot niyo at lubog pa rin ako sa utang! Kailangan kong maghanap pa ng ibang lalaki!” Muli siyang tumingin sa akin. “Lahat ng binibigay ng asawa ko sa ’yo, itatabi mo. Tulungan mo naman ako kahit ngayon lang. Kahit may asawa na ako, sagot ko pa rin ’tong tanginang pamilyang ’to!”

Komento sa Aklat (218)

  • avatar
    Charmille Elaba

    I love it but make it more precise

    17/04/2025

      0
  • avatar
    SabillaRhea Grace

    ilove reading

    31/03/2025

      0
  • avatar
    Noeme Calixtro

    really good story i can't forget how it started and to the end.

    05/12/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata