logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 7

A cold and relaxing wind kissed almost every inch of my skin. I only took shower after I ate dinner, before I decided to go here in the beach walk area. I removed my flipflops and sat on it while my feet and its fingers played the sand. Tumingala ako para pagmasdan ang masiglang kalangitan.
Ang ganda ng buwan...
Nagsisilbi itong liwanag sa buong kapaligiran, habang napapalamutian ng mga bituing nagniningning sa kalangitan. I wonder how they managed to shine beautifuly without too much effort like that. They seems so calm...'Yong tipong walang iniintindi kundi ang pagkinang nila, ang pagliwanag nila.
I lay down the sand to have a better view on the moon. Ayos lang kahit marumihan basta gusto ko lang pagmasdan ang bilog na buwan ngayong gabi. Swerte ko, full moon ngayon.
"Kai, nakatingin ka rin ba sa buwan ngayon? Sana, oo..." Kung may makakakita man sa akin ngayon, baka pagkamalan akong baliw na nagsasalita mag-isa at may kinakausap na di naman nakikita. But, who cares? All I want is to talk with Kai, even though I know that he won't answer back to me.
I swallowed the lump built in my throat as I closed my eyes. "I miss you, Gori. I miss you so much and if I only could...I will run back to you but I can't...I shouldn't. I'm so weak and I need to be strong before I could do that. Kailangan kong pansamantalang lumayo sa 'yo para makasama pa kita ng mas matagal."
Patuloy ang pagbuhos ng mga luha ko na hindi ko inabalang punasan pa. It somehow soothes and wash the pain I have inside me. Ngayon, ang pag-asang meron pa rin akong babalikan, ang nagpapalakas sa akin. Hoping that he'll welcome me with open arms. Hoping that the times we shared is enough to connect us no matter what happens. That...it will help him forgive me.
"Kai, I'm sorry. And I wish you could forgive me despite of my decision to hide this thing from you, I hope that you'll understand me like what you always do. Alam ko, selfish man pakinggan pero, sana pag dumating 'yong araw na bumalik ako ay ako pa rin ang piliin mo. Kasi kung hindi...kung hindi man..."
Painful possible scenarios in the future suddenly filled my head. I was drowned with what if's, that possible answers are the last thing I would wish on earth. "Kasi kung hindi, hindi ko alam ko kung anong gagawin ko sakaling hindi na ako."
I bit my lips, as if it would replace the pain I'm feeling inside me. My heart was shattered, like million if not thousands daggers of painful truth thrown on it. Gusto kong bumigay, humiga, pumikit at matulog pero ayoko nang gumising kasi pagod na pagod na ako.
Since the day I decided to go to Russia, pain became my sleeping pills. And the thought that Kai, my family and my career are waiting for me became my alarm clock. Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa mga luhang naipon sa ibabaw ng mga mata ko na siyang tumatakip sa hugis ng buwan. Pero wala akong balak na punasan iyon. Mas gusto ko lang na umagos iyon kasama ng panalangin na sana, isama na ng mga luha ko ang bigat na naiipon sa puso ko.
Nang mapagod na ako sa pag-iyak, bumalik na rin ako sa bahay. Patay na ang mga ilaw at puro dim-light bulb nalang ang nakabukas. Buti nalang at dinala ko kanina ang spare key sa back door dahil naka-lock na ang mga pintuan. Siguro akala nila ay tulog na lahat dahil wala namang nakakaalam na lumabas ako. I decided not to inform anyone.
I took off again my flipflops and carefully make my way inside. Baka may magising ako at akalain pang magnanakaw ako, baka bumulagta nalang ako rito. Maingat akong naglakad hanggang sa makaakyat ako sa hagdan. I was about to turn right when I heard someone talked. Galing sa veranda iyon wari ko.
"Just tell him give me more weeks!"
Sa tulak ng kuryosidad ay tinunton ko ang gilid ng veranda. Good thing that it has a white curtain before the sliding glass door where I can perfectly hide myself.
"My god! Jarred, pinsan mo siya so bakit ka ba natatakot sa kaniya? Kahit two weeks lang or kahit ako na ang kumausap sa kaniya. Kung bakit kasi ayaw niyang siya ang kumausap sa akin? Ikaw ba si Hermes? Ang Messenger niya? God!" iritado niyang sabi.
Medyo madilim sa pwesto niya dahil natatabingan ng mga dahon ng puno ang liwanag ng buwan, kaya halos ang bulto lang ng katawan niya ang nakikita ko at hindi ang mukha niya maging ang suot niya. Pero kahit na bulto lang at kahit boses, kilala ko na kung sino ito. It was my twin, Sheen.
"Yes, I promise. I will give you the money. Buong-buo pagkaalis niya, pero ngayon wala pa akong hawak na kahit ano!"
Money? Para saan at saan niya kukuhanin? Aksidenteng nabitiwan ko ang aking filpflops na lumikha ng kaunting ingay.
"May tao ba diyan?" tanong niya. Sa pagkataranta ko ay agad kong pinulot ang nalaglag na tsinelas at patingkayad na tumakbo papunta sa kwarto ko. Luckily, it was just two doors away from the veranda.
Hinahabol ko ang hiningang napasandal sa pintuan, matapos iyong maingat na maisara. It feels like I joined in a marathon. Muntikan na 'ko doon.
Kaagad kong binalot ang sarili, partikular ang aking mukha, sa blanket dahil sa naramdaman kong pagtama ng sikat ng araw sa balat ko. Anong oras na ba? I lazily reached my phone in the bed side table, it was ten in the morning.
Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog dahil sa kaiisip sa mga narinig ko. I am not sure if it was really a big deal or I am just overthinking. And my instinct seems to favor the first one.
Napahawak ako sa tiyan ko nang kumulo ito. "Gutom na ako," nakangusong sabi ko.
Pupungas-pungas akong tumayo at tinungo ang banyo. Hindi na muna ako naligo at nagpalit ng pantulog. Nag-toothbrush lang ako at naghilamos bago bumaba.
Wala akong nadatnan sa sala kaya sa kusina na ako dumiretso kung saan naabutan ko ang isang kasambahay na naghuhugas ng mga lutuan. I think she were just in her early thirty.
"Good morning po, nasaan po sila Mommy?" humihikab pa ako nang itanong iyon. I'm still sleepy.
"Ah, narinig ko pong pupunta daw po yata sila sa kubo doon po sa mas maraming puno ng niyog," sagot niya habang sinasalansan na ang mga malilinis nang lutuan. "Ano po gusto niyong kainin?"
"A cup of coffee first please. Yung medyo matapang po," magalang kong sagot.
-Flashback-
"One hour pa raw bago magstart. Baka may gusto ka pang puntahan?" malambing na tanong ni Kai nang makaupo siya sa tabi ko.
Ngayon ang launching ng bagong mga designs ng company nila. Mabuti na lang at natapos na namin ang mga thesis namin last week at halos puro graduation nalang ang pinaghahandaan ng mga guro at graduating students na katulad namin, kaya may time kami ritong um-attend.
I wiggled my eyebrows as I playfully smiled at him. "Coffee Bay". He chuckled on what I've answered. Coffee Bay is a famous coffee shop na naging favorite ko na mula nang tumuntong ako sa college at mas naging paborito nang magsimula ang mga thesis at research papers dahil ito ang aking ginawang energy and brain cells booster. Para sa akin, effective ang kape. Aside from delicious coffees, what I really like about that place is its ambiance. Sa disenyo nito, parang dinala ang sinaunang panahon sa kasalukuyan. Moderno ang mga disenyo nito na pinaghalong krema at kayumanggi ang kulay, samantalang bawat salita naman na nandito ay laging may baybayin translation.
"My coffee addict baby. Kulang na lang yata ay oras-oras ka magkape, hindi mo talaga nakakalimutan 'yan. Paggising sa umaga, kape. Bago matulog, kape. Tapos ako second place lang lagi," he said while pouting. He's so cute!
"Hayaan mo na. I just really like drinking coffee. Pero ikaw naman ang mahal ko." Sinundot ko pa ang tagiliran niya. I really liked it when he is blushing and biting his lips to suppress his smiles. Hinila ko na siya mula sa pagkakaupo. "Tara na nga! Konti nalang tuloy ang oras natin."
"Hay...Babaeng adik sa kape!"
"Baliw naman sa'yo," bawi ko na muling ikinapula ng mga pisngi niya. "Sus! Kinikilig ka na naman, Mister!"
-End of Flashback-
"Hala! Umiiyak ka Ma'am?" gulat na tanong ni ateng kasambahay. I still don't know her name. Kaagad ko namang pinunasan ang ilang luhang tumakas pala sa mga mata ko. I suddenly paced out because of that memories from the past.
So it's true. There will be a time that happy memories will make you sad. I'm just hoping that despite of the sadness it caused to me, I will still be able to replace it with more happy memories until that sadness vanished.
"Ay, hindi po. N-naghikab po kasi ako," pagsisinungaling ko.
Hindi ko alam kung bumenta ba sa kaniya ang tanong ko o sadyang hindi lang siya mahilig magtanong. Hindi na rin naman na kasi siya nagtanong pa tungkol doon.
Pagtalikod niya para harapin ang hinahanda niyang pagkain, ay hindi pa rin nagpaawat ang mga luha ko. May ilang tumakas pa na marahas kong pinunasan. Mariin ko ring kinagat ang pang-ibabang labi ko. Baka sakaling doon mapunta panandalian ang sakit na nararamdaman ko.
How many more times do I need to cry?

Komento sa Aklat (83)

  • avatar
    Mj Mamadra

    ganda ng kwento

    5d

      0
  • avatar
    Suan mercadalRexie

    thank you

    21d

      0
  • avatar
    BucayanJerico

    kahahhajaa

    17/08

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata