logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 6

"Doc, how's my daughter?" tanong ni Mommy sa doktor na tumingin sa kapatid ko.
We're currently inside Sheen's room. Buti nalang talaga at saktong nasa Pangasinan at near location lang si Doc Reyes, ang family doctor namin. Dahil sa kaniya, hindi na namin kinailangang ibiyahe pa si Sheen. Ipinasundo na lang siya ni Mommy kanina.
"She's now okay. I had already given her allergies medication. Mamaya lang or maybe until tomorrow morning ay mawawala na ang mga rashes niya, basta mag-apply na lang ulit mamaya ng ointment at inumin niya iyong gamot. But she'll surely wake up later maybe half or an hour," paliwanag ng doktor habang inililigpit ang mga gamit niya.
Ngayon ko lang nalaman na allergic siya sa peanut. Unfortunately, may nakalagay na peanut butter sa ube halaya na kinain niya kanina. And I feel guilty for offering and kinda forcing her to try the food.
Medyo kumirot din kanina ang ulo ko pero pinili ko nalang isantabi muna iyon. Isa pa ay parang nawala rin dahil sa pagkataranta ko kanina.
"How about you, are you okay?" baling na tanong sa akin ni Mommy na kararating lang dahil inihatid niya sa labas ng kwarto ang doctor. Si Tita Lily na raw ang maghahatid hanggang sa pampang.
"I'm definitely alright Mom, don't worry about me," sagot ko nang may ngiti sa labi bago ako nagpaalam na magpapahinga muna sa kwarto. Kailangan ko rin magpalit dahil suot ko pa rin ang one piece swimsuit na ginamit ko kanina. Hindi ko na kasi naisipang lisanin ang kwarto ni Sheen.
Nagpahinga lang ako nga kaunti at bumalik rin sa kwarto ni Sheen na ngayon ay gising na. May ilang rashes pa rin siya sa parte ng braso at leeg pero hindi na ganun kapula. Nakatulong din ang ointment na nilagay sa kaniya kanina.
"Sorry, pinag-alala kita kanina. Buti at hindi ka inatake ng sakit mo."
"Ano ka ba ayos lang 'yon, wag mo akong alalahanin ikaw itong nakahiga diyan eh. Saka...ako nga dapat ang mag-sorry."
Taka niya akong tinignan. "Bakit naman?"
"I forced you to eat that food earlier. Kung hindi ko ipinilit iyon—"
"Shei," tawag niya sa pangalan ko na ikinahinto ng mga sinasabi ko. "You don't know anything about my condition, and I ate that at my will," paliwanag pa niya.
"But still—"
"Shh," she cut me off again, "Matagal na rin kasi noong huli akong nakakain at nagkaroon ng allergy. Na-excite akong makakain ulit ng iba't-ibang pagkain. I just tried it because I want to and not because you forced me to, okay?" pangungumbinsi pa niya.
Sumuko na rin ako at hindi na nakipagtalo pa. Tumayo na muna ako para iwan siya sandali at nadesisyong pumunta muna sa kusina. Ala siyete na at hindi rin ako nakapagmiryenda kanina kaya nakaramdam na ako ng gutom.
"Anong gusto mong pagkain? I'll get our dinner," tanong ko sa kanya.
"Anything, basta walang mani,," nagawa pa niyang magbiro na nginitian at tinanguan ko lang bago lumabas sa kwarto niya.
Kanina pa raw alas sais kumain sila Mommy sabi ni Yaya at 'di na kami ginising para raw makapagpahinga kami. Dalawa na lang tuloy kami ni Sheen ang hindi pa kumakain.
"Naku! Eh baka mapagalitan ho ako Ma'am kapag pinaggawa ko kayo rito sa bahay," tutol ni Manang nang sabihin kong ako na ang mag-aasikaso sa pagkain namin ni Sheen.
Nginitian ko nalang siya bago binuksan ang refrigerator. "Ako na po ang bahala Manang, mabait naman po si Mommy kaya 'di po 'yon magagalit," paninigurado ko.
Tumingin ako sa loob ng refrigerator at nakita ang ilang tirang ulam. May apat o limang limang putahe siguro iyon na nakalagay sa mga tupperware. Inilabas ko iyon at ininit lahat bago kumuha ng kanin sa rice cooker. Napansin kong di pa rin umaalis si Manang na pinagmamasdan lang ako.
"Manang, ayos lang po ako rito" nakangiting sambit ko. "Ay, wala naman pong mga mani ito hindi po ba?" paniniguro ko nang maalala ang lagay ni Sheen. I can't take the risk anymore.
"Wala iyan, binilinan ako kanina ni Ma'am Marshen," tukoy niya kay Mommy, "ganito nalang Ma'am—"
"Shei nalang ho Manang," nakangiting pagputol ko sa sinasabi ni Manang. May mga kasambahay din naman kami sa bahay pero hindi kasi talaga ako gaanong komportable tuwing may tumatawag ng Ma'am sa akin, lalo na kung mas matanda.
"Ah, sige S-Shei, tulungan nalang kitang iakyat ang mga pagkain sa taas," pag-alok niya ng tulong.
Mukhang hindi ko na siya mapigilang tumulong sa akin kay sumang-ayon nalang ako. Tig-isa kami ng dalang tray, sa kanya ang mga ulam nasa akin naman ang mga plato, inumin at kanin.
Hindi na ako nag-abala pang kumatok at naabutan si Sheen na nakatapat ang cellphone sa tainga. May kausap yata siya, base na rin sa pagbuka ng bibig niya.
"Just wait for me," 'yon lang ang huling narinig ko bago siya bumaling sa amin na bakas ang pagkagulat sa mukha. Agad niya rin pinutol ang tawag at humarap sa amin ng nakangiti.
Inilapag naman ni Manang ang mga pagkain sa maliit na lamesang itinabi ko sa kama ni Sheen. "Magpahinga na po kayo Manang ako na po bahala, salamat po," pasasalamat ko sa matanda.
"Oh siya sige, pero kahit ilagay mo na lang ang mga hugasin sa lababo. Ako na lang ang maghuhugas bukas."
"Sige po, salamat po ulit," paalam ko bago niya tuluyang lisanin ang kwarto.
Nagsimula na rin kaming kumain. "Sino nga pala iyong kausap mo kanina?" hindi ko napigilang tanungin. I just need to feed my curiosity. Nope, hindi ako chismosa, sadyang matakaw lang ang kuryosidad ko sa katawan.
"Ah 'yon bang kanina? K-Kaibigan ko lang sa probinsya, nangangamusta lang," sagot niya kaya hindi na ako nagtanong pa tungkol doon.
We're busy eating our dinner when her phone rang. She just immediately ended it when she looked on her phone screen and saw the caller. I saw her turned off her phone before she continue her food. "Sino iyon? Bakit di mo sinagot?" nakangiti ngunit nalilito at nag-aalangang tanong ko. Hindi ko alam pero, I am not comfortable with what she's acting although there's nothing so suspicious. I just don't like my instinct sometimes.
"Ah ano, unregistered number. Hindi kasi ako mahilig sumagot sa mga tawag kapag unregistered, maliban na lang kung may hinihintay akong tawag or magtext muna bago tumawag para magpakilala. Kadalasan kasi nanti-trip lang ang mga iyon, nakakairita lang kapag sinagot,," mahabang paliwanag nito sa maikli lang naman na tanong ko.
Iniligpit ko na yung mga pinagkainan namin na halos naubos namin. Buti nalang at hindi na ako magdadalawang balik dahil nagkasya naman sa isang tray lahat.
"Here, drink your meds," sabi ko sabay abot ng tabletang ibinigay ng doktor kanina. Kinuha niya naman agad iyon at ininom.
"Goodnight, matulog ka na," paalam ko bago binuhat ang tray.
"Goodnight din, thank you," paalam niya rin pabalik sa akin bago ako tuluyang nakalabas sa kwarto niya.
Someone's POV
Hindi pa man ako nakakasagot ay binabaan na ako ng telepono ng kausap ko. Nakakunot na noo ng pinsan ko ang bumungad sa akin ng humarap ako dito. He's like a lion that will eat me if ever I say something that is off for him.
"What did she say? Kailan ba sila magbabayad at babalik rito para masingil ko na sila!" iritang tanong nito sa akin habang hawak niya ang wine glass na wala nang laman.
"Eh basta maghintay lang daw tayo sabi niya," sagot ko na napapakamot sa ulo. 'Yon naman kasing babaeng iyon mangungutang ng malaki tapos wala naman yatang pambayad. Kahit kailan talaga, kayang gawing dragon ng babaeng iyon ang pinsan ko.
Napapitlag ako nang ibalibag niya sa sahig ang wine glass na hawak niya kanina kasabay ng pagsigaw niya. Malapit lang iyon sa paanan ko, pero nagpasalamat na rin ako. Mabuti na lang at wine glass ang hawak niya at hindi kung ano pa man. He looks so frustrated and I don't like what I'm seeing right now. He is capable of doing anything ruthless whenever anger is driving him easily.
"Two weeks," matigas niyang sabi. "I will give them two weeks to pay. And if they can't give me the whole money then I will claim the interest that she promised first." He stated with gritted teeth. He's like throwing daggers, as he intently looks at the girl's picture pasted on the wall. "When that time comes, I'll make sure that she can't get off me."
Hindi lingid sa kaalaman ko na may gusto siya sa babaeng yun. Sino ba kasing hindi, bukod sa akin? She's a hot chick, beautiful, sexy, brainy and fierce. Pero kung wala lang siguro akong fiancée, baka isa rin ako sa nagkagusto sa kanya. Buti na lang at meron dahil sakit din talaga ng ulo ag babaeng iyon.
Goodluck nalang talaga sa kanya dahil matindi ang nagkagusto sa kanya. Kahit nga ako na pinsan ay natatakot sa lalaking kaharap ko. Sabagay, mukang wala namang kinatatakutan ang babaeng iyon.
"Tell that to her, now!"
Medyo nagulat pa ako sa biglaang pagsigaw niya. Nagmamadali ko tuloy na kinuha muli ang cellphone ko sa bulsa at ni-dial ang number niya. But she just ended it and when I tried again, it was already off.

Komento sa Aklat (83)

  • avatar
    Mj Mamadra

    ganda ng kwento

    5d

      0
  • avatar
    Suan mercadalRexie

    thank you

    21d

      0
  • avatar
    BucayanJerico

    kahahhajaa

    17/08

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata