logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 4

Sometimes, the only thing we need in some situation is acceptance for us to freely move forward. We need to accept what was happened in the the past, and embrace what we have in the present, so that we can have a clearer view on our future.
Napagtanto ko na kailangan ko lang pala tanggapin si Daddy at ang kambal ko kasi wala namang mawawala sa akin, may dadagdag pa nga na pupuno sa mga puwang na akala ko ay di na mapupunan sa buhay ko dati. Pakiramdam ko pumasok na naman ako sa panibagoong kabanata ng buhay ko na may panibagong mga karakter. Instead of asking too much questions inside my head, I chose to look on those reasons why I don't need to ask more.
Halos isang linggo na rin akong nandito sa hospital at halos isang linggo na rin na hindi umaalis dito ang pamilya ko. Tumawag pa nga sa akin si Kai kung nasaan ako pero idinahilan ko lang na nagbakasyon ako. Yun naman lagi ang dahilan ko tuwing mapupunta ako sa hospital, na nagbakasyon ako.
"Here's your apple." Tumingin ako sa nagsalitang babae sa gilid ko na kamukhang kamukha ko. I never thought that I have a sibling nor sister, moreover a twin sister.
"Thank you," sinserong pasasalamat ko bago inabot ang hiniwa at binalatan niyang mansanas. Hanggang ngayon ay di ko pa rin maiwasang tumitig sa kaniya, hinahanap ko kung saang parte ba talaga kami nagkaiba.
"Tinititigan mo na naman ako," natatawang sambit niya nang mapansin ang paninitig ko. "Alam mo, magkamukha lang tayo pero hindi ako salamin para makita mo kung may dumi ka sa mukha."
Bahagya naman akong napatawa sa biro niya. Ang saya pala ng may kapatid na pwede mong makabiruan, bonus ko pa na kakambal ko siya. It feels like I found a person which I couldn't just treat as my sister but can also be my bestfriend. I got an instant buddy in her.
"Hinahanap ko kasi kung saan tayo hindi magkamukha o kung ano pinagkaiba natin sa panlabas na anyo." Halos lahat ay magkamukha talaga kami, pati tindig, tangkad, katawan at kulay ay pareho kami. We are like living mirror of each other.
"Alam ko na kung saan, nahanap ko na," kumikindat pa niyang saad na ikinakunot ng noo ko.
"Saan naman?" tila naghahamon ang boses kong sabi.
"Sa tainga." Agad namang dumako ang tingin ko sa tainga niya, pero parang hindi ko naman makita ang pagkakaiba ng mga tenga namin. Sa tingin ko, pareho lang naman ang hulma ng mga tainga namin.
Tumayo siya sandali at inabot sa kabilang lamesa ang salamin na nandoon saka iniabot ito sa akin. "Tignan mo may nunal ka sa kanang tainga mo na medyo nakapaloob," sambit niya bago hawakan ang tainga niya at ipinakita sa akin. "Tapos ako nasa kaliwa ang nunal ko pero mas nakalabas ng kaunti."
Tama nga siya pero hindi kasi gaanong kahalata ang mga nunal na iyon dahil di naman nakaalsa katulad ng ibang nunal. Parang itinuldok na nunal lang na medyo brown pero lamang ang pagkaitim.
Napabaling ang parehong tingin namin sa bumukas na pintuan matapos ang isang katok. Iniluwa niyon sina Mommy at Daddy na parehong may ngiti sa labi. They are now friends and will not becoming a couple again. Gusto ko nga sana na magkatuluyan sila pero pagtanggi ang isinagot nilang pareho. They say that staying friends is great choice, the kind of relationship where they can be better than the way they are before.
"You'll be discharged tomorrow, Sweetie," nakangiting sabi ni Mommy sa akin matapos umupo sa couch.
"Great! Makakapagbond tayo, Sissy!" masiglang saad naman ng kapatid ko. Unlike me, she's more talkative and energetic. While me, I prefer not to spoke out everything in my mind unless I need to.
"Yeah, you two will going to have a bonding time in a different way," makahulugang sabi ni Mommy.
After naming magkaayos ni Daddy at ng kambal ko, sinabi na ni Mommy ang buong plano niya para makaalis ako rito sa bansa. Makakapagpagamot ako sa Russia—ang hometown ni Daddy—nang hindi nalalaman ng media o ng iba pang nakakakilala sa akin, kasama na si Kai.
"Gagaling ka na Shei," sambit ni Mommy na ikinalingon namin sa kaniya. Halos lima lang kami palagi dito sa kwarto, ako at ang kambal ko, si Mom, si dad, at si Tita Lily.
Hindi lingid sa kaalaman ko ang plano ni Mommy na magpapanggap si Sheen bilang ako. Ito ang naisip niyang paraan dahil kung sa panlabas lang na anyo ang pagbabasehan, madali lang kay Sheen na magpanggap bilang ako. At alam din nila dad at Sheen maging ni Tita Lily ang tungkol dito. Agad din daw silang pumayag para raw makabawi sa akin.
"We'll do your plan?" tanong ko na tinanguan naman ni Mommy. Lahat kami ay nakatingin sa kaniya habang naghihintay ng kasagutan mula sa kaniya.
"Hindi pwedeng mukha lang ang kayang gayahin sa iyo ni Sheen. She should also learn how you dressed, act, and everything about you. You need to go in Russia for your faster operation and treatment and so, Sheen should also learn it immediately. Pagkalabas mo rito sa ospital, Sheen will undergo something like training wherein she'll be taught about you." Tumingin naman ako kay Sheen na tumingin din sa akin saka niya ako nginitian.
"We will do it secretly in our private island in Pangasinan. Lily will handle your work just for a while, hanggang i-take over ni Sheen ang trabaho mo. Ikaw na ang bahalang kumausap kay Kai. You can and should make any possible excuse you can think of."
"Who's Kai?" tanong ni Sheen. She haven't seen my boyfriend yet. Kahit nung gabing inihatid ako ni Kai sa bahay, umalis kasi sila ni dad ilang oras matapos kong tumakbo.
"He's my boyfriend," nakangiting sagot ko sa kaniya.
Tumangu-tango lang ito sa naging sagot ko. Ngumiti ako pero 'di ko maiwasang malungkot at mapabuntong-hininga, lalo pa at magdadagdag na naman ako ng kasinungalingan kay Kai.
"Sheen, anak, can you do it for two weeks?" tanong ni Mommy kay Sheen na nakapagpakunot ng noo ko. Will it be possible to copy someone in just two weeks?
Natapos ang pag-iisip ko nang magsalita si Sheen mula sa tabi ko. "I will, Mom."
Dalawa nalang kami ni Sheen na nandito sa ospital. Siya lang ang naiwan na magbabantay sa akin dahil nauna na sila Mommy, Daddy, at Tita Lily sa Pangasinan. Bukas, kapag nadischarge ako ay didiretso na rin kami roon.
I reached my phone at the bedside table and was not surprised to see bunch of notifications. Pero ang pansin ko ay natuon lang sa mga messages galing sa isang taong halos isang linggo ko nang di nakakausap. I thought it will be more easier for me, kung hanggang maaga ay simulan ko nang sanayin ang sarili ko na wala siya, kahit alam kong imposible dahil halos minuminuto ay hinahanap siya ng sistema ko.
Nanatili lang akong nakatitig sa numero niya na nakarehistro sa screen ng cellphone ko. Natatakot ako na baka sa oras na marinig ko ang boses niya ay 'di ko maituloy at umatras ako sa plano ni Mommy pero kailangan ko siyang kausapin. I need to make some excuse for him not to know my situation. Sa huli ay pinili kong pindutin ang dial button katabi ng numero niya.
"Gori," unang bungad, isang salita lang pero parang sapat na para magdalawang-isip ako. "How are you? Are you enjoying there?"
I swallow the lump in my throat as I got teary eyes. "Gori, I'm fine and I'm really enjoying this vacation," I lied. Sa tuwing mapupunta nalang ako sa ospital, gumagawa ako ng rason para di siya maghinala. And I'm so lucky that he trust me though conscience is killing me inside.
"Kailan ka ba uuwi? I badly wanna see you, I miss you so much." God, how I wish that I can hug him tight right now?
It feels like I was caught off guard because of his question. Mahirap man aminin pero ang totoong sagot sa tanong niya ay hindi ko rin alam. Para akong naubusan ng isasagot dahil kailangan ko na namang magsinungaling. I can't construct any words to say, it feels like every words are puzzle games that I don't know how to play.
I wiped my tears that unknowingly escape my eyes and cleared my throat before I finally spoke up. "S-soon... Maybe after two weeks? My parents wants to extend it. I miss you so much and I'll be back as fast as I could, just wait for me, okay? I love you, Kai..."
There! I've answered him with both lie and truth. But most of it are the hidden words that I tried my best not to say and may not never say.
`I-i just don't really know how long it will take. Maybe after a month? A year? Or more...I miss you and I will miss you even though I know that you may not miss me for there is someone that will replace me. But I'll be back as soon as I can, so please wait for me, Gori. I love you Kai...'

Komento sa Aklat (83)

  • avatar
    Mj Mamadra

    ganda ng kwento

    5d

      0
  • avatar
    Suan mercadalRexie

    thank you

    21d

      0
  • avatar
    BucayanJerico

    kahahhajaa

    17/08

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata