logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Until The Sunset Sets Again (FILIPINO)

Until The Sunset Sets Again (FILIPINO)

EtoilesLuna


Prologue

"Alba, tawagin mo na ang mga kapatid mo at kakain na," utos sa akin ng nanay ko.
"Sige po, ma. Pupuntahan ko lang po sa kapitbahay," sagot ko.
"Ate, kailan po ang alis mo?" tanong ng nakababata kong kapatid na si Luke habang naglalakad kami pauwi.
Apat kaming magkakapatid. Ako ang panganay. Babae ang sunod sa akin samantalang ang pangatlo at pang-apat ay parehong lalaki. Limang taon pa lamang ang bunso naming kapatid, wala pang kamuwang-muwang.
Ngumiti ako sa kay Luke at hinawakan ang ulo. "Bukas ang alis ni ate kaya dapat magpakabait kayong tatlo." Tiningnan ko sila isa-isa. "Titania, ikaw ang muna pansamantala ang magsisilbing panganay sa kanila, okay? Habang wala si ate, ikaw muna ang magsasaway kapag makukulit ang bunso natin. Hmmm?"
Tumango siya at bigla akong niyakap. "Mamimiss po kita, ate," malungkot na sabi nito.
Hinimas-himas ko ang likod niya sapagkat malapit na siyang umiyak. "Tandaan mo palagi na hindi ko kayo iiwan dahil gusto ko. Iiwan ko kayo para may pang-aral kayo at matustusan ni ate lahat ng mga pangangailangan ninyo."
"Ate, babalik ka ha," sabi naman ni Jarred, ikatlo sa magkakapatid. "Huwag kang gagaya kay papa na umalis at hindi na bumalik," seryoso nitong sabi.
Nakaramdam ako ng awa sa kanila. Gusto ko na lang tuloy dito na magtrabaho.
Huminga ako ng malalim. I want them to see me as a strong one, as a strong ate for them kasi kung ako ang mahina, saan sila kukuha ng lakas? Kailangan sa amin ni mama sila kumuha ng lakas. Kahit na walang haligi ng tahanan na magpapatibay sa pamilya namin, mayroon pa din silang masasandalan sa tuwing kailangan nila ito.
Lumuhod ako sa kapatid ko at hinawakan ang pisngi niya. "Jarred, babalik ako. Hindi ako gagaya kay papa."
Isang rason din kung bakit gusto kong pumunta sa Spain ay nabalitaan kong naroon ang papa namin. Gusto ko siyang hanapin doon. Gusto kong itanong sa kanya kung bakit iniwan na lang kami niya nang ganoon. Gusto kong tanungin sa kanya kung bakita napaka-selfish niya at tinakbuhan ang responsibilidad at obligasyon niya sa pamilya.
"Promise?" ani niya.
Ngumiti ako sa kanya at tumango. "Promise ni ate na babalik siya sa mga kapatid niya. Kapag balik ni ate, may pasalubong siyang laruan para kay bunso. May pasalubong siyang gitara para kay Jarred. At may pasalubong siyang boyfriend..." Tumingin ako kay Titania para biruin siya.
Nakasimangot siya. "Ate naman!" She's already eighteen years old and she never had a boyfriend kaya palagi ko siyang iniinis. Ako ay nagkaroon na ng isa pero hindi naman nagtagal. Saka ang pagboboyfriend ay hindi naman mimamadali 'yan at saka isa pa, problema lang 'yan kaya huwag muna. Wala sa isip ko iyan.
"Uwi na nga tayo," aya ko sa kanila. I will surely miss them and of course, my mama.
"Bakit ang tagal ninyo naman? Malamig na ang pagkain oh. Hindi ba sinasabi ko palagi sa inyo na umuwi kayo sa tamang oras," sermon ni mama kaya sikreto kaming tumawa.
Kinagabihan ay tabi-tabi kaming matulog dahil request ng bunso namin. Ang sabi niya ay para bonding na din namin kaya pumayag naman kaming lahat dahil masaya din iyon.
"Ate..." tawag ng bunso namin.
"Hmmm?" sagot ko.
"Ilang days ka doon?" tanong niya.
Bumangon ako at hinarap siya. Tahimik lamang ang dalawa naming kapatid at si mama. Napaka-inosente pa niya.
"Bunso, just wait for me, okay? Medyo matagal ako doon but I will make time para makausap kayo," sagot ko.
Tumango-tango siya na akala mo ay naiintindihan na niya.
Kinaumagahan ay handa na akong umalis. Habang nag-iimpake nga kami ay umiiyak si mama. Ayaw ko man na umalis pero kailangan. Hindi ko din sinabi sa kanya ang isa ko pang rason kung bakit ako pupunta doon. Ayaw kong magalit siya.
Sa totoo lang, may galit ako sa papa ko. Ayaw kong magtanim ng galit sa kanya dahil tatay ko siya. Gusto kong alamin ang rason kung bakit niya kami iniwan, bakit niya ako iniwan. Gusto kong intindihin siya.
"Ma... alagaan mo din ang sarili mo. Lagi akong magdadasal sa Panginoon na huwag kayong pabayaan dito," sabi ko kay mama.
Tumango siya at bigla akong niyakap habang umiiyak. "Mag-iingat ka doon, anak. Tawagan mo si mama kapag may problema. Kapag hindi mo na kaya doon, umuwi ka na dito sa Pilipinas at ako na lamang ang gagawa ng paraan," umiiyak na sabi niya.
Pinipilit kong huwag umiyak sa harapan nila. Tumingin ako sa mga nakababata kong kapatid na umiiyak din. "Mag-iingat kayo. Huwag ninyong pasakitin ang ulo ni mama dahil hindi ko kayo papasalubungan. Titania, ang mga kapatid natin, ha?" bilin ko kay Titania. Tumango siya at niyakap din ako.
"Sige na dahil baka ma-late pa ako. Maiwan pa ako ng eroplano eh," paalam ko sa kanila.
"Group hug?" sabi ko. Hindi ko na napigilan pa ang mga luha ko, kusa na itong tumulo.
Dali-dali silang pumunta sa akin upang yakapin ako. "Mamimiss ko kayong lahat," umiiyak na sabi ko.
Magtatrabaho ako bilang isang manager sa isang resort sa Spain. Nakapagtapos naman ako kaya nakapasok ako doon bilang manager. Swerte na din.
Nang makapasok ako sa airport ay gusto ko na agad umuwi.
Huminga ako ng malalim at pilit na iniisip ang future ng mga kapatid ko. "Hindi pwedeng mahina, Alba. Para sa mga kapatid, para kay mama, at... para kay papa," bulong ko sa sarili ko.
Hatak-hatak ko ang maleta ko, naglakad ako at pilit na tinatatagan ang sarili. Ganito pala ang feeling ng mga Pilipinong umaalis para makapagtrabaho sa abroad. Naiiwan nila ang mga mahal nila sa buhay. Nandito pa lang ako sa airport pero gusto ko na agad umuwi.
"You can do it, Alba. Kaya mo 'to," paulit-ulit kong sabi sa sarili ko.
Kagat-kagat ko ang labi ko dahil kinakabahan ako. Hindi ko alam kung ano ang haharapin kong mundo sa Spain. Siguradong ibang-iba ang Spain sa Pilipinas. Ang mga tao, kultura, at iba pa. I need to adjust.
Naalala ko ang visa ko kaya hinalwat ko ang bag ko. Shet!
"Nasaan na ba 'yon?" bulong ko.
"Ouch!" Napahawak ako sa noo ko dahil sa lakas ng impact.
Dahil doon ay nahulog ang mga gamit mula sa bag ko. Dali-dali ko itong kinuha, nakita ko din ang visa kong nahulog.
"Sorry, miss!" sabi ng lalaki, boses lalaki kasi. Hindi na ako nag-abalang tingnan ang muka niya. Tinulungan niya akong kunin ang mga gamit ko.
"Ako na," mahina kong sabi.
"Hoy Arki!" narinig kong tawag ng lalaki mula sa malayo.
Naramdaman kong lumingon ang lalaki sa harapan ko. "Wait!" sagot nito.
Nang matapos ako ay tumayo na ako at hindi inabalang tingnan siya, nilagpasan ko lamang ito.
"Wala man lang sorry," narining kong sabi nito.
"Arki, may chicks ka agad ha!" ani ng lalaking tumawag sa kanya kanina.
Pilit kong kinakalma ang sarili ko dahil baka mapa-away ako dito.
"Gagi, hindi chicks 'yon. Nakabangga ko nga tapos hindi pa nag-sorry." Halatang pinaparinig pa sa akin dahil nilalakasan niya.
Inis akong lumingon dito at handa na sanang awayin nang marinig kong tinatawag na ang mga pasahero.
"Pasalamat ka," huli kong sinabi bago sila iwan doon.
DISCLAIMER: This is only a work of fiction. All the names, places, people are all work of fiction. I also used spanish language and first of all, I am sorry in advance if I had a wrong translation. I just used an english-spanish translation so sorry in advance. Thank you!

Komento sa Aklat (97)

  • avatar
    Dab YaNa

    so nice

    01/05

      0
  • avatar
    Mac Ramos

    thank

    05/11

      0
  • avatar
    Jonalyn Codera Palco

    I love it

    05/11

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata