logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Kabanata 4

Sa paglipas nang bawat araw, pakiramdam ko lalo akong lumalayo kay Mar. Natatakot ako na baka hindi na ako makabalik sa kaniya bilang isang kaibigan.
Masakit sa akin ang iwasan siya pero ito lang ang alam kong paraan para makalimutan ang nararamdam ko dahil alam kong bumalik man ako sa kaniya, hindi kami babalik sa dati hanggat may nararamdaman ako sa kaniya.
Lumingon ako sa kaniya habang nagkaklase ang guro sa unahan. Masayang nakangiti si Mar habang nakikipagkwentuhan sa mga katabi niyang lalaki. Napakasaya niya. Pakiramdam ko hindi ko na kailangang bumalik pa sa kaniya dahil kaya niyang maging masaya ng wala ako.
Yumuko ako para maitago ang nanunubig kong mga mata. Ang hirap kapag nasasaktan, halos wala akong maintindihan sa bawat lesson dahil okupado ni Mar ang buo kong sistema.
Habang nakayuko ako, may kamay na naglapag ng isang pirasong papel sa arm chair. Nagtaka ako kaya nag-angat ako nang tingin pero agad nawala ang taong iyon. Dahan-dahan kong kinuha ang papel at binuklat iyon.
"Please give me a smile." May naka-drawing pa roon na isang nakangiting mukha
Lumingon ako sa paligid at wala akong nakitang kahina-hinala. Bumaling ako kay Mar at nakita ko siyang masaya pa rin na nakikipagkwentuhan. Naging malaking tanong tuloy sa akin kung kanino galing ang sulat na iyon.
Itinago ko na lang sa notebook ang sulat na natanggap ko. Wala rin naman akong ibang maisip na gagawa niyon. Unang inisip ko si Mar, pero base sa nakita ko mukhang hindi naman niya iyon gagawin dahil masaya siya sa company ng mga kaibigan niya.
Nang matapos ang klase, mag-isa akong pumunta sa cafeteria na kahit matagal ko na iyong ginagawa, hindi pa rin ako nasasanay. May kulang. Nangungulila ako kay Mar. Nananabik ako sa pagpapahalaga niya sa akin. Sa pagturing niya sa akin bilang babae.
Tahimik akong umupo sa parteng gilid ng cafeteria kung saan palagi kaming umuupo ni Mar. Dala ko na rin ang pagkain na palagi kong in-order.
"Hi, Jan can I join?"
Napaangat ako nang tingin sa lalaking nagsalita at nakita ko roon ang isang pamilyar na mukha. Alam kong kaklase ko siya pero never ko pang nalaman ang pangalan niya. Saglit akong nag-isip. "Sure why not," kaswal kong sabi.
"Thanks," pakli niya at tila excited na umupo sa tabi ko.
Hindi ako umimik dahil may kakaiba akong nararamdaman sa lalaking ito. Hindi ako comfortable. Naiilang ako sa presensiya niya.
Nagsimula na akong kumain.
"By the way, kumusta?" pagbasag niya sa katahimikan.
"I'm good, ikaw?"
"Copy paste," natawa niyang sabi. "Pero bakit parang hindi ka okay? Palagi kitang nakikita sa plaza and you look so sad. Malimit din kitang makitang mag-isa."
"Ano nga pala ang pangalan mo?" pagbabago ko sa usapan. Hindi ko gusto ang takbo ng usapan.
Gumuhit ang kunyaring lungkot sa mata niya. "Aw! We're classmates but you don't know my name? Hindi mo pala alam na nag-e-exist ako. Ouch!" napahawak pa siya sa dibdib.
"Transferee ka, 'di ba?" tanong ko.
Tumango siya at natawa. "Hindi nakakapagtaka na hindi mo ako kilala dahil sa nakikita ko palaging na kay Mar ang atensyon mo," konklusyon niya. "Kung ganoon, I'll introduce myself. I'm Ken, 17 years old, single and ready to be taken," pakilala niya at natawa pa.
Tumango-tango ako. Nakakapagtaka na single siya sa kabila ng gwapo niyang mukha na kung wala akong mahal, baka magkaroon ako ng paghanga sa kaniya. "Ngayon, kilala na kita," sabi ko.
"Don't forget my name, huh? If you did, I will kiss you," walang pakundangan niyang sabi. Tumawa siya. "Ops! It's a joke," pagbawi niya, saka napahagalpak ng tawa.
Pilit na lang akong natawa. Hindi ba aware ang lalaking ito na hindi ako babae para mag-joke siya ng ganoon? Lalo lang akong nailang sa kaniya.
Nawala ang pokus ko kay Ken nang mahagip ng paningin ko si Mar kasama ang mga lalaki niyang kaibigan. Nagtama ang mga mata namin. Umiwas siya sa akin at bumaling kay Ken. Kumunot ang noo niya, saka bumalik ang mga mata sa akin. Nagtama muli iyon at ako na ang umiwas. Pero bakit ganoon? Bakit parang galit si Mar? Parang hindi siya natutuwa sa nakita? Mabilis kong inalis ang isiping iyon dahil ayoko ng umasa.
"Syanga pala, hindi ba't magkaibigan kayo ni Mar, bakit hindi na kayo magkasama?" pukaw ni Ken sa akin. Utay-utay akong nakaramdam ng inis sa kaniya. Sadya lang bang marami siyang alam o tunay siyang chismoso.
"Sorry, Ken I have to go. May mga assignment pa kasi akong dapat gawin sa library, eh," sabi ko at tumayo na. Iniwan ko roon si Ken na wala nang nasabi.
Bumaling ako sa pwesto ni Mar at nakita kong nasa akin ang mga mata niya, nangungusap iyon. Tila ba nagustuhan niya ang pag-alis ko roon at biglang nagbago ang expression ng mukha niya.
Alam kong dinadaya lamang ako ng aking mga mata dahil kahit kailan alam kong hindi ko makikita ang selos sa mga mata ni Mar. Kaibigan lang niya ako at iyon ang alam ko at mananatili iyong hanggang doon na lang.

"Hey, Jan!"
Lumingon ako nang marinig ko ang pagtawag ni Ken sa pangalan ko. Huminto ako sa paglalakad, kasalukuyan akong nasa hallway nang unang palapag ng building. "Bakit?" diretso kong tanong.
Yumuko siya at ipinatong ang mga palad sa magkabilang tuhod. Malalalim din ang bawat paghinga niya na halatang pagod. "M-makikisabay lang sana ako sa 'yo pagpasok," aniya na halos paputol-putol.
"Why you look so tired?"
"Malayo na kasi nang makita kita kaya kailangan kong tumakbo ng mabilis, buti't runner ako," paliwanag niya na tila proud na runner siya.
"Ganoon? Hindi mo na lang sana ako hinabol," sabi ko.
"Kahit pa gaano ka kalayo, Jan tatakbo pa rin ako para mahabol ka," makahulugan niyang turan.
Mabilis akong umiwas nang tingin sa kaniya. Hindi ko maunawaan kung ano'ng gusto niyang ipahiwatig doon.
"Ano, tara na?" sabi ko na lang.
"Tara." Umayos na siya nang tayo at tumango. Nauna na akong humakbang at sumunod siya.
"Siyanga pala bakit ba gusto mo akong laging kasama?" curious kong tanong habang naglalakad kami. Simula kasi no'ng nagkita kami sa cafeteria malimit na siyang sumasabay sa akin.
Lumingon siya sa akin. "Bawal ba?" tanong niya.
Lumabi ako. "Hindi naman, kaya lang hindi mo ba alam na bakla ako? Alam mo naman ang mga isip ng tao, 'di ba? Hindi mo pa ginagawa, nagawa mo na sa isip nila," litanya ko.
"I don't care what they're going to say about me, Jan. Anong pakialam ko kung bakla ka? Isn't matter for me. Gusto lang kitang maging kaibigan, is there any problem about it?" seryoso niyang tugon.
Hindi ko maiwasang hindi ma-touch sa sinabi niya. Bigla ko tuloy naalala si Mar na kagaya ni Ken, ganoon din ang mindset nito. "Pero baka dahil sa akin, magbago ang tingin ng mga tao sa 'yo. At ayaw kong maging dahilan ako no'n, Ken. Qouta-ng-qouta na kasi ako sa mga ganitong sitwasyon, eh. I have a lot of boy friends before but suddenly they've left because of those people na walang ibang ginawa kung 'di ang mag-isip ng masasamang bagay tungkol sa amin. Si Mar nga lang 'yong natira, eh." Bigla akong napahinto nag mabanggit ko ang pangalang iyon na hindi ko intensyon.
"Now I see, kaya pala ganoon na lang kayo kalapit ni Mar sa isa't isa but it seems like he's now making a barrier for both of you."
Lumingon ako sa kaniya, seryoso ang mukha. "Actually hindi naman siya ang gumawa ng harang para sa aming dalawa, eh, ako. Ako ang gumawa ng harang sa amin dahil alam kong iyon lang ang pwede kong gawin." Hindi ko na namalayang nagbubukas na pala ako ng sarili kay Ken. Nawala ang uncomfortable feelings ko sa kaniya.
"I think I'm not mistaken to think that there's something about you and Mar. Am I right o right Am I?" Natawa siya.
"Walang something sa amin," pagdepensa ko na siya namang totoo.
"Ahm! Kung gaanoon, you have something for him?"
Hindi ako nakaimik at wala rin akong balak sagutin iyon. "Ikaw, sabi mo single ka, 'di ba? I'm wondering why, dahil gwapo ka naman," pagbabago ko sa usapan, sinuri ko pa ang mukha niya.
Ngumiti siya. "Thanks for appreciating my looks, Jan," aniya. "I don't know why too. Basta ang alam ko may isang tao nang nakakuha ng atensyon ko pero mukhang malabong makuha ko ang atensyon niya dahil nasa iba na iyon," malungkot niyang pagtatapat.
"Try to confess? You're good person, Ken at hindi malabong makuha mo ang atensyon niya."
"Do you think so?"
"Oo naman," pag-assure ko sa kaniya na walang halong bola.
"Sana nga," pakli niya at bumaling sa harap ng hallway.
Nang makarating kami sa ikalawang palapag ng building kung nasaan ang classroom namin, napahinto ako nang makita si Mar. Makikita ang kislap sa mga mata niya habang masayang nakikipagkwentuhan sa isang babae. Hindi iyon ang girlfriend niya pero halos pumulupot na ang babae. Nakaramdam ako ng labis na inis sa dalawang iyon. Kailangan sa hallway maglandian?
"Hey, are you okay?" pukaw sa akin ni Ken.
Kumurap ako, saka bumaling sa kaniya. Ngumiti ako. "O-okay lang ako," sabi ko at naglakad na uli.
Nang malapit na ako sa kinaroroonan ni Mar, nakita ko ang paglingon niya sa akin. Saglit siyang tumitig sa amin ni Ken. Bakit nakikita ko na naman ang kakaibang emosyon sa mga mata niya? Bakit parang naiinis siya?
"Jan, see you after class?" paalam ni Ken. Tumango lang ako bago pumasok siya sa loob ng classroom.
Muli akong lumingon kay Mar at alam kong nandoon sa mga mata ko ang inis. Gusto kong sumugod pero alam kong hindi ko 'yon pwedeng gawin. Mabigat ang dibdib na pumasok na lang ako sa loob ng classroom at tahimik na naupo. Doon ako nagngitngit sa inis habang palinga-linga sa labas.

Matapos kong magpaalam kay Ken, dumeretso agad ako sa library para gumawa ng assignment doon. Iniwan ko si Ken sa cafeteria dahil hindi pa siya tapos kumain at nahihiya na rin ako sa kaniya. Tuluyan na nga akong naging comfortable sa kaniya dahil nalaman kong mabait naman pala siya at mabuting kaibigan.
Napakamot ako sa ulo nang hindi ko mahanap ang assignment na dapat kong hanapin sa librong kinuha ko. Napasighap ako at napasimangot nang makitang mali pala ang librong nakuha ko. Masydo na naman kasing lumilipad ang utak ko, eh.
Tumayo ako dala ang aklat na kinuha ko. Pumasok ako sa dulong bahagi ng mga bookshelves doon. Lunch time kaya hindi ganoon karami ang tao roon.
Ibinalik ko ang aklat sa pinagkunan ko niyon. Bumaling ako sa mga libro at masusing sinusuri kung ano ang mga iyon, baka kasi mali na naman ang makuha ko. Lumiko ako sa kabilang bahagi ng bookshelf, seryoso at nakapokus ang paningin sa mga aklat.
"Ay butiki!" gulat kong reaksiyon nang maramdaman kong nabangga ako sa isang matigas na bagay.
"Hindi ka na ba marunong magbasa?"
Ganoon na lang ang pagkabog ng dibdib ko nang mabilis dahil sa boses na narinig ko. Hindi ako makalingon, pakiramdam ko napako na ako roon at kapag humarap ako baka bigla ko na lang siyang yakapin dahil sa walang hanggang pananabik ko sa kaniya.
"Or are you blind? Iba na kasi ang kinukuha't hinahanap mo, eh," makahulugan niyang turan.
Pumikit ako ng mariin. Dahan-dahan akong humarap sa kaniya. "I'm not blind, Mar I just realized how stupid I am for falling in love with my best friends," balik ko na puno ng damdamin.
Nakipagtitigan ako sa kaniya. Pakiramdam ko luluha na naman ang mga mata ko.
"Kaya ba tuluyan mo na akong iniwasan at sumama ka roon sa Ken na 'yon? Damn, Jan! Did you ever ask me if I want you to make a distance between us?" iritadong aniya.
Gusto kong isipin na nagseselos siya kay Ken pero alam kong malabo pa iyon sa madilim na gabi. Masyado lang siyang nagiging insecure dahil si Ken na ang palagi kong kasama. "Do I need to ask you that, Mar? Desisyon ko 'yon and you can't do anything about it," balik ko.
"Pero paano ako, Jan? Inisip mo man lang ba ako?"
Ngumisi ako. "Kailangan pa ba kitang isipin? I've been thinking you since then, Mar isn't enough? Panahon naman ata para isipin ko naman kung ano 'yong alam kong tama para sa 'ting dalawa."
"Paano kung hindi ito ang tama?"
"Mar, walang–"
Hindi na ako nakapagsalita nang bigla na lang niya akong hapitin palapit sa kaniya. Naglapat ang katawan namin na halos ikabingi ko dahil sa malakas na tibok ng puso ko. Nanghihina ako dahil sa kakaibang damdaming bumabalot sa akin.
"Hindi ko alam, Jan pero hindi ko gustong mawala ka. Am I selfish for wanting you to stay?" seryoso niyang tanong.
"P-pero alam nating pareho na hindi tayo babalik sa dati hanggat may nararamdaman ako para sa 'yo." Bumagsak ang luha sa mga mata ko.
"Sinong nagsabing babalik tayo sa dati? If we can't then let's make a new one, Jan."
Napupuno na ng ligaya ang damdamin ko dahil sa mga naririnig ko sa kaniya. Kung pwede lang na sana huwag ng matapos ang sandali ito.
"Hindi 'yon ganoon kadali, Mar. Kung para sa 'yo, ganoon lang 'yon, sa akin hindi...dahil mahirap Mar."
"Hindi rin madali sa akin 'to, Jan pero alam kong kapag hindi ko sinubukan, baka pagsisihan ko sa huli."
Lalo akong nagtataka sa mga sinasabi niya, hindi ko maintindihan. "Please, Mar don't make it complicated." Sinubukan kong kumawala sa kaniya pero mabilis niya akong hinila na naging dahilan para lalo kaming magkalapit
Wala na akong marinig bukod sa tibok ng puso ko. Nilalamon na ako ng samu't saring emosyon. Hindi ko alam.
Ilang inches na lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa. Naaamoy ko na nga ang hininga ni Mar na nanggagaling sa kaniyang malalim na paghinga.
"Gusto kong subukan, Jan." Pagkasabi niyon, inilapit pa ni Mar ang mukha sa aking mukha. Naestatwa ako, hindi makagalaw dahil sa kakaibang nararamdaman ko hanngang sa naramdaman ko na lang ang malambot na labi ni Mar sa labi ko.
Halos lamunin na ako ng kakaibang ligayang nadarama ko. Pakiramdam ko nasa malayang lugar ako kung saan magagawa ko lahat ng gusto ko. Ang sarap sa pakiramdam ng halik ni Mar na sana'y wala na lang wakas. Ninamnam ko ang bawat segundo ng halik na iyon dahil alam kung baka iyon na ang huli.
Nang maramdaman ko ang paglayo ng labi ni Mar sa labi ko, nagmulat ako. Nagtama ang mga mata namin. Bumalik ang pangamba at lungkot sa mga mata ko habang nakikita ko naman sa mata niya ang pagkalito.
"I think it's better for us to make a distance to each other, Mar." Pinahid ko ang luha sa mga mata ko at mabilis na kumalas sa mga bisig ni Mar. Wala akong ibang choice. Naguguluhan ako. Maraming tanong. Maraming sana.

Komento sa Aklat (79)

  • avatar
    c******8@yahoo.com

    A lovely piece of work.. Love is for everybody whether you're black or white, straight or gay.. Thank you for sharing your novel to us... More power to you

    21/12/2021

      0
  • avatar
    kovine

    I imagine that you poured your soul into the writing of this piece and I found your story both moving and fascinating.

    18/12/2021

      0
  • avatar
    LazarteMarvin

    gti

    10/08

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata