logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 4

Halos manlumo si Kathryn nang makita niya ang nangyari sa kaniyang kotse. Ito pa man din ang pinakamatagal na niyang pinapangarap na kotse, Ferrari 458 Italia. Noon pa man ay hinihiling na niya ito sa kaniyang ama pero dahil wala pa siya sa hustong gulang ay hindi muna siya pinagbigyan nito. Ngayon, wala pa rin naman siya sa legal na edad pero nagkaroon na siya agad nito. Ito ay late birthday gift sa kaniya ng kaniyang Tita Nora, ang kapatid ng kaniyang ama. Na-spoil na siya rito kaya ganoon na lamang ang tuwa niya ng matanggap ang regalo. Ito ay kasalukuyang nakatira sa Amerika. Tinawagan siya nito kahapon upang ipaalam na ito ay parating na sa kanilang bahay.
“So what kung ikaw ang SSG President ng school na ‘to? May magagawa ka ba para maayos kotse ko ha?! Alam mo bang bagong bili lang ‘to at regalo sa akin ng tita ko!” Kathryn shouted because she can’t control her anger. Laking pagsisi niya na siya ang nagmaneho ng kotse. Tinakas lang niya ito dahil gusto niya maranasan na makapagmaneho mag-isa. Nakapag-enroll naman siya dati sa isang driving school kaya malakas ang loob niya.
“Karapatan ko bilang isang leader ng school na ito na pangalagaan hindi lamang ang kapakanan nito kundi pati na rin ang mga kapwa ko estudyante. So, kung ako sa’yo sumama ka na lang sa office para doon pag-usapan ang kinagagalit mo.”
Kinuha ni DJ ang braso ni Kath para sumama na ito sa principal’s office. Bigla namang tumigil si DJ.
“Oh! Tapos na ang palabas. Pumunta na kayo sa mga room niyo,” utos niya sa mga estudyante na nagkumpulan sa park, “Ikaw,” turo niya sa lalaki na nakaaway ni Kath, “Sumama ka rin sa akin.”
Nagsimula na sila maglakad papuntang principal’s offce. Pilit naman hinihigit ni Kath ang kaniyang braso pero masyadong malakas ang binata kaya wala siyang nagawa kundi magpatangay dito.
Habang naglalakad sila sa hallway ay inis na inis si Kath dahil sa mga babaeng nakakasalubong nila. Nagtataka siya dahil akala mo ay linta na binudbudan ng asin dahil sa kilig nang makita si DJ. Napatingin naman siya binata sabay tingin ulit sa mga kababaihan.
“Anong nakakakilig sa payatot na ‘to?” tanong niya sa kaniyang sarili.
Pagkarating nila sa office ay kumatok muna si DJ bago pumasok.
“Come in.”
“Good morning, Mrs. Reyes,” bati niya sa kanilang principal.
Hawak pa rin niya si Kath sa braso habang ang kasama nilang lalaki ay nakasunod lamang. Lingid naman sa kaalamn ni DJ, nagulat si Mrs. Reyes nang makitang kasama nito si Kath. Napaisip siya kung ito ba ay may nagawa na namang kalokohan.
“Anong maipaglilingkod sa inyo mga iho at iha?” deretsong tanong ni Mrs. Reyes.
“Ma’am, gusto ko lang poi report ang naganap na kaguluhan kanina sa parking lot. Ito pong si Ms. Bernardo at itong lalaking ito na aking kasama ay nag-away po,” sagot naman ni Dj.
“Mabuti pa ay umupo muna kayo.”
Sumunod naman ang tatlo sa sinabi ni Mrs. Reyes. May tatlong upuan sa tapat ng lamesa ng principal. Dalawa sa kaliwa at isa naman sa kanan. Sa kaliwa umupo sina Dj at Kath samantalang sa kanan naman umupo ang lalaki na kasama nila.
“Iho,” tawag ni Mrs. Reyes sa lalaki, “Ano bang pangalan mo?”
“Patrick po. Patrick Sugui.”
“Ano bang buong detalye kung bakit kayo nag-away?”
“Magpapark po ako,” panimula ni Kath, “Nang bigla na lang po siyang sumulpot kaya po nabangga po yung kotse ko.”
“Miss, ang bilis ng pagmamaneho mo kaya hindi ko inaasahan ‘yong nangyare.”
“Ikaw ‘yong may kasalanan! Bigla-bigla ka na lang sumulpot. Napakayabang mo pa magpaandar ng motor mo!”
“Pwede ba Miss huwag ka na lang magsinungaling? Bago lang ako dito ayoko ng anumang gulo. Kaya magsabi ka na lang ng totoo.”
“So, anong gusto mong sabihin? Na gunagawa lang ako ng kuwento, ha?! Hoy! Ikaw na rin nagsabi nab ago ka lang dito kaya ilugar mo ang sarili mo!”
Susugurin na sana ng dalaga ang lalaki pero agad siyang napigilan ni Dj at pilit siya pinapaupo.
“Magpigil nga kayong dalawa, lalo ka na Kath. Nasa harapan tayo ng principal baka nakakalimutan niyo,” sambit ni Dj.
“Sorry po, Ma’am,” sabay na paghingi ng tawad ng dalawa.
Huminga ng malalim si Kath upang pigilan ang sarili habang si Patrick naman ay yumuko na lang dahil sa hiya sa nangyari.
“Walang mangyayari kung init ng ulo at pride ang uunahin niyo. Gusto ko magkaayos na kayo. Pag-usapan niyo kung anong gusto niyong mangyari. Isipin niyo na lang na wala ako dito.”
Nagkatinginan si Kath at Patrick. Nasa mata pa rin ni Kath ang inis samantalang si Patrick ay handa na siyang magpakumbaba.
“Anong gusto mong mangyare?” tanong nito sa dalaga.
Malalim naman na nag-isip si Kath, “Gusto ko ipaayos mo kotse ko.”
“W-What?! Pero wala naman ako ganoong kalaking pera para ipagawa kotse mo.”
“I said I want you to fix my car. Gumawa ka ng paraan. Alam mo ba kung gaano ‘yon kamahal? Mas mahal pa ‘yon sa buhay mo.”
Dj sighed from what he heard from Kath. Napatingin naman siya sa kanilang principal at tiningnan ito na parang humihingi ng tawad sa kanilang narinig.
“Okay. Para matapos na ‘to. Sabihan na lang kita kapag may pampagawa na ako.”
“Good. Do it as soon as possible.”
“So, you’re problem is settled. But here is one thing you should do for your punishment.”
Parang nanigas sa kinauupuan si Patrick dahil bagong salta pa lamag siya sa school ay ito na agad ang bubungad sa kaniya. Hindi naman nagulat pa si Kath sa kaniyang narinig dahil sanay na sanay na siya sa mga punishment na pinapagawa sa kaniya sa tuwing gumagawa siya ng gulo o away.
“Kailangan niyong linisin ang field sa loob ng one week.”
“Ma’am, parang grabe naman po yata ‘yong one week at tsaka napakalawak po n’on,” reklamo ni Kath.
“May problema ba doon Ms. Bernardo?” tinaasan na siya ng kilay ng kanilang principal marahil ay nauubos na pasensya nito sa kaniya o pinapakita lang nito na kahit kilala siya nito ay walang special treatment kahit anak pa siya ng may-ari ng school.
“W-Wala po. Sige po magsisimula na po ako.”
Pagkasabi noon ay walang alinlangan siyang tumayo at lumabas ng principal office ng hindi man lamang nagpaalam sa kanilang principal. Pero sanay na si Mrs. Reyes dito. Sa halip na magalit ay naawa lang siya sa dalaga dahil sa kinahinatnan nito pagkatapos ng masamang nangyari sa magulang niya.
Kagaya ng sinabi ni Mrs. Reyes ay naglinis nga ang dalawa. kahit tirik ang araw ay wala silang choice kung hindi sundin ang punishment na binigay sa kanila. Walang pakealam ang dalaga kahit may klase pa sila dahil hindi naman siya makikinig sa mga teacher pero ang isip naman ni Patrick ay luting dahil iniisip niya kung ano na kaya nangyari sa kanilang klase. Paniguradong mahihirapan siyang humabol sa mga lesson.
Buong paglilinis ay hindi nagpapansinan ang dalawa pero kung nagkakatinginan man ay sinasamaan ng tingin ni Kath si Patrick.
“Anong tinitingin-tingin mo diyan?!” saway niya.
“Magpapaalam lang sana ako kung pwede ako magpahinga muna.” Tatlong oras na rin sila naglilinis at malapit na magtanghalian.
“Hindi pwede. Alam mo naman sinabi ni Mrs. Reyes di ba?”
Patrick sighed. Gusto man niyang sagutin ang dalaga ay hindi na lang niya ito pinatulan at baka humaba lang ang magiging pagtatalo nila.
“Anong ginagawa mo?!”
Kinalat ni Kath ang mga basurang nalinis niya sa pwesto kung saan naglilinis si Patrick. Muli na namang umiral ang pagkabully niya.
“Hindi pa ba obvious? Wala naman kasing ginagawa, nakaupo ka lang dyan.”
“Hindi mo ba alam ang salitang pahinga? Kung hindi mo alam i-search mo sa google para naman may matutunan ka. Idagdag mo na rin kung ano ang ‘yong magandang ugali.”
Sinamaan ng tingin ni Kath si Patrick. Binitawan ni Kath ang hawak niyang walis-tingting at pandakot at susugurin si Patrick pero bago pa niya ‘yon magawa ay bigla na lang ‘tong bumagsak at nawalan ng malay. Natigilan si Kath at hindi niya alam kung anong gagawin. Wala siyang ginawa pero bakit ganoon ang nangyari sa binata.
Sakto naman na naglalakad si Dj papunta sanang canteen dahil lunch time niya nang matanaw niya ang nangyari pagkahimatay ng lalaki. Agad siyang tumakbo para lumapit at tulungan ang lalaki.
“Anong nangyari?! Ano na naman ginawa mo?!” pasigaw na tanong ni Dj. Nabigla si Kath sa biglang pagsulpot ng binata at dahil na rin sa nangyari ay hindi siya makapagsalita at tangin iling lang ang naisagot niya dito.
“Kath naman. Hindi ka na naawa sa tao. Gusto mo nan gang pagbayarin sa nasira mong kotse kahit wala naman siyang kasalanan tapos papahirapan mo pa. Kung iisipin mong mabuti, ikaw naman may kasalanan kung bakit ka naparushan ni Mrs. Reyes. You’re such a heartless person!”
Tinalikuran na ni Dj si Kath upang lapitan at ibangon si Patrick para dalhin ito sa clinic. Naiwan namang tulala si Kath sa sinabi sa kaniya ng binata.

Komento sa Aklat (102)

  • avatar
    TolentinoEm Jazmhine

    Pretty much like typical romance ebook so far, but I haven't read one in a while now so this is pretty good for a new start. Keep it up!!

    04/01/2022

      3
  • avatar
    Jusinan Daring Tarami

    okay

    07/08

      0
  • avatar
    Jistler Clemente

    low

    01/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata