logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 2

Dahan-dahang humarap si Kath at humakbang upang ito ay lapitan. Pipigilan sana siya ni Aeriel pero alam nitong hindi papapigil ang kaibigan kaya nabitawan niya ang braso nito. Kitang-kita sa mata ng lalaki ang galit. Marahil ito ay dahil sa ginawa ni Kathryn sa kaniyang kaibigan na babae o dahil sa sinabi nito tungkol kay Kath na nagbago na ito. Tumigil si Kath sa harapan nito at nakipaglaban ng titigan at sa huli ang lalaki ang unang umiwas.
“Who the hell are you? Magkakilala ba tayo para sabihan mo ako ng ganyan?” pagtataray na tanong ng dalaga.
“No. You don’t know me but I know who you are,” seryoso niyang sagot.
Napakunot naman ng noo si Kath, “Stalker ba kita?!”
“Pwede ba, huwag mo na lang ibahin ang usapan?”
“Ano bang gusto mong mangyare ha?!” Hindi na napigilan ni Kath na pagtaasan siya ng boses. Pinagtitinginan na tuloy sila ng mga tao sa loob ng McDo.
“Mag-sorry ka lang sa kaibigan ko.”
Kath laughed, “Corny naman ng joke mo. Seryoso ka ba? At bakit ko naman gagawin yun?”
“Katulad ng sinabi ko kanina kitang-kita ko ginawa mong pagharang ng paa mo sa daraanan niya.”
“Kasalanan ko ba na hindi tinitingnan ng kaibigan mo ang dadaanan niya? Paa niya sisihin niya hindi yung paa ko kase hindi naman paa ko ang ginagamit niya panglakad.”
Lumapit na sa lalaki ang kaibigan niya upang patigilin na ito.
“Dj, tama na. Huwag mo na pag-aksayahan ng oras ‘to. Okay na naman ako. Hindi naman ako ganoon nasaktan. Tsaka tama siya, ako naman ang may kasalanan. Hindi ko tinitingnan yung daan.”
“Pero-“
Sumingit naman sa usapan ng dalawa si Kath, “See? Siya na mismo ang may sabi na hindi siya ganoon nasaktan at inamin niya mismo na siya ang may kasalanan. So, stop blaming me.”
Lumapit na si Aeriel kay Kath para pigilan na rin ito at yayain na silang umalis. Habang nag-uusap ang nakaaway ni Kath ay iniisip niya na pasalamat na lang sila dahil mayroon siyang kasama dahil kung wala mas matindi pang away ang mangyayari sa kanila lalo na sa lalaking nas aharapan niya. Kath received a text message from Kuya Roger, nasa parking lot na ito upang sila ay sunduin na. Tinext kasi ito kanina ni Aeriel upang magpasundo na. Tamang-tama naman dahil gusto na umuwi ni Kath.
Habang nasa biyahe ay walang imikan ang dalawang magkaibigan. Si Aeriel naman ay nakikiramdam lang kay Kath dahil baka mainit pa ang ulo nito dahil sa nangyari kanina.
“Sorry nga pala kung hindi na tayo nakapag-shopping. Nasira na kasi ang araw ko dahil sa dalawa na ‘yun,” panimula ni Kath.
“Bakit kasi hindi ka na lang nag-sorry?”
Biglang napatingin si Kath kay Aeriel dahil sa tinanong nito.
“Alam ko at ramdam ko na sinadya mo yung ginawa mo,” dagdag pa nito, “Sa ating dalawa, ikaw yung mas ate pero sa ganito parang ako pa mas nakakatanda sa’yo. Kath, bakit mo ba ginagawa ‘to? Bakit bumabalik ka na naman sa dati? Akala ko nagbago ka na dahil nagbakasyon tayo sa probinsya. Akala ko nakalimutan mo na mang-away.”
“Alam mo naman na ako ang bully sa school natin. Bumabalik ako sa pagiging ganito kase back to school na ulit tayo. Simple as that.”
“Sana ganoon lang din kasimple ‘yung dahilan mo kung bakit mo ‘yan ginagawa.”
Para kay Kath ay hindi ganoon kasimple ang lahat. Hindi ganoon kadaling tanggapin para sa kaniya na mawalan ng magulang nang sabay pa lalo na kung alam niyang kahit kalian ay hindi na sila babalik pa. Kath is a very private person. Ayaw niya ipakita sa iba na nasasaktan at nahihirapan na siya. Ayaw niyang ipakita na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya natatanggap ang nangyari sa pamilya niya.
“Gusto mo ba kumain ulit tayo? Mayroon naman tayong take out,” pagtatanong niya kay Aeriel pagbaba nila ng kotse. Hindi naman ganoon ka-traffic dahil hapon naman kaya agad silang nakauwi sa bahay.
“Sige. Bihis lang ako.”
Pagpasok nila sa bahay ay sakto naman na nasa living area si Nanay Celia na nag-aayos ng mga gamit. Siya ang isa sa napakasipag na nagtatrabaho sa pamilya Bernardo. Kahit na yaya ang kaniyang trabaho, minsan ay tumutulong din ito sa gawaing bahay kapag wala siyang ginagawa. Simula pagkabata ay siya na ang nag-aalaga kay Kath. Siya lang ang pinakang nagtagal sa pag-aalaga dito dahil ubod ng kulit at ligalig nito noon. Ngunit simula nang dumating sa pamilya si Nanay Celia ay naging mabuting bata si Kath. Minsan ay napapaisip si Kath kung paano siya natagalan at natiis ng kaniyang Nanay Celia.
“Nandito na pala kayo. Anong gusto niyong meryenda?”
Lumapit na muna ang dalawa sa kaniya upang magmano
.
“Huwag na po kayo mag-abala, Nay. May dala po kami ni Kath na pagkain. Hindi po kasi namin naubos kanina.”
“Ganoon ba? Oh siya, akin na para maihanda ko. Magbihis na muna kayo bago kumain.”
Kinuha naman ni Nanay Celia sa kaniyang anak ang hawak nitong pagkain na kanilang tinake-out sa McDo.
Habang hinahanda ni Nanay Celia ang meryenda, pumunta na muna sina Kath at Aeriel sa kanilang mga kwarto upang magbihis.
“Kath! Aeriel! Kakain na!” sigaw ni Nanay Celia mula sa kusina. Sakto naman na tapos na magbihis si Kath. T-shirt na plain na kulay blue at short lang ang suot niya.
Pagkatapos magbihis ay lumabas na si Kath ng kaniyang kwarto at papunta na sa kwarto ni Aeriel upang yayain na ito bumaba. Dati, magkasama ang dalawa sa iisang kwarto pero dahil marami namang kwarto sa bahay nila ay nagdesisyon si Kath na ipagamit na lang sa kaibigan ang isang kwarto na bakante. Isang kwarto lang ang pagitan nila. Ang isang kwarto na pinaggigitnaan nila ay kwarto ng mga magulang ni Kath. Habang ang isang kwarto na kasunod ng kay Aeriel ay ginagamit naman ni Nanay Celia.
Kakatok n asana si Kath sa kwarto ng kaibigan nang marinig niya na may kausap ito. Hindi na sana niya ito papansinin dahil akala niya ay sa cellphone ito may kausap. Pinagtataka lang niya ay kung bakit pabulong kung magsalita si Aeriel. Nagdadalawang-isip siya kung tatawagin na ba niya ito o makikinig sa usapan pero sa huli ay kumatok na muna siya bago niya ito tawagin.
“Aeriel,” tawag nito. Hindi na niya hinintay na sumagot ito at agad niyang binuksan ang pintuan.
“Kath!” pagulat na tawag ni Aeriel sa kaibigan. Nagtaka naman si Kath sa inasta nito dahil akala mo ay nakakita ito ng multo.
“Okay ka lang ba?”
“H-Ha? O-Oo naman. I’m okay,” wika nito sabay ngiti.
“May kausap ka ba dito sa kwarto? May narinig kasi akong ibang boses dito sa kwarto mo.”
“Ah baka yung kausap ko kanina sa phone. Yung classmate ko.”
“Ganun ba? Tawag na nga pala tayo ni Nanay. Kakain na raw.”
“Sige, Una ka na. Susunod na lang ako. May aayusin lang akong gamit.”
Napatingin naman si Kath sa hawak ni Aeriel na libro. Mukhang luma na ito dahil sa kulay. Sa isip ni Kath ay baka ito ang sinasabing aayusin niya dahil alam niyang bookworm ang kaibigan.
“Sure ka? Tulungan na kita para matapos na.”
“Huwag na. Kaya ko na naman,” pangungumbinsi nito.
Nauna nang bumaba si Kath kay Aeriel dahil hindi na niya kayang tiisin ang gutom. Kakakain lang nila pero gutom na naman agad siya.
“Kath, dahan-dahan sa pagkain baka mabulunan ka,” paalala ni Nanay Celia sa kaniya kaya kumuha ito ng juice at nilagyan ang baso ng alaga, “Ito juice.”
“Thank you po.”
“Kaya nga, Nay eh. Kumain naman kami ng lunch kanina,” singit ni Aeriel.
“Hindi kase ako nabusog dahil may panira ng araw ko.”
Napatingin naman si Nanay Celia sa alaga, “Bakit? May nangyare bang hindi maganda sa school niyo?”
“Eh kase naman Nay,” pinandilatan ni Kath si Aeriel ng mata upang hindi na nito ituloy ang sasabihin pero useless lang din dahil hindi ito nakita ng kaibigan, “May nakaaway na naman siya.”
“Ha? Sino na naman? Baka mapatawag na naman ako sa school niyan, Kath ha?”
“Don’t worry, Nay. Hindi naman po sa school. Sa may mall po. Hindi ko naman sinasadya na naiharang yung paa ko kaya natalapid yung nerd na girl,” pagdadahilan niya.
“Sa susunod mag-iingat ka. Huwag mong ihahara ang paa mo lalo na sa daan dahil daanan yun ng mga tao.”
“Opo. Sorry po.”
Gumaan naman ang pakiramdam ni Kth dahil hindi na nagtanong pa kaniyang yaya tungkol sa nangyare sa mall. Umupo na si Aeriel upang kumain na rin pero pagtingin niya kay Kath ay pinandilatan siya nito ng mata. Tinawanan na lang niya ang ginawa nito. Ayaw lang dagdagan ni Kath ng isipin ang kaniyang Nanay Celia dahil noon pa man ay lagi na itong napapatawag sa school dahil sa mga ginagawang kalokohan. Kahit papaano ay nahihiya rin siya dito.
Kumain na lang sila habang nagkukuwentuhan sa mga nangyare sa kanila first day sa school nang biglang lumapit ang isang katulong.
“Ma’am Kath, may gusto po kumausap sa inyo sa tawag.”
“Okay, Manang. Wait lang,” tumingin muna siya kina Aeriel at Nanay Celia, “Excuse lang po.”
Pumunta na siya sa living area kung nasaan ang telepono.
“Hello. Yes, this is Kathryn Bernardo speaking. Wait?! Are you serious?!”

Komento sa Aklat (102)

  • avatar
    TolentinoEm Jazmhine

    Pretty much like typical romance ebook so far, but I haven't read one in a while now so this is pretty good for a new start. Keep it up!!

    04/01/2022

      3
  • avatar
    Jusinan Daring Tarami

    okay

    07/08

      0
  • avatar
    Jistler Clemente

    low

    01/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata