logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 44

FAMILY DAY. Dalawang salita na nagbibigay ng labis na saya sa mga bata. Sa nakalipas na taon na dumalo ako ng ganitong activity nila Bennett sa school nakikita ko ang saya niya. Pero ngayon triple ‘yon. Kita ko ang pagkislap ng saya sa mga mata niya kapag tumitingin siya sa aming dalawa ni Kaiden. Naisip kong, siguro sa isip niya masasabi niyang sa wakas kumpleto ang pamilya niya katulad ng iba.
Para kaming isang masayang pamilya sa bawat palaro. Natatawa pa ako dahil kahit alam naman namin ni Kaiden ang gagawin ay paulit-ulit 'yong babanggitin ni Bennett. Parang siya pa itong matanda sa aming tatlo. Nagmistulan siyang coach. May oras pa na makikita ko sila ni Kaiden sa isang tabi na parang nag me-meeting at pinag-uusapan ang magiging laro. Kahit kailan napaka-competitive ni Bennett. Mabuti na lang at hindi kakikitaan ng pagkabigo kapag hindi nanalo.
Halos mapuno ang camera ko ng litrato at video ng dalawa. Ngayon ay nakaupo na muli kami matapos ang ilang palaro. Sa unahan ay may estudyanteng nagsasalita at nagbibigay ng pasasalamat para sa kanyang magulang bilang isa sa mga activity. Iyon na ang huling activity para sa araw na 'to.
Nakangiti kong pinapakinggan ang bata na naroon sa unahan nang marinig ang mahinang tawag ni Kaiden sa akin. Nang lingunin ko siya ay inilihad niya sa akin ang isang plastic bottled water, iyong mga ipinamimigay ng mga guro kanina. Kinuha ko naman iyon at nagpasalamat. Bubuksan ko na sana iyon pero noong pihitin ko ay maluwag na iyon. May kung anong tuwa ang dumaloy sa puso ko dahil sa (). Napangiti ako at muling tiningnan si Kaiden. Lalong lumawak ang ngiti ko nang makita itong nakahilig sa likod ng kinauupuan ni Bennett.
"Water, Bennett," aniya.
"Thank you po, Tito Doc." Inabot iyon ng anak ko. Muli niyang tiningala si Kaiden. "Tito Doc, I’m nervous."
Kita ko ang pagkunot ng noo ni Kaiden.
"And why is that?"
"I might forget what to say later when I'm on stage." Bakas nga ang kaba sa boses nito.
Nakangiti akong napailing kay Bennett. Palagi niya 'yong sinasabi kahit sa mga quiz bee o ibang school activity na sinasalihan. Pero kapag nasa unahan naman ay wala ng anino ng takot sa mukha at kilos. Ganoon katatag ang anak ko at labis ko siyang hinahangaan sa ugali niyang iyon.
Mahinang tinapik ni Kaiden ang balikat nito. "Just say whatever you want to say. What's in your heart," anito na itinuro pa ang kaliwang dibdib niya. "That's all that matters, Bennett. Understand?"
Ang simangot sa labi ni Bennett ay napalitan ng malawak na ngiti. Ang pangambang mababasa sa mukha niya kanina ay mabilis na nabura.
"Yes po, Tito Doc."
"Very good," nakangiting ani Kaiden at ginulo ang buhok nito.
Nagtama ang paningin namin ni Kaiden habang umaayos siya sa pagkakaupo. Isang matamis na ngiti ang ibinigay ko sa kanya. "Thank you," bulong ko.
"You're always welcome, Inari."
Sabay kaming humarap sa unahan. Sakto namang katatapos lang magsalita ng bata roon. Isang masigabong palakpakan ang ibinigay ng sa kanya ng lahat, maging ako at si Kaiden. Umakyat ang guro habang bumaba naman ang bata.
"Thank you, Amara Angeles for that wonderful message. Nakakataba talaga ng puso kapag nakakarinig ng mensahe mula sa ating mga anak," madamdamin ngunit nakangiting wika ng guro. "Now, let’s give a round of applause to the next student who will give his thankful message to his parents, Isaiah Bennett Rivera."
Napatayo ako sa kinauupuan na ng tawagin ng guro ang anak ko. Tumayo ang anak ko at nakangiti ito nang lingunin kami. Naluluha akong napalingon sa katabi ko. Tulad ko ay nakatayo na siya at malaki ang pagkakangiti niya habang pumapalakpak at nakatingin sa anak kong ngayon ay naglalakad na patungo sa stage. Umupo lamang kami ni Kaiden ng nasa unahan na si Bennett.
"Thank you po, Teacher Rossel."
Rinig ang pasasalamat ni Bennett sa kanyang guro na siyang sumalubong sa kanya sa bungad ng stage at nag-abot ng mic. Nakangiting tumango ang guro bago ito tuluyang naglakad pababa ng stage. Si Bennett naman ay umakyat at pumwesto sa gitna.
"Good afternoon po. I’m Isaiah Bennett Rivera."
Ramdam ko na rin ang pamamasa ng mga mata ko nang magtama ang paningin namin. Wala pa siyang sinasabi pero ramdam ko na ang gaan sa puso ko. Bukas na bukas ang mga tenga sa kung ano mang sasabihin niya.
Nakangiti akong tumango sa kanya bilang pagsasabi na kaya niya iyon. Inilibot niya naman ang paningin nang makita ang pagtango ko.
"Bata pa lang po ako pero alam ko na po na iba po ang pamilya ko. Hindi po katulad sa mga kaibigan at kaklase ko wala po akong Daddy."
Napatakip ako sa bibig nang marinig ang mga unang salitang lumabas sa bibig ni Bennett. Ramdam ko na ang nalalapit na pagpatak ng mga luha ko. Bago pa man mangyari iyon ay naramdaman ko na ang pag-akbay ni Kaiden ngunit hindi ko na siya nagawang lingunin dahil nanatiling tutok ang paningin ko kay Bennett na patuloy na inililibot ang paningin sa mga naroon habang nagsasalita.
"Pero hindi po ibig sabihin na wala akong Daddy noon malungkot na ako. Sabi po ni Mommy na hindi porke hindi namin kasama si Daddy hindi na ako pwedeng maging masaya. Pinalaki po ako ni Mommy na mag-isa pero pinalaki niya po ako na masaya, pinalaki niya po ako na puno ng pagmamahal, pinalaki niya po ako na hindi nagagalit sa Daddy ko kahit wala po siya. Pinalaki po ako ni Mommy na strong."
Nakangiti si Bennett nang tingnan ang gawi ko kaya muling nagtama ang mga mata namin. Doon na tuluyang pumatak ang mga luha ko dahil sa mga sunod niyang sinabi.
"Kaya po, Mommy, gusto ko pong kapag kasing big mo na ako, ikaw naman po aalagaan ko. Ikaw naman po ang pasasayahin ko. Ikaw naman po ang mamahalin ko palagi. Thank you po, Mommy dahil love na love mo po ako."
Luhaan akong tumango. "I love you too," walang boses na ani ko. Akala ko ay tapos na siyang magsalita pero nanatili siya roon. Ngunit ang mga mata ay inilipat sa katabi ko.
"Thank you po, Tito Doc, for coming here with us. Thank you po for making my mommy smile."
Kumindat pa si Bennett na mahinang ikinatawa ni Kaiden. Hindi ko alam kung bakit niya nasabi ang huling salita pero ang saya sa puso ko ay hindi matatawaran dahil sa mensaheng narinig sa kanya.
"Bennett is such a wonderful kid, Inari," ani Kaiden. Kita ko ang paghanga sa mga mata niyang nakatingin sa anak ko bago pa ako nilingon. "As wonderful as you."
May humahaplos na saya sa puso ko nang ibaling muli ang tingin kay Bennett na ngayon ay nakangiting naglalakad na muli patungo rito.
Ito ang unang beses na nasaksihan ko siya sa ganitong pagkakataon. Nagpapasalamat man siya sa akin pero sa mga simpleng bagay lang iyon tulad ng kapag bibigyan o ibibili ko ng gusto niya. O kapag napupuntahan ang gusto niyang puntahan. Hindi ko siya naririnig na nagsalita ng mga katulad ng sinabi niya kanina. Kaya naman ang makarinig ng ganoon sa kanya ay talagang binubura ang lahat ng masasakit na naranasan ko sa mga nakalipas na taon.
It’s all worth it because of him.

Komento sa Aklat (56)

  • avatar
    MadarangLheen

    Nice flow of story and I'll recommend to everyone to read this book.. A story to give you a lessons❤️

    19/12/2021

      6
  • avatar
    LibradaRosebel

    beautiful

    12d

      0
  • avatar
    Jorife Sabesahe Suco

    i love it

    16d

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata