Jean: Hindi maampat ang aking pagluha habang pinagmamasdan ko ang duguan at wala ng buhay na katawan ng aking ina. Sa murang edad ay nasaksihan ko ang kanyang pagkamatay. Kung paano s'yang walang awang pinagbabaril ng mga taong bigla na lamang sumugod sa aming teritoryo. Katabi ng aking ina ang duguan at wala na ring buhay na katawan ng aking tagapag-alaga. "Halughugin nyo ang buong kabahayan, siguraduhing walang mabubuhay kahit isa." Dinig kong sigaw at utos ng nagsisilbi nilang pinuno. "Boss, wala ng ibang tao ang naririto maliban sa asawa ng Mafia King at ilan sa kanilang mga Omega." Wika naman ng isa sa mga kasamahan nito. "Mabuti kung ganoon. Tayo na, umalis na tayo dito bago pa malaman ng anak ng Mafia King at iba nilang mga kasamahan ang pagsugod natin." Muli ay wika ng kanilang pinuno. Dinig ko ang magkakasunod na yabag ng kanilang mga paa palabas ng kabahayan. Nang wala na akong marinig na anumang ingay mula sa labas ay saka lamang ako nagkaroon ng lakas ng loob na lumabas mula sa aking pinagtataguan. Nilapitan ko ang wala ng buhay na katawan ng aking pinakamamahal na ina, habang wala pa ring tigil sa pagtulo ang aking mga luha. Natigil lamang ang aking tahimik na pagtangis ng makarinig ako ng komosyon mula sa ibaba. Muling nanumbalik ang takot na aking naramdaman kanina ng bigla na lamang bumukas ng pabalya ang pinto ng kwarto na aking kinaroroonan. Ngunit dagli itong napawi ng mapagsino ko kung sino ang taong nakatayo sa bukana ng pinto. Walang iba kundi ang nakatatandang kapatid ko. Nakatiim-bagang ito habang nakatunghay s'ya sa duguan at walang buhay na katawan ng aming ina. Lumambot lamang ang ekspresyon sa kanyang mukha ng magbaling s'ya ng tingin sa aking direksyon. Dali-dali s'yang humakbang palapit sa aking kinaroroonan at ikinulong ako sa kanyang matitipunong mga bisig. Doon muling nag-unahan sa pagpatak ang aking mga luha. Nakaramdam ako ng kapanatagan ng loob sa mga bisig ni Kuya Sun.I feel safe whenever he's around. Pakiramdam ko, walang sino man ang pwedeng makapanakit sa akin habang nakakulong ako sa mga bisig n'ya. "Wala na siya, Kuya. Wala na si Mama, iniwan na niya tayo." humihikbi kong wika sa kanya habang nananatili pa din akong nakayakap sa kanya. "Hush now, Princess. Nandito na si Kuya, ligtas ka na. Okay?" pang-aalo n'ya sa akin. "Ang sama nila Kuya. They have guns, binaril nila si Mama ng walang kalaban-laban. Pinatay nila si Mama. Ang sama-sama nila." nagsimula na akong maghisterya habang sinasabi ko sa kanya ang mga pangyayaring nasaksihan mismo ng aking mga mata, bago pa man sila makabalik dito sa aming teritoryo. "Princess, look at me. Look at me." wika ni Kuya pagkatapos niyang hawakan ang magkabilang pisngi ko at pilit nya akong pinatitig sa kanyang mga mata na ngayon ay may bakas na rin ng mga luha. "Everythings gonna be fine, okay. Promise, I will never let anything bad happen to you. Handa akong protektahan ka sa lahat ng oras hanggang sa makakaya ko. Pangako 'yan, kaya tahan ka na." muli n'yang wika sa akin. "Talaga?" humihikbing tanong ko habang nakatingala at nakatitig ako sa kanyang mga mata. "Pangako yan, Princess." sagot n'ya, bago ako iginiya palabas ng silid na naging saksi sa malagim na nangyari sa aming ina. Bumaba kami sa sala kung saan naroroon at naghihintay ang iba naming mga kasamahan.Wala ng anumang bakas ng mga katawan na pinatay ng mga taong nanloob sa aming tahanan. Siguro ay ipinalinis na ni Kuya Sun bago pa s'ya umakyat sa silid ni Mama. "Torch." mahinang tawag ni Kuya Sun sa isang lalaking nakatalikod sa aming direksyon at tahimik na nakatanaw sa labas ng bintana. Agad naman itong lumingon nang marinig niya ang pagtawag ni Kuya sa kanyang pangalan. Mabilis itong naglakad patungo sa aming kinatatayuan, bago tumigil sa mismong harapan namin ni Kuya. "Bakit Kuya?" tanong nya. Ngayon ko lamang siya nakita sa lugar na ito, kaya't may pagtataka sa aking mukha ng binalingan kong muli ng tingin ang aking nakatatandang kapatid. "Sino siya, Kuya? Anong ginagawa niya dito? At bakit tinawag ka niyang 'Kuya'?" sunod-sunod kong tanong kay Kuya bago ko muling binalingan ng nanunuring tingin ang lalaki na tahimik lamang na nakatayo sa aming harapan. "Princess, I want you to meet our half brother, Torch. Torch, this is Jean. Our youngest and only sister. And my Princess." pagpapakilala ni Kuya Sun sa aming dalawa. "It's nice to finally meet you, Jean." masuyong wika ni Torch bago niya inilahad ang kanang kamay sa aking direksyon. Inabot ko naman ito habang naguguluhan pa rin. "Kuya rin kita?" naguguluhan ko pang tanong sa kanya, habang pinagmamasdan siya ng maigi. Ngumiti naman sya sa akin pagkatapos tumango.Hindi ko maipaliwanag kung bakit, pero ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya. Kahit ngayon ko pa lamang siya nakilala at nakita, which is very unusual. Iilan lamang sa mga taong nandirito ngayon ang nakapalagayan ko ng loob maliban sa aking pamilya. "Princess, siya muna ang bahalang magbantay sa iyo habang wala ako." pukaw ni Kuya Sun sa akin. May pagtatakang agad akong napabaling ng atensyon sa kanya. "Aalis ka ulit, Kuya?Kararating mo lang, 'di ba?" tanong ko sa kanya na may bahid ng lungkot at takot ang aking tinig. "May aasikasuhin lang akong mga importanteng bagay, Sweetie. At gusto kong matiyak ang kaligtasan mo habang wala ako dito. At hindi ko magagawa ang mga bagay na iyon kung lagi kong aalalahanin ang kaligtasan mo. Sa ngayon, wala akong ibang pwedeng pagkatiwalaan sa kaligtasan mo kundi si Torch lamang." mahabang paliwanag niya. "Torch, ikaw na'ng bahala kay Jean habamg hindi pa natatapos ang mga bagay na dapat kong tapusin. Buo ang tiwala kong hindi mo siya pababayaan." baling nya kay Torch. Tumango lamang ito bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Kuya Sun. "Aalis na kami, Princess. Mag-iingat ka dito." paalam nya bago humalik sa gilid ng aking sintido, pagkatapos ay bahagyang ginulo ang kanina pang magulo kong buhok. "Ikaw na muna ang bahala dito, Torch. Mag-iingat kayo. Tawagan mo ako kaagad 'pag may nangyaring hindi maganda dito." huling bilin ni Kuya Sun bago tumalikod at naghanda na sa kanilang muling pag-alis. Habang tinatanaw ang kanilang pag-alis ay hindi ko maiwasang makadama ng kalungkutan at takot.Paano kung hindi na makabalik pa sina Kuya Sun? Paano na ako? Wala na akong ibang pamilya maliban sa kanya. Siya na lamang ang natitira sa akin, maliban kay Torch na sabi niya ay half brother daw namin. Iilan lamang ang mga bagay na ito ang naglalaro sa aking isipan. Pinili kong iwaksi ang aking takot at pangamba. ❇❇❇❇❇❇❇ Ilang araw na ang nakalipas magmula ng umalis sila Kuya Sun at ilan sa aming mga kasamahan, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagbabalik. Habang nagtatagal na hindi sila nagbabalik ay lalo namang nilulukob ng takot at pangamba ang aking buong pagkatao. Sa mga nakalipas na araw ay gabi-gabi akong hindi pinatatahimik ng mga kaganapan noong patayin si Mama. Halos gabi-gabi akong dinadalaw ng masamang pangyayaring naganap sa kanya. Magmula nang araw na patayin s'ya ay hindi na ako matahimik. At sa murang edad ay tumatak na iyon sa aking isipan. I've been traumatized because of what happened to our Mom. At tanging si Torch ang naging karamay ko sa panahong iyon. Siya ang lagi kong kasama sa tuwing magigising ako mula sa isang masamang bangungot ng aking nakaraan. Dahil sa pangyayaring iyon ay lalo akong naging mailap sa ibang tao. Dalawang tao lamang ang pinahihintulutan kong makalapit sa akin, my Kuya Sun and Torch. Dahil tanging sa kanila lamang ako nakakaramdam ng kapanatagan at kapayapaan ng loob.Sa kanila ko lamang nadarama na ligtas ako sa anumang kapahamakan o panganib. And I know that they are willing to protect me no matter what happen.
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
Maganda kwento na gustohan koto basahin
28/09
0all I need is money jcjccjc
02/03/2025
0Nice story
02/10/2024
0Tingnan Lahat