logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 3

"Stay away from me kid!" mas lalo lamang akong ngumiti nang makita ang bahid ng iritasyon sa mukha ni Sir Eon na kanina palang naalibadbaran sa kakasunod ko sa kanya.
Alas syete pa lang ay andito na si Sir Eon sa eskwelahan dahil may kailangan daw siyang gawin. Kaya nga ng malaman kong andito siya ay di na ako nagdalawang isip pa na buntutan at kulitin siya. Lalo na ng malaman kong malapit na siyang umalis kasi tapos na siya sa ginagawa.
Yes,  I may have been hurt when I knew the fact that he is waiting for someone. But then, I realized, I have something worth fighting for, and that is him.
Ano naman kung may hinihintay siya? Too bad for that girl because I am here. Gagawin ko ang lahat para lang makalimutan ni Sir Eon ang babaeng 'yon, I will make him realize that I am here, nandito ako na hindi niya na kailangang hintayin ng ilang taon kasi willing na willing akong magpatali sa kanya.
Ipapamukha ko sa babaeng iyon na ako ang karapat dapat kay Sir Eon. That eventually, after all me efforts, Sir Eon would fall for me harder. Yung tipong di na siya makakaahon pa.
Napanguso ako. "Hindi nga kasi ako bata!" inis kong tugon at mahina pang napapadyak nang nagtaas lang siya ng kilay.
"I'm not a kid, you're just too old for my age," dagdag ko dahilan para tumaas ang isang sulok ng labi nito. Why so sexy!
Di ko na mapigilan ang pagsinghap nang bahagya siyang tumunghay para lang tumigil sa tapat ng aking tenga.
"Exactly. I am too old for you kid, ayokong maging sugar daddy so f*ck off," dire diretso niyang usal at tumalikod para ipagpatuloy ang naudlot na paglalakad dahil sa kakulitan ko.
I grimaced by his words, pero di ko parin natiis ang aking sarili at palihim siyang sinundan. I almost tiptoed para lang di niya mapasin na nakabuntot parin ako sa kan-
"Stop following me and just go straight to your class,"
But then Sir Eon knew everything. I stood straight at dahan dahang lumapit sa kanya at ngumuso.
Halos tumulis na ang baba ko kakanguso lalo na ng makitang di man lang nagbago ang kanyang ekspresyon. At sa halip ay mas lalo lamang luminaw ang pagka digusto niya sa ginagawa. Di man lang natablan sa pagpapa cute ko.
"Sagutin mo na lang kasi yung tanong ko. It's either a yes or a no lang naman Sir Eon," pangungulit ko, kahit ramdam na ramdam ko na ang mababangis na titig niya sa 'kin. Na parang bang sinasabing stop-annoying-me look.
He blew a loud breath. Yung tipong kinokontrol niya ang sarili na di sumabog. Marahan kong inayos ang aking bangs at ngumiti ng pagkatamis tamis. Mainis ka pa Sir Eon, mas lalo ka lamang gumagwapo.
Lihim akong napahagikhik sa naisip at umiling kalaunan. Para kang sira Clariniette . Tila napansin iyon ni Sir Eon kasi sandaling kumunot ang noo niya at umirap.
Bakit pati pag- irap ay ang sexy niya tingnan? This is bad! I think i am getting addicted to him. Makukulong na ba ako? Sana naman sa kanya ako makulong, kasi di na ako mag aabalang tumakas pa. Kahit pang habang buhay ang sentensiya walang problema.
"Both," maikli niyang sagot.
"Anong both? Bakit both?" tanong ko ulit at napakagat sa aking labi ng di mapigilan ang kyuryusidad. "Last na talaga to," dagdag ko para kahit kunti ay maibsan ang inis niya.
"No, i don't have a gilfriend for now. Pero kung bumalik na siya ay magkakaroon na ako ng nobya, so stop liking me dahil kahit kailan ay di kita magugustuhan," magaspang niyang sagot kaya napanguso ako.
"Andito naman ako. Bakit kailangang doon ka pa sa taong malayo at hihintayin mo pa? You wont' even have the assurance na kapag bumalik siya ay ikaw pa ang magugustuhan niya," I stubbornly answered at tumahimik rin kalaunan nang makita ang pagdilim ng kanyang ekspresyon.
"Kahit hindi man ako ang magugustuhan niya, hindi pa rin kita magugustuhan so f*cking q... "
"Blah blah ba blah blah," sansala ko sa iba niyang sasabihin at tinakpan ang aking tenga. I stubbornly keep on chanting the same words nang maramdaman ang sakit sa binitawan niyang mga salita.
"Fool," rinig kong ani niya at tinalikuran ko. Hindi pa man siya nakalayo ay lakas loob kong sinigaw ang katagang 'I love you' kahit hindi naman niya pinansin.
Ganyan ka ba talaga? Hindi ka pinaaral para lumandi Clariniette--
Unti unting napawi ang aking ngiti nang maalala ulit ang sinabi niya kanina, kasabay nito ang pagkirot ng aking puso.
Marahan kong tinapik at hinaplos ang aking puso bago tumango. "Kaya mo yan Clariniette. Balang araw, ang masasakit na salitang iyon ay mapapalitan ng mabulaklak at matatamis na salita. Kaya kailangang pagbutihin mo. Konting tiis lang self,"  parang tangang pagpapagaan ko sa aking loob at mabilis na bumalik sa classroom nang maalalang 30 minutes na pala akong late dahil sa pangungulit kay Sir Eon.
Halos lamunin ko na lahat ng hangin para makahinga at maibsan ang aking paghihingal nang makaabot ako sa aming classroom. Gulong gulo at puno na ang aking mukha ng pawis kakatakbo para lang makaabot kahit papano, tumingin ako sa wall clock ng classroom at napaawang ang aking labi nang makitang tinakbo ko galing Wing C hanngang Wing B ng limang minuto lang.
"Ms. Romano, bakit ka pa nandito?" natigil ang aking lihim na pagbubunyi nang makita si ma'am Kendall sa loob ng classroom. Nagsasalubong ang mga kilay nito kaya lalong umusbong ang kaba at takot sa 'king sistema.
"K-kasi m-maam..." nauutal kong sagot habang nakayuko at pinaglalaruan ang aking mga daliri. Hinihintay nalang ang sermon ni ma'am nang sa huli ay wala akong makitang mabisang alibi para matakpan ang aking pagka late sa klase.
"Bakit ka pa nandito Clariniette?" tanong ni maam uli.
"K-kasi maa... "
"You should be in Wing B right now. Dapat binabantayan mo ang klase ni ma'am Denise ngayon," galing sa pagkayuko ay agad tumaas ang aking ulo sa narinig. Ano daw?
Sandali akong nag isip at kumunot ang noo. "ho?"
"Maam Denise excused you from my class kasi magiging proctor ka raw sa klase niya ngayon. She has some urgent thing to do kaya ikaw ang nautusan niyang magbantay sa klase na binigyan niya ng quiz ngayon," mahabang paliwanag ni ma'am.
"Go now Ms. Romano, baka ano na ang pinaggagawa ng mga estudyante ni ma'am Denise ngayon" udyok ni maam kaya agad akong tumango at bagsak ang balikat na tumalikod para takbuhin na naman ulit ang distansiya ng Wing C patungong Wing B.
"Stop it Ken," rinig ko na ang magulong sitwasyon ng STEM students kahit ilang classroom pa lang ang aking lalampasan para lang maabot ang klase ni maam Denise.
Sigurado akong nagbibigayan na naman ito ng mga answer lalo na't walang nagbabantay sa kanila. I just don't really get the reason  why they cheat when they could have many time to study and learn.
Ano pa ang silbi nang pinag aralan at pagpasok nila sa paaralan kong pangongopya lang rin naman pala ang hahantongan nila. Its like holding on slipping rope, it can get you nowhere but down deeper.
Nang maabot ang kanilang classroom ay sandali kong inayos ang aking buhok at ilang beses na bumuntong hininga bago dahan dahang pumasok sa loob.
"Good morning po," mahina at nahihiyang bati ko sa kanila. They all stopped and then later on distinct chattering sorrounded the place.
Kesyo sino daw ako, bakit ako andito, bago ba raw ako ng classmate. May iba pang tumatawa at sinasabing baka naligaw raw ako ng classroom.
Sa halip na sagutin lahat ng aking nadinig ay matamis akong ngumiti at umupo sa upuan ng subject teacher at tiningnan silang lahat.
"I am Clariniette Romano, a HUMSS student at ako po ang inutusan ni ma'am Denise na bantayan kayo ngayon. As far as I know may quiz po kayo, tapos na po ba kayo?" tanong ko na ikinatahimik ng lahat.
Tiningnan ko ang orasan at tumango. "May 15 minutes pa po kayong sagutan ang quiz. Magtatapos po tayo at exactly 9:30," I announced. Mukhang naintindihan naman nila dahil kanya kanyang nagsibalikan ang lahat sa kanya kanyang upuan.
Minsan ay matatawa pa ako dahil ang iba ay kakamot kamot sa kanilang ulo tapos maglalabananan ng tingin sa katabi na para bang sa pamamagitan nito ay makukuha nila ang tamang sagot sa bawat tanong.
It was exactly 9:30 when the class ended. Agad kong inanunsyo na tapos na ang oras at kailangan na nilang ipasa ang kanilang mga papel. Mabilis naman na umalingawngaw ang panghihinayang at reklamo sa buong klase, may iba na uminat pa na para bang nakakangalay ang kanilang ginagawa, at meron ding halos lumundag sa tuwa nang sa wakas ay tapos na ang kanilang quiz.
Kahit na ganon ay walang nagawa ang iba na kanina pa nagrereklamo. They just found theirselves lining up in the front to pass their papers to me.
"Ang damot damot mo ng sagot Azia!" natigil ako sa pag aarange ng mga papel ng marinig ang pangalan na iyon.
Azia? Bakit pamilyar ang pangalan na iyon?
Galing sa pagkakunot ng aking noo ay dahan dahang nanlaki ang aking mga mata ng maalala kong saan ko narinig ang pangalan na iyon.
Mabilis kong inangat ang aking ulo at nakita ang isang lalaki na nakatalikod at mukhang kagagaling lang magpasa ng papel. Bakit di ko yun napansin kanina?
Ipiniling ko ang aking ulo at halos iangat pa ang aking sarili para lang makilala ang tinatawag nilang Azia pero bagsak ang aking balikat nang hindi ko pa rin maaninag ang kanyang mukha.
Nakakahiya namang tumayo pa ako at lumipat ng pwesto para lang makita siya. Baka akalain pa ng iba na isa akong weird na stalker at maging usap usapan pa ng buong paaralan.
"Bakit? Pag binigyan ba kita ng sagot madadagdagan ba ang marka ko?" suplado nitong sagot. Lihim akong napatawa kaya sa 'kin napunta ang atensiyon ng lahat, kabilang na roon si Azia.
"Ikaw!" Di ko mapigilang ibulalas nang makitang ito si strawberry guy. Siya yung walang modong lalaki na na meet ko sa gymnasium the day of the evaluation. Yung lalaking angsungit sungit at walang manners!
Tinaasan niya ako ng kilay at dinampot ang bag bago walang pasabi na umalis. Pagak akong natawa at naiinis na inayos ang aking bangs nang maalala kong paano ko hinangaan ang kanyang katalinuhan without even knowing na ito pala ang walang modong lalaki sa gym.
I take it back that I like him! Nakakabwesit siya!
Dumaan pa ako sa faculty para ilagay ang mga papel sa ibabaw ng desk ni maam Denise bago tinungo ang library para sa morning shift.
"Anong libro ang gusto mong hiramin?" Bagot kong tanong kay Azia na nasa aking harapan ngayon.
"You should be more approachable and amicable to the students here. How could a librarian have thay attitude," pang sesermon niya. Umirap lang ako at kinuha ang log book habang hinihintay ang pipiliin niyang libro.
Sesermon sermon pa siya eh papasok sa kanang tenga tas lalabas sa  kaliwang tenga ko naman ang mga sinasabi niya. Approachable naman talaga ako, sa kanya lang naman ako nagsusungit kasi di ko siya gusto.
"Andito ka lang ba para sermonan ako? Kung tapos ka na, pwede ka ng umalis," baliwala kong sagot at sinara ang log book, pero mabilis niya naman iyong inagaw at isinulat ang librong pipiliin niya.
"Pipili naman pala ang rami rami pang sinasabi," bulong ko at binawi ang log book bago umalis sa aking pwesto at tinungo ang book shelf na kinalalagyan ng librong hihiramin niya.
Nang makita ang pakay ay napakagat ako sa aking labi sa iritasyon. Nakalagay kasi sa itaas na bahagi ng shelf ang libro, kahit na tumalon man ako ay siguradong di ko pa rin maabot ang libro at paniguradong masasaktan lang ako kapag di ko naayos ng talon dahil sa aking heels.
"Talaga bang ang librong iyon ang gusto mo?" tanong ko habang tinuro ang libro. He nodded silently kaya wala na akong nagawa kundi kuhanin ang ladder para makuha lang ang libro.
Maingat kong inayos ang pwesto ng ladder, nang masiguradong hindi na ito dudulas pa ay dahan dahan kong hinubad ang aking heels at hahakbang na sana nang maalala kong nakasaya pala ako. Siguradong makikita niya ang cycling ko pag sisimulan ko na ang pag akyat sa hagdanan.
"What are you doing? I don't have every time in the world miss," ani niya. Halatang nawawalan na ng pasensiya.
Kinagat ko ang aking labi at yumuko. "Pwede bang ikaw nalang ang umakyat para kunin ang libro?"
"Ako ba ang librarian? Bakit ako ang aakyat?"
"Di ko kasi maabot ang libro. Mas mataas ka kaya mas favorable pag ikaw ang kumuha," I insisted.
"Are you concious that I might see your underwear kong aakyat ka diyan?" tanong niya dahilan para uminit ang aking pisngi sa pambubulgar niya.
"Naka cycling ako no!" Giit ko para mapagtakpan ang hiya na lumulukob sa aking pagkatao. Tinaasan lang niya ako ng kilay kaya padabog akong humakbang sa hagdanan hindi na alintana kong makita man niya ang cycling na nakakubli sa aking sinusuot na saya.
Nang matagumpay kong nakuha ang libro ay mabilis akong bumaba at binigay sa kanya ang libro.
"Ayan na! Umalis ka na!" Pagtataboy ko. Isinuot kong muli ang aking heels at taas noong binalingan siya.
Kinuha niya ang libro at tiningnan ako. Amusement is visible in his eyes. "The cycling suits you. They fit your bossoms well. May maipagmamalaki ka rin naman pala," turan niya at ngumisi bago umalis sa aking harapan.
"Bastos!" Nanggagalaiti kong sigaw, di na alintana ang batas sa loob ng library at mariing kinuyom ang aking palad dahil sa inis.
Gustong gusto ko siyang sundan at pagmumurahin pero di na ako nabigyan ng pagkakataon lalo na't ramdam ko ang naiinis na titig ng mga estudyante sa pambubulabog ko dulot ng ginawa ni Azia.
Bwesit ka Azia! Bastos! Pervert! Kabagin ka sanang gago ka!
(_Kaligayahan)

Komento sa Aklat (49)

  • avatar
    USNIEKRISJEN

    perfect story

    27/07/2024

      0
  • avatar
    Yvette Domingo

    god

    29/06/2024

      0
  • avatar
    Aki Yohan Bongayan

    jh jbv

    20/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata