Life is not a fairytale with beautiful palaces, charming princes and princesses, happy endings and majestic twists. Hindi dahil naghihirap ka tulad ni Cinderella ay magiging isa ka ng prinsesa, di dahil meron kang ginintuang puso gaya ni Belle ay makikita mo na ang iyong prince charming, at di dahil sa iyong kabutihan ay magkakaroon ka na ng happy endings na katulad nila. It's not my thing to believe in such ridicolous stories kasi bukod sa di ako sinanay ni tatay sa ganyang paniniwala ay alam ko ring ang mga storyang iyan ay purong kathang isip lamang ng mga manunulat para papaniwalain ang mga bata na walang muwang sa mundo. At ang nakakaawa doon ay di man lang malaman ng mga ito na ang ganitong tagpo ay imposibleng mangyari sa totoong buhay. Everyone dreamed of fairytale like love story, but not me. Kasi sa totoong buhay walang prince charming na handang hanapin at hintayin ka, walang knight in shining armor na bigla bigla nalang susulpot kapag nasa bingit ka ng kamatayan at magsasagip sa 'yo at higit sa lahat walang lalaking kayang isakripisyo ang lahat lahat para sa isang babae. All of these is a pure perfection of someone else's imaginary mind. Siguro nga kung iba pa ang katayuan ko sa buhay ay mangangarap rin ako ng ganyan, pero sino nga ba ako para mabigyan ng prince charming at fairytale like na love story. Isa lang naman akong estudyante na halos magkanda kayod kayod kakatrabaho para matulungan ang aking tatay at mapaaral ang aking kapatid. Mas hihilingin ko pang umangat ang buhay namin kesa paniwalaan ang storyang ginawa para magbigay libang hindi para pangarapin at paniwalaan. Mahina akong napabuntong hininga sa naisip at itinuon nalang ang atensiyon sa pag rerecord ng summative test na iniutos ni ma'am Joy kanina dahil may meeting siyang dinaluhan. Natigil ako ng makita ang isang papel na isa lang ang naging mali sa buong klase nila. Sinuyod ko ang mga sagot nito at mas lalong napaawang ang aking labi sa pagkamangha ng mabasa ang essays na well constructed at halos di ko makita ng kapintasan sa ano mang anggulo. Nang matapos ay ibinalik ko ang paningin sa itaas na parte ng papel para tingnan ang pangalan ng nag mamay ari sa papel. Azia Enzo Collin "Azia Enzo," I muttered habang pinaparaan ang aking mga daliri sa pangalan nito at napangiti. "Ang ganda ng ngiti natin ngayon ah," agad kong binitawan ang papel na hawak hawak at nahihiyang tiningnan ang kararating na si ma'am Joy. Sandali niya akong tiningnan bago lumapat ang paningin sa papel na hawak hawak ko kanina at mas lalong lumapad ang mapang asar nitong ngiti. "Crush mo?" Tanong ni ma'am Joy at ininguso ang papel ni Azia. Bakit ang cute ng pangalan niya pag binanggit na. Nag iwas ako ng tingin. "Namangha lang po ako kasi matalino siya," magalang kong sagot at ipinokus ang atensiyon sa pag rerecord. Pero dahil sa mga titig ni ma'am Joy ay di tuloy ako maka focus. "This is interesting," sabi ni ma'am Joy habang umiinom ng kape at nakatutok ang atensiyon sa kanyang cellphone. Naisip kong baka tinutukoy nito ang kinakaaliwan sa kanyang cellphone kaya di nalang ako nagtanong pa at ibinalik ang atensiyon sa ginagawa. "It's not a sin to like someone other than my brother Clariniette kaya wag kang mahiya," sabi ni maam Joy kalaunan at nginitian ako. "Youre smart and a beauty itself. Tanga, bulag at bobo nalang talaga si Eon kung tatanggihan ka pa niya," dire diretsong usal ni ma'am Joy na para bang normal lang na pintasan niya ang sariling kapatid. Di ko tuloy maiwasang mapangiwi sa mga pang iinsultong binigay nito kay Sir Eon. "Oh come on. Don't give me that look Clariniette, hindi dahil head over heels ka sa kapatid ko ay siya na ang kakampihan mo," "Wala naman po akong sinabi. Hindi ko naman po pinipilit ang aking sarili kay Sir Eon. Asenso, professional tsaka gwapo po si sir at di po ako nababagay sa kanya, alam ko naman pong mas gusto niya yung may curves, professional tsaka maganda. Ayaw niya sa tulad kong bata at di man lang marunong mag ayos ng sarili," pahina ng pahina na ang aking boses habang sinasabi ang katotohanang kahit saan anggulo tingnan ay malayong maging akin ng buo si Sir Eon. Di naman ako nanghahangad ng kapalit kasi alam ko naman sa una pa lang na malayong mabigyan niya ng katugon ang aking nararamdaman para sa kanya. "And you think he deserves you?" tanong ni ma'am Joy. "Come on Clariniette. Dont snoop down to the level of his flings, may curve nga sila pero wala naman silang dignidad. You have your own beauty they don't have and never will have, so stop giving the nonsense reason on why you don't deserve my brother kasi truthfully speaking siya ang hindi deserving para sa'yo" Nag iwas nalang ako ng tingin nang matamaan ako sa sinabi nito. Ni hindi ko man lang namalayan na nag seself pity na pala ako. "Pero gusto ko po siya," magalang kong pag amin. Ma'am Joy's face crumpled at inirapan ako. She really dislike whenever i confess my feelings for sir Eon. "Change topic na nga tayo. Ayokong pag usapan natin ang nararamdamn mo para sa bakulaw na iyon. Mom is inviting you for dinner and she doesn't take no for an answer," ani ni ma'am Joy at pinakita sa 'kin ang text ni tita. Napangiti ako bahagya nang mahimigan ang paglalambing at pagmamakaawa nito, may kasama pang emoji dahilan para di ko mapigilan ang pag hagikhik. Sasagot na sana ako pero nang maalalang malimit ang transportasyon pauwi pag gabi ay di ko mapigilang magdalawang isip. "Ihahatid ka namin pauwi kaya wag kang mag alala Clarriniette," sansala ni ma'am Joy sa pag aalinlangan ko. Ngumiti ako at tumango kay ma'am Joy bago masiglang tinapos ang ginagawa. Ngayon lang ako ulit makadalaw sa kanila kaya di ko mapigilan ang excitement at tuwa. Halos di na nga ako nakikinig sa lecture namin kasi lumilipad na ang isip ko sa pagbibisita kina ma'am Joy, mabuti na lang at nakasagot pa rin ako kahit papaano. "Clariniette!" di ko na napigilan ang pag sugod ng yakap kay tita na nasa pintuan at mukhang hinihintay talaga ang pagdating namin. "Clariniette!" salubong rin ni ate ritchell na halos maiyak na ng makita ako. I smiled at yinakap rin ito para aluin dahil paniguradong iiyak na naman ito. Di nga ako nagkamali nang ilang segundo pa ay sumisinghot na ito habang parang batang pinupunasan ang luha. "Umiiyak ka na naman love? Ginagawa mo na atang habit ang pag iyak kapag dumadalaw si Clariniette ah" turan ni kuya ben habang may dala dalang cupcake. Niyakap niya ako saglit bago nilapitan si ate Ritchell na nakasimangot. "Love..." tawag pansin ni kuya ben pero mas lalo lamang lumukot ang mukha ni ate Ritchell sa iritasyon. Nilingon niya si kuya Ben. "Paki mo kong iniiyakan ko si Clariniette? Iniiyakan ko siya kasi importante siya para sa 'kin. Asa kang iiyakan kita, hindi ka importante gago!" Asik nito at padabog na umalis sa aming harapan. Napakamot ng ulo si kuya Ben at sinundan ang nobya na sukdulan ang galit sa pang aasar na ginawa niya. Napangiti nalang ako ng sa huli ay hinayaan naman ni ate ritchell na yakapin at suyuin siya ni kuya Ben. They suit each other well. Ma attitude man si ate Ritchell, magaling naman manuyo si kuya Ben. Perfect match. "Konting konti nalang Clariniette magiging robot ka na niyan kakalingon kahit saan," may bahid ng inis na sabi ni ma'am Joy. Ngumuso ako at binalik ang atensiyon sa pagkain. "Hinahanap mo ba si Eon hija?" tanong ni tita kaya nahihiyang nag iwas ako ng tingin. Mas lalo tuloy akong na conscious nang makitang nakamasid at nakaabang sila sa isasagot ko. Aamin ba ako? O hindi? Mariin akong napapikit at ibubuka sana ang labi para sumagot nang bigla nalang bumukas ang pintuan at inilabas niyon ang taong di ko aasahan na dadating. "Why didn't anyone informed me we will be having a family dinner," casual nitong tanong at tumabi sa tapat na silyang kinauupuan ko. His eyes glanced at me for a brief moment bago siya bumati sa kanila. Noong pumunta ang tingin niya sa 'kin ay tumikhim lamang ito at nag iwas ng tingin. "Di mo man lang ba babatiin si Clariniette Eon?" ma awtoridad na tanong ni tito, pero sa tonong iyon ay parang inuutusan niya si sir Eon. Natigilan si sir Eon at nag isang linya ang labi sa narinig kaya maagap akong sumagot at sinabing okay lang para mapawi ang iritasyon sa mukha nito. Alam ko kasing pinakaayaw ni sir Eon ang utusan, ayoko namang mapintasan niya naman ako dahil sa sinabi ni tito. I am aiming to be on his side kaya kailangang maiwasan ko ang mga bagay na ikakagalit niya. Head over heels? More like i am 'Cloud over heels' sa kanya. Ganyan ko siya ka gusto. The dinner went well, nag stay pa ako ng 20 minutes para sa chickahan moment kung sabihin ni ate Ritchell bago nagpaalam na umuwi. They even hesistated to let me go kasi pasado alas dyes na, dito na lang daw ako magpalipas ng gabi sabi nila, pero ako na mismo ang tumanggi. Dahil bukod sa hihintayin ako ni tatay ay alam ko namang ayaw ni Sir Eon na doon ako matulog. Nasanay na kasi ako na kapag nasa bahay siya ay di ako pwedeng mag sleep over sa kanila. Ayaw na raw kasing makita at makasama ako sa iisang bubong. It's like saying na hindi niya ako pwedeng maging asawa. "Aalis na po kami ma," paalam ni ma'am Joy nang nasa gilid na kami ng sasakyan niya. Ngumiti ang mga ito at kumaway, kumaway ako pabalik at nagpaalam ulit. Nahagip pa ng mata ko si Sir Eon sa balcony nila na parang may ka face time. Hawak hawak kasi nito ang cellphone paharap at distansiya sa mukha niya. Dumagan ang panghihinayang at sakit sa aking dibdib nang makitang ngumingiti at tumatawa ito sa kausap. Kitang kita ko sa mata ang kasiyahan na di ko man lang masilayan kapag kami'y nagkakaharap. Ilang beses pa itong tumango habang kagat kagat ang labi para siguro pigilan ang pagtawa bago nagpaaalam at pinatay ang cellphone. My shoulders slouched more when I hear him saying I love you before turning off his phone. Nang maibulsa niya ang cellphone ay dumako ang blangko nitong tingin sa 'kin at mabilis na tumalikod. Nabawi lang ang aking atensiyon sa mahinang pagtapik ni ma'am Joy sa aking balikat. Kita ko ang awa sa mukha niya kaya pinilit kong ngumiti at pumasok sa loob ng sasakyan niya. "May girlfriend na po ba si Sir Eon Ma'am Joy?" Lakas loob kong tanong nang maihatid niya ako sa bahay. Nasa tapat na kami ng bahay ko. Ilang beses kong pinigilang isipin ang eksena kanina pero di ko parin talaga mapawi iyon sa aking isipan. Kaya di ko tuloy mapigilang mag tanong. Kita ko ang pag iwas ng tingin ni Ma'am Joy kaya pait akong napangiti. "Like someone else Clariniette. You deserve someone better," mas lalo akong nanghina sa sagot ni Ma'am Joy. So meron nga? Pilit akong ngumiti. "Okay lang po. Gusto ko lang naman po si Sir Eon Ma'am. Normal lang naman po yun," sagot ko. "Hindi ko sinasabing may girlfriend nga siya. Pero may hinihintay siya Clariniette, ayokong masaktan ka kaya wag mo nalang gustuhin ang kapatid ko. Youre better of with someone else," Ma'am Joy tried consolling me, pero di pa rin niyon mapapawi ang kirot at sakit sa 'king dibdib dahil sa nalaman. May sinabi pang iba si Ma'am Joy na di ko naman naintindihan bago nagpaalam. Natagpuan ko nalang ang sarili ko sa kama nakakumot at kinakagat ang pang ibabang labi para mapigilan ang pag iyak nang maramdaman ang paulit ulit ng aking puso sa narinig. Pero may hinihintay siya Clariniette Parang sirang plakang paulit ulit iyon sa isipan ko. Malalim akong bumuntong hinings at mabilis na pinawi ang patak ng luha sa 'king pisngi at pumikit. Ano pa ang laban ng 'gusto ko' sa 'hinihintay' niya? (_Kaligayahan)
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
perfect story
27/07/2024
0god
29/06/2024
0jh jbv
20/06/2024
0Tingnan Lahat