logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 6

NAPATINGALA sa langit si Yelena, naroon siya sa veranda ng kuwarto niya -at nag-star gazing. Hanggang ngayon ay laman pa rin ng kanyang isipan ang nangyaring komprontasyon sa pagitan nila ni Ren. Hanggang ngayon ay parang may tumutusok na maliliit na karayom sa puso niya sa tuwing maalala kung paano ipagtanggol ng binata si Stefani. And just thinking about staying away from Ren hurts her so much. Pero mukhang kailangan niyang tiisin, para sa ikatatahimik ng buhay niya.
Simula ng malaman niya ang ginawa ni Stefani, at mabuking niya na may gusto ito kay Ren. Doon na nasira ang pagkakaibigan nila, Stefani hates her more than anyone. Hindi na nito tinitingnan man lang ang naging pagkakaibigan nila noon. Kahit ganoon ang ugali niya, totoo siya sa lahat ng nagiging kaibigan niya. Maging kay Stefani. Simula ng malaman niya ang kasinungalingan nito, doon na rin nagsimula ang kalbaryo niya mula sa verbal bullying at pangha-harrass nito sa kanya. Sumasagot si Yelena sa lahat ng salitang binabato nito sa kanya, ayaw sana niyang patulan, pero hindi rin niya kaya na hayaan ito na ganunin siya.
Noong una ay walang alam si Ren sa alitan nila, pero isang beses na nagkaroon sila ng komprotasyon ni Stefani, umabot sa punto na tinulak siya nito kaya gumanti rin siya at napaupo ito. Nakita iyon ni Ren, si Stefani na kilalang may gintong puso sa buong Unibersidad at siya na kilalang siga, matapang, at may imahe na bully, si Stefani ang kinampihan ng binata. Noong una ay labis niyang dinamdam ang ginawa ni Ren, pero ng kalaunan ay nasanay na rin siya. Habang si Stefani ay pinagpatuloy ang palihim nitong pambu-bully sa kanya. Pasalamat na lang siya at hindi siya marunong masindak, pero sa tuwing lumalaban siya, siya naman ang napapahamak kay Ren.
Lumaki sila ni Ren ng sabay. Sa kanilang lahat ng mga kababata niya, ito ang pinaka-close nila. They grew up together, at sa paglipas ng panahon. Yelena realized that what she feels is already not just as friends but more than that.
Noong nakaraan taon, hayagan ng nag-confess sa kanya si Ren. He asked her to accept his love, pero tinanggihan ito ni Yelena. For the first time, simula ng
maramdaman niyang mahal din niya ang binata. Nagawa niyang talikuran ito. Sinabi ni Yelena sa sarili na ayaw na niyang pakinggan ang lahat ng sinasabi nito. Kahit alam niyang totoo ang pagmamahal ni Ren sa kanya, mas pinili niyang lumayo at talikuran ito.
Paano niya magagawang tanggapin ito kung sa tuwina ay palaging nasa pagitan nila si Stefani? At sa tuwing magkakabanggaan sila, ay ito ang kakampihan ni Ren at hindi siya. Paano magiging maayos ang relasyon nila kung ang tiwala nito ay nasa iba? Kung mas naniniwala ito sa sinasabi ng iba, kaysa sa kanya, na ayon kay Ren ay mahal nito. Kaya kahit masakit ay mas pinili ni Yelena na huwag tanggapin ang binata.
Lakasan mo loob mo, Yelena. Kailangan mong gawin ‘yon, masanay ka na! sermon niya sa sarili.
Huminga siya ng malalim at pilit na tinaboy sa kanyang isipan ang mga taong nagbibigay sa kanya ng stress. Papasok na sana siya ng kuwarto ng mapansin ni Yelena na lumabas si Ren mula sa loob ng bahay nito. Pero ang nakakapagtaka ay naka-black formal suit ito. Kasunod nito ay nagsilabasan din ang iba pang mga kababata niyang lalaki na kapareho rin ni Ren ang suot. Paglingon niya sa buong kalsada ay halos wala ng tao, nang makita ang oras ay halos alas-dose na ng hatinggabi.
“Ano kayang trip nitong mga ‘to?” nagtatakang tanong niya.
Mayamaya ay nagtipun-tipon ang mga ito, base sa reaksiyon ng mga mukha ay parang seryoso ang pinag-uusapan nila. Nagsalubong ang dalawang kilay niya ng makitang nagsuot ang mga ito ng kulay puting maskara at naglakad papunta ng Flower Shop ng Tita Panyang niya. Bago buksan ang pinto ito ay lumingon pa ang mga ito sa paligid, pagkatapos ay isa-isang pumasok doon.
Dahil hindi mapakali si Yelena. Nagmamadali siyang bumaba at saka lumabas ng bahay. Sinundan niya ang mga ito sa flower shop.
“Ren… Aven!” tawag pa niya habang kumakatok.
Pero makalipas ang ilang sandali ay walang sumasagot. Lalo nagtaka si Yelena, sa pagkakatanda niya, maliit lang ang flower shop na iyon at tiyak na magsisiksikan ang sampung iyon. Pagpihit niya ng doorknob, bahagya siyang natigilan ng makitang bukas iyon. Lumingon din siya sa paligid bago pumasok. Napanganga si Yelena dahil wala sa loob ang sampung pumasok, napakamot tuloy siya sa ulo.
“Nasaan na ‘yong mga ‘yon?” nagtatakang tanong niya.
Bigla siyang napalingon ng marinig ang paglangitngit ng isang pinto. Lalong na-curious si Yelena ng makita ang isang makipot na pinto sa pinakasulok ng flower shop. Sa unang tingin at kapag nakalapat iyon, hindi ito halatang pinto at mukhang parte ng dingding. Dahan-dahan siyang lumapit doon at maingat na binuksan ang maliit na pintong iyon.
“Anong sikreto nitong mga pengkum na ‘to?” tanong pa niya.
Lumalim ang pagtataka ni Yelena ng bumungad sa kanya ang isang pasilyo. Nang silipin niya ay parang paikot-ikot pa iyon. Kulay pula ang ilaw doon at medyo may kalabuan pa. Bigla siyang kinabahan at nakaramdam ng takot.
“Ren…” mahina ang boses na tawag niya.
Pero walang Ren na sumagot sa kanya. Dahan-dahan siyang pumasok sa loob ng pasilyo na iyon, kinakabahan siya, gusto sana niyang umatras na lang at lumabas pero parang may humihila sa kanya na ituloy ang pagpasok doon. Bawat hakbang ni Yelena ay palakas ng palakas ang kabog ng dibdib niya, para kasing may biglang susulpot na multo doon ano man oras. Sa tantiya niya ay naka-tatlong liko siya bago niya narating ang pinakadulo, at isang pinto ang bumungad sa kanya. Napakunot-noo siya ng basahin ang nakasulat doon.
“Love Confessions Society,” basa niya.
Napakunot-noo siya ng marinig ang mga pamilyar na boses. Hahawakan na lang niya ang doorknob, ng biglang bumukas iyon at bumungad sa harap niya ang isang matangkad na lalaki at nakasuot ng maskara na kulay puti. Dahil sa pagkagulat ay napasigaw siya ng malakas. Nagpumiglas si Yelena ng biglang takpan ng lalaki ang bibig niya.
“Hey calm down… it’s me,” sabi nito.
Natigilan siya ng makilala ang boses nito.
“Dawson?”
Inalis nito ang maskara.
“Anong ginagawa mo dito?” gulat na tanong nito, sabay lingon sa likod niya.
“May kasama ka ba? May nakakita ba sa’yo?” sunod-sunod na tanong ulit nito.
Inalis niya ang kamay nito na nakahawak sa balikat niya.
“Ang tanong ko ang sagutin mo. Anong ginagawa ninyong lahat dito? Anong meron dito?” nagdududang tanong niya.
Pagbukas ni Dawson ng pinto ay bumungad sa kanya ang iba pang nasa loob.
Isa-isa nitong inalis ang maskara na suot, napalingon si Yelena sa huling lalaking tumayo at nag-alis ng maskara.
“Yelena?” gulat na sabi ni Ren.

ISANG MALAKING silid ang bumungad sa kanya. Everything is covered and designed in white, red and pink designs. Heart shaped in particular. May mahabang mesa na may isang dosenang upuan. Isang malaking flatscreen TV. May mga malalaking picture frame na nakasabit sa pader sa bandang ng kanan ng sampung lalaki na iba't iba ang kasuotan pero lahat ay may maskarang puti. Sa kanan naman ay may isang stage, sa gitna niyon ay may isa pang maliit at bilog na stage. Sa bandang likod ng stage ay may malaking heart. May mga naka-pin doon na mga papel, nakasulat doon ang maikling mensahe ng pasasalamat ng mga couple na natulungan ng LCS. Sa makabilang pader doon sa stage ay may mga nakasabit pa rin na picture frames. Ang mga larawan na iyon ay ang mga couples na natulungan nila at sa ngayon ay successful ang relasyon. Pagtingala ay natatakpan ng maraming lobo na kulay puti, baby blue, pink at lavender ang kisame.
Labis ang pagkabigla ni Ren matapos makita si Yelena doon sa hide out. Wala sa loob na napatayo siya kanina saka inalis ang suot na maskara.
“Ano ‘tong lugar na ‘to? Anong ginagawa n’yo dito?” puno ng pagtatakang tanong ni Yelena.
Nagkatinginan silang lahat.
“Ang mabuti pa, sabihin na natin sa kanya. Tutal nakita na niya tayo, there’s no point of keeping it from her,” sabi ni Adam.
“Ipapaliwanag ko sa’yo, pero maupo ka muna,” sabi niya.
Lumapit si Yelena at naupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Ren.
“’Yong totoo, anong kulto kayo? O baka naman mamaya vigilante kayo ha? O kaya may illegal kayong transaksiyon dito,” puno ng hinala na tanong nito.
Hindi napigilan ni Ren na matawa sa sinabi nito. “Naalog ba ni Stefani ang utak
Mo? Kung anu-ano ang naiisip mo?” biro pa ni Page.
Biglang inambaan ng suntok ni Yelena ito, pero agad tinaas ni Page ang dalawang kamay.
“Chill lang, friend! Ikaw naman hindi na mabiro,” mabilis na depensa nito.
“Huwag mong babanggit pangalan ng babaeng ‘yon ha? Masama ang nagmumura!” tungayaw ni Yelena.
Napailing at natawa na lang siya sa bangayan ng dalawa.
“Ano na? Bakit kayo nandito?” baling sa kanya ni Yelena.
Sasagot pa lang sana siya ng biglang dumating ang namumuno sa kanila. Ang pasimuno at nagtatag ng grupo nila.
“This group is called Love Confessions Society,” sagot nito.
Nakakunot-noong napalingon si Yelena. “Tita Panyang?” hindi makapaniwalang sabi nito matapos makilala ang boses ng Mommy niya.
Lumabas ito mula sa kabilang pinto at naupo sa kabilang bakanteng silya.
“Hi hija,” nakangiting bati nito kay Yelena.
“Tita, what’s happening?”
Tumawa na parang Donya si Panyang. “Huwag kang mag-alala, iaalay ka lang naming sa anito ng pag-ibig… oh boys… ihiga na si Yelena doon!”
Impit siyang natawa.
“Tita naman eh!” maktol ni Yelena.
“Joke lang! Hindi kami kulto, ikaw na bata ka talaga! Hindi sila vigilante at mas lalo walang illegal na nangyayari dito,” sagot nito.
“Hindi ko po maintindihan. Love Confessions… what is it again?”
“It’s Love Confessions Society,” pagtatama ni Panyang kay Yelena, pagkatapos ay hinarap nito ang laptop kay Yelena, at pinapanood ang video. Nakita ni Ren na napaunat ng upo ang dalaga ng makita ang mga magulang nito doon.
“Sila Mommy at Daddy ‘to ah,” sabi nito. Napangiti siya sa mga sumunod na eksenang nakita niya, lalo na ng nag-kiss ang dalawa.
“That’s right. Iyan ang araw na nag-confess ang daddy mo sa mommy mo. Saksi kaming lahat sa pag-iibigan ng mga magulang mo, Yelena. Iyan, kasama ang ilan pang videos ng confessions ng mga daddy ninyo sa amin ang naging inspirasyon ko para itayo ang grupo na ito,” pagsisimula ni Panyang.
“Matagal na ako dito sa Tanangco, marami na rin ang nagbago, lalo na sa mga kabataan. Ngayon, parang laro na lang sa kanila ang pakikipag-relasyon. Kapag nagsawa, magpapalit ng girlfriend o boyfriend. Kami, bilang mas nakakatanda, ayaw namin lumaki kayo gaya ng ibang kabataan. Hindi mali ang umibig, pero kailangan ay sa tamang tao mo ibibigay ang puso mo. Dahil minsan lang sa buhay natin dumating ang true love na iyon. Kaya para makatulong sa iba, tinatag namin mga kababaihan ito.”
“Alam din po ni Mommy ito?” tanong ni Yelena.
Marahan tumango si Panyang.
“Pero bakit hindi binanggit ni Mommy sa akin ito? Saka ano po ang ginagawa nitong Love Confessions Society na ‘to?”
“Because it’s a top secret. Hindi namin pinag-uusapan ang Love Confessions Society sa labas ng kuwarto na ito, as if it didn’t exist. We help people to confess their feelings to the one they love. Tinutulungan namin na i-assess ng taong magko-confess ang totoong nararamdaman niya. If it’s true love, we help them. We do the events here, we design the stage para sa mas romantic na ambiance, at dito nagaganap ang lahat ng love confessions ng mga subjects namin. Marami na kaming natunghayan na confession dito, may naging masaya ang ending, meron din hindi. Lahat ng iyon ay naging saksi ang kuwarto na ito,” paliwanag ni Panyang.
“Paano kapag hindi tinanggap ang confession ng isang tao?”
“Then there’s nothing we can do. Iyon ang unang sinasabi namin sa taong magko-confess. Nililinaw namin sa kanila, na maaaring tanggapin o hindi ang pag-ibig niya. Kaya sa una pa lang ay tinatanong namin siya kung handa siyang ituloy ang confession kahit ano ang maging kalabasan. Siyempre, masaya kapag happy ending ang naging resulta. Pero may mga bagay na talagang hindi inadya ng pagkakataon,” sagot ni Ren.
“Eh bakit kailangan patago ninyo itong gawin?” tanong ulit ni Yelena.
“Dahil ayokong maabuso ito sa maling pag-ibig. May mga klase ng pag-ibig na tama sa mata ng tao, pero mali sa mata ng Diyos. Ayoko rin magmukhang match-making agency ito, kaya napagkasunduan namin na itago ito sa publiko. Madali ang magsabi na gusto o mahal mo ang isang tao. Pero iba ang confession ng taong totoong nagmamahal, may magic na hindi mo kayang ipaliwanag.” sagot ni Panyang.
“Eh kung walang nakakaalam tungkol nito? Saan n’yo nakikilala ‘yong mga taong tinutulungan n’yo mag-confess?” parang nalilitong tanong na naman ni Yelena.
“Kung mapapansin mo, may malaking heart na may mga nakasabit na mga papel sa harap ng Flower Shop. Sa tuwing may bumibili ng bulaklak sa amin, we talk friendly with the customers. Tinatanong namin kung para kanino ang mga bulaklak, kapag sinasabi nila sa taong nagugustuhan nila. We encourage them to write a short love letter for their special person, at pinapasabit namin doon sa heart sa labas ng shop. Bago umalis ang customers, pinapapirma namin sila sa isang log book, we get their names and contact numbers. We text them kapag may promo ang flower shop, pero isa rin iyon way para matawagan namin sila kapag nabasa namin sa short letter na sinabit nila kung potential mission sila ng Love Confessions Society,” paliwanag ni Ren.
“Kilala mo naman si Tita Panyang, kapag siya ang kumakausap sa tao. Madaling napapalagay ang loob nila sa kanya,” sabi naman ni Page.
Biglang tumingin si Yelena sa kanila.
“Eh anong papel nitong mga ‘to, Tita? Bakit naka-suit pa sila at may maskara?”
“Eh para bongga!” mabilis na sagot ni Panyang.
“Pero seryoso, kailangan nilang ma-protektahan ang imahe nila. Hindi natin masasabi, baka isang beses ay may makasalubong sila na nag-confess dati at makilala sila. Maaaring mailagay sa alanganin ang Love Confessions Society at malaman ng publiko. Kaya nag-desisyon ako na kapag may confession dito, they all have to wear their masks. Ang jologs din naman kung anu-ano lang suot nila, kaya iyan pinagawan ko sila ng coat na may logo ng LCS, ganda di ba? Saka kapag hindi ko tinakpan ang pagmumukha ng mga ‘yan, baka imbes na sagutin ng babae ‘yong nanliligaw sa kanila. Eh mabasted at dito sa mga lalaking ito ma-in love. Tingnan mo naman ‘yang mukha ng mga ‘yan, ke kaguguwapo!”
Nang sumulyap si Yelena sa kanya ay kinindatan pa ni Ren ito. Napangiti na lang siya ng simangutan siya ng dalaga saka pasimpleng umirap.
“Akala ko naman kung ano ng meron dito, natakot pa ako kanina. Para kasing gaya ng haunted house sa amusement park ‘yong papunta dito,” sabi pa ni Yelena.
“Mangako ka na hindi mo sasabihin kahit kanino ang tungkol dito,” sabad ni Channe.
Tinaas ni Yelena ang kanan kamay. “Promise. Walang akong nakita. Walang akong nalaman,” sagot nito.
“Thank you, hija,” nakangiting wika ng Mommy niya.

Komento sa Aklat (73)

  • avatar
    BalulaoNorman

    thanks

    04/05

      0
  • avatar
    PatulinEugene

    tdddgygnfdghdbfjfjfhfhhdhdhfhfbfjgnfhfhbfhfnfhfhtntjtjtjtmmtmgkjtkemhkejyjwthwgnsnhhswjwjwjwykekeuokwyjhwgntykkemeyethnfjnnrnbfnnfnnrbrbrggehebdveggg get htbrbgegdvdvdg hbfbfbfjngjytjtjtjthhhhrhrhtjjikykgntmnfjr hruhrhhdbehrgrghnnkjvhvjvhvjvubhhmvjfjfjfjdudifogoeitotirororieitotkdkdslflgkfkfkfkdjdjfkfkdkyofofididglfkfpgofoyptptpdoroforidkfkdkfofpfpfofodoflgkflglflglfkfkyototptpfldoditglgkxkflhlgogofodihieydudlgidfkgkfpglgodogitirofogiffkgkfoykgfjjgtjfdjhssgshfjfjfjdhhfhditotjfkgrlitititoyohlhohl

    20/01

      0
  • avatar
    Elvi Senaban Elvi Senaban

    ang Ganda Ng story nato guyss..

    30/11

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata