logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

2

Terrified
After the incident a few days ago, I started to feel something in my own house. Kahit walang nangyayari ay patuloy akong kinakabahan at natatakot. Palagi nang nasa isip ko na mayroong misteryong narito sa bahay namin.
Tuwing gabi ay kahit galing na sa mahimbing na tulog ay bigla na lang akong nagigising sa isang bangungot. I always wake up from a nightmare scared and sweating. Nakakilabot ang lahat at pinagpapasalamat kong panaginip lang ang mga iyon. Hindi iisa ang mga pangyayari sa mga bangungot ko, sa halip ay magkakaiba ito. Hindi ko alam kung mayroon ba akong mapapala sa mga iyon, pero sa ngayon ay pinipilit ko ang sarili kong wala nga.
Isang normal na araw na naman sa aking buhay ang hinaharap ko ngayon. Walang bago, mag-isa pa rin ako. Ngayon ay naubusan na ako ng mga ideya kung ano ang mga pwede kong gawing libangan dahil mayroon pa ding natitirang kilabot sa akin sa tuwing naglalakad ako sa bahay.
Napabuntong hininga ako habang dinudungaw ang magandang tanawin ng dagat mula sa balcony. Habang nakatingin sa asul na karagatan ay naisip kong baka pwede akong pumunta malapit doon.
Nasa isang mataas na lugar ang aming mansyon kaya nakikita ang dagat mula dito. Tanging ang pagtanaw lamang sa asul na dagat ang maaari kong gawing libangan. Malamang ay dahil kapag pinilit kong tumalon papunta sa dagat ay ikamamatay ko.
Ngayon ay kahit gaano ko kaayaw ang buhay ko ay ayaw ko pa namang putulin ito. Masyado pa akong bata at naniniwala akong marami pang magagandang pangyayari at pagkakataon ang darating sa akin.
Pumunta nga ako para tanawin ang dagat mula sa pinakadulong bahagi ng aming lupain. Mayroon pang isang munting hagdanang bato ang pwedeng tahakin para mapunta sa isang maliit na espasyo na nasa ilalim ng berdeng lupain ng aking pamilya. Para itong isang mumunting kweba. Pumupunta ako dito minsan kung hindi para tanawin ang karagatan, ay para panoorin ang mga bituin tuwing gabi.
Naupo ako doon at tinignan ang napakalinaw na tubig ng dagat. At gaya ng palagi kong ginagawa tuwing mag-isa ako ay nagsimula na naman ako sa aking mga mumunting palaisipan.
Kahit bata pa ay masasabi kong madami na akong alam sa buhay. Wala akong kinukuhang kahit anong uri ng edukasyon dahil naniniwala ang mga magulang ko na kaya kong matuto mag-isa. Mayroon kaming isang napakalaking library sa bahay at sa mga librong naroon ako natututo ng mga bagay. Sa opinyon nila at sa ibang taong kilala ko ay sinasabi nilang gifted ako.
I learned how to read and write when I was still two and a half years old. Nang mga taong iyon ay tila tuwang-tuwa pa ang mga magulang ko sa akin, ngunit habang tumatagal ay nakikita na lang nila akong isang normal na bata na hindi kailangang pagtuonan ng pansin.
My parents didn't want to have kids. The reason why I was made and born is because they can't risk all the fame and success they came to conquer. I am here solely for their greed towards money and power.
They just see me as an heiress, isang taong pinanganak nila para lamang bigyan ng tambak na responsibilidad pagkatapos.
Life is supposed to be full of adventures, that's what I've read on books. Pero ang buhay ko ay walang ganoon. Walang adventure, walang lakwatsa, walang kwenta. Sa mga libro ko lang nakikita ang mundo.
Ngunit gaano ko man kinaiinisan ang pagkausap sa mga tao ay hindi ko din naman maitatanggi na minsan ay gusto ko din ng masasandalan. I am not completely lonely, though.
I have friends. Pero parang sa mga araw na ito ay busy sila sa school. Balita ko kasi ay kahit weekends ay may mga activities pa din sila. Unlike my parents, their's gave them freedom to go out and socialize with other kids. Minsan nga lang ay naiisip ko pa nga na baka kinaibigan lang nila ako dahil parehong makapangyarihan ang mga magulang namin and they were just forced to befriend me.
Kung sabagay, madami silang choices ng tao para kaibiganin, hindi lang isang gaya kong introvert na may napaka-inactive na social life.
"Cianna! " bigla akong nakarinig ng mga taong tumatawag sa akin. They seem to be above me, but I think I already know who they are.
The friends I've been talking about awhile ago. Ewan ko pero bigla akong napangiti. Minsan lang silang pumunta sa amin kaya natutuwa talaga ako kapag nandito sila.
Nagmadali akong akyatin ang hagdanang bato para makita sila. At hindi nga ako nagkakamali, nandito nga sila! Kompleto pa! Abot tenga ang ngiti ko habang papatungo sa kanila.
"Evon! Evana! " bati ko sabay yakap sa kambal.
Sina Mia, Cha, at Ron naman ay papasalubong na din kung asan kami. Nang makaabot sila ay agad ko silang niyakap isa-isa. I feel so alive and happy. Hindi ko talaga ma-explain ang saya kapag nandito sila.
Pumasok kami sa loob ng mansion at doon nagsimula ang mga chikahan. They felt relieved daw na nagkaroon sila ng weekend na hindi sila busy sa mga school activities. Mas matanda silang lahat sa akin pero masasabi kong nakakasabay pa naman ako sa mga usapan nila. Pero, hindi naman talaga ako nakakasabay eh. Masyado pang komplikado ang mga pinagsasabi nila para maintindihan ng mura kong utak.
They seem to talk about some people in the school they don'tlike. And the young me, who have still no idea what hate really means, had a hard time understanding them. But they always find a way to let me join their conversations. They never let me feel that I'm left out and that's why I love them so much.
Habang nag-uusap sila ng mga bagay patungkol sa school ay hindi ko maiwasang mainggit.
I've always wanted to go to school, hindi lang dahil gusto kong matuto kun'di dahil gusto ko pang makasalamuha ng mga batang kasing edad ko lang. But that's way too impossible. Hindi ako papayagan ng parents ko. Siguro papayag, pero matagal pa. Matagal na matagal pa.
"Cianna, may nakita ako kaninang gwapo!" tili ni Cha sa tabi ko. Tinignan naman siya ng lahat.
"Iyon bang nakita mo dito kanina lang? " tanong ni Mia at tumango naman si Cha.
Naguguluhan, inangat ko ang isang kilay ko. This is nothing new for me, though. My friends are teenagers at hindi maiiwasan ang magkagusto sila lalo na at they knew a lot of people and are good in socializing.
Ang nakakapagtataka lang ay iyong... dito nila nakita? Sa mansion namin? Gurang pala ang mga type ng mga kaibigan ko. We don't hire teenage boys as our workers.
"Gosh! Ang pogi niya! Ci, anong name ng guy na 'yon? I wanna know him!" patiling tanong na naman ni Cha. I just rolled my eyes at her.
"Come on, guys! Alam niyo naman sigurong wala akong kilalang trabahante namin. At isa pa, are you telling me you're liking someone way older than you are, Cha? " kuryosong tanong ko sa kaibigan.
Ngayon, ako naman ang inikutan niya ng mata.
"Ci, the guy we saw is no gurang. He's young. But not as young as we are. Maybe hes 17 or 18?" ani Evana.
"Here? Working in our house? For my family? I doubt it. Walang hina-hire sila Dad na mga underage na mga workers. "
And that's true. I mean, my parents are very famous and powerful politicians. My father's in the senate while my mother is a governor and I don't think they will risk their life by getting a teenage boy to work for them. Pati ang mga maids namin ay dapat 20 above. They are all well-trained to be prepared for the worst situations. Maybe my friends are mistaken.
"Meron nga Ci. We are actually shocked when we saw him carrying trash bins on your backyard. He's handsome with a bit of what I think are Spanish features. The job he's in doesn't seem to fit his face. Masyado siyang pogi para lang maging normal na trabahador! " paliwanag at sigaw na naman ni Cha. Tinawanan naman ng lahat ang paghihisterya niya. Nakisali ako kahit naguhuluhan pa din.
"Okay, fine. Aaalamin ko mamaya kung sino iyang lalaking sinasabi mo. I still doubt that he is working here but we'll find out, " pagkukumbinsi ko sa kanya.
Niyakap niya naman ako at pinasalamatan kahit wala pa akong ginagawa. I sighed. Siguro maganda din iyong pabor niya dahil may pagkakaabalahan ako kapag wala sila.
"Okay, girls, stop the drama now. Cianna, 'di ba may frisbee ka? Laro tayo sa field. " yaya naman ni Evon sa amin.
Tumango ako at habang umakyat sa hagdan ay dinig ko pa din ang mga kulitan nila. Pinagalitan ni Evana ang kambal niya dahil sa idea nito. Nag-iinarte na naman kasi, ayaw nga daw niya ng mga outdoor activities. Napatawa na lamang ako.
Nang makaabot sa kwarto ko ay agad kong hinanap ang frisbee plate ko at agad ko naman iyong nahagilap. Agad akong lumabas sa kwarto, excited dahil sa wakas ay may makakalaro na naman ako.
Nang makababa ako ay nakita kong ready na ang lahat para maglaro buong araw. Abot tenga ang ngiti ko dahil sa saya. My young heart loves the idea of having someone to play with. Dahil palagi akong mag-isa sa amin ay kapag may mga kalaro ako ay sobra na lang ang pananabik ko.
Buong araw kaming naglaro, hindi lang ng frisbee pero pati na rin ang iba pang mga laro. Nang nagtanghalian ay kumain muna kami saglit pagkatapos ay bumalik kaagad sa paglalaro. Nag-suggest si Mia na mag-Uno muna kami dahil busog pa daw at baka mapano kami kapag naglaro agad sa labas. Nasunod siya at lumabas lang kami ulit para mag-volleybal nang nag hapon na.
Napuno ang araw kong iyon ng tawanan namin ng mga kaibigan ko. Palagi pa ding nakasimangot si Evana dahil ayaw na ayaw talaga niyang naeexpose ng sobra ang sarili niya sa init pero nakita kong nag-enjoy pa din naman siya.
Sina Ron at Evon naman ay napaka-lakas ng energy sa paglalaro, lalo la nang nag basketball kami.
Well, their boys. They got alot of energy.Napaka-sulit ng pagpunta nila dito. Minsan lang talaga akong sumasaya ng ganito at I'm greatful that I have all of them as my friends.
Nang natapos ang araw at madilim na sa labas ay nagpaalam na sila sa akin. Isa-isa silang kinuha ng mga sundo nilang drivers, na siguro ay siya ding naghatid sa kanila dito kanina. I felt a bit sad that their gone now, but I know how to be contented. Atleast they came to see me. Ayos na iyon sa akin. Para na rin ma-energize ako minsan.
Pagod ako sa kakalaro pero napapalakas pa din ako ng mga alaala namin. They are busy in school. Bukas siguro ay may pasok na sila kaya mabuti na rin at maaga silang umuwi.
Nang makaabot ako sa kwarto ay naligo agad ako at nagbihis ng pantulog. My parents are still not home after that incident at our garage. Hanggang ngayon ay meron pa rin sa akin ang natatakot at kinikilabutan sa sitwasyon. Ilang beses ko na ring sinilip muli ang garage, pero wala naman nang nakakapagtaka doon. Siguro haunted nga lang ang mansion.
I didn't even got scared on thinking about that.
Ghosts doesn't terrify me. Hindi pa ako nakakakita ng multo pero sa tingin ko ay hindi naman sila nakakatakot. What creeps me out is the reasons of their deaths. Murder, homicide, rape, and other stuff like that. Iyon ang mga hilig kong basahin sa mga libro at hindi ko malaman kung bakit hindi ako natitigil kahit kinikilabutan ako. Maybe I'm born to be a brave girl.
I laughed to myself. Kung ano-ano na naman ang pumapasok sa isip ko. I still can't tell if I am already that brave though. As young as I am, wala pang masyadong pagsubok ang dumaan sa buhay ko. Maybe my streghth will be tried when I get older. Kahit gaano katakot ay hindi ko pa din maiwasang ma-excite sa idea ng paglaki. I so badly want to grow up already, I so badly want to leave my home and discover the world. Dahil alam kong hanggang nananatili ako sa bahay na 'to, sa bahay ng mga magulang ko, I will never be free. The freedom I want is the freedom I deserve. And I really can't wait to achieve that.
Nakatanaw na naman ako sa bintana ng kwarto ko. With empty eyes, I lingered my mind with thoughts. Masyado pang maaga para matulog, kaya tutunganga muna ako dito. Hanggang sa may mapansin ako sa di kalayuan.
It was a random guy, who seem to be convincing one of the gate guards to let him in. He looks desperate and problematic. Ang damit niya ay gutay-gutay at napakadungis din ng balat niya. He looks young, though. Halata iyon sa mukha at hubog ng katawan niya. But he's maybe six years older than I am.
Ilang sandali lamang ay nakita ko na siyang papasok na sa loob ng mansion. He looks suspicious. Kahit nasa malayo ay kita ko ang pinaghalong kaba at galit sa mga mata niya. Bago siya makapasok ng tuluyan sa bahay ay dumapo ang mga matang iyon sa akin. May namuong takot sa buong pagkatao ko. He looks dangerous. And I feel something bad is going to happen.
Natulala muna ulit ako sa bintana ng ilang sandali bago ako nakarinig ng mga kakaibang ingay mula sa ibaba. Tunog ng putok ng mga baril iyon, nasisiguro ko. Ang takot na namuo sa akin kanina ay lalong lumala. Ngayon ay naguguluhan na ako sa dapat kong gawin.
Palagi namang naka-lock ang pinto ng kwarto ko pero hindi pa din iyon dapat maging dahilan para magkumpyansa ako. Hindi ako kinakausap ng kahit sinong tauhan sa bahay pero alam kong isa sa mga trabaho nila ay ang protektahan ako kapag wala ang mga magulang. Siguro maghihintay na lang muna ako ng tawag mula sa kanila. Hindi pwedeng padalos-dalos ako sa mga desisyon ko gayong masyado pa akong nalilito sa kung anong nangyayari.
Tumalikod ako at papunta na sana sa kama ko nang nakarinig ako ng pagkabasag at pagputok ng baril. I was shocked! Muntik akong matamaan. And when I turned around, a guy is standing at my window. At my window! How in the world did he got there? My whole window is now shattered in pieces!
Nakatutok pa din ang kanyang baril sa akin. Ngayon ay tila nablanko ang isip ko. Hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko alam kung tatakbo ba ako o kukumbinsihin siyang huwag akong patayin.
I looked into his eyes. Please, I'm still too young.
His features resembled the face of the guy I've seen earlier. Kung bata pa tingnan iyong nakita ko kanina ay mas bata ang isang 'to. Parang nasa 15 pa lang siya.
But the way he holds the gun makes it look that he's been trained to kill at a much younger age. Natakot na naman ako. Please, 'wag muna ngayon.
"Tsk, "
Nakangisi na siya sa 'kin ngayon. He looks at me like I'm such a fiesty prey he's still deciding to devour. Napakabangis ng nga mata niya na tila alinmang minuto ngayon ay mapapatay na niya ako.
Sandali pa niya akong tinitigan bago niya binaba ang baril na nakatutok na sana sa akin. I don't know if I should feel relieved, not until he's gone in front of me. Nakita kong bumuntong-hininga siya bago muling ngumisi.
"Hi," sabi niya habang nakangisi pa rin. "Pusta ako wala kang alam sa mga nangyayari? Ang bata-bata mo pa, "
Hindi pa masaydong malalim ang boses niya, nagpapatunay na siya din ay.. ang bata pa rin. Gayunpaman ay nakakakilabot pa rin ang paraan ng kanyang pagkilos. Bawat salitang binibitawan niya ay parang ginagamit niya lang para mas lalo akong lituhin.
"A-ano ba ang nangyayari? " ang hina ng boses ko na sa tingin ko ay hindi niya iyon narinig.
Pero nang mas lalong lumawak ang ngisi sa mga labi niya ay napagtanto kong nakaabot iyon sa kanya. Tila natutuwa siya sa kainosentehan ko.
Humalakhak siya, "Pati ako, bata. Pati ako ay walang alam sa nangyayari. But I only have one person to blame, " pagkatapos niyang magsalita ay mabilis niya na namang pinaputok ang kanyang baril.
Napatakip ako sa aking tenga dahil sa ingay na 'yon, pero naramdaman kong hindi naman ako ang puntirya ng balang pinakawalan niya. Nang humupa na ang takot ko mula sa kanyang pagpaputok ay napalingon ako sa bandang kanan ko.
In there was our family's picture. Nasa gitna ako, nasa kaliwa si Dad at nasa kanan si Mom. Ang balang pinakawalan ng lalaki ay tumagos sa mismong mukha ni Dad. Nanlaki ang mga mata ko at muling ibinaling ang mga tingin sa lalaking nasa harap ko pa rin. Ngayon ay wala na ang ngisi sa kanyang mukha, ang galit sa kanyang mga mata lamang ang nanatili.
"Nagpunta siya sa mansiong ito ng buo, may maayos na pananamit at hindi matawarang katapatan sa pamilya niyo. Pero umuwi siya ng duguan at nakahiwalay ang ulo sa katawan niya!" ang hinagpis sa pagsigaw niya ay nakakapanghina.
Para akong nabuhusan ng napakalamig na tubig sa mga narining ko. May pinatay nga ang mga magulang ko? Bakit at para saan? Hindi ko nalamang kanina pa pala bumubuhos ang mga luha ko.
"Ngayon ay kung mabibigyan mo ako ng ebidensya na ang tatay mo nga ang pumatay sa kapatid ko ay pakakawalan kita. Kung wala ay ayos lang din. Pero, kukunin kita."
"H-hindi. Wala akong a-alam, " walang pinagabago ang boses ko kanina. Ang hina pa din, dahil sobra na ang takot ko. Pero parang narinig niya pa din iyon, dahilan ng pagsimangot niya.
I knew in myself na baka nga may alam ako. The agonizing scream I heard in the garage and the finger in the trash bin is no mystery now. Kahit gaano ko man kumbinsihin ang sarili ko ay tila hindi na mawala sa akin na baka may kinalaman nga iyong nadeskubrihan ko sa mga pinagsasabi ng lalaki sa harap ko.
Tinitigan niya lamang ako matapos kong sabihin iyon. Ilang sandali ay biglang bumukas ang pinto at ang lalaki sa harap ko kanina ay bigla na lang nawala.
Nanlaki muli ang mga mata ko. Did he jumped? Ang taas-taas ng second floor ng bahay kaya kung talagang tumalon siya ay baka patay na iyon ngayon.
Pero hindi ko na iyon inintindi pa. I actually felt relieved that he's now gone. It felt like danger left me, too.
Dinungaw ko ang pinto ng kwarto ko na nakabukas na ngayon. Two guards and a maid is approaching me. They're looking at me with their concerned eyes.
Ofcourse, mag-aalala sila. If I was killed then their job in this house is gone. Ako ang rason kung bakit napakadaming hina-hire na mga tauhan ang pamilya ko dito sa mansion. Guarding me with armed people to secure my safety is the only way my parents know how to be a parent to me. They hire these trained people to make it look that they are concerned with the safety of their daughter when in fact, no one even knows if I'm just doing fine.
"Ma'am Cianna, ayos ka lang po ba? " anang maid na halata ang pag-aalala sa mukha. Umiling lamang ako dahil hindi naman talaga ako nagsasalita sa mga maids o guards sa bahay. Minsan ay para magtanong lang kung may kailangan.
"Natawagan na po namin ang mga magulang niyo. Paparating na daw po sila dito, Ma'am," sabi nung isang payatot na guard habang nakayuko.
Ngayon ay tumango naman ako.
Ewan ko kung ano gagawin ng mga magulang ko kapag nakauwi na sila. Siguro kakamustahin lang din ako. Pagsasabihan ang mga tauhan na maging maingat sa susunod pagkatapos ay tapos na. Hindi naman ako napuruhan o nasaktan man lang kaya siguro ay hindi na nila aabalahin pa ang oras nila sa akin.
Matapos ng usapang iyon ay umalis na ang dalawang gwardiya pero nagpaalam pa ang mga iyon na magbabantay pa din sila malapit sa kwarto ko. Iyong maid naman ay nanatili lamang sa loob ng kwarto, nakatayo sa gilid. Wala naman akong problema doon. Atleast now, I can feel that I'm safe.
I sighed. It had been a very tough day.

Komento sa Aklat (42)

  • avatar
    SamsonGlaiza

    thank you

    09/02/2025

      0
  • avatar
    Haward Fajardo

    yokonga

    12/11/2024

      0
  • avatar
    Jonathan M. Fugaban

    ijkj

    06/11/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata