logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

VII - Vanished

Ryan
3:48 PM
“Nasaan ang van?”
Hindi ko inasahan na ganito ang bubungad sa amin pagkabalik namin sa may kalsada.
“Wala ba talaga?” saad ni Jane na palinga-linga. Tinanaw namin ang kahabaan ng daan pero walang sasakyan o ano man sa paligid.
“Baka naman mali ‘yong dinaanan natin kaya sa ibang parte tayo lumabas?” tanong ni Alvin.
“Oo nga. Posible ‘yon dahil hindi naman natin kabisado ‘tong lugar,” pakli ni Catherine.
“Sa tingin niyo ba mali ‘yong inilagay kong mga tanda? Sigurado naman akong doon din tayo dumaan sa dinaanan natin kanina. ‘Di ba, Ryan?” tugon naman ni Steve at bumaling sa akin.
Ha? Anong sinasabi nito?
Inginuso naman niya si Jane, at nakuha ko ang ibig sabihin niya nang maalala ang isang bagay.
“Ah, oo... tanda niyo ‘yong pinulot ni’yong pack ng chichirya kanina? Nahulog niyo ‘yon habang papunta tayo at hindi naman namin pinulot kasi baka maging pananda natin. At dahil nadaanan ulit natin kanina, ibig sabihin tama ang dinaanan natin,” pahayag ko.
Kakaibang isipin, pero si Steve ang nagsabi na huwag pulutin ang pakete nang mahulog ‘yon kanina. Wala naman akong nagawa at heto ngayon, nagamit ‘yon para magpatunay sa sinabi niya.
Parang pinlano, ah.
“Eh, kung nasa tamang lugar tayo, bakit wala ang van dito? Saka si Mark?” ani Kelly.
“What is going on?” Bakas ang pagpa-panic sa boses ni Jane na ibinaba na ang bag na dala niya.
“Shocks. I can’t believe this is happening. Nasaan na ba si Mark? Is he toying with us or what?” Mukha namang naiinis na si Jessica. Nagiging tensyonado na ang mga kaganapan dito, ah.
“Guys, kumalma kayo. Baka naman inilipat lang ni Mark ng puwesto ‘yong van, o baka—”
“O baka iniwan niya tayo.” Naputol ako sa pagsasalita dahil sa sinabi ni Kayne.
“Ano? Bakit naman niya gagawin ‘yon?” sabi ni Alvin.
“Hindi ko alam. Basta umalis siya at iniwan tayo rito.”
“Ano ‘yon, tumuloy siya mag-isa sa camp at nagpakasaya? O umuwi nang walang paalam?” tugon ko. Hindi ko lang talaga matanggap ang mga sinabi niya kanina.
“Paano mo ipapaliwanag ang bigla niyang pagkawala kasama ang van? Hindi mo kayang patunayan na hindi niya tayo iniwan dito na parang mga ililigaw na kuting,” sagot niya na para bang nang-aasar pa dahil sa nakataas niyang kilay.
“Kayne, Ryan, tumigil—” Hindi na nakatapos si Steve dahil sumagot na ako.
“Pero hindi mo rin kayang patunayan na iniwan niya tayo dahil gusto niya. Saka, ganyan ba ang tingin mo sa kaniya? Basta-bastang nang-iiwan? Sino ka ba?” Hindi ko na mapigilan ang pagkabwisit ko sa mga sinasabi niya. Dumadali na naman ‘tong si Kayne, eh. Ang kapal ng mukha na magsalita, eh hindi naman niya lubusang kilala ‘yong tao.
“Alam niyo, tumigil na kayo. Walang silbi ‘yang pagsasagutan ninyo,” awat ni Catherine. Pero hindi pwede ‘to, eh. Bakit si Mark ang inaakusahan nila?
“Naniniwala ba kayo na—”
“Can all of you just fucking shut up?” Nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Jessica. Kitang-kita ko ang pagkuyom ng kamay niya sa hawak niyang cellphone.
“Your words can’t move things back to order! You’re just desperate to prove your own sentiments! Gosh!” Nabigla ako sa tinuran niyang ‘yon. Nahiya naman ako at hindi na nagsalita.
Agad namang hinawakan ni Noel si Jessica at pinakalma.
“Kasi naman, eh. Sabi ko kumalma kayo. Pag-isipan natin ‘to nang maayos,” anunsyo ni Steve.
“Eh, paano naman tayo kakalma kung wala tayong sasakyan dito sa gitna ng lugar na hindi naman natin kilala? Baka may kung ano-anong eklavush dito, ‘no,” litanya naman ni Kelly.
“Wait nga, masiyado kayong kabado, eh. Sigurado na ba tayong wala si Mark at ‘yong van? Baka may binili lang? Hintayin muna natin,” saad ni Catherine.
“Buti sana Catherine kung marami tayong oras, eh. But we are going to a camp. In fact, we should have been there at this point,” wika naman ni Jane na hindi maitatangging tama rin.
“Wait. Let’s sit here and calm down for the time being. Use your phones to contact Mark. That’s it,” suhestiyon ni Noel na pakapa-kapa sa bulsa ng short niya.
Sumang-ayon naman ang lahat sa sinabi niya. Bakit nga ba hindi namin ‘yon naisip?
“Tara muna dito sa may puno at maupo, kaysa lahat tayo eh nakatayo riyan. Mangangalay kayo,” paanyaya ni Alvin na naglakad papunta sa tabi ng isang puno at doon dinala ang ice box. Sumunod naman kami at nagsiupo sa ugat ng mga puno.
Naglabas sila ng mga cellphone nila. Hindi na ako nagsayang ng enerhiya na kunin ang akin dahil alam ko namang deadbatt ‘yon.
“Patay. Nakalimutan natin guys na puro tayo walang load. Sina Noel at Catherine na lang meron,” turan ni Steve.
“Nasaan ang phone mo, babe?” baling ni Jessica kay Noel. Wala kasi siyang hawak na phone.
“I don’t know.” Napakurap ako sa sagot niya.
“What do you mean?” nagtatakang tanong ni Jessica.
“I don’t know. I lost it. Wala sa bag noong i-check ko. Not anywhere in my body and possessions.”
“Sigurado ka ba, Noel? ‘Yan na lang ang way para mahanap natin si Mark at ‘yong van.” Halata naman kay Kelly na nag-aalala na rin siya. May naalala naman akong bagay.
“Ikaw Catherine, nasaan ang sa iyo?” wika ko.
“Eto oh,” sagot naman niya at ipinakita ang cellphone niya na pinipindot na pala niya.
“Buti naman. Cath, tawagan mo na si Mark,” usal ni Alvin.
“Eto na nga, kanina ko pa sinusubukan. Mahina kasi ang signal dito kaya ang hirap maka-connect,” eksplanasyon ni Catherine.
“Akin na, susubukan ko,” sabi ni Steve at lumapit kay Catherine. Kinuha niya ang cellphone at nag-dial.
“I-speaker mode mo para marinig namin,” turan ni Kayne na sinunod naman ni Steve.
Unang subok, cannot be reached. Pangalawa, ganoon ulit.
Nakailang tawag si Steve pero hindi talaga makaabot.
“Kung kailan ba naman kailangan saka pa nagkaganito,” dismayadong wika ni Steve.
“Isa pa, huli na—” Napatigil kaming lahat nang marinig ang ring ng receiver.
“Finally! Sagutin mo na Mark, please!” saad ni Jessica.
Ilang segundo ang lumipas pero patuloy lang sa pag-ring. Hindi nagtagal ay...
“Ano? Pinatay niya ang tawag!”
“Puta naman!” Napahampas pa sa katabing puno si Alvin.
“Ano bang problema niya?” tiim-bagang na wika ni Jessica.
“Subukan mo uling i-dial, Steve!” sabi ko, umaasang sasagot na si Mark sa pagkakataong ito.
Muling nag-dial si Steve pero cannot be reached na ulit.
“Ano ba naman ‘to!” Napalunok na lamang ako ng laway dahil pati si Steve ay nagalit na.
Hindi na muna ako nagsalita. Wala ring naglakas-loob na gawin ‘yon kaya nabalot kami ng nakakailang na katahimikan.
Gusto ko sanang magpaliwanag at ipagtanggol si Mark... tulad ng ginagawa niya sa akin dati. Pero mukhang magkakagulo lang kapag ginawa ko ‘yon kaya mananahimik na muna ako sa ngayon.
“Kita niyo? Pinatay niya ang tawag. Ibig sabihin, ayaw niya talagang makausap tayo, at mukhang tinakasan na nga niya tayo rito.”
Napatitig na lang ako at nagpigil ng sarili sa sinabi ni Kayne. Talagang sinisipag siyang magsalita ngayon na minsan niya lang gawin, at lalo lang niyang pinapalala ang sitwasyon sa mga sinasabi niya.
“Hindi pa rin natin sigurado. Paano kung may masamang nangyari kay Mark? Kung na-hijack ang van at dinukot si Mark? Posible ‘yon ‘di ba?” Isa pa naman ‘tong si Steve kung makapagsalita. ‘Yon ba talaga ang naiisip niyang nangyari?
“Guys, do you realize what you’re saying? Come on. Nevertheless, kailangan na talaga nating makaalis dito. Natatakot na ako, it’s getting dark na, oh,” saad naman ni Jane na nakayakap sa sarili. Inilapit naman siya ni Kelly sa sarili at hinimas ang braso bilang pagpapakalma.
“Steve, malapit na ba tayo sa camp? Kaya ba nating lakarin?” tanong ni Catherine na nakayakap sa tuhod niya at nakaupo sa isang ugat.
“Hindi ako sigurado. Kung nasa may gitna pa lang tayo, baka hindi natin kayaning maglakad dahil tingin ko malayo pa,” tugon ni Steve. Hindi pa rin siya umuupo at naka-cross arms habang dala pa rin ang backpack niya.
“Anong gagawin natin? Mukhang malayo na rin naman kung babalik tayo,” komento naman ni Kelly na mas naging panlalaki ang tono ng pananalita dahil seryoso siya.
“Ano pa ba? We move forward or we go back. Wala naman siguro kayong balak na maghintay lang dito hanggang balikan ni Mark o hanggang may dumaang ibang tao?” Bakas pa rin sa pananalita ni Jessica ang nararamdaman niyang pagkaimbyerna sa sitwasyon namin ngayon.
“Tutuloy tayo sa paglalakad?” ani Alvin na napakamot pa sa siko.
“What do you want, then?” Kita ko namang nasindak ito sa sagot ni Jessica na may kasama pang panlalaki ng mata. Muntik ko nang makalimutan na nanginginig pa siya kanina dahil lumapit sa kaniya si Alvin habang hawak ang itak. Ewan, madalas ding mag-iba ng personality itong si Jessica.
“Oo na, nagtatanong lang naman. Tara na?” turan ni Alvin na binuhat ang mga gamit niya at akmang maglalakad na.
•••

Komento sa Aklat (118)

  • avatar
    BagasinAmormia

    Potek ang ganda ng story. Dimo talaga alam kung sinong magiging killer. Diko inaasahan ang mga revelations Hahaha ang ganda. Diko one expect na ganun yung magiging ending hanep haha. Nice nice

    06/01/2022

      0
  • avatar
    EscondeAzzy lei

    woohhh ka thrill ng stories HAHAHA d mo talaga mahuhulaan yung mga susunod na mangyayare

    21/12/2021

      4
  • avatar
    PersiaKlaatu

    it's my first time reading this kind of story kind the like it's nice

    12/12/2021

      5
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata