logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

V - Bliss

Catherine
10:38 AM
“Guys, tell me, magpi-picture o hindi?”
Napukaw kami ni Jane mula sa pag-aayos ng mga kagamitan.
“Eto na nga, pupuwesto na,” sagot naman ni Alvin. Naglapit-lapit naman kami sa likod ni Jane at nag-pose.
“One, two, three!” wika ni Jane at nagsimulang pindutin ang shutter ng phone camera niya—nang maraming beses.
“Hindi ka ba matatapos d’yan Melissa? Kaloka ka, ha,” reklamo naman ni Kelly na naging dahilan para tapusin na ni Jane ang pagpi-picture. Nangalay din ako roon ha, slight lang.
“Palibhasa, kaaway ng camera, hindi man lang nabiyayaan ng kaunting photogenic powers,” pang-aasar ni Jane na s’yempre, tinalakan ni Kelly.
“Paano ‘yan, wala sina Steve at Mark?” tanong ni Ryan.
“We’ll take another picture later,” tugon ni Jane.
Nandito kami ngayon sa hindi ko malamang parte ng gubat, na narating namin pagkatapos ng nakakapagod na lakaran. Medyo patag at malinis sa parte na ‘to at nalililiman din ng iba’t ibang puno, kaya napagdesisyunan na naming mag-picnic.
Inilabas ko na rin ang mga pagkain ko sa dala kong bag, at isinama sa mga dala nila.
Nakatumpok lang ang mga pagkain namin na akala mo’y basura, pero inihihiwalay ni Alvin ang mga baong kanin at ulam. Abala naman ang iba sa pagtunganga tulad nina Noel at Jessica na nagkukuwentuhan lang habang nakaupo, si Kayne na nagmamasid-masid sa paligid, at si Kelly na nananalamin habang nakaupo sa ugat ng isang puno.
Makapal na kapunuan ang nakapaligid sa amin. Buti na lang at wala naman kaming nakasalamuhang hayop o anuman. Nakarating kami dito sa pagsunod sa iba’t ibang malalabong trail marks na nakita namin, at hindi nga ako sure kung makakabalik agad kami.
Lumapit ako papunta sa isang puno nang may kumulbit sa akin. Pagharap ko ay napasigaw ako nang bahagya dahil may malamig na dumikit sa braso ko.
“Ayan, tubig. Para mawala naman ‘yang inis mo sa akin.” Nakangiting mukha ni Ryan ang nakita ko. Inirapan ko siya at agad din akong tumalikod pero kinuha ko ang bote ng tubig.
Pinanood ko lang siyang tumakbo palayo. Nakita ko naman si Steve na kakabalik lang galing sa paglalagay ng mga pananda sa dinaanan namin kanina. Oh, ‘di na pala kami maliligaw mamaya.
Nakakatuwa lang ‘tong si Ryan, sa totoo lang. Hindi niya alam kung kailan totoong galit o hindi sa kaniya ang isang tao. Tulad ngayon, mula kanina ko pa pinepeke ang hindi ko pamamansin sa kaniya, at tuloy pa rin naman siya sa pagsuyo..
Marami na rin kaming pinagdaanan mula noong magkakilala kami noong bata pa kaming dalawa. Madalas kaming nagtatalo, at kapag may mga malalang pag-aaway, sinisigurado naman namin na magkakaayos kami. S’yempre, hindi naman kami aabot nang ganito katagal kung nagpadala kami sa mga away namin, ‘di ba?
Kilalang-kilala na namin ang isa’t isa. Alam ko na ang ugali n’yan, kabisado ko na ang iba’t ibang moods at trip niya. Alam na nga siguro namin ang lahat ng sikreto ng isa’t isa.
Siguro.
Tumingin naman ako sa iba. Sa more or less pitong taon namin bilang magkakatropa, masasabi ko namang solid na talaga kami.
Noong simula, kami lang talaga nina Ryan, Jessica, Alvin, Jane, at Mark ang magkakasama. Noon pang Grade 8 kami nabuo, at dahil ‘yon sa random groupings ng school namin para sa isang activity noong Foundation Day. Mula kami sa iba’t ibang section, pero naging komportable kami sa isa’t isa kahit gano’n.
Lumipas ang mga taon, nadagdagan kami. Isinama ni Jessica noong Grade 9 ang senior namin at bestfriend niya at that time na si Noel. Noon nga ay kinatatakutan ko pa siya dahil sobrang sama kung makatingin. Nakilala naman namin sina Kelly at Steve noong Grade 12, at si Kayne noong 2nd Year kami, last year lang.
Sa kabutihang palad, sa mga nakaraang taon ay wala pa namang umaalis sa amin para lumipat ng school, sa Yelton University pa rin kami nag-Senior High at College. Hiwa-hiwalay kami ng course ngayong 3rd Year college na kami pero hindi naman namin nakakalimutan ang isa’t isa. Paminsan-minsan ay sabay kaming kumakain sa cafeteria at hindi naman natatahimik ang group chat namin.
Itong trip na ito? Hindi ko na alam kung pang-ilan ‘to sa nagawa namin. Madalas pa rin kasi kaming gumala. Hindi man laging kasama ang lahat, nagmo-mall at nagsu-swimming session kami kadalasan.
Binuksan ko na ang tubig na bigay ni Ryan at uminom. Nauuhaw rin kasi talaga ako.
Napansin ko namang pumunta sa bandang gitna si Steve at mukhang may sasabihin.
“Guys, may gagawin tayo. Naririnig niyo ba akong lahat?” wika niya.
Sumignal naman si Alvin ng OK kaya nagpatuloy si Steve.
“Naghanda kasi kami ni Jane ng laro, sa totoo lang dapat sa camp natin ‘to gagawin pero dahil nandito na tayo, dito na natin gawin.”
“Anong game naman ‘yan?” tanong ni Kelly.
“Sigurado akong pamilyar na kayo rito. Maglalaro tayo ng ‘Mafia Game’—”
Napangiti naman ako nang marinig ‘yon, since paborito ko ang Mafia Game. I’m gonna ace this one!
“—kung saan huhulaan natin kung sino ang mafia o killer bago niya mapatay ang lahat ng players. May mga envelope ako rito kung saan nakalagay ang mga role. May isang mafia, isang doctor, at ang natitira ay innocent slash detectives. Hindi ako naglagay ng innocent citizens lang kasi...” Tumigil saglit si Steve at inilibot ang tingin sa amin.
“... kayong lahat ang pipili kung sino ang hula ninyong killer at paparusahan ninyo siya.”
Shemay, na-e-excite ako! Gusto ko nang magsimula.
“Ano? Tara?” nakangiting tanong ni Steve.
“Siyempre naman! Let’s go!” tuwang-tuwa kong sagot at lumapit kay Steve. Nagsilapitan naman ang lahat maliban kay... Kayne.
“Ikaw?” baling ni Ryan sa kaniya na nakaupo sa may pinaglalagyan ng mga bag.
“Ayaw ko.”
Sus, bakit ka pa sumama? Ano ba naman, makukurot ko sa singit ‘tong babaeng ‘to, eh.
“Kayne, mag-enjoy ka naman. Tara na!” wika ko at hinila siya papunta sa gitna, na hindi na niya natanggihan. Grabe, ang lakas maka-plastic friend. S’yempre hindi naman ako seryoso sa inisip ko kanina. Gusto ko ngang mas maging close si Kayne sa amin, eh.
Si Kayne ang unang lumapit sa akin kaya kami nagkakilala. Sabi niya, gusto niya raw akong makilala at sumali sa tropa, kaya isinama ko. Hindi ko alam kung ano’ng nangyari’t sobrang taray na niya ngayon. Alam kong naiinis na sa kaniya ang iba pero ano ba’ng magagawa ko?
“Okay, kaya naman...” Inilabas ni Steve ang mga maliit na puting envelope mula sa body bag niya. Inilahad niya ito sa amin.
“Pumili na kayo ng isa. Sabay-sabay nating bubuksan.”
Agad kong kinuha ang envelope na nasa bandang kaliwa. Feel ko lang na maganda ang role na nasa loob nito.
Nang nakakuha na ang lahat ay nagsalita naman si Jane.
“So ang procedure ng game natin ay ganito: naka-form tayong pabilog in this area and nakaharap tayo outwards. May space dapat sa pagitan ng bawat player.”
“Is that how Mafia Game is played?” usisa ni Jessica.
“Sa totoo lang, hindi, pero may iba’t iba namang paraan ng paglalaro. Sa kaso natin, wala kasing magbabantay kung sino ang nakapikit at nakamulat habang naglalaro, kaya may tsansa na magkadayaan...” May kinuha ulit si Steve sa body bag niya, red and white na sticky notes naman.
“Habang nakapikit tayo sa bawat puwesto natin, ako ang magsasabi na ‘Mafia, kill someone now’ at ‘Doctor, heal someone now’. Tapos ‘yong killer, kukuha ng sticky note na red at ididikit sa likuran ng taong gusto niyang patayin at ‘yong doctor din, pero white na sticky note ang ilalagay niya sa taong gusto niyang bigyan ng immunity,” pagpapatuloy ni Steve.
“Edi nagkaalaman ang doctor at killer kasi pareho silang naglagay ng sticky note?” tanong ko.
“And if you felt that someone tapped your back, you’ll know that it’s either you’ve been protected or killed, right? Won’t that kill the suspense?” dugtong ni Noel.
“Hindi, wala naman akong sinabing sabay ang killer at doctor… ‘yong killer muna, at bawal niyang patayin ang sarili niya. Kapag tapos na ang killer, sisipain niya ako sa binti bilang senyas. Tapos, sasabihan ko na ang doctor. Puwede niyang ilagay ang note sa sarili niya mismo, malas na lang kung sa killer niya pa pala nailagay ang white note. Panghuli, para hindi halata na may nilagyan ng note ay lahat ng likod ay tatapikin na ng killer at doctor. May tanong pa?”
“Bawal patayin ng killer ang may white sticky note? At mabubuhay ba sa next round ang mapapatay?” wika ni Alvin.
“S’yempre naman, ligtas na ang may white note galing sa doctor, kahit pa napatay siya ng killer. Sa mga biktima, patay na kayo hanggang sa katapusan ng laro dahil elimination ito. Pagkatapos malaman kung sino ang biktima, magbobotohan tayo kung sino ang hinala nating killer, at ayon sa boto ng karamihan, paparusahan natin ang napiling player at sa huli ay ire-reveal niya kung ano ang role niya. Ano, simulan na natin?”
Nagkatinginan kaming lahat, at nagpakita naman ako ng isang malaking ngiti bago sumigaw.
“Game!”
Ibinaba ni Steve ang mga sticky notes sa lupa. Naghawak-hawak kami ng kamay habang nakaharap sa labas ng bilog na formation namin. Unti-unti kaming naglakad pasulong hanggang sa magkakahiwalay na kami.
“Okay, stop! Everyone, i-review niyo ulit ang mga roles niyo before we start,” saad ni Jane na agad ko namang ginawa.
Grabe na ang kabog ng dibdib ko. Ewan, paborito ko talaga kasi ito at matagal ko nang hindi nalalaro. Ang tatanda na nga namin pero game pa rin kami sa mga ganitong klaseng gawain.
Nakarinig ako ng sutsot mula sa kanan. Si Ryan.
“Ano’ng sa ‘yo?” mahina niyang tanong pero sapat para marinig ko. Hindi ko siya pinansin dahil nga ‘naiinis’ pa rin ako sa kaniya.
“Guys, ready? Close your eyes in 3, 2, 1!” sigaw ni Jane.
Ayan, start na!
Ilang sandali pa ay nagsalita naman si Steve.
“Killer, kill someone now. Sipain mo ako sa binti kapag tapos ka na. Mahina lang, ha!”
Shemay, this is it!
Lumipas ang ilang segundo na hindi pa yata umabot ng isang minuto.
“Sige. Doctor, heal someone now.”
Katahimikan.
“Okay na ba? Tapos na ba ang doctor?” sabi ni Steve matapos ang ilang minuto. Wala pa rin nga akong nararamdamang tapik sa likod eh.
“Okay na siguro ‘yan. Baka nakalimutan ka lang tapikin,” rinig kong tugon ni Ryan.
“Open your eyes, at harapin natin ang isa’t isa.”
Excited akong humarap at tinignan sila isa-isa. Kaniya-kaniya silang check sa likod nila kung may note.
“I’m dead.”
Napatingin kami kay Noel. Ipinakita niya ang red sticky note na nakuha niya sa likod niya.
“Babe, you’re the first to die? Shocks, mag-isa na lang tuloy ako,” saad ni Jessica na napanguso.
“At si Noel na nga ang unang biktima. Sino kaya ang killer? Magbotohan na tayo,” anunsyo ni Steve.
“Teka, vote agad? Hindi ba tayo mag-iimbestiga or magdi-discuss?” singit ni Ryan.
“Ano namang iimbestigahan natin? Hindi naman halata kung sino ang umalis sa pwesto dahil medyo magkakalayo tayo,” sagot ko.
“Oo nga. Bakit ayaw mo agad bumoto? Baka naman killer ka, Ryan?” turan naman ni Kelly.
“Uy, hindi naman! Kasi, ‘di ba ganoon sa killing games, nag-iimbestiga sila?” depensa naman ni Ryan.
Nako, sa sinasabi mo eh mapagkakamalan kang killer.
“Hindi ko sureness ha, pero feel ko talaga ikaw ang killer, eh. ‘Di ba? Ayaw niya kasi agad magbotohan,” muling akusasyon ni Kelly na ibinaling ang tingin sa bawat isa sa amin.
“Kaya nga,” segunda ni Jane.
“Wait, wait, wait! Grabe naman kayo, sabi ko lang—”
“Bumoto na kayo, ituro niyo ang hinihinala ninyong pumatay.” Hindi na natapos sa pagsasalita si Ryan dahil kay Steve. Nagtaasan ang mga kamay patungo kay Ryan, at ako, nakituro na rin.
“Sandali lang naman!”
Hay, bahala ka na sa sarili mo, Ryan. Masiyado ka kasing madaldal at defensive. ‘Yan tuloy.
“Okay, Ryan is suspected of murder. Punta ka sa gitna,” nakangising wika ni Jane, at maya-maya ay pumunta sa puwesto kung nasaan ang bag niya. Pagbalik niya ay may dala na siyang mga pulbos.
“Execution time!” natatawa niyang wika. Iniabot niya ang isang bote ng pulbos kay Kelly, Steve, Alvin, Jessica, at isa sa kaniya.
“Share na lang ‘yong iba, paputiin na natin si Ryan! Powdery execution start!” masigla niyang turan at nauna nang pahiran ng pulbos si Ryan sa mukha. Natawa naman kami roon.
Nagsilapitan na ang iba naming kasama at pinagpapahiran at binuhusan si Ryan ng pulbos sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Nakita kong umatras mula sa amin si Kayne at tumitig lang, kaya hindi ko na siya pinansin. Ibinigay naman sa akin ni Jane ang pulbos niya at nakisali rin ako.
Itinaktak ko ang bote sa ulo ni Ryan kaya naman talagang namuti ang buhok niya. Nagpupumiglas pa siya habang dinudumog namin. Kaawa-awang nilalang!
“Wait nga, tama na! Kumalma kayo, wala akong pinatay!” sigaw ni Ryan at pinagpag ang pulbos sa damit niya. Napaubo pa nga siya dahil doon.
Boy espasol is in the house!
“Identity reveal! Si Ryan ay isang...”
“Eto, oh, innocent detective ako!” ani Ryan at hinugot pa sa bulsa ang papel na may nakasulat na ‘Innocent/Detective’. Napabuntonghininga na lang ako.
“Paktay. Mali agad. Mamamatay tayo nito!” saad ni Alvin at tumawa.
“Sabi ko naman sa inyo, eh. Wala kasi kayong tiwala sa akin,” nagpapagpag pa ring usal ni Ryan na nagpunta sa isang gilid kasama si Noel.
“But wait, wala bang doctor? Wala yatang may white note sa atin,” komento ni Jessica.
“Oo nga, ano? Maybe wala siyang na-protect?” dugtong ni Jane.
“Noel, ano bang role mo?” tanong ko naman.
“I’m also an innocent.”
Napanganga kami sa sagot niya. Akala ko naman siya na ang protector!
“Then who’s the doctor?” usal ni Jessica.
“‘Yong huling envelope.”
Napatingin kami kay Kayne. Blangko pa rin ang mukha niya at halatang hindi nag-e-enjoy.
“Sampu ang envelopes kanina. Siguro ‘yong isa para kay Mark, kaso siyam lang tayo ngayon. Ibig sabihin...” dagdag niya at lumingon kay Steve. Agad namang kinuha ni Steve ang huling envelope sa bag niya at binuksan.
“Oo nga, nakalimutan ko.” Ipinakita niya sa amin ang papel na may nakasulat na ‘Doctor’.
“Sa dami ng envelopes, ‘yong sa doctor pa ang hindi nabunot. So much very damn disappointingness. Kaloka!” komento ni Kelly.
“Ano ba ‘yan, mula pa pala sa simula, wala na talagang maililigtas,” natatawa namang wika ni Steve.
“So, let’s begin round 2! Turn on your backs and close your eyes!” sigaw ni Jane.
Whoo! Kaya ko ‘to. Win this game, Catherine!
•••

Komento sa Aklat (118)

  • avatar
    BagasinAmormia

    Potek ang ganda ng story. Dimo talaga alam kung sinong magiging killer. Diko inaasahan ang mga revelations Hahaha ang ganda. Diko one expect na ganun yung magiging ending hanep haha. Nice nice

    06/01/2022

      0
  • avatar
    EscondeAzzy lei

    woohhh ka thrill ng stories HAHAHA d mo talaga mahuhulaan yung mga susunod na mangyayare

    21/12/2021

      4
  • avatar
    PersiaKlaatu

    it's my first time reading this kind of story kind the like it's nice

    12/12/2021

      5
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata