logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

II - Gear Up

Ryan
2:21 AM
Iyan ang naka-flash sa screen ng cell phone ko nang buksan ko ito upang tingnan ang oras.
Naglalakad na ako ngayon papunta kina Jessica. Nakasuot ako ng itim na jacket na may puting sando sa loob at brown na shorts. Ginamit ko ang plan B upang makaalis—ang pagtakas sa gabi dahil hindi naman ako papayagan ng mga magulang ko.
Sa totoo lang, ‘yon naman palagi ang ginagamit ko eh. Walang pag-asang payagan ako nina Mama kapag nagpaalam pa ako. At isa pa, mukhang sanay na rin naman silang nawawala ako bigla kapag weekends.
Mayamaya pa ay may natanaw na ako. Nasa may kalsada na ang van na gagamitin namin at ang tropa.
Nga pala, ang mga ito, kasama na rin ako ay ang mga apo sa ilalim ng talampakan— oo, talampakan na, ilalim pa— nina Dora at Diego, ang magpinsang gala. Tulad nila, hindi puwedeng hindi kami gagala sa loob ng mahabang panahon. Natural adventurers, sa madaling salita.
Lahat kami ay nasa third year college na, maliban kay Noel na fourth year na at kay Kayne na fourth year din daw pero minsan lang namin nakikitang pumapasok. Ewan ko ro’n.
Ngayon ay semestral break namin. May pahabol pang activities ang ibang professor kagaya ng ginawa ko kanina, at pakiramdam ko’y hindi nagsigawa ang mga ‘to. School is life pero tropa is lifer kasi.
“Yo! Ang aga niyo, ah,” bati ko nang makalapit sa kanila.
“Early worm catches the bird kasi. Alam mo naman.” Napakunot ang noo ko sa tugon ni Alvin na nakipag-fist bump sa akin.
Siya si Alvin Hermoso, ang aming resident athlete. Nakasuot siya ng isang red and white-striped sando at beige na shorts. Suot pa rin niya ang paborito niyang Adidas rubber shoes na gamit niya rin sa paglalaro ng basketball, at ang kulay asul na scarf na nakatali sa ulo niya.
“Early bird catches the worm kasi ‘yon! Sige, singhot pa ng pentel pen!” pagtatama naman sa kaniya ni Jane na may kasama pang paghagikhik. Ang cute niyang tingnan sa naka-ponytail niyang buhok ngayon.
Nakasuot naman ang unica hija ng mga Maverick ng isang checkered na blue off-shoulder na tinernohan ng isang pares ng maong na shorts. Tulad ng nakasanayan ay may nakaguhit na ngiti sa mala-anghel na mukha ni Jane. Katabi niya ang best friend niyang si Kelly.
Inilibot ko ang paningin sa mga naririto at napako ang mata ko kay Kelly. Speaking of him/her, siya ang bisexual na bestfriend ni Jane. Kelvin Lastimosa siya sa umaga, Kelly Lastidyosa—ayon na rin sa kaniya—sa gabi.
Nakadilaw na T-shirt siya at naka-leggings na black, pero ang pinakaagaw-pansin sa kaniya ay ang suot niyang pink feather scarf na nasobrahan naman yata sa kapal dahil halos masinghot na niya ang balahibo.
“Ilang manok naman ang pinatay mo para makuha ‘yang mga balahibong ‘yan, Vin?” natatawa kong wika. At ‘yong Vin, pang-asar namin sa kaniya dahil Vin ang tawag sa kaniya noong bata at noong lalaki pa siya.
“Hoy, da who is Vin? Saka ang mahal ng bili ko rito, ano! Totoong feathers pa kaya ng peacock itetch!” Napangiwi naman ako sa pagtugon niya na hinaluan ng exaggerated facial expressions na akala mo’y nagfe-facial exercise.
“Peacock? ‘Di ba, ‘yan ‘yong gusto mong isu—” banat ni Alvin na naging dahilan kung bakit tinampal siya ni Jane sa braso. Gaganti pa sana siya kaso nasaktan yata kaya hindi itinuloy.
“Alam mo, ikaw, hindi ka nakakatuwang put—” Nagulat naman ako nang balak nang magmura at sumugod ni Kelly na pinigilan ng shhh ni Jessica.
“Shut your mouth, you are in our village at bawal manggulo rito. Gusto mong kuhanin ng tanod, Kelly girl?” dagdag ni Jessica at hinarap ulit ang cellphone niya.
Napairap naman si Kelly at talagang sumagot pa ulit. Dahil sa buhok niyang pinilit i-pony na nakatusok pataas at sa feather scarf niya, nagmumukha tuloy siyang manok.
“I’m gonna say putanesca kasi. You know that? Carbonara putanesca?” Sinubukan niya talagang maglagay ng accent sa pagsasabi noon pero wala, ang sagwa lang pakinggan.
“Enough na, besh, nakakahiya ka na,” saad naman ni Jane na hindi ko alam kung sincere na nananaway o nang-aaway.
“Jane, buti nakalabas ka nang ganitong oras? Tumakas ka rin ba?” tanong ko sa kaniya. Bunsong babae kasi si Jane, at alam ng buong tropa na napaka-protective ng pamilya niya to the point na nasasakal na siya.
“Takas? Uh-uh. Wala sa vocabulary ko ‘yan. Maayos akong nagpaalam and guess what? Pinayagan nila ako pero ‘wag na raw akong umuwi. Hindi naman na talaga, nakakaloka sila sa bahay,” sagot niya na nagbigay ng tawanan sa amin.
Napatingin naman ako kay Jessica. Rich kid na rich kid pa rin ang damitan niya.
Si Jessica ang Miss Prim and Proper namin. Ilang taon na rin sila ni Noel. Sa kanilang tatlo— apat na pala— na babae sa tropa, masasabing siya ang pinakamaarte. Pero disiplinado siya, as in sobrang disiplinado, at maaasahan din namang kaibigan. Galante rin kasi nga mayaman naman sila.
At base sa itsura ng mukha niya ngayon, nagse-selfie siya. Oo, selfie kahit hindi pa sumisikat ang araw. Nakasuot siya ng pink na tube dress na may kasama pang violet-colored scarf na nakapatong sa balikat niya at nakalaylay ang mahaba niyang buhok.
Binilang ko kung ilan na kami ngayon. Isa, dalawa... walo. Kulang pa kami ng dalawa.
“Ang tagal naman yata ni Catherine,” pahayag ni Noel habang nakakapit sa braso niya si Jessica.
Si Noel, o Kuya Noel kung tutuusin, ang pinakamatanda sa amin, 23 na siya at sabi ko nga, magtatapos na sa college. Nakasuot siya ngayon ng isang blue Hawaiian shirt na pinarisan ng maroon na shorts. As always, ayos na ayos ang buhok niya at nakasuot ng spectacles. All hail King Noel Aechelus Derringer talaga, porma pa lang ay halatang superior siya sa aming lahat.
Medyo suplado si Noel at tahimik, pero nakikita naming malambing siya kay Jessica. Ganoon ba talaga kapag may jowa?
“Si Catherine lang ba? Pupunta rin si Kayne, ‘di ba?” turan ni Alvin.
“As if naman gusto nating kasama si Kayne. Puwede namang ‘wag na nating isama ang weirdo na ‘yon, eh,” litanya naman ni Jane na napa-pout pa.
“Sino ba kasing nag-imbita ro’n?” dugtong ni Kelly.
Ang sama ng mga ‘to, ah. Pero totoo naman, eh. Napatawa na lang ako nang pasikreto.
“Tama na nga ‘yan. Maghintay na lang tayo. Maaga pa naman, oh,” wika naman ni Steve matapos tumingin sa relo niya.
Blue-green na jacket naman ang suot ni Steve na may puting shirt sa loob, at black jogging pants. Nakasandal siya ngayon sa pinto ng van at katabi ang nakaupong si Mark na naglalaro sa cellphone niya.
Si Steve ang tinaguriang campus heartthrob sa grupo namin. Sabi nila, nasa kaniya na ang lahat: gwapo, matalino, talented, mayaman, mabait, basta ‘yon daw. Ewan ko lang kung talaga nga. ‘Di umano’y habulin ng chicks, pero sa totoo lang medyo nayayabangan ako sa kaniya. Si Steve rin ang kadalasang naghahanap ng pupuntahan namin kagaya ngayon.
“Oh, here’s Kayne,” wika ni Jessica na nagpalingon sa amin sa babaeng naglalakad papalapit. Nagkatinginan naman kami dahil kanina lang ay pinag-uusapan namin siya.
“Aalis na?” pagbungad niya sa amin.
Kayne Salazar. Hindi ko siya maintindihan. Minsan mabait, palaging mataray. Paborito niyang magtaas ng kilay, at medyo matalas din ang dila niya.
Isa pa, isa siyang dakilang killjoy.
Nakasuot siya ngayon ng maong na pants at light blue turtleneck sweater. Hindi rin nawawala ang purple niyang eyeglasses at green na hairclip sa maiksi niyang buhok.
Madalas na magkainisan dahil sa kaniya pero lagi pa rin namin siyang kasama. At lagi pa rin naman siyang sumasama sa amin. Basta, ang weird. ‘Di ko malaman kung kaaway o kaibigan ba talaga namin ang isang ito.
“Hindi pa naman. Wala pa si Catherine,” simpleng sagot ni Alvin dito. Miski si Alvin na maloko, tiklop pagdating kay Kayne dahil natatakot at naiinis siya. Kahit naman ako.
“Teka, paano mo pala napa-reserve ‘yong camp na sinasabi mo Steve? How much is the rental fee? Is it exclusive to us?” tanong naman ni Jane kay Steve.
Oo nga pala, wala pa akong alam sa contribution. Grabe, lalayas kaming basta-basta na. Nice.
“Lumang camp na ‘yong pupuntahan natin, hindi na nga nagagamit, eh. Pero maayos pa ang facilities. Wala na akong binayaran kasi pinahiram na lang ‘yon sa atin nung mga may-ari na caretakers na rin doon,” paliwanag naman ni Steve.
“So, for the first time, we’ll be having a free trip,” segunda naman ni Noel. Sanay na kaming hindi siya tinatawag na kuya kasi magiging awkward, tropa naman kami, eh.
“Tama. Kaya magpasalamat kayo sa ‘kin, ang magaling ni’yong researcher!” pagyayabang naman ni Steve. Aba, lumabas na naman ang pagkahambog ng mokong na ‘to, ah. Pasikat.
“Excuse me, baka nakakalimutan mong ako talaga ang nakahanap ng lugar na ‘yon, inunahan mo lang akong kausapin ‘yong mga caretakers,” singit ni Mark na nakatutok pa rin sa cellphone niya.
Si Mark.
Ito namang si Mark ang pinaka-high tech at ma-gadget sa amin. Gamer siya, at magaling sa mga technical at mechanical na gawain gaya ng pagkukumpuni ng appliances, cell phones, at dati naturuan niya pa ako kung paano mang-hack ng accounts at wifi, noong mga panahong...
Basta, ayos ‘yan.
Ngayon ay nakaupo siya sa may nakabukas na pintuan ng van habang suot ang isang puting three-fourths na poloshirt with matching black vest. Leather black pants naman ang pang-ibaba niya.
“Don’t forget na free rin ang sakay natin dahil sa ‘kin,” wika naman ni Jessica.
“Jusmiyo naman! Dahil gustong-gusto niyo yata ng credits, watch this, mga beshy,” ani Kelly at pumuwesto sa kalsada. Nagulat kami sa sunod niyang ginawa.
“This trip is brought to you by... Lumang Camp sa Graciano! I would like to thank my sponsors! Stevenson De Villa for the reservation, pak! Mark Patrick Ezperanza for the discovery of venue, uh huh! And Vianne Jessica Fortejo for the vehicle, yezzer! This is your Diyosang Fabulous na Bonggang Bonggang Queen, Kelly Lastidyosa, reporting!”
Natawa naman kaming lahat sa ginawa niyang ‘yon, paano ba naman ay may pasayaw-sayaw pa siyang nalalaman at nag-split pa sa huli.
Wait, hindi ko sigurado kung natawa si Kayne. Panira ‘yon, ‘di ba?
“Hoy, bakla! Shut up ka na lang at baka mahuli pa tayo ng neighborhood!” saad ni Jane na tawang-tawa rin naman.
“Aminin niyo, ang bongga ng performance ko! Effort na effort ako ro’n mga besh!” sabi naman ni Kelly nang makalapit ulit sa amin. Ipinaypay niya ang mga kamay sa sarili dahil pinawisan siya sa katarantaduhang pinaggagawa niya.
“And here comes the bride!” ani Alvin kaya napatingin kami sa direksyong tinitignan niya. Nandoon si Catherine na tumatakbo papunta sa amin.
“Sorry, guys, medyo na-late ako,” hinihingal pa niyang sabi. Nakasuot siya ng blue na t-shirt at skinny jeans.
“Hmm, slight lang,” tugon ni Jane na hindi ko alam kung matinong komento o pang-aasar.
“Oh, kumpleto na tayo, tara na!” wika ni Steve at nagsakayan na kami. Inilagay na ang mga malalaking gamit namin sa likuran.
Isang bag lang ang dala ko, pero sila, parang lumayas na yata ng bahay. May water dispenser, folding chair, kawali, rice cooker, speaker, icebox, banig, duyan, electric fan, electric lamp, butane stove, at kung ano-ano pa.
“Hindi na yata tayo uuwi, ah? Wala bang gamit doon sa camp?” natatawa kong saad.
“Medyo luma na kasi ‘yong camp, malinis naman doon pero hindi natin alam kung marami pa bang laman ‘yong LPG at kung ano-ano pa. Maganda nang handa tayo,” sagot ni Mark. Nagkatinginan pa kami nang saglit.
Biglang sumikip ang dibdib ko. Punyeta. Napalunok na lamang ako at tumingin sa ibang direksyon.
Ngayon lang ata siya direktang sumagot sa tanong ko, ah.
“Baka naman may washing machine pa kayo r’yan o kaya refrigerator? Itodo niyo na!” tanong naman ni Alvin na kabubuhat lang ng mga gamit.
“Loko talaga ‘to. Tara na nga, wala bang naiwan d’yan?” tugon ni Catherine.
“Ako, iniwan! Chariring!” Napatingin naman kami kay Kelly na nag-peace sign pagkatapos.
“Wala pang nagkakamaling jowain ka, ‘no!” banat naman ni Alvin kaya binatukan siya ni Kelly.
Matapos naming siguraduhin na kumpleto na ay nagsakayan na kami sa van.
Nag-start na ang makina nito. Unti-unti nang umabante ang sasakyan hanggang sa mabilis na ang pag-andar.
Ang driver ay si Steve at katabi niya si Mark. Sa middle seats ako, si Catherine, si Kayne, at si Alvin habang nasa likuran naman sina Jane, Kelly, Noel, at Jessica.
Nagdadaldalan pa rin hanggang sa loob sina Jane at Kelly. Nakasandig naman si Jessica sa balikat ni Noel at hati sila sa earphones. Si Alvin ay naka-earphones din at si Mark, tanaw kong naglalaro ng Mobile Legends.
Hindi nagtagal ay nakalabas na kami ng village nina Jessica. Muntik pa nga kaming kuwestiyunin ng guard sa may gate, buti na lang at kasama namin si Jessica kaya matagumpay ang operation takas.
Inilibot ko ang paningin ko sa loob. Ito pa rin naman ang van na madalas naming hiramin o itakas tuwing gagala kami. Kulay abo ang mga cover ng upuan at yellowish ang ilaw ng maliit na bumbilya sa harapan.
Sa may dashboard naman ay may ilang pang-display gaya ng miniature ng isang naka-two piece na babae at maliit na bronseng sculpture na mukhang antigo.
Wait, may naaamoy ako. Kakaiba. Pabango ata ‘yon na matapang. Nagpalit yata ng car freshener sina Jessica. Ano ba ‘yan, mas gusto ko ‘yong dati.
“Mark, pa-soundtrip ka naman, oh,” rinig kong usal ni Jane mula sa likuran. Agad namang tumalima si Mark at inilabas ang bluetooth speaker niya.
“Ano bang gusto ni’yong music?”
“Rakrakan!”
“K-pop!”
Sabay na nagsalita sina Alvin at Jane na nagkatitigan na naman.
“Oo na, ikaw na panalo. ‘yong sa Twice ha.”
“‘Yan ang gusto ko sa iyo, good doggie!”
Kaunting palitan pa ng pang-aasar ay natahimik na rin ang dalawa dahil nagpatugtog na si Mark. Namayani sa loob ang tugtog na hindi ko naiintindihan ang ibig sabihin, pero masarap naman sa pandinig kaya okay lang.
Napaaray ako nang mahina dahil sa pagsiko ng katabi kong si Catherine.
“Ano ba at hindi ka mapakali sa upuan mo?” wika ko.
“Ay, sorry ha, hinahanap ko lang ‘yong gamot ko sa hilo. Baka gusto mong sukahan kita kapag nahilo ako, eh.”
Aba, nagbanta pa ang baliw. Talaga nga naman.
“Eh, bakit naman ang tagal mo? Parang ngayon ka lang nahuli sa oras, ah,” mahinang tanong ko.
“Maaga naman akong gumising, eh. Kaso noong palabas na ako ng pinto, gising pa pala si Tita Kolin at may katawagan sa terrace. Kaya ‘yon, napilitan akong sumiksik sa likod ng cabinet ng mga sapatos. Jusko, amoy patay na daga!” paliwanag niya.
“Bakit, nag-expect kang simbango ng bulaklak ang mga sapatos niyo?” hirit ko sa kaniya.
“Sus, siyempre hindi! Buti na lang natapos din ang tawag at pumasok na siya. E ‘di siyempre, lumabas na ako. At sa kamalas-malasang pagkakataon naman, hinabol pa ako ng aso sa kalsada! Agang-aga nanti-trip ng tao!” dugtong niya.
“Oh, chill. Buti nga ‘di ka naabutan, eh. Siguro gutay-gutay ka na ngayon kung nagkataon,” tugon ko naman na sanhi upang tampalin niya ako sa braso. Napatawa na lang ako.
“Uy, pero eto, ha. May narinig ako sa pinag-uusapan nina Tita Kolin,” muli niyang pagbubukas ng topic. Ang Tita Kolin na sinasabi niya ay ang second wife ni Tito Carson na tatay niya.
Hindi na ako nagsalita at hinintay siyang magpatuloy. Madaldal din talaga ‘tong si Catherine, eh.
“Grabe, medyo naghihinala na ako kay Tita. May sinabi ba namang ‘You can do it’ at ‘I love you’ sa kausap niya? Eh, wala naman siyang ibang kapamilya dahil galing siya sa orphanage at single na single bago sila nagpakasal ni Papa. Sino naman kaya ang kausap niya?”
“Sino?” tanong ko.
“Tinatanong ko—”
“Tocino!” tumatawang sagot ko na nagpairap lang sa mga mata niya.
“Bahala ka nga,” wika niya at nagsuot na lamang ng neck pillow.
Pikon talaga ‘tong babaeng ‘to.
“Guys, mabuti pa matulog muna kayo para pagdating natin doon ay hindi agad kayo aantukin,” sabi naman ni Steve habang patuloy na nagmamaneho.
“Noted, boss,” sagot ni Alvin.
Nagpatuloy lamang ang biyahe namin. Hindi nagtagal ay pinatay na rin ni Mark ang tugtog dahil baka tinitipid niya ang baterya ng speaker para sa mismong camp.
Lumingon ako sa kanila. Nakasandal pa rin ang ulo nina Noel at Jessica sa isa’t isa, na talaga namang nakakatimping pag-untugin. Napatawa na lang ako sa isip ko.
Naka-earphones at neck pillow naman si Jane at nanahimik na. Nakadantay sa kaniya si Kelly na tulala habang nakasandal naman ang ulo ni Alvin sa bintana at nakapikit.
Naka-neck pillow rin si Kayne at yakap ni Catherine ang bag niya. At ako, nag-headphones at neck pillow.
Walang music ‘yong headphones ko, pang-alis lang naman ng ingay. Si Mark naman ay nagce-cellphone at si Steve ay dire-diretso lang sa pagmamaneho.
Nakakaantok. Minabuti kong sundin ang sinabi ni Steve at pumikit na.
Sa pagpikit kong ‘yon, nagulat ako sa senaryong lumitaw sa isip ko.
Paikot-ikot.
Paikot-ikot ang pakiramdam ko. Wala akong makita maliban sa dilim.
Biglang nagpalit ang eksena, nakakapit ako sa isang bagay na... hindi ko alam kung ano. Ramdam kong nakalutang ako sa hangin. Mabigat, ang bigat ng katawan ko na para bang hinihila ako pababa.
Nagbago ulit ang pangyayari. Kulay kahel ang nakikita ko na para bang kulay ng kalangitan kapag hapon. Kasabay nito ang pakiramdam na nahuhulog...
Naramdaman ko ang paglapat ng likod ko sa isang malapad na bagay.
Napakislot ako at nalaman kong ang malapad na bagay na ‘yon ay ang sandalan ng upuan sa van, matapos kong imulat ang mga mata ko.
Ano ba’ng nangyayari?
Anong klaseng panaginip ba ‘yon? Matatawag ba ‘yong panaginip kahit hindi pa naman ako talagang tulog?
Napabuntonghininga na lang ako.
Kalikutan na naman siguro ‘yon ng utak ko. Kalikutan o kakulitan, ewan. Bahala na.
Muli na akong pumikit at sa pagkakataong ito, humikab na ako at unti-unting nakatulog.
.
.
.
Blag!
Napadilat agad ako sa malakas na pag-uga ng van kasabay ng tunog na ‘yon. Napatigil ang sasakyan sa pag-andar.
Mukhang nadisgrasiya pa nga. Pupungas-pungas akong tumingin sa kanila at napahikab.
“Aray! Nauntog ako ro’n, ah! Ano ba’ng nangyari?” wika ni Catherine na hinihimas ang noo. Nakita ko namang nagising na ang lahat.
Agad namang lumabas si Steve upang alamin ang nangyari. Umikot siya sa paligid ng van.
“Ano?” tanong ni Mark.
“Guys, flat ‘yong gulong natin.”
•••

Komento sa Aklat (118)

  • avatar
    BagasinAmormia

    Potek ang ganda ng story. Dimo talaga alam kung sinong magiging killer. Diko inaasahan ang mga revelations Hahaha ang ganda. Diko one expect na ganun yung magiging ending hanep haha. Nice nice

    06/01/2022

      0
  • avatar
    EscondeAzzy lei

    woohhh ka thrill ng stories HAHAHA d mo talaga mahuhulaan yung mga susunod na mangyayare

    21/12/2021

      4
  • avatar
    PersiaKlaatu

    it's my first time reading this kind of story kind the like it's nice

    12/12/2021

      5
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata