logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Unexpected Romance

Unexpected Romance

Blaire


Meet Jace Robles

Kalahating oras na akong matiyagang naghihintay kay Jace sa loob ng PRC building pero hindi manlang ako nakadarama ng inis. Hindi sapat ang mahabang pila sa windows para sa mga magre-renew ng license para sirain ang araw ko. Nakatingin ako sa entrance ng office nang pumasok ang lalaking iniintay ko. Matangkad, maputi, at napakagwapo. Iyon nga lang, suplado si Jace, pero bukod doon lahat na yata ng magagandang katangian ng lalaki ay nasa kaniya na. Makakapal na kilay, malalantik na pilik at mapupulang labi na animoy palaging nakasimangot kaya lalo siyang nagmukhang suplado. Bukod pa doon ay ubod din siya ng talino at successful sa buhay.
Jace! My one and only Jace! Sigaw ng puso ko.
Inilibot ni Jace ang mga mata sa loob ng opisina at pagkakita sa akin ay dagli itong ngumiti. Syempre napapansin ko ang inggit sa mga mata ng mga kababaihan ng humakbang patungo sa pwesto ko ang lalaki. Ngiting-ngiti ako habang nakatitig sa kaniya. Bigla ay may lalaking tumapik sa braso ko at napatingin ako dito.
“Ahh, Miss. Kanina ka pa tinatawag sa window 2. Number mo yata iyon,” paliwanag sa akin ng lalaki at ininguso ang number na nasa screen.
“Ha? Ah oo nga pala!” Nakita ko ang number ng queue ko sa flatscreen TV na nakasabit sa waiting area ng office. Nagmamadali akong lumakad palapit sa window 2.
“W-Wait lang Jace ha,” paalam ko din kay Jace na noon ay tuloyan ng nakalapit sa pwesto ko.
“Sure, Trish,” nakangiting sagot niya sa akin.
Pagkatapos kong magsubmit ng mga seminar certificates, documents at picture ay natapos narin ako sa pagre-renew ng PRC license. Excited na lumapit ako agad kay Jace.
“Tapos na ako. How about you? Anong number mo?” tanong ko sa binata.
“Ahh, next na ako. Sorry I’m late Trish, kanina ka pa ba? Ang dami kasing trabaho sa office, hindi ko maiwan basta-basta,” paliwanag niya sa akin.
“Okay lang, ano ka ba. Kasunod ka na pala, hintayin na kita matapos,” offer ko kay Jace. Engineer si Jace sa isang sikat na manufacturing company at mataas ang position niya kaya naiintindihan ko na hindi nito basta maiwan ang trabaho.
“Uhm, no need. Baka may gagawin ka pa. Madali na naman ako,” tanggi ni Jace.
“Pero wala akong kasabay kumain at malapit na mag-lunch,” nakangusong sagot ko.
Natawa sa akin si Jace kahit pa madalas ay seryoso ito. “Allright, wait for me. Sabay na tayong mag-lunch.” Sa huli ay sagot niya.
Napangiti ako sa sinabi niya. Makakasabay ko siyang mag-lunch! Sa totoo lang ay kaytagal kong inintay ang araw na ito! Ang makasama ang pinakamamahal ko kahit pa para mag-renew lang ng license sa PRC. Matagal na akong may lihim na pagtingin kay Jace. Simula makita ko siya noong college ay hindi na nawala ang paghanga ko sa kaniya. Biruin mo, sikat na sikat siya sa Engineering Department. Halos lahat yata ng kababaihan sa University ay kilala siya! Madalas ko siyang makita sa mga tarpaulin ng school namin dahil madalas siyang kunin na modelo bilang representative ng Department nila. Kaya ganoon na lang ang pasasalamat ko ng biglang may magpatayo ng bahay sa dating bakanteng lote sa tapat ng bahay namin at nalaman kong kina Jace iyon! Pakiramdam ko noon ay itinadhana na kami. Mula noon, hanggang ngayon ay lalong lumalalim ang nararamdaman ko para sa kaniya. At masaya ako na naging close kami simula ng maging magkapitbahay kami. Dahil doon ay kinainggitan ako ng maraming kababaihan.
Alam ni Jace halos lahat ng sikreto ko, maliban sa isa. At iyon ay ang lihim kong pagmamahal sa kaniya. Close nga kami, pero hindi naman niya ako niligawan. Hindi ko alam kung bakit o may mali ba sakin. Maganda naman ako according to my friends, pero si Jace lang yata ang hindi nakakapansin noon.
At heto nga ako, eight years na pero naghihintay parin na mapansin ni Jace. Ang totoo, five months from now ay saka pa lang mage-expire ang license ko pero pinili ko ng magrenew ngayon dahil alam ko na ngayon magre-renew si Jace. Napaka-busy niya sa trabaho at mabilis siyang na-promote dahil narin sa angkin niyang talino. Hay naku! Naalala ko, palagi siyang kasali sa mga quizshow dati sa university! At kahit pa wala akong hilig sa mga ganoon ay tinatyaga kong manuod para lang masulyapan siya. At sa tuwing nananalo si Jace ay sobrang proud ako.
“I’m done. Gutom ka na siguro. Let’s go?” aya sa akin ni Jace ng makalapit na sa pwesto ko. Nakita kong pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa at bahagyang napakunot ang noo niya.
Why? Kasi pormadong pormado ako. Pinaghandaan kong mabuti ang araw na ito. Ngayon ko lang ulit makakasama ng matagal si Jace dahil panay ang OT niya. At ako naman ay panay ang gawa ng plano para sa mga clients ko. Struggling architect ako at sa totoo lang ay hirap ako sa career ko. Kaya naman lalo akong humahanga kay Jace dahil parang lahat ng naisin niya ay madali niyang nakukuha. Including me. Kung nanaisin niya ako ay madali niya akong makukuha. Ang problema nalang ay hindi yata ako kasali sa listahan ng mga gusto niyang makuha. Pero hindi ako titigil, ipinapangako ko na one of these days ay mare-realize din ni Jace na bagay kami. At kaibig-ibig ako!
Lumabas na kami sa building at magkasama kaming nagtungo sa isang fast food restaurant. Doon nalang namin napiling kumain dahil sa totoo lang ay gutom na gutom na ako. Ala una mahigit na pero dahil gusto kong makasabay si Jace ay nagtiis ako ng gutom kahit pwede naman sana akong mauna.
“I’m sorry Trish, I need to go back to office after natin kumain. Hindi kita maiihatid sa unit mo,” hinging pasensya ni Jace. Bakas sa mukha niya ang guilt.
“Ano ka ba, okay lang. Alam ko naman na busy ka,” sagot ko habang kumakain. “At saka may ka-meeting pa ako dito.”
“Really? Hows your work nga pala?” tanong nito.
“Uhm. Heto still struggling. Pero mas okay na naman compare before na halos wala pa akong client.”
“Ganiyan lang sa una talaga. After a year or two dadagsain ka na ng clients niyan. May kaniya-kaniya tayong time. Naniniwala ako sa talent mo,” pag-aalo niya sa akin.
“Oo nga. Waiting ako sa time na ‘yon. Thank you,” sagot ko. Ngumiti lang sa akin si Jace at parang tumalon ang puso ko sa simpleng ngiti niyang iyon. Parang nagungusap ang mga mata niya.
My God! Bakit naman po napakagwapong nilalang ang ginawa mo? Pero sana naman po dinggin na Ninyo ang panalangin ko at mapansin na ako ng gwapong nilalang na ito!
Walang kaalam-alam si Jace sa tumatakbo sa isip ko. Ano nalang kaya ang magiging reaction niya kapag nalaman niyang gusto ko siya? Iiwas ba siya? Oh, baka naman gusto niya din ako at ma-realize niya iyon kapag nagsabi na ako. Ah basta! Sa ngayon hindi pa ako handang aminin sa kaniya ang totoo. Makukuntento nalang muna ako sa friendship namin ngayon. Later Jace, kapag hindi ka pa umamin ay ako ang aamin sa iyo!

Komento sa Aklat (113)

  • avatar
    Jannice Piano Junsay

    i enjoying reading the story, hope you will write more beautiful and exciting stories. you are amazing being a writer.

    18/12/2021

      0
  • avatar
    CabalErico

    super ganda promise

    9d

      0
  • avatar
    NatalySara

    Otimo livro nota 10

    20/08

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata