logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 8 : Run as you can

KIARA'S P.O.V
Where are they ? Are the four of them really together now ? , so I just went straight to the park near of subdivision , because they did not even include me in their travels. Lechugas !!
I quickly went to the swing I saw from here in the park, and I also quickly rode the swing , habang pinag mamasdan ko naman yung mga bata na nag tatakbuhan dito , at yung iba naman ay mga nag pipicnic sa ilalim ng mga puno. The park in our town is really nice to visit. Naisipan kong pumunta dito para makapag pahangin at makapag relax , kaya napapikit na lang ako habang pinapakiramdaman ko ang sariwang hangin na dumadampi sa balat ko.
Napalingon na lang ako sa kaliwa nang matanaw ko naman sa peripheral vision ko ang isang buong pamilya , kaya hindi ko alam kung baket nakaramdam na lang ako ng kalungkutan habang pinapanuod ko sila na nagkakasiyahan at nagpi picnic sa ilalim ng puno.
I quickly thought, what if Mama and Papa are still alive ? I think we are having fun like this , pero namatay sila dahil sakin kaya napayuko na lang ako sa kinauupuan ko habang nakakaramdam pa rin ako ng pag hihinagpis. Hindi ko man lang sila nakilala , hindi ko man lang sila nayakap at hindi ko rin naramdaman ang pagmamahal ng mga magulang , dahil nga lumaki kame ni ate Kiana sa pag aaruga ni Auntie Nicole.
Marahas na lang akong napa iling iling dahil bigla ko na lang naalala yung lalakeng naka encounter ko sa sementeryo , nung time na dinalaw ko ang puntod nila Mama at Papa. ----Kailangan kong magpakatatag and I also need to be strong so that I don't become a burden to my older sister. Napa balikwas na lang ako sa kinauupuan ko nang makita ko yung batang babae na hinihila nya ang mama nya papunta sa matandang sorbetero.
"Mama gusto ko po ng ice cream. Yung chocolate flavor po." Sambit ng batang babae habang hawak hawak nya ang magkabilang kamay ng mama nya para makumbinsi nya to.
"Osige anak , isang beses lang ahh ... nakaka sira ng ngipin yan." Tugon naman sakanya ng mama nya , at unti unting kumurba ang malapad na ngiti sa mukha ng bata.
"Yehey !!!" Masiglang giit ng batang babae at nag simula na silang mag lakad papunta sa matandang sorbetero.
Hindi ko na namalayang unti unti nang tumutulo ang mga luha ko sa mata , kaya dali dali ko itong pinunasan dahil baka may makakita pa sakin at mapagkamalan pa kong baliw habang umiiyak mag isa. Napayuko na lang ako at hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapaluha.
"Oh nasaan mga kaibigan mo ?" Nagulat na lang ako nang biglang may nag salita sa likuran ko kaya unti unti akong napa lingon sa kaniya habang dahan dahan ko pa rin dinuduyan ang swing dito sa park ng CordialWood Town.
"Doctor Darren ? Baket po kayo nandito ? Wala po ba kayong trabaho sa hospital ?" Kunot-noong tanong ko sa kanya , at dali dali akong napatayo sa kinauupuan ko nang bigla na lang syang sumulpot sa aking likuran.
"Day off ko ngayon ehh .. pero maiba naman tayo , nasan mga kaibigan mo ? Baket hindi mo sila kasama ?" Sambit naman ni Doctor Darren na para bang naguguluhan dahil nadatnan nya lang ako dito na nag iisa kaya napabuntong hininga na lang ako sa hangin.
"I don't know. May sari-sarili po yata silang lakad eh." Tugon ko naman sakanya , and I noticed that he just smiled at me. I don't know why but I feel safe when I'm with the Doctor of Cordial Hospital.
"Ganon ba ?" Napa tingin na lang sya sa wrist watch nya sa kanang braso. "Mag aalas dose na pala ng tanghali , tara kain tayo sa karinderya na malapit lang dito. Libre ko." Paanyaya nya sakin kaya napa kunot na lang ang noo ko na tila ba'y naguguluhan dahil sa tinuturan nya ngayon.
"Baket po ? Nakaka hiya naman po." Wika ko naman at napa yuko na lang ako sa kinatatayuan ko na mistulang nahihiya dahil bigla ko na lang naramdamang uminit ang magkabilang pisngi ko.
"Don't be ashamed of me, just think that I will just treat you. Kiara." Nakangiting giit nya na ikinatuwa ko naman, at wala na kong nagawa kundi sumunod sakanya. Nahihiya din kase akong umiwas at tumanggi sa respetadong doctor ng CordialWood Town kaya nag simula na kameng mag lakad papunta sa karinderya na malapit lang dito sa kinaroroonan namin.
****
"Masarap ba ang inorder ko ?" Sambit ni Doctor Darren habang kumakain ako ng fried rice with mang inasal , kaya huminto ako panandalian sa kinakain ko at napa tingin ako sa kanya.
"Opo. Favorite ko po kase to ehh." Tugon ko naman habang kinakagat ko ang mang inasal na nakatusok sa isang stick. Napapapikit na lang ako habang ninanamnam ko ang bawat pag kagat ko sa mang inasal.
"Magpaka busog ka ahh , pero anyway , saan naman kaya pumunta mga kaibigan mo ?" Pag tatanong nya ulit sakin kaya napa buntong-hininga na lang ako , at ibinaba ko ang kutsara sa table na nasa harapan namin.
"Pinuntahan ko na po sila sa mga bahay nila , hindi ko naman po sila naabutan dun , pero siguro nag reready lang po sila para sa pasukan. First day of class na po kase namin tomorrow." Pag sasaad ko naman habang naka tingin lang ako sa fried rice na kinakain ko at marahan kong inilapag sa lamesa ang aking dalawang kamay.
"Kung sabagay , pero ikaw excited kana ba sa pasukan ?" Naka ngiting giit ni Doctor Darren at bahagya akong napatingin sakanya. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil hindi ko alam kung baket napakagaan ng kalooban ko kapag kasama ko sya.
"Medyo ... madami po kaseng tsismosa sa Cordial University , and for sure , naka tuon po ang mga atensyon nila sakin , dahil sa massacre na hindi naman namin ineexpect nung isang araw." Pag papaliwanag ko ulit kay Doctor Darren habang pinag lalaruan ko ang kutsara dahil para ba kong nawalan ng gana kumain nang maalala ko ang isang karima-rimarim na trahedya na nangyari sa compound namin.
"Oo nga pala , Isa ka palang survivor sa massacre." Napa ngiti nalang sya sakin kaya muling napakunot ang noo ko. Ganun pa man ay malaki pa rin ang pasasalamat ko sakanya nung time na yun dahil kung hindi sya dumating ay malamang sumakabilang buhay na ko nung mga oras na yun.
"Kung hindi naman po yun dahil sa inyo baka namatay na ko dun." I just sighed and looked at him again. "Salamat nga po pala , dinala nyo po ko sa hospital nung nawalan po ko ng malay." Giit ko naman at pinag patuloy ko ulit ang kinakain ko kaya muling napa ngiti sakin si Doctor Darren.
"Wala yon , sa susunod wag kana magpa dalos dalos , lalo na't kaliwa't kanang krimen na ang nang yayari sa bayan natin." Pagpapaalala nya sakin pagkatapos nya lumagok sa bottled water. "Tsaka wag mo na lang isipin yung mga usisera't usisero sa school nyo. Mga wala lang magawa sa buhay yon."
"Opo." Tugon ko naman sa kanya , at nangibabaw na ang mga tawanan sa kinaroroonan namin, wala na rin kameng pake kung pinag titinginan na kame ng mga tao dito sa karinderya.
Napatakip na lang ako sa bibig ko nang bigla akong dumighay kaya panandalian kameng binalutan ng katahimikan sa kinaroroonan namin pero ganun pa man ay hindi pa rin namin napigilan matawa ni Doctor Darren dahil sa kabusugan ko. Lechugass !!
I was just about to roll over in my seat when my cellphone in the left pocket of my pants suddenly ring , kaya dali dali ko itong kinuha sa bulsa ko , para makita ko kung sino yung nagpadala ng message sakin.
From : Ate Kiana
Nasaan ka na naman bang bata ka ? Bumili lang kame ng gamit mo para sa school , kaya maaga kameng umalis , nakasabay pa nga namin yung mga kaibigan mo sa bayan pati yung crush mong si Andrei.
Muli akong napabalikwas sa kinauupuan ko nang makita ko ang message sakin ni Ate Kiana , kaya dali dali akong napa tayo dito, at napa tingin na lang sakin si Doctor Darren.
"I have to go na po. Nag text na po sakin si Ate. Kailangan ko na pong umuwi. Salamat na lang po sa pagkain." Pagpapaalam at pagpapa salamat ko sakanya habang may malapad na ngiti sa aking mukha.
"Sige ingat kana lang." Paalala nya sakin at nag simula na kong mag lakad paalis sa kinaroroonan namin , pero dali dali ko naman syang napansin na kinuha nya agad ang cellphone nya na nakapatong sa lamesa kanina pa at isinilid nya to sa kaliwang bulsa nya, hindi ko na lang yon pinansin at pinag patuloy ko na lang ulit ang paglalakad ko.
***
Masyado yatang naparami ang nakain ko dahil sa panlilibre sakin ni Doctor Darren kaya hanggang ngayon ay hinihimas himas ko pa rin ang tiyan ko dahil sa kabusugan. --- Hindi ko alam kung baket naging malapit agad ako sa Doctor na yon , pero kahit ganon ay nagpapasalamat pa rin ako sa kanya dahil niligtas nya ang buhay ko nung isang araw sa bingit ng kamatayan.
Kung hindi sya dumating ay hindi malabong binawian na ko ng buhay sa mga oras na yon so I would be very thankful to him , lalo na't nilibre pa nya ko ngayon sa pananghalian ko kaya kahit papano ay nakatipid ako at hindi ko man lang nagasta ang natitirang pera sa wallet ko.
Napa buntong hininga na lang ako habang nag lalakad ako sa mapayapang kalsada , at tanging mga yapak ko lang ang naririnig ko pati ang mga bulok na dahon na natatapakan ko dito. Napa pikit na lang ako panandalian habang patuloy pa rin nag liliparan ang mga bulok na dahon na nakakalat sa kalsada kaya muli akong napabuntong hininga at napatingin sa mga ulap na malayang gumagalaw sa kalangitan.
Nakakapanibago talaga dito sa CordialWood Town. Hindi ko mapaliwanag dahil sa mga lumalaganap na krimen sa bayan na to, It's so very weird because crime and different cases suddenly spread in our town and we don't know what the motives of the perpetrators really are. After a massacre that broke out in our compound. Dali dali ko na lang isinilid sa aking magkabilang bulsa ang mga kamay ko at bahagyang napayuko.
Nanumbalik ako sa reyalidad at nagulantang na lang ako nang biglang lumitaw sa harapan ko ang dalawang taong nakaface mask kaya tila nanigas ako sa kinatatayuan ko, at dali daling rumehistro sa katawan ko ang matinding takot. Saan sila nanggaling ? Baket napakatalim ng mga tingin nila sakin ? Shitt !! Nag uumpisa na kong matuliro at hindi na ko mapalagay sa aking kinatatayuan habang namimilog ang dalawang mata ko lalo na't nang makita kong kapwa silang may hawak hawak na balisong.
Hindi ko sila mamukhaan dahil binabalutan ng itim na face mask ang mga mukha nila, at tanging mga mata lang nilang nanlilisik ang nakikita ko habang nakatingin sila sakin , kaya ngayon ko lang rin napagtantong wala palang bahay at katao tao sa kalsada kung saan ako nag lalakad.
Bigla na lang rumagasa ang tibok ng puso ko dahil sa takot at nag uumpisa na manginig ang buong kalamnan ko, pero ganun pa man kahit kinakabahan ako ay hindi na ko nag dalawang isip tumakbo para makatakas ako sa mga taong hindi ko mamukhaan at para makahingi na rin ako ng tulong dahil pakiramdam ko ay may mga masama silang balak sakin.
Napa sapo na lang ako sa ulo ko habang nagpapa lingap lingap ako sa paligid dahil hanggang ngayon ay wala pa rin akong makitang taong pupwede kong matakbuhan. ----- Muli akong dinapuan ng kaba at muntik muntikan pa kong matalisod nang makita kong naka sunod na pala sila sakin at malapit na nila kong maabutan kaya pinag patuloy ko ulit ang pag takbo.
Wala kong ginawa kundi tumakbo nang tumakbo at magpa sikot sikot sa mga eskinita habang nag sisimula nang tumagaktak ang mga pawis ko sa katawan. Matinding pagkatakot ang nararamdaman ko ngayon at tila ba'y nawawala na rin ako sa katinuan dahil kung saan saan na ko dinadala ng dalawang paa ko.
Sino ba yung mga tao na yon ? Sila ba yung may kagagawan ng mga krimen dito sa bayan namin ? Lechugas !! Nalintikan na ko dahil feeling ko eto na ang katapusan ko at dito na ko mamamatay kaya iritado akong napapikit ng panandalian dahil sa pagkabalisa.
I just looked behind me while I was still running, and now I also saw the two mysterious peoples who followed me stopped , kaya napa sandal na lang ako sa pader habang humahangos pa rin ako. Muli akong napabuntong hininga sa hangin nang bigla na lang nawala ang mga humahabol sakin kaya para ba kong nabunutan ng tinik sa lalamunan ko habang naguguluhan pa rin ako sa mga kaganapan ngayon.
Damang dama ko ang panginginig ng mga tuhod ko at hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman kong pangamba sa mga possibleng mangyari habang naghihikahos ako sa pag hinga dala ng pagod na may kasamang matinding takot.
Napa balikwas na lang ako nang biglang may malamig na kamay na humawak sa braso ko at dali dali nyang tinakpan ang aking bibig kaya hindi na ko nakapanlaban at nagpadala na lang ako sakanya.
"What the ---"

Komento sa Aklat (74)

  • avatar
    ManlanatJinelle

    keep doing that

    19d

      0
  • avatar
    Xander M Tambo

    Xander m tambo

    05/08

      0
  • avatar
    Jam Jam

    it so nice history

    23/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata