logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 5 - The Practice

Muli siyang napalunok nang mula sa pintuan ng gym ay dumating si Mike. Ilang beses na siyang tahimik na napapa-‘shet’ kapag naaalala niya ang kabalbalang sinabi niya kina Jia at Jei. Ano ba itong napasok na naman niya?
Napalingon siya kay Jia na nakatingin pala sa kanya. Ibinalik niya ang tingin kay Mike o mas kilala bilang Mikoy. Wala na siyang magagawa. Paninindigan na niya ang una niyang sinabi. Isa pa gusto niyang ipamukha kay Eijiro na mali ito.
‘Mali nga ba?’
Ipinilig niya ang ulo upang maalis ang tanong na iyon sa kanyang isipan. Praktis nila ng araw na iyon para sa darating na foundation week. Isang dance number ang binubuo nila. Flash mob iyon. Madali at nakakaengganyo ang balak nilang gawing steps upang madaling matutunan, masabayan at makabisado ng mga sasali. Buong section nila pati na ang ibang piling section sa kanilang kurso ang kasali. Kaya naman medyo may karamihan sila sa lugar na iyon. Ang presentasyon na iyon ang magsisilbing opening at pagsalubong sa foundation week ng Unibersidad.
Itinaas at inipon niya ang buhok upang itali at i-ponytail. Narinig niyang pumalakpak ng dalawang beses si Mike hudyat upang magtipon sila. Agad siyang pumunta sa kinaroroonan nito kasabay ng mga kasama niya. Sa araw na iyon ay dalawang section muna ang magpapraktis. Bawat section ay kailangang matutuhan muna ang lahat ng steps bago magpraktis at magsama-sama. Isa pa, kailangang magpraktis ng hiwalay ng mga section upang maiwasan ang siksikan sa school gym. Malaki naman iyon ngunit sa dami nila, paniguradong magsisiksikan lang sila.
“Guys, uulitin natin yong prinaktis natin last time okay? Yong mga wala last time, sumabay nalang.” Sabi nito, sabay tingin sa kanya. Bigla tuloy siyang napalunok. Mariin niyang naipikit ang mata nang sumunod ang ilang mga mata roon papunta sa kanya na tila ba isa siyang kasuklam-suklam na nilalang.
‘Leche naman classmates, wala akong pinatay!’
Dumako ang tingin niya kay Jia na ngayon ay nakaupo sa isang gilid at nagmamasid. Hindi ito kasali sa gagawin nilang iyon ngunit mas pinipili nitong samahan siya lagi sa praktis dahil ayaw pa daw nitong umuwi. Ngunit sa pagkakataong iyon ay tila hindi iyon ang dahilan kung bakit ito naroon. Sigurado siyang gusto nitong makumpirma ang ginawa niyang pag-amin kuno ng wagas niyang pagnanasa umano kay Mike, sa kapatid nitong si Jei. Magkadugo nga talaga ang mga ito.
“Alright! Let’s start!” Sigaw ni Mike. Nagsipuntahan na ang mga ito sa kanya-kanyang pwesto. Isang tao lang ang nasa gitna habang ang lahat ay nakaupo sa may gilid, sa likod, at kung saan-saan na tila wala silang kaalam-alam sa mangyayari. Nagsimulang marinig ang beat ng tugtog at maya-maya pa ay sumunod nang sumayaw ang lalakeng nasa gitna.
Mga ilang sandali pang lumipas ay naglakad si Mike papunta sa lalakeng nasa gitna. Sa una ay tila inaaral at sinusunod nito ang bawat steps ng lalake. Hanggang sa dalawa na silang umiindayog sa tugtog. Di rin nagtagal ay sumali ang ilang estudyante. Mula sa dalawa ay naging lima, naging sampu at dumami pa.
“Sigurado ka ba talagang si Mike ang type mo?” untag sa kanya ni Jia na katabi na pala niya. Tiningnan niya ito sandali.
“Bakit ba nagdududa ka pa? Sa ating dalawa dapat ako ang mas nakakaalam kung sino ang type ko diba?” sagot niya ngunit hindi nawala ang pagdududa sa mga mata nito.
“Sierra!” Lumingon siya sa pinanggalingan ng boses na tumatawag sa kanya. Si Mikoy pala. Napansin din niyang tila nagbago ang tugtog na sa tingin niya ay remix.
“Bago magchorus ng ‘Twerk it like Miley’ ang pagpasok mo okay?” Nagthumbs up siya rito. Maya-maya pa bigla nalang may sumigaw kasabay ng malakas na tunog ng pagbagsak ng isang tao. Lahat napatigil at napatingin kay Sharmaine.
“Aray!” Daing nito. Lumapit roon si Mike at tsinek kung anong nangyari rito. Ramdam niyang nakatingin pa rin sa kanya si Jia. Kung wala siyang gagawin siguradong malabo pa sa mata ng masungit na propesor nila ang pag-asa niyang makumbinsi itong, si Mike ang gusto niya. Sigurado ding hindi siya nito tatantanan tungkol kay Jei. At upang makumbinsi si Jei kailangan niyang kumbinsihin muna ang kapita-pitagan nitong kapatid na si Jia. Kapag nakumbinsi niya si Jia, di rin magtatagal ay marerealize din ng masungit na alien nitong kapatid na walang epekto ang nuknukan ng sungit na charm nito sa kanya.
Tumayo siya at ramdam pa din niyang sinusundan siya ng tingin ni Jia. Lumapit siya sa kinaroroonan ni Mike. Tumabi pa siya rito na di naman niya gawain noon. Tila nagulat pa nga ito sa pagsulpot niya sa tabi nito.
“Anong nangyari?” tanong niya.
“Nagkamali ata siya ng apak at natapilok siya. Tingnan mo parang namamaga ang paa niya sa banda rito.” Tinuro nito ang bahagi ng paa ng babae.
“Imposibleng mamaga yan sa simpleng pagkatapilok lang. Umamin ka Sharmaine, may nangyari na sa paa mo dati?” Hindi ito makatingin sa kanya. Dahan-dahan itong tumango.
“Naipit yan kanina sa pinto ng kotse.”
“Kaya naman pala. Hindi mo na dapat pinilit ang sarili mong magpraktis kung di mo kaya.”
“Sorry. Baka kasi ma-LFR ako ni Sir Buenava ‘pag hindi ako nakasali. Isa pa, ako yong partner ni Mike sa isang part ng sayaw.” Narinig niyang napabuntong-hininga si Mike.
“Ipahinga mo muna ang paa mo. Magpalit nalang muna kayo ni Sierra. Tutal naman kaunti lang parte niya. Right, Sierra?” Napatingin sya rito. Aangal palang sana siya nang makita niya ang ekspresyon ng mukha ni Sharmaine. Mukhang desperada talaga itong makakuha ng magandang grado. Ang alam din niya ay naghahabol ito ng scholarship. At sa klase ng tingin na ibinibigay sa kanya ng mga classmates niya, wala na siyang nagawa.
“Oo. Ako nalang Sharmaine. Basta, ipahinga mo muna yang paa mo.” Tila nagliwanag naman ang mukha nito. Ginagap pa nito ang isang kamay niya.
“Thank you!” Tagilid na ang ngiti niya lalo na nang bumalik siya sa upuan niya kanina. Inihatid ng ilang classmates niya sa clinic si Sharmaine habang ang iba naman ay balik praktis.
“Guys! Kayo muna ang magpraktis! Tuturuan ko muna si Sierra!” Sigaw ni Mike sa mga ito. Lumapit naman ito pagkuwan sa kinaroroonan nila ni Jia. Ito naman ang hindi tinantanan ng tingin ni Jia. Palipat-lipat ang mga nagmamatyag na mga mata nito sa kanila.
“Bakit ganyan siya makatingin?” tanong nito. Pinalo naman niya si Jia sa braso.
“Jia, can you please stop that? Malapit ka ng mabaliw niyan e’.”
“I became like this because you said you like—“ Tinakpan niya ng panyo niya ang bibig nito.
“Wala kang sasabihin, Jia. Mananahimik ka dahil bawal ang maingay dito.” Inikot lang nito ang mata nito sa kanya. Samantalang naguguluhang nakatingin lang sa kanila si Mike. Inosenteng ngumiti siya rito.
“Tara na? Tuturuan mo pa ko diba?” Biglang naging sweet ang tono ng boses niya. Ipinagtaka naman nito iyon ngunit nagkibit-balikat lang. Naglakad na ito papunta sa isang bakanteng espasyo roon. Sumulyap muna siya kay Jia at kinindatan ito na kunwari ay kinikilig siya sa pinaggagawa niya. Tahimik siyang napabuntong-hininga na lumapit kay Mike. Ngayon lang niya napagtanto na mahirap pala magpanggap na may gusto sa isang tao.
Malapit sila sa pintuan ng Gym, at doon tinuruan siya ng mga steps na para sana kay Sharmaine. Medyo mabilis ang mga galaw nila roon. At medyo nahihirapan siyang sumabay kay Mike. Naging malapit din ang distansya nilang dalawa.
“Single, double lang. And then turned around. Tapos chorus na ulit tayo.” Tumango siya rito.
“Gets ko na. Ulitin natin mula umpisa.” Suhestyon niya.
“Okay, with music this time. Para masabayan natin.”
“Saang part ba yon?”
“Kapag tumugtog yong chorus ng Dance Again.” Tumango siya rito. Dinala siya nito sa gitna kung saan may nagpapraktis kanina. Ang mga kasama niya ay nagpapahinga at umiinom ng tubig. Ginamit nila ang speaker roon at pinatugtog ang parte nila. Humarap siya rito. Inilahad naman nito ang kamay nito sa kanya na inabot naman niya. He pulled her towards him. She put her hand in his shoulder while his held her waist. Her right foot took a step backward as he took a step forward. Ganoon din ang ginawa niya. She took a step forward as he took a step backward. And then two steps towards him. Saka siya nito inikot at nagpalit ang pwesto nila. Ganoon parin ang ayos nilang dalawa. Muli nilang inulit ang mga steps na sa pagkakataong iyon ay magkaiba sila ng pwesto. Muli siya nitong inikot upang bumalik siya sa dati niyang pwesto. They then held both hands and pull. Nastretch pareho ang kanilang kamay. Itinaas niya ang kanyang kamay habang magkahugpong parin ang kanilang mga kamay upang padaanin iyon mula sa leeg nito papuntang braso. Binitawan nito ang isang kamay niya habang ang isa naman ay hawak pa din nito. Their right foot took a step forward as they swing upward their holding hands. Kasabay ng pagbaba ng kanilang mga kamay ay ang pag-atras nila. Bumitiw sila sa isa’t isa at humarap sa kanilang mga audience. Itinaas niya ang mga kamay.
“One, two, one, two, three.” Narinig niyang bilang ni Mike. Nagsisimula na siyang i-enjoy ang saliw ng musika sa kanilang pagsasayaw nang di sinasadyang mapatingin siya sa pinto. Nanlaki ang mga mata niya nang makita kung sino iyong matangkad na taong nakasandal sa harap ng pinto ng Gym. Nabagabag siya sa presensya nito lalo na ng klase ng tinging ibinibigay nito sa kanya. Ano bang problema ng mga tao sa kanya at ganoon nalang kung makatingin?
“Aray!” Narinig niyang daing ni Mike.
Agad lumipad ang tingin niya rito. Hawak nito ang ilong nito. Hindi niya namalayang natamaan niya pala ito ng kanyang siko.

Komento sa Aklat (217)

  • avatar
    camaracharlen

    the story is good and the author is very talented in writing stories.

    20/01/2022

      0
  • avatar
    Jertrude Co

    nice

    12/09

      0
  • avatar
    AlbeusGerald

    nice

    12/09

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata