logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER 1

5 years after...
"Mamaa..."
Napalingon ako sa batang papasok na sumisigaw habang tumatakbo palapit sa akin at napangiti ako ng makalapit ito. Binigyan ako nito ng isang mahigpit na yakap at halik sa pisngi.
"Hi baby how's your schooling?." Tanong ko dito ng nakangiti. Inalalayan ko ito palapit sa may sopa na nasa gilid at pinaupo sa hita ko.
"Ok naman po Mama. Ang bait po ng Teacher ko, Look Mama oh, Binigyan po ako ng star ng Teacher ko po." Nakangiting aniya nito habang pinapakita nito sa akin ang kamay nya na may tatak ng star.
"Wow Ang galing naman ng Baby ko. Mama is so proud of you Baby." natutuwang aniya ko dito, At pinisil Ang pisngi nito at halikan ito.
"Syempre po mama sabi nyo po kasi mag behave po ako at makinig po kay Teacher diba." Nakangiting aniya nito na dahilan para mapangiti din ako.
Xander is now four years old. Sa murang edad nito ay napaka bibo at talino na nito.
Napalingon kami nang muling bumukas Ang pintuan at pumasok doon si Jeff at ang matalik kong kaibigang si Mia. Si Jeff na kasi ang nagsundo sa anak ko dahil tinawagan ito ni Mia.
"Hi." Bati ni jeff pagkapasok. "Kamusta kana kecy?."
"Ok naman ito medyo busy kami dahil may order kahapon para sa event para bukas." Nakangiting sagot dito habang hinahaplos Ang buhok nang aking Anak.
"Kaya nga hon tinawagan kita para sunduin si xander sa school kase asap na to. Kailangan na talaga naming matapos ito para bukas." Aniya Mia kaya napalingon ako kay Jeff na nakangiti lang
"Sorry sa abala Jeff alam kong busy ka din. Naabala kapa namin." Hinging paumanhin ko dito.
Napailing lang ito habang nakangiti. "Nuh it's ok. Wala rin namang masyadong tao sa Restuarant. Tsaka nangako sakin itong kaibigan mong ipagluluto ako, syempre hindi na ko nakatanggi." Aniya nito Sabay ngisi na ikinatawa ko ng makitang nag blush si Mia.
Five years na ang nakalipas at masasabi kong malaki na ang pinagbago ng aming buhay. Simula nang gabing yun pag alis ko sa building na yun ay dumiretso ako agad sa Ospital. Ngunit naabutan ko si Leslie na umiiyak habang nakayakap kay Mia. Nalaman kong hindi na talaga kinaya ni Nanay ang sakit kaya bago pa man masimulan ang operasyon ay bumigay na ito. Masakit dahil wala man lang akong nagawa para mapagaling si Nanay o madugtungan pa ang buhay nito. Sa edad na twenty ay naulila kaming magkapatid na talagang naging mahirap para sa amin na tanggapin iyon. Ang perang binayad sakin na Sana ay pang pagamot ni Nanay ay ginamit ko pang palibing sa aking Ina. Nagtayo din ako ng maliit na negosyo na Flower Shop dahil yun ang hilig ni Nanay nung nabubuhay pa ito, Kaya imbis na salon ay flower shop ang ginawa kong negosyo para ng sa ganun ay matupad ko ang isa sa mga pangarap ng aking Ina.
Makalipas ang ilang buwan noon ay nalaman kong buntis ako. Naging mahirap para samin sa simula pero ng dahil na rin sa tulong ng matalik kong kaibigan ay nag simula ulit kami ng panibagong buhay. Huminto si Mia sa pag sayaw sa club at tinulungan na lang ako sa itinayo kong negosyo, Sya rin ang kasakasama ko habang pinagbubuntis ko si Xander at habang pinag aaral ang kapatid ko. Hanggang sa makapanganak ako ay sya pa rin ang katuwang ko kaya sobrang laking pasasalamat ko kay Mia dahil ito ang naging karamay at katuwang ko sa lahat.
At ngayon, Unti unti ng lumalago at nakikilala ang aking flower shop sa tulong na rin ni Jeff na dalawang taon ng boyfriend ni Mia. Marami itong kakilala na may mga kaya at lage nyang nirerekomenda ang aming flower shop lalo na sa mga event.
Kaya ngayon masasabeli kong nakaahon na din kame sa hirap. Ang kapatid kong si Leslie ay 2nd year collage na ngayon sa kursong tourism.  Talagang sinisikap din nitong makapag tapos pa na rin daw makatulong sa akin. Biglang pumasok sa isip ko ang lalaking nakasama ko nang gabing yun. Ang lalaking naging dahilan nang lahat nang nararanasan ko ngayon.
Kung hindi dahil sa perang binayad nya ay wala sana kami dito ngayon. Kung hindi dahil sa kanya ay wala sana kong Xander na matalino at masayahing anak. Minsan ko din naisip na kung magkikita pa kaya kami. Ang totoo simula ng malaman kong buntis ako ay lagi na syang laman ng isip ko. Pero alam kong malabo ng mangyari na magkita pa kaming muli. Ang isang katulad kong bayaran ay hindi na pinag aaksayan pa ng panahon nang isang katulad nya. At alam kong galing sa mayamang pamilya ang lalaking yun dahil Sa laki ba naman ng binayad nito sa akin.
Napaisip ako bigla paano kaya kung muling magsalubong ang landas namin. Paano kaya kapag nalaman nyang may anak sya sakelin. Napailing ako sa isiping kahit magkita pa kami at malamang nagkaanak ito sakin ay balewala rin. Galing sya sa mayamang pamilya at ako'y isang babaeng binayaran nya lamang, At nasasaktan ako sa isiping hindi nya matatanggap ang anak ko kung sakali. At yun ang ayokong mangyari. Ang makitang masaktan din ang anak ko. Kaya minsan pinagdadasal ko din na sana ay hindi na lang magsalubong ang landas naming dalawa.
"Hoy Bessy, Tulala ka na naman." Biglang kalabit sakin ni Mia.
"Pasensya na. Ano nga ulet ang sinasabi mo?" Baling ko dito at napansin kong nanunuri ang mga  tingin nito kaya napaupo ulit ako sa sopa at tinuloy ang pag gugunting sa mga bulaklak.
"Naiisip mo pa rin ang tatay ni Xander no." Aniya nito at umupo sa kabilang side ng sopa sa gilid ko. Saglit ko itong binalingan at muling binalik ang tingin sa ginagawa ng hindi nagsasalita. Narinig ko ang pag buntong hininga nito kaya muling  bumaling ako ulit dito.
"Bessy. Four years old na si Xander, Sa tingin mo ba hindi parin magtataka ang bata kung bakit hindi umuuwi ang papa nya galing ibang bansa." Napatigil ako sa ginawa at napayuko. Sa tuwing hahanapin kasi ni Xander ang papa nya ay lagi lang namin sinasabe ni Mia at Leslie na nasa ibang bansa ang papa nito at hindi pa makakauwi. Matalino si Xander at alam kong may namumuo ng pagtataka sa isip ng anak ko.
"Anong gagawin ko Bessy. Ayoko namang sabihin sa anak ko na hindi ko kilala ang ama nya. Ayokong masaktan ang anak ko bessy." Nakayukong aniya ko dito. Narinig ko ulit ang pag buntong hininga nito kaya ganun na lang din ang ginawa ko.
"Oh sya disisyon mo yan eh! Alam mo naman hindi kita pinapakaelaman sa disisyon mo pero ayoko lang na nakikitang umaasa ang inaanak ko." Hindi ako naka imik sa sinabi nito dahil ko namang punto sya sa sinabi.
"Anyway hihiramin muna namin si Xander. Nagyayaya si Jeff eh, Dumaan lang talaga kami dito para ipaalam Ang Anak mo. Kaya mo na ba dito mag-isa?" Napabaling ako dito at sunod ay kay Xander na nilalaro ng kanyang tito Jeff.
"Sige bessy ako na  ang bahala dito konti nalang naman ang gagawin eh, nandito rin naman si Emily, Ikaw nalang munang bahala sa Anak ko." Nakangiti aniya ko dito.
"Ok bessy no problem, Alam mo namang spoiled na spoiled ko yang inaanak ko eh." Nakangisi aniya nito na ikinailing ko lang. Simula nang maipanganak ko si Xander ay si Mia ang tumayong ikalawang Ina nito. Halos lahat na maibigan nitong bilhin para sa Anak ko ay Hindi ito nagdadalawang isip na bilhin, hanggang sa paglaki nang Anak ko at nakasanayan na nito ay wala na kong nagagawa kung hindi Ang hayaan na lang ito.
Lumapit ako sa anak ko at umupo para magkapantay kami.
"Magpakabait ka kay tito Jeff at tita Ninang ok?." Aniya ko dito  habang inaayos ang buhok nito.
"Yes mama. Hindi po ako magkukulit promise." Nakangiting sagot nito sakin habang nakataas pa ang isang kamay nito na parang sumusumpa. Napangisi ako at pinisil ang pisngi nito bago Ito hinalikan.
Nang makalabas ang mga Ito  ng shop ay agad na bumalik na ako sa aking ginagawa. Kinuha ko ang bulaklak at ipinatong sa mataas na lamesa at nakatayo ko na itong inaayos sa basket. Habang inaayos hindi ko na namang maiwasan na isipin ang sinabi ng aking kaibigan. Sa ginagawa kong pagpapaasa sa anak ko na may uuwing ama sa kanya ay nasasaktan na ko. Pero mas masasaktan naman ako kapag nakitang kong masasaktan din ang anak ko kapag nalaman nyang hindi ko kilala ang ama nito. Napabuntong hininga nalang ako sa aking mga iniisip. Sa ngayon ang importante lang sakin ay makitang masaya ang anak ko.
Narinig kong tumunog ang pinto hudyat na may papasok na costumer. Hindi ko na nilingon dahil nakita ko na naman si Emily na tumayo para lapitan Ang mga bagong dating Kaya tinuloy ko nalang ang ginagawa ko.
"Hi sir. Welcome po." Rinig kong bati ni Emily.
"Hi miss, Can you give me a 2 dozen of white roses?." Aniya nung lalaki.
"Right away Sir. Upo po muna kayo Sir at ihahanda ko lang po."
"Fuck man siguradong magagalit na naman sakin si Janna nito."
"Hahaha. Im sure Janna will kick you out on your room. Hindi mo ba naman kase nahanap yung pagkain na gusto nya eh."
"Bakit ba naman kasi sa dami ng pinaglilihian nya yung manggang walang buto pa. Saang planeta ba naman ako hahanap nang ganun dud." Napailing na lang ako sa naririnig ko. Meron bang ganun, Manggang walang buto. Aniya sa isip ko.
"Ayan kasi binuntis mo kaagad sa takot na maiwanan ka eh, Hahaha hindi mo to gayahin si Zid patikim tikim lang walang sinisiryoso." Natatawang sabi nung isang lalaki, Lihim akong napailing sa narinig. Paano naman yung mga babaing iniiwan pagkatapos tikman, Mga lalaki nga naman.
"Fuck off Lhoyd, Wag mo kong itulad sayo." Natigil ako sa ginagawa ng marinig ang boses na yun. Parang pamilyar ang boses na yun pero parang napaka imposible din. Sa isiping kilala ko ang may ari ng boses ay napapikit ako at sinubukang alalahin ang Boses na narinig.
"Alam nyo namang matagal ko nang gustong magka anak, it's been five years when I and Janna got married. Kung Hindi lang dahil sa pag momodelo ni Janna baka nga marami na siguro kaming Anak ngayon eh."
"Ang tagal na rin pala dud, Buti nakatiis ka."
"Yeah, I love her that's why. Bakit ikaw Lhoyd, Ang tagal mo na rin namang hinihintay na bumalik Yung first love mo ha."
"I don't know Kung magkikita pa kaming ulit nun. You know, Ang laki nang kasalanan ko dun at sigurado akong Hindi ako mapapatawad 'nun."
"Dud, collage pa kayo nun. I'm sure pag nagkita na kayo ay nakalimutan na Yun 'nun."
"I hope so."
"How about you Zid? Nakita mo na Yung babaing pinapahanap mo?"
"Hindi pa."
"Tsk. Kung si Lhoyd may hinihintay ikaw Naman may hinahanap, come'on dud maraming babaing nakapila sa inyo. Bakit hindi na lang kayo mamili sa kanila."
"Fuck you..."
"Sir Ito na po ang two dozen of roses nyo." Napadilat ako nang marinig Ang Boses ni Emily. Hindi ko Alam Kung bakit masyado Kong napag tuunan nang pansin Ang pag iisip sa Boses na narinig ko. I'm sure baka Isa lang sa mga naging costumer namin ko narinig ang Boses na yun.
Itutuloy ko na sana ang ginagawa ko ng maramdamang parang may nagmamasid sa akin. Hindi ko alam kung bakit biglang kinabahan ako kaya napalingon ako sa likod ko At halos pakiramdam ko ay para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakita. Sa loob nang limang taon, Ngayon ay nasa harap ko na ang lalaking ni minsan at hindi nawala sa isip ko. Ang mukha ng lalaking umangkin sakin nang gabing iyon. Nakatitig din Ito sa akin at bakas din sa mukha nito ang gulat, Napatayo ito habang nakatitig dahilan para muli kong maramdaman Ang pag bilis nang tibok ng puso ko. Limang taon na Ang nakalipas nang huli ko itong maramdaman at ngayong nakita ko itong muli ay bumabalik na naman Ang pakiramdam na minsan kong hinap hanap.
Nang mapansing lalapit Ito ay agad akong napatalikod at mabilis na nag lakad papasok sa aking opisina. Masyadong naging mabilis Ang pangyayari, Kanina lang ay iniisip ko Ito at ngayong muli kaming nag kaharap ay Hindi ko alam  kung bakit bigla akong nakaramdam nang takot.
Nakita ko ulit sya. Nakita ko ulit ang lalaking umangkin sa akin limang taon na Ang nakakalipas. Ang lalaking minsang nagpabilis ng tibok ng puso ko. Ang ama ng aking anak. Nang maisip ang anak ko ay napasandal ako sa pinto at padausdos na naupo.
Paano pag nagkita ulit kami. Paano pag nalaman nitong  nagkaanak kami. Alam kong hindi nito tatanggapin si Xander na dugo nito at yun ang ayokong mangyari ang masaktan nito ang anak ko. Mali man pero ipanapanalangin ko na sana ay hindi na muling magtagpo pa ang landas namin. Naisip ko na posible rin yun dahil sino ba naman ako para muli pa nitong balikan dito. Alam Kong nasa isip nito na isang bayarang babae lamang ako, Kaya naniniwala akong hindi ko na muling makikita pa Ang lalaking yun.
Nagtagal pa ko ng ilang minuto bago ulit lumabas. Wala na ang mga costumer kaya unti unti na ring nawalan Ang kaba sa dibdib ko. Pag lapit ko sa ginagawa ko kanina ay lumapit sa akin si Emily at may inabot na papel. Nagtataka ko naman itong tinanggap.
"Pinapabigay po ng isa sa mga costumer kanina ma'am yung pinaka pogi sa kanila." Aniya nito na parang kinikilig pa. "Sabi pa nya ibigay ko daw po yan sayo." Tumango Lang ako dito at tumalikod na ito. Agad ko namang binuklat Ang papel at binasa Ang laman nun. At halos pakiramdam ko ay nagtaasan Ang mga balahibo ko at muli namang bumilis ang tibok nang puso ko sa nabasa.
" It's you. Finally. Don't you dare to run away again woman. Sisingilin pa kita. "
                                        -Z.M.
Ibig sabihin ay namukhaan nya din ako. Gusto ko sanang magdiwang sa isiping nakilala nya ko, Pero Ang kaba at takot na nararamdaman ko lalo na para sa Anak ko ay Hindi mawala.
Sisingilin? Saan? Sa pagkakaalam ko ay wala akong naging utang dito bukod sa binayaran nya ko nang gabing yun. Sa sinabi nito sa sulat ay pakiramdam Kong magkikita at magkikita pa kaming muli, At yun ang ayoko sanang mangyari. Pero mapipigilan ko pa kaya Kung ngayon palang ay sinasabi na nitong darating muli ang oras na makikita ko ulit na kami. Makikita ko ulit sya.

Komento sa Aklat (410)

  • avatar
    VillamorAngelo

    i love the story that i read .... i was amazed to read every details and the frequency of what happened to the story ... the characters everything was good... i hope i could read more of your books...

    29/12/2021

      1
  • avatar
    ellieysian

    Constructive Criticism The plot twist of the story is kind of "hiding and chasing." I love the character development, especially that of the male lead. Typographical errors seems normal, but a lot of words were misspelled. Some of the lines are difficult to read because of the ungrammatical. Moreover, there is a lot to improve, which can fully let the reader grasp the message and understand the flow of the story. Anyway, Congratulations for writing the Unforgettable Night!

    29/12/2021

      1
  • avatar
    LozadaCecile

    Author Thnkyou your Story Is One of the best.. More Story to write pls.. I'm waiting and i want to read your next Story .. Happy New year Author Godbless You

    26/12/2021

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata