logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

KABANATA 2: Takot at Pananabik

Halos lumuwa ang mata ng magkaklase ng makita nila si Ms. Trey na nakatayo malapit sa pinto. Magkasalubong ang dalawang kilay at nakahalukipkip habang nakatingin sa kanila ng matalim. Bakas sa mukha nito ang galit na kahit sinuman ay mas pipiliin na lamang magtago dahil sa awra nitong parang toro na handa nang sumugod.
“Kanina pa ako nagtitimpi sa inyo ha! Ang iingay n’yo! Yung mga boses ninyo rinig hanggang kabilang kanto!!!” sabi ni Ms. Trey habang pinapagalitan sila sabay tinitigan isa-isa na ngayo’y natamimi at nanginginig sa takot.
Nabalot ng nakabibinging katahimikan ang buong silid na kahit ang hampas ng hangin at pagaspas ng mga pakpak ng ibon sa himpapawid ay tiyak mong maririnig. Ni isa’y walang nagtangkang magsalita sa takot na mabugahan ng naglalagablab na apoy mula kay Ms. Trey.
Batid kasi nila na iba kung magalit itong si Ms. Trey na siyang tinagurian nila na “Maam Sungit”. Siya ang University Vice President sa paaralang pinapasukan nila kaya gayon na lamang ang takot ng mga estudyante sa kanya. Kung tutuusin ay mas takot pa ang mga estudyante sa kanya kaysa, University President na kalmado at tila kaibigan kung makitungo sa mga guro’t mag-aaral.
Gayunpaman sariwa pa rin sa isipan ng mga estudyante yung panahong sinuspinde ni Ms. Trey ng isang buwan ang dalawang estudyante dahil nahuling naglalaro ng Tong Its sa cellphone nila habang nagtuturo siya sa harap ng klase. Pinaparusahan niya ang lahat ng mga pasaway sa paaralan kahit pa hindi naman gaanong mabigat ang kasalanang nagawa. Kaya ganun na lamang ang magkahalong takot at kaba na kanilang nararamdaman tuwing nandiyan siya.
At takot sila na baka hindi na sila payagang sumama sa inaasam-asam nilang field trip dahil lang sa saglit na pag iingay na naidulot nila at baka hindi lang yan ang aabutin nila kundi malala pa.
“Sorry po ma’am, hindi na po mauulit. Nagkatuwaan lang naman po kami.” Sabi ni Greg, ang binansagan na “Loner” sa barkada dahil mas gusto pa niyang mag-isa at makinig ng musika.
“Gregory Lasopo, nagkatuwaan lang? Alam ba ninyo na halos hindi na marinig ng mga estudyante ko sa katabing silid ang mga pinagsasabi ko?” galit na sagot ni Ms. Trey sa binata.
“Ikaw naman, Ryan Trino. Boses mo yung pinakamalakas at daig mo pang nakalunok ng megaphone! Kahit pa pamangkin kita ay makakatikim ka pa rin sakin kapag hindi ako nakapagpigil!” banta niya sa pamangking si Ryan na ngayo’y napayuko na lang.
“Sorry po ma'am Sung…. este maam Trey.” padabog na sagot nito habang patuloy na nakayuko
“Oh siya! Magsisilbi itong babala sa inyo ha? Na kapag nag-ingay pa kayo ulit sa oras ng klase ay ipapatawag ko ang mga magulang ninyo at titiyakin ko na mapaparusahan kayo. Pasalamat kayo at mabait ako ngayon,” saad ni Ms. Trey na medyo humuhupa na ang galit.
“Mabait daw, hindi naman tsk. Ano ba naman itong tiyahin ko, palaging galit halatang kulang sa pagmamahal. Palibhasa walang jowa kaya laging highblood.” Bulong ni Ryan na narinig naman ng mga katabi niya.
Siniko siya ng katabi niyang si Paul na nagpipigil ng tawa. Alam kasi niya na may punto rin naman si Ryan kung bakit laging mainit ang ulo ni Ms. Trey kaya wala itong lovelife. Sa batch kasi nila, siya na lang ang nanatiling dalaga samatalang ang iba ay may kaniya-kaniya ng pamilya.
“May sinasabi ka ba Ryan?” tanong ni Ms. Trey habang nakataas ang isang kilay.
“Ahh wala po ma'am. Kinakausap ko lang po ang sarili ko. Kinakamusta ko lang po kung okay lang ba kami,” padabog na sagot nito habang patuloy na nakayuko
“Hmm… Ganun ba? Huwag mong araw-arawin yan at baka matuluyan ka. Tandaan mo wala sa lahi natin ang baliw, baka ikaw ang kauna-unahan kaya umayos ka.”
Nakahinga nang maluwag ang mga mag-aaral nang tuluyan ng nilisan ni Ms. Trey ang silid at pumasok sa katabing room para ipagpatuloy ang naudlot na talakayan. Samantalang si Ryan naman ay napailing na lamang at napakamot ng ulo habang siya’y pinagtatawanan ng kanyang mga kaibigan, bagay na hindi na bago sa kanya.
“Nakakatakot talaga si Ms. Trey noh? Akala ko paparusahan tayo niya tayo tulad ng ginawa niya sa HRM section nung nakaraang linggo,” sambit ni Kannah na napabuntong-hininga na lang. Siya naman ang tinatawag na “Imba” sa klase dahil sa hilig niya sa kompyuter lalo na sa hacking at paglalaro ng dota.
“Oo nga eh, pero alam mo naiintindihan ko siya. Nais lang naman niyang disiplinahin tayo eh.” sang-ayon naman ni Keisha sa kaibigan niya, ang binansagang “Queen” sa klase dahil sa kagandahang taglay at sa mga napanalunang mga beauty contest sa loob man o labas ng kampus nila.
May kanya-kanya ng mundo ang lahat na para bang walang Ms. Trey na kaninay pumasok sa classroom. May nagtitiktok, nagmi-makeup, nagpi-facebook, nagML, nagbabasa ng libro at nagkukuwentuhan. Abala ang lahat sa kanilang mga ginagawa ng biglang sumigaw ang kaklase nila na si Trixie.
"Guys! Nandiyan na si Sir!” sigaw ni Trixie na laging nag-aabang sa labas ng pinto. Siya ang may code name na “Kakao” na nagsisilbing mata nila at taga-anunsyo kapag paparating na ang kanilang guro.
“Magandang araw sa lahat. Alam kong sabik na sabik na kayong pag-usapan ang field trip. Sino ba sa inyo ang gustong sumama?” tanong ni Prof. Alcantara na abot-tainga ang ngiti. Siya ang mabait, pinakabata at gwapong guro sa campus subalit kahit ganun ay wala pa rin siyang girlfriend dahil kagagaling lang niya sa isang break-up.
Siguro hindi pa siya nakamove-on o baka hindi pa siya ready pumasok sa isang relasyon. Hayysss... Di bale na nga lang tutal buhay niya naman yan.
"Ako prof, sasama po ako!” presenta ni Yonnie habang nakataas pa ang kanang kamay. Siya naman ang binansagan na “Chef” sa klase dahil sa pagiging magaling nito sa pagluluto.
“Kami po sir!” sigaw ng magbabarkadang sina Ryan, Paul, Soy at Jeric na subrang halata na excited sumama sa field trip. Ang lalapad ng mga ngiti eh parang nanalo sa lotto.
“I’m in!” sabi naman ni Sunny na nakataas pa ang isang kilay habang nakatingin lang sa guro nila. Siya ang pinakamataray sa lahat ng agriculture students na para bang malaki ang galit sa mundo kaya tinagurian siyang “Witch” dahil sa kamalditahan niya.
“Okay class, relax lang. Mahina ang kalaban. Kung gusto niyong sumama ay ilista niyo na lang ang mga pangalan ninyo sa isang buong papel na ibinigay ko kay Trixie.” paliwanag ni Prof. Alcantara.
“Nga pala bago ko makalimutan, ang field trip natin ay gaganapin na sa darating na sabado, sa ika-13 ng Agosto. Kaya habang maaga pa ay maghanda na kayo dahil sa susunod na araw ay babiyahe na tayo,” dagdag pa niya.
Karamihan sa mga mag-aaral ay masayang isinulat ang kanilang mga pangalan sa isang buong papel na hawak ni Trixie. Bakas sa mga mukha nila ang pananabik habang mangilan-ngilan lamang ang walang imik.
“Sir, tapos na po. Mukhang kompleto na po ito,” sambit ni Trixie at iniabot ang listahan kay Prof. Alcantara.
“Okay class, ito na pala yung mga final na sasama sa field trip. Makinig kayong lahat dahil babasahin ko ang mga pangalang nasa listahan," sabi ni prof. habang tahimik na nakikinig ang lahat.
"Androledo, Tisoy
Asuncion, Trixie
Carpan, Trevor
Depp, Jeric
Di maano, Paul
Lasopo, Gregory
Lastimosa, Sunny
Sarin, Yonielita
Taribay, Kannah
Tesalan, Keisha
Trino, Ryan."
“Kung may nais pang magpalista, pumunta lang kayo sa opisina ko. Tapos na ang klase natin sa araw na ito. Maaari na kayong umuwi, paalam.”
Nang makaalis na si Prof. Alcantara ay dali-dali ring lumabas si Trevor.
“Mga pre, una na ko sa inyo ha? May training pa kami eh malapit na kasi ang championship namin,” paalam ni Trevor sa mga kaibigan.
“Oo nga noh, tiyak maraming chicks na naman ang babalandra sa school gym natin. Hayaan mo pareng Trevor irereto kita sa kanila,” sabi ni Paul na kaagad namang binatukan nina Jeric at Ryan.
“Kahit kelan talaga chicks lang ang nasa isip mo eh. Kailan ka ba titino ha? Ang babae hindi pinaglalaruan, minamahal yan!” pangaral naman ni Greg kay Paul.
Namangha ang magbabarkada sa sinabi ni Greg. Madalang lang kung magsalita pero laging may sense ang sinasabi nito.
“O siya, alis na ko mapapagalitan pa ko nito eh. Kita na lang tayo bukas,” paalam ni Trevor at kaagad naman na tumango ang mga kaibigan niya hudyat na maaari na siyang umalis.
Tumakbo lang nang tumakbo si Trevor sa takot na mapagalitan ng coach nila. Ilang sandali ay tanaw na niya ang court kung saan sila magti-training.
“ARAY NAMAN!” reklamo ng isang babae na nabunggo ni Trevor.
“Hala, sorry miss. Sorry talaga, nagmamadali kasi ako eh kaya di kita napansin.” sabi ni Trevor habang nakayuko pa rin at pilit inaabot ang nasirang dayorama ng babae dahil sa lakas ng pagkakabunggo niya.
“TREVOR???”
Nagulat si Trevor nang tinawag nito ang kanyang pangalan. Halos hindi siya makapaniwala ng mapagtanto niya kung sino ang babaeng nasa harap niya, at bigla nalang gumuhit ang isang matamis na ngiti sa kanyang labi.

Komento sa Aklat (221)

  • avatar
    Luuuuuuucccaaaasss

    Ang ganda ng story at medj nakakaiyak dn HAHA pero sana may update soon susubaybayan k po ito!<3

    08/05/2022

      0
  • avatar
    Gemma Depalan

    High quality and meaningful story! it's not just a horror but it is how people change when having difficult situations in their lives. sacrifices, betrayal and lies. wow! antalino! You Deserve my tip!

    12/12/2021

      1
  • avatar
    Analiza Rivas

    Ilang kabanata pa lamang ang nabasa ko ngunit ngayon pa lang ay masasabi ko na maganda ang nobelang ito. Maayos ang pagkakahabi ng mga pangyayari, malinaw ang karakterisasyon ng mga tauhan at kahit puno ng katatakutan ang mga kabanata ay hindi maikakailang iniugnay ng manunulat sa tunay na buhay ang ilang eksena o tagpo. Aabangan ko ang update ni Author...

    10/12/2021

      6
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata