logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 01

"Kara?" dinig ko ang pagkatok ni nanay sa pinto, bumuntong hininga naman ako bago itinigil ang ginagawa.
Tumayo naman ako para buksan ang pinto.
"Nay?"
"Nasa labas ang mga kaibigan mo! Kanina kapa hinihintay." namilog naman ang mata ko ng maalalang may gagawin pala kami! Shit!
Nagmamadali naman ako sa pagbihis, bumaba narin ako at isinuot ang boots ko, maputik na kasi ang lalakarin namin dahil simula nadin ang tag-ulan.
"Kanina kapa namin hinihintay babae ka! Baka maabutan na naman tayo ng ulan!" pagrereklamo ni ella. Napabusangot naman ako.
Nag umpisa narin kaming umalis dahil malayo pa ang lalakarin namin! Bukid pa naman to.
"Nga pala Kara" napatigil naman ako sa paglalakad at tumingin kay joy,
"Bakit?" taka kong tanong.
"Nabanggit pala sa amin ng nanay mo na balak mong mag aral sa de la salle?" kumunot naman ang noo dahil dun.
"Paano naman ako makakapag aral dun e wala kaming pera! Mahal kaya ng tuition!"
Nagpatuloy naman kami sa paglalakad habang pinag uusapan nila ang magiging Buhay ko dun kapag natuloy ang plano kong pag aaral.
"Gusto ko din sana! Kaso alam mo naman yun si tatay baka maghimutok na naman!" napakamot naman sa ulo si Ella.
Napailing nalang ako. Suportado naman sakin ang mga magulang ko, masipag naman si tatay sa pagbubukid kaya walang problema. Pero ayaw ko naman mapalayo sa kanila dahil dito na ako nasanay, andito na rin ang mga kaibigan ko.
"Kayo ba? Plano niyo parin ba mag-aral?" tanong ko pagkatapos ng ilang minutong pananahimik namin. Natanaw ko naman ang mga kaibigan ni papa na nagtatanim. Kumaway naman sila amin kaya napangiti naman ako.
"Ako gusto ko magpatuloy, pero hindi pa sa ngayon. Mag iipon muna siguro ako at tutulong nalang muna kila inay na magtanim sa bukirin namin. " napatingin naman ako kay mika, parang bigla akong naawa ng makita ang pasa sa gilid ng bibig nya. Gusto ko sanang punahin iyon kaso alam kong magagalit siya dahil nangigialam na naman ako. Tarantado kasi ang tatay nya! Lagi siyang sinasaktan pero hinahayaan nya lang!
Naramdaman ko namang may pumatak sa mukha ko kaya tumingin naman ako sa kalangitan, mukhang uulan na naman! Nakita ko namang may kubo sa di kalayuan kaya inaya ko silang bilisan ang paglalakad para hindi kami mabasa.
Sumakit naman ang paa ko dahil sa suot na boots! Medyo masikip nadin ito dahil matagal na ito.
Malayo pa ang lalakarin namin bago kami makarating sa pupuntahan namin! Pagod na ako!
"May dala ba kayong tubig?" tanong ko. Nauuhaw na ako, wala naman akong dinala dahil sa pagmamadali kanina.
"Sa susunod gumising ka ng maaga para makapag baon ka!" naiiling naman si Ella bago inabot sakin ang dalang tubig.
Palakas naman ng palakas ang ulan kaya nagsiksikan naman kami dahil maliit lang naman ang espasyo.
Natanaw ko naman ang isang lalaking papalapit samin. Namukhaan ko din agad iyon dahil sa suot na sumbrero!.
"Mang Elliott!" tawag ko. Sumilong naman agad sya bago inabot sakin ang plastic. Tinignan ko naman kaagad iyon, Tupperware iyon kaya binuksan ko!
"Para sa akin ho ba ito?" tanong ko, tumango naman sya bago huminga ng malalim, napagod siguro sya.
"Pinadala yan ng tatay mo! Dahil hindi kapa kumakain ng agahan, buti nalang at naabutan ko pa kayo! Saan ba ang punta niyo?"
"Sa bahay nila kiko ho! Kailangan namin sya bisitahin dahil Balita namin ay lumalala na ang sakit niya.!"
Tumango naman ang matanda bago nag paalam dahil may gagawin pa daw siya, nagutom naman ako kaya kinain ko na din ang binigay ni mang Elliott!
"Bilisan niyo kumain! Para maaga tayong uuwi mamaya!" pagrereklamo na naman ni ella. Napairap naman ako.
Pagkatapos ay nagsimula nadin kaming tumulak, tumila nadin ang ulan. Ilang minuto pa ang paglalakad namin ng matanaw na namin sa di kalayuan ang bahay nila kiko.
Nagmamadali naman kaming lumapit dun, nakita ko naman ang mga kamag-anak nila! Mabuti na iyon dahil para hindi mahirapan ang mama ni kiko sa pag-aalaga.
"Kamusta ho si kiko?" lumapit ako sa mama nya at nagmano, napansin ko naman ang pamumula ng mata niya. Mukhang kagagaling nya lang sa pag iyak.
"Ayaw nyang kumain! Tapos kagabi ay nanginginig siya halos Wala na akong tulog dahil binabantayan ko siya. " tumango tango naman ako, nagpaalam naman kaming papasok sa loob para Makita siya.
"Hoy Kiko! Magpagaling kana! Namimiss kana namin!" papadyak padyak ni joy. Tinitigan ko naman si kiko na nakatitig lang sa kisame.
Bigla naman akong naawa ng makita ang napaka payat niyang katawan. Dati ay napakaganda ng katawan niya, madami pa ang nagkakagusto sa kanya dahil nakapagaling sa paglalaro ng basketball.
Pero kung ikukumpara mo sa ngayon napakalaki ng nabawas sa kanya, napailing nalang ako bago hinila ang upuan sa gilid at umupo.
Naalerto naman kami ng biglang gumalaw si kiko!
"K-kara" mahina ang pagkakabanggit niya pero sapat na yun para marinig namin, lumapit naman ako sa kanya dahil mukhang may gusto siyang sabihin.
"May masakit ba sayo? Gusto mo bang kumain?" tanong ko, dahan-dahan naman siyang umiling.
"M-mag aaral k-ka na u-ulit?" hirap na hirap na tanong niya sakin. Napabuntong hininga ulit ako.
"Hindi ko alam, ayaw ko namang iwanan ang mga nakasanayan ko dito! Tsaka Kiko wala pa akong ipon!"
"Magpagaling kana para sabay-sabay na tayo mag aral ulit!" si ella.
Tumango naman ako para sumang ayon sa sinabi ni ella. Nag iwas naman ng tingin si kiko kaya kumunot ang noo ko.
"W-wala na a-akong pag-asa"
Napakagat naman ako sa labi ko para pigilan ang pag uulap ng tingin ko. Simula bata palang ay kami na ang magkakasama! Halos hindi narin mapag hiwalay dahil kami kami lang din ang magkakabati sa lahat ng bata dito sa lugar namin.
"Tangina!" napamura ako ng dahil dun! Alam kong may pag-asa pa siya!
Tumawa naman si ella. "a-ano kaba! Wag ka namang ganyan! Pangit mo magbiro!"
Pero hindi nakatakas sa paningin ko ang tuloy tuloy na pagtulo ng luha niya. Parang kalabit naman iyon dahil tumulo nadin ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Nag iwas ako ng tingin para punasan ang luha ko.
"L-leave me a-alone please?" parang nagmamakaawa ang boses niya. Umiling naman kami!
"No! Dito muna kami!" sabi ko.
"Ayaw mo bang andito kami? Ang layo ng nilakad namin para makapunta dito kiko!" Si ella.
"Sana h-hindi na lang k-kayo pumunta."
Sa huli ay sumuko kami, iniwan namin sya dun. Lumabas naman kami para umupo sa labas, kumunot naman ang noo ko ng may nagsisidatingang kotse. Mukhang mayaman! Napailing nalang ako.
Halos malaglag naman ako sa kinauupuan ko nang makita kung sino ang bumaba sa sasakyan! Napaayos naman ako ng upo dahil nagtama ang tingin namin! Shit! Who the hell is this guy? Wala akong maalala na may kakilang mayayaman ang pamilya nila kiko.
Lumapit naman ang mama ni kiko para batiin ang mga bagong bisita nila, hindi ko parin tinatanggal ang tingin ko sa lalaki!
Halos manigas naman ako sa kinauupuan ko nang kailangan naming magpakilala sa kanila bilang kaibigan ni kiko!
Nag unahan naman ang mga kasama ko para lumapit sa kanila, ako naman ay nanatili sa pagkakaupo.
Nang natapos sila ay ako ang sumunod na lumapit sa lalaki, ay aba! Sya dapat ang unahin ko!
Umawang ang labi ko ng inilahad nya ang kamay sakin. Tumitig ako roon at nakita kong seryosong inaantay nya ang kamay ko kaya iniangat ko sinalubong ang kamay nya.
His rough, strong hands touch mine, kumalabog ang puso ko at tumitig sa mga mata niya.
"Clark"
His dark brown eyes stared intently at me, he's calloused, rough hand felt so firm and warm against mine.
I noticed how he looked so playful yet serious all this time, his furrowed brows, his thin lips and stubborn jaw.
There is something in his eyes that keeps me looking at him, ni hindi ko na napansing magkahawak pa rin ang aming kamay roon matapos ang shakehands.
"Miss?" His baritone, cold voice called.
I froze, mabilis na napabitaw sa kanyang kamay at naapayos ng tayo.
I glanced at him and licked my lower lip.
"Uh, I haven't introduce myself to you." I said, clearing my throat and standing firmly.
"You can call me kara." I said softly.
He stared at me, his eyes seems too serious but enough to make me feel uneasy and nervous.
Pagkatapos kong magpakilala ay bumalik ako sa kinauupuan ko! Napahinga naman ako ng maluwag nang pumasok sila sa loob, hanggang ngayon ay wala pa akong ideya sa pagpunta nila rito.
"Naku! Todo ngiti ka dyan!" siniko naman ako ni ella. Napairap naman ako.
"He's so handsome" I murmured.
"Super!" tili ng mga kasama ko. Napailing nalang ako, Parang ayaw ko na tuloy umuwi mamaya! Dito nalang ako!
"Halina kayo rito! Kumain na kayo!" natigil kami sa tawanan nang marinig namin ang tawag ng mama ni kiko. Tumayo naman kaagad ako para pumasok sa loob,bahala nang maiwan ang mga kasama ko! Sakto at nagugutom na din ako.
"Ano pong niluto niyong ulam?" medyo nilakasan ko pa ang boses dahilan ng paglingon nung lalaki!
"Adobo ang niluto iha, pasensya na at iyon lang nakayanan" pabiro ko namang hinampas ang braso ni tita.
"Okay lang ho! Masarap naman po yun" sabay tingin ko sa lalaki. "Yummy"
"Oo nga yummy" sabi ni tita. Natawa naman ako!
Nag unahan naman kaming umupo, syempre hindi pwedeng mawalan ako ng pwesto! Kaya hinila ko kaagad ang upuan sa harap nung lalaki!
Napatingin naman sya sakin, blangko ang ekspresyon niya, napangiwi naman ako.
"Okay lang kung dito ako umupo sa harap mo?" tanong ko, mariin naman siyang tumingin sakin!
Hindi naman niya ako sinagot kaya napasimangot akong umupo.
"Sungit!" bulong ko.
"Malandi ka talaga bruha!" siko sakin ni ella. Napairap naman ako.
Nagsimula nadin kaming kumain, dahan dahan naman ako sa paglamon dahil nakakahiya naman kung subo ako ng subo! Tsaka nasa harap ko yung lalaki! Baka ma turn off!
"Ang sarap!" malakas na sabi ko. Napatingin naman sakin yung lalaki kaya lumawak ang ngiti ko. "Mo"
Namilog naman ang mga mata ko ng mabilaukan siya! Napatayo naman ako para lumapit sa kanya. Inabutan naman sya ng tubig ni tita at ako naman ay hinaplos ang likod nya!
Natatawa naman akong tinignan ng mga kasama ko.
"Okay na ko" ika ng lalaki. Tumango naman ako bago bumalik sa kinauupuan.
Naabutan ko naman syang nakatitig sakin kaya kininditan ko sya, napaubo naman sya dahil dun.
"Ano ba yan! Hindi ba masarap ang pagkain iho?" kapagkuwan ay tanong ni tita.
Pinilit ko ang sariling hindi tumawa. I tried my best to hide my emotion and remained calm.
"Ay! Hindi po ata sya sanay!" sabi ko. Taka naman silang tumingin sakin.
"Hindi sanay? Saan?" tanong ni tita.
"Hindi po sya sanay kumain kapag maganda ang kaharap nya!" ngumisi naman ako at tinaas taas ang kilay.
Napuno naman ang tawanan sa loob ng bahay. Maliban lang sa kaharap kong lalaki! Napaka sungit talaga!

Komento sa Aklat (50)

  • avatar
    Kavin Raj

    Nice super story I wonder to read more

    25/04/2022

      8
  • avatar
    bennoeilerson

    nice novel

    16/07

      0
  • avatar
    aranezavee

    good

    23/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata