logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 10

Zedic's POV
"Iho nu'ng lunes pa iyang sugat mo sa kamay ah ipatingin mo na kaya sa doctor baka mapano pa 'yan," saad ni Aling Sol sa akin habang nagsasalin ito ng tubig sa baso ko, napansin pa rin siguro nito ang gasang nakalagay sa kamay ko.
Noong lunes na gabi pa nga ang sugat na ito pero hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin ang hapdi sa ilang hiwa sa palad ko na natamo ko dahil sa nabasag na baso.
Buti na nga lang at hindi pinapansin ng mga istudyante ko ang nakikita nila sa kamay ko nitong mga nagdaang araw.
"Oum naisip ko na nga rin dumaan sa clinic ni Sanchez bago ako pumasok sa office," saad ko naman. Si Sanchez ay doctor na kilala ko na siyang matalik na kaibigan ni kuya.
Habang kinakausap ako ni Aling Sol ay naglakay na ako ng kanin sa plato ko upang makapag almusal bago ako pumasok sa opisina.
"Mabuti 'yan, siya nga pala tumawag ang mommy mo kagabi hinahanap ka kaso hindi ko nasabi sa'yo dahil hating gabi ka na umuwi at nakatulog na rin ako."
"Hayaan n'yo 'yon si mom sermon lang naman lagi ang aabutin ko roon kapag nag-uusap kami."
"Anong oras uwi mo mamaya?" tanong na nito.
"Gabi na siguro marami akong nakatambak na gawain ngayon sa opisina," sagot ko kasabay ng pagsubo ng pagkain sa bibig ko.
Ilang saglit pang pag-uusap namin ni Aling Sol ay iniwan na rin ako nito, matapos kong makakain ay agad na akong umulis.
Sa hospital ang unang dinaanan ko upang ipatingin ang sugat ko para gumaling na rin ito, dahil hindi ko rin magamit ng maayos ang kaliwang kamay ko.
Nakarating ako sa hospital at hininto ang kotse sa tapat noon, nag text pa muna ako kay Carlos na late ako papasok dahil may dadaanan pa ako, matapos ay agad na akong tumuloy sa hospital. Umakyat ako ng hagdan upang tunguhin ang opisina ni Sanchez na nasa ikalawang palapag, ilang beses na rin akong nakapunta sa opisina nito kaya alam ko na ang daan patungo roon.
Walang katok-katok akong ginawa ay agad kong binuksan ang pinto ng silid na iyon.
"Mr. Lim napadaan ka yata?" saad nito ng makita akong pumasok sa may pinto kaharap lang ng desk kong saan rin siya nakaupo. Pagtango lang naisagot ko rito.
"Anong kailangan mo Mr. Lim?" tanong nito pero hindi pa man ako nakakasagot ay nabaling na ang tingin nito sa kamay ko at mukhang nagka-ideya na siya kung ano ng sadya ko.
"Bilib na talaga ako sa'yo noong isang beses na napadaan ka rito iyang kamay mo rin ang pinatingnan mo, ngayon hindi na ako magtataka kung kamay na naman... Bukod sa pagsuntok sa pader anong kalukuhan na naman nangyari at may binda 'yang kamay mo?" mahabang sabi nito.
"Nakadiskubre na naman ako ng bagong kakayahan na hindi ko akalaing kaya ko pa lang gawin," nakangising sagot ko habang naglakad na palapit rito.
"Anong kakayahan naman iyon?"
"Isang kakayahan na magagawa ko palang basagin ang baso gamit lang ang kamay." Nagmamalaki kong sabi.
"Grabe ka Mr. Lim sa dami ng p'wedeng pagbuntungan ng galit, bakit hindi ka bumili ng punching bag at ilagay mo sa kwarto mo para may pagdidiskitahan ka niyang galit mo," saad ni Sanchez.
Marahil nasasabi niya ang bagay na iyan dahil kilala na rin ako nito, pati na ang mga katangiang 'di nakikita ng iba sa akin alam ni Sanchez dahil na rin naikukuwento iyon sa kanya ni kuya dati.
"Wag mo na nga akong sermunan pwede ba? gamutin mo na ako papasok pa ako sa trabaho." Iritadong sabi ko. Pinaupo na ako nito sa isa sa dalawang silya sa harap ng desk niya at naupo rin siya sa isa pa kaharap ko.
Saka naman nito sinuri ang sugat ko sa kamay.
"Tara sumama ka sa'kin sa operating room." Tumayo ito na sunod ko namang ikinagulat na ang sadya ko lang ay ipatingin ang sugat ko pero kailangan pa pala na pumunta sa operating room.
"Pinagluluko mo ba ako Sanchez!" bulyaw ko rito. "Bakit kailangan pang sa operating room kung pwede naman dito."
"Malala na 'yang sugat mo sa kamay kailangan nang putulin."
"Umayos ka baka iyang ulo mo ang una kong putulin sinasabi ko sa'yo." Dinuro-duro ko ito kasabay ng inis ko ay ang paghagalpak nito ng tawa.
"Hahaha, nag-iba ka na talaga Zedic hindi ka naman dating gan'yan."
"Wala kang pakialam Sanchez," inis ko paring sabi sabay pinakawalan ang malalim na buntong hininga.
"Doctor, Doctor Sanchez," pagtatama nito sa tawag ko sa kaniya habang pinandilatan pa ako nito ng mata niya.
"Shut up your fvcking mouth and do your job asshole."
"Okay fine, nakapa init ng ulo mo ah hindi ka ba na score sa shota mo?"
"I said shut up, baka bitayin kita gamit 'yang stethoscope mo." Pagbabanta ko na rito dahil sa inis kahit natatawa ay sapilitan itong sumunod na lang saka lininisan ang sugat ko.
Hindi nalalayo ang ugali ni Sanchez sa kuya ko, marahil kaya sila naging matalik na magkaibigan ay dahil pareho sila kung mag-isip lalo na ang paraan nito ng pagkausap sa akin na alam niyang ikakaasar ko.
Hindi nagtagal ay natapos na rin namang gamutin nito ang sugat ko, ilang gamot pa ang ibinigay nito sa akin upang makatulong sa paghilom ng sugat na agad ko namang tinanggap saka ko ito binayaran ng doble para sa konsultasiyon ko sa kaniya.
Iyon ang trabaho niya kaya kahit simpleng check up lang kailangan may bayad.
Hindi na ako nagtagal pa at walang kahit pasasalamat akong ginawa at agad na nilisan ang clinic na iyon.
Samantala habang naglalakad na ako upang makababa na sana ay natigil ako sa paglalakad ng makita ang isang pamilyar na tao ang isa kong istudyante.
"Miss Flor?" wala sa sariling na usal ko ng ipinagtaka ko pa kung bakit nandito ito ngayon sa hospital.
Malayo ang pagitan namin ngunit nakilala ko ito, nang lumabas siya sa isang silid.
Lubos kung ipinagtaka ang kakaibang awra ng mukha nito na hindi ko akalaing gano'n iyon kalungkot na kahit isang beses ay hindi ko iyon nakita sa mukha niya tuwing nasa klase kami.
Ang paghakbang ng mga paa niyang iyon ay tila ba may mabigat na bagay na nagpapahirap sa kaniya na pilit niyang nilalabanan, mabagal ang mga hakbang niya kasabay ng mga bagsak na balikat nito.
Ibang-iba ang nakikita kong miss Flor ngayon kisa sa miss Flor na masayahin, maingay at palaging late sa klase ko.
Nababalot ng kalungkutan ang buong mukha niya ngayon at mukhang pinipilit niyang maging masaya tuwing nasa harap ng lahat.
Pinanood ko lang ito papalayo at mukhang hindi rin ako nito napansin, hindi ko na inisip kahit late na ako sa trabaho dahil ang kuryusidad sa loob ko ang nangingibabaw at gustong alamin kung ano o sino ang nasa loob ng silid na iyon kung saan lumabas si miss Flor dahil alam kong iyon ang dahilan kung bakit gano'n kalungkot ang itsura niya.
Lumapit ako sa mismong silid kung saan ito lumabas, alam kung mali ang manghimasok sa buhay ng iba ngunit kailangan kong malaman ang dahilan marahil kaya siya palaging late pumasok ay dahil sa sitwasyon niya.
Marahan kong hinawakan ang doorknob ng pintong iyon, at pipihitin ko na sana iyon upang buksan ay hindi ko na naituloy ng may tumawag sa akin.
"Prof?" tinig ni miss Flor. Sabay pa kaming nagkagulatan ng makita ang isa't isa.
Mabilis akong napaatras upang bahagyang lumayo sa pintong iyon hindi ko inaasahan na babalik ito kaagad.
"Ano pong ginagawa niyo rito?" tanong nito sa akin kasabay ng ngiting umukit sa labi niya.
Nawala ang kaninang malungkot na awra sa mukha nito na subrang kinabiliban ko, paano niya nagagawang ngumiti ngayon ng ubod ng tamis sa harapan ko na kanina lang ay nakikita ko ang matinding lungkot.
Sunod akong napatitig sa mga mata nito, masasabi kong taksil ang mga matang iyon dahil kahit anong pagngiti ang gawin niya sa mga mata pa rin makikita ang tunay niyang nadarama.
Marahil sa pamamagitan ng ngiting uukit sa kaniyang labi makakaya niyang magsinungaling, ngunit hindi ang kaniyang mga mata na ang totoong emosyon ay doon ko nakikita.
Sana ay ganoon din ako, magagawa ko ring ngumiti ng kung paano ko nakikita ang sa kanya upang hindi ipakita ang lungkot ko sa iba, paano niya kaya nagagawa iyon?
"Prof, ano pong ginagawa niyo rito?" inulit nito ang tanong ng hindi ko magawang makapagsalita.
Napansin ko pa ang mabilis na pagtayo ni miss Flor sa may pinto na tila ba iniharang na niya ang sarili roon.
"Hindi ba dapat ikaw ang tinatanong ko niyan miss Flor, sino ang nasa loob niyan?" tanong ko rito at mabilis na pag-iling ang sinagot niya sa akin.
"Wala po," saad pa nito.
"Anong wala nakita kitang lumabas riyan kanina, sabihin mo may problema ba sinong kamag-anak mo ang nasa loob niyan?"
"Wala po," patuloy na tanggi nito.
"Ipakita mo sa akin para hindi ako magalit sa 'yo."
"Wala prof h'wag mo nang alamin, sige na po imuwi na kayo mukhang may pupunta pa kayo e."
"Tabi jan gusto kong makita ang nasa loob niyan." Pinilit ko siyang hanawi upang tumabi sa may pinto para mabuksan ko sana kaso matigas ito at patuloy na hinarang ang sarili.
"Ano ba dapat nasa loob ng hospital room s'yempre pasyente, palabiro ka pala prof e." Tumatawa nitong sabi.
"Alam kong pasyente nasa loob niyan, gusto kong malaman kung sino?"
"Baka kaluluwa ko po," ngumisi pa ito habang nagbibiro. Mukhang hindi nga nito gustong ipaalam sa akin ang totoo.
Nabaling na ang tingin ko sa room number '142' 'yun ang numero, kung ayaw niya sabihin sa akin si Sanchez ang makakatulong sa akin para malaman ang totoo.
"Kinakahiya mo ba ang pamilya mo kaya ayaw mong sabihin sa akin kung sino at kaano-ano mo ang nasa loob niyan?" tanong ko pero umiling-iling siya.
"Hindi naman po sa kinakahiya, sadyang hindi mo lang p'wedeng makita ang nasa loob niyan."
"Bakit nga?" pangungulit ko pa.
"Basta po," tanggi pa rin nito.
Hindi ko alam kung bakit gano'n niya itanggi iyon p'wede naman niyang ipakita saglit para matapos na e, gusto kong makita talaga ang nasa loob noon kaya nagpumilit ako hanggang wala nang nagawa si miss Flor at nabuksan ko ng tuluyan ang pinto.
Ngunit nang mabuksan ko iyon ay mabilis ko rin agad na naisara, tumambad kasi sa akin ang loob ng silid na iyon at makikita ang babaeng payat ang katawan at hubo't hubad.
Namilog ang mata ko sa gulat at napatingin kay miss Flor na kasalukuyang nagpipigil ng tawa niya.
"Nakakita ka ba ng kaluluwa, nagpupumilit ka pa kasi prof sabi ko ngang hindi mo p'wedeng makita e," pigil sa tawa nito. Alam kong ako ang pinagtatawanan nito dahil sa gulat kong reaksyon makakita ka ba naman ng hubo't hubad na katawan aba.
"Sorry," napapahiyang napayuko na lang ako.
"Mama ko po nasa loob niyan, pasensya na po may dinaanan kasi ako kanina kaya hindi ko pa nabibihisan." Nagpaliwanag ito ngunit hindi na ako nakasagot.
"Sige po papasok na ako, bibihisan ko muna si mama baka lamigin na. Kung aalis ka na prof ingat ka," dagdag nito at hindi na ako hinihintay na sumagot pa ng mabilis na itong pumasok sa silid.

Komento sa Aklat (287)

  • avatar
    gomezmaicy

    ❤️❤️❤️adik n talaga ako sa mga story about sa professor isa na naman sa mga favorite k na story ito..ang ganda ng story n ito simula palang matatawa kana kaya nakaka gana syang basahin at super kilig tapos nakaka iyak din kaya na enjoy k pag babasa..thank u author sa napaka gandang story

    05/08/2022

      1
  • avatar
    MinMin

    ang ganda super hindi lang love between student and prof yung umiikot sa kwento pati pagmamahal sa magulang sa kaibigan, kung paano maging matatag, at higit sa lahat mag patawad, kaya basahin niyo na para malaman niyo kung gaano kaganda tong kwento na tohh supeeeeeer!!!!!😭💖💖

    08/02/2022

      2
  • avatar
    Willy Quilatan

    lol

    6d

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata