logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Pahina Singko

Wala na siyang choice kundi ang hanapin ang taong kausap niya bago mamatay ang asawa niya. Kailangan niya itong makita bago mahuli ang lahat.
Pinasibad niya ang kotseng dala niya at wala sa lugar na nag-overtake sa kotseng nasa harapan niya. Bahala na, kailangan niyang umabot. Iyan lamang ang laman ng isipan ni James sa maaring sapitin ng secreto niya.
Pabalik-balik nang lakad si Mark sa bakuran ng bahay nito. Hindi matanggal sa isipan nito ang mukha ni Ruby. Tila ito nakukunsensiya na hindi mawari dahil sa kilos at asta nito.
Hanggang kailan kaya ito titigilan ng imahinasyon niya? At may dahilan nga ba ang pagpaparamdam ni Ruby sa kanya? O, dahil kailangan na niyang umamin?
                  
Kausap ni During ngayon si Doro at matiyagang nakikipagtalakayan ito sa nangyare kay Ruby.
"Sino sa tinggin mo ang sumagasa kay Ma'am Ruby?" Tanong ni During kay Doro.
Napakamot si Doro sa ulo.
"Hindi ko alam, imposibleng si Sir James dahil nasa loob ng bahay si Sir at hinahanap nga nito si Ma'am."
"Kung ganon, Sino ang hula mo?" pinanlakihan ni During ang kausap.
"Mangako kang hindi mo sasabihin ang hinala ko."
"Hay nako Duro. Oo!" Nagtaas pa ng kanang kamay na ika ni During .
"Si Madam lang naman ang naka kotse ng araw na yon."
Lumaki ang mata ni During sa gustong tumbukin ni Duro.
Hapon na ng dumating ang inutusan ni Aurora para siyasatin ang mga baho ng asawa ng apo niya na si Ruby.
"Oh, Fernan mabuti at dumating ka na."
"Ipagpaumanhin niyo po Donya Aurora at nahuli ako sa usapan." Hinging paumanhin nito.
"Kung ganon ay nasaan na ang mga pinapahanap ko?" Nakataas ang kilay nito na nagtanong.
Inilapag ni Fernan ang hawak na brown na envelop at itinulak palapit sa Donya.
Tinitigan ng Donya si Fernan at walang ano-anong binuksan ang envelop at lumantad sa kanyang paningin ang cute na batang nakangiti sa litrato.
"Siya po si James nong bata siya." Ika ni Fernan.
"Bullsh*t!" Sigaw ng Donya mula rito.
"Kilala ko ang pamilya ni James mula pagkabata niya at hanggang lumaki siya!" Galit na sigaw ng Donya dito.
"Ang pinapahanap ko sayo ay ang mga baho niya, ang mga baho! Naiintindihan mo ba?"
Kitang-kita ni Fernan ang panglalaki ng mga mata ng Donya na halos lumuwa sa galit sa kanya, nagtalsikan din ang mga laway nito dahil sa sunod-sunod na pagsasalita.
"Madam kasi---"
Sumenyas ang Donya na itigil ang explanasyon niya.
"Ito ba ang mga babae ni James?" Tanong sa kanya ng Donya.
Tumango siya sa niladlad ng Donya na papel na naglalaman ng pangalan at larawan ng mga babae nito.
"Kung ganon ay kailangan mong makakuha ng informasyon sa lahat ng babaeng narito."
Nalaglag ata ang isa sa mga ngipen niya. Matagal-tagal na trabaho ang hininhinge ng Donya.
"Madam kasi-"
"Don't explain, ako ang bahala sa gagamitin mong pera." Mabagsik na sabi ng Donya.
Tumango siya sa Donya.  Muli ay may inilabas ang Donya mula sa binigay niyang mga dokumento.
"Ano ang mga nalaman mo tungkol kay, James?" Mabagsik na tanong nito sa kanya.
"Nakapag-aral po ito ng medisina pero natigil dahil sa biglaang pag papakasal sa anak ninyo na si Ruby. Pangarap nitong magkaroon ng isang ospital kung saan sana nito i-aaply ang mga natutunan nito, pero natigil dahil sa negosyong inatang ng mga magulang nito sa kanya." Mahabang sagot niya.
Pero tila nag-aantay pa ang Donya sa mga sasabihin niya.
"Pagkatapos nitong maikasal sa anak ninyo ay pinilit nitong aralin ang mga pasikot-sikot ng negosyo ng mga ito at hindi naglaon ay natutunan na nitong mahalin, nagkaroon ito ng mga babae sa lahat ng destinasyon na pinupuntahan nito."
"Nagkakaroon ba ng away ang mag asawa?" Tanong ng Donya na matamang nakikinig sa kanya.
"Sa pag-iimbestiga ko ay mas naunang nanglalaki ang anak niyo kaysa kay James, kaya sa tinggin ko ay nagawa lamang ni James ang mambabae para maitayo nito ang sariling dangal."
"Ang tinatanong ko ang sagutin mo." Malakas ang tinig na anito.
Tila siya mamatay sa mga tingin nitong tila tumutusok sa katawan niya.  Kung pwede lang siyang umatras ay ginawa niya na, pero malaking pera din kasi ang kikitain niya.
"Nagkaroon ng mga simpleng away ang mag-asawa kagaya ng mga pagkakaiba ng mga ito ng gusto sa buhay, kung si Ruby ay mahilig sa ganito si James ay hindi at iba ang hilig nito." mahabang eksplanasyon niya sana lang ay wala na itong itanong pa.
Tumango-tango ang Donya at muling nagsalita.
"Makakaalis ka na!" Pagpapalayas sa kanya nito.
Nakahinga siya ng maluwag. Dumeretso si Fernan sa sasakyan na nag-aantay sa kanya.
"Anong sabi sayo ni Mommy?" Agad na salubong ni James dito.
At inumpisahang paandarin ang sasakyan.
"Kailangan kung malaman ang mga impormasyon sa lahat ng mga babae mo." Walang prenong sagot nito.
"Kung ganon ay makakaasa kang ibibigay ko ang lahat ng kailangan mo, ano ang sabi niya sa akin?" muli niyang tanong.
"Wala naman siyang tinanong patungkol sayo, tanging ang mga babae mo lang ata ang pakay nito." 
"Kung ganon ay salamat." Ani James kay Fernan.
Ibinaba niya ito sa may liblib na daanan, iniabot niya rin dito ang bag na naglalaman ng kailangan nito saka niya ito iniwan.
Pakagat na ang dilim kung kaya pinaharorot na niya ang sasakyan dala niya at laking gulat na lamang niya nang may biglang babaeng patawid na hindi man lang tumitingin sa dinadaanan nito, pero bago pa niya ito mabigyan ng malaking disgrasya ay nakapagpreno na siya kasabay ng pag-ikot ng kotse niya sa daan. Na siyang hindi naiwasan ng babae, dahilan ng pagkasagi nito.
Napamura siya! Sapagkat maging siya man ay nagkaroon ng bukol sa noo sa kadahilanang binangga ang kotse niya ng itim na kotse. Pero sa kamalasan ay hindi na niya nakita ang plate number ng itim na kotse, dahil agad niyang sinakluluhan ang babaeng nakahiga sa malamig na semento.
         
Isang tawag mula sa di kilalang tao ang natanggap ng nakasakay mula sa itim na kotse.
"Kamusta ang pinapatrabaho ko?" Tanong mula sa kausap nito.
"Napuruhan namin." Matigas na sagot ng lalaking nasa manebela.
"Magaling." At naputol ang tawag.
Nagmulat ng mga mata ang babaeng kanina pa tinitigan ni James. May simpleng ganda ang babae, kung wawariin nga niya ay may pagkakahawig ito sa namayapang asawa niya. Parehas ang mga itong may maliit na mukha at manipis na labing inaaya siyang dampian ng halik.
Napahawak siya sa kanyang noong tila pinagpawisan. Ano ba ang iniisip niya? Pinagnanasahan niya ba ang babaeng nasagi ng kotse niya, nang di sadya?
"Tubig." Paos na anas nito.
Kung kaya inabutan niya ito ng tubig.
"Here." Tipid na aniya at muling pinakatitigan ang babae.
May mga malalantik itong pilikmata na bumagay sa bilugang mata nito. Iyon ang pagkakaiba nito sa asawa niya. Dahil chinita ang beauty ng asawa niya. Pero bakit nga ba niya kinukumpara ito sa asawa niya?
Iniabot sa kanya ng babae ang basong inabot niya kanina.
"Salamat, Pero nasaan ako?" Tanong nito at inilibot ang mga mata.
"Nasa bahay kita ngayon, wala ka bang na-aalala?" Concern na tanong niya dito.
Umiling ito at napahawak sa ulo.
Dinala niya ang babae sa bahay niya sa kadahilanang minor accident lang naman ang natamo nito at kaya niyang bigyan ito ng mabilisang gamutan.
"Sa pagkakaalam ko ay nabangga ako." Natigilang anito at napatitig sa kanya.
"Ikaw!" Nagulat na anito.
"Ops, Wala akong ginagawa sayo Miss, bigla ka na lang sumusulpot sa daan at maging ako man ay nagulat din dahil binangga rin ako." Mabilis na paliwanag niya.
Napahawak ito sa ulo.
"Ayos ka lang ba Miss?" Muling hirit niya.
Umiling-iling ito at tumingin sa kanya.
"Wala akong ma-alala, Mister." Anito at nag-umpisang tumulo ang mga luha sa maliit nitong mukha.
Pinunasan ni James ang mga luhang tumulo sa mukha ng babae.
"Anong pangalan mo Miss."
Umiling ito.
"I dont know, Wala akong maalala." Anito at nagumpisa muling umiyak.
Napaisip siya.
Wala siyang nakikitang problema sa babae dahil galos lang ang nalasap nito sa nangyare sa kanila at isa pa, nauntog lang ang ulo nito sa semento at hindi dahilan iyon upang mawalan ito ng memorya.
Pero nahuhulaan niyang dala lamang ng gulat at pagkabigla ang dahilan kung bakit ito nakalimot. Tama, maaring babalik din lang ang ala-ala nito ng panangdalian.
Hinaplos niya ang likod ng babae.
"Huwag kang mag-alala, maare kang pumarito, hanggang kailan mo gusto." Aniya sa babaeng walang tigil sa pag iyak.
Tumingin ito sa kanya na tila nagpapasalamat.
"Tatawagin kitang Norah, hanggang hindi mo pa nalalaman ang pangalan mo." Aniya at ngumiti sa babae.
"Norah?" Paos na ulit nito.
"Oo, Norah which means "know" in tagalog malalaman mo rin, right Norah?" Aniya at tumayo mula sa pagkakaupo. Nacornyhan din siya sa sarili kung ano ano na lang ang pumapasok sa isipan niya. Napakadaming pangalan pero Norah pa ang na suggest niya.
Tumikhim siya. "Maiwan na kita para makatulog ka na. Siyanga pala, Ako naman si James." Pagpapakilala niya sa sarili.
Tumanago ang babae at nakipagtitigan sa kanya."Salamat Sir James."
Napailing siya at inabot ang kamay ng babae. "Just James hindi ka na iba rito, ituring mong bisita ka sa bahay na ito. "Aniya at iniwan ang babaeng mukhang hindi pa nakakarecover.

Komento sa Aklat (71)

  • avatar
    Iri Sh

    wow ganda

    09/09

      0
  • avatar
    Gundino EstradaMarilyn

    very nice story

    15/11/2024

      0
  • avatar
    Jovil Pagaran Veloso

    maganda po sya salamat ito yong gusto na mga story po

    15/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata