logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Pahina Dos

Makalipas ang Isang Buwan
"Sa wakas Marsh, nakapasa tayo." Ang saya-sayang ani Kayla kay Sanya.
"Mallow, parang sumasakit muli ang ulo ko." daing niya sa kaibigan.
Agad na lumapit sa kanya ang kaibigan.
"Naku naman Marsh! pa check-up ka na kaya, iba na yang nararamdaman mo."
"Isang buwan na nga ata ako dinadalaw ng sakit na ito, Mallow."
"Hay naku! Pa check-up ka na Marsh!"
Wala na siyang choice, mukha ngang di na tumatalab sa kanya ang biogesic na gamot. Kakauwi lang niya ng bahay nila, pero mukhang may selebrasyong hindi niya nalalaman.
"Nay, ano po'ng meron?" Tanong ni Sanya sa Ina.
"Asus, huwag ka ngang ewan diyan anak! Masama bang kahit kunting salo-salo lang dahil sa wakas may guro na sa pamilya natin?"
Napangiti siya sa ina. Mahirap man ang buhay nila pero para siyang tumama sa lotto, dahil sa masayang pamilyang mayroon siya.
Napahawak siya sa kanyang ulo.
"Oh! anak bakit?" Nag-alalang wika ng Nanay Maria niya.
Umiling lamang siya at ngumiti.
"Wala na'y napagod lang ako, punta muna ako sa kwarto nay." Paalam niya sa ina.
Isang buwan na ang nakakalipas at ito siya palagi na lang  siyang inaatake ng sakit sa ulo. Pumikit siya ng mariin. May mga anino siyang hindi nakikilala, tumatawa ang mga ito.
Napahawak siya sa sariling ulo niya. Parang sasabog ang pakiramdam niya! Ano'ng ibig sabihin ng mga nakikita niya? Muli siyang pumikit! Tila halimaw na boses ang kanyang naririnig!
"Outch!" Mahinang daing niya, habang pinipilit na labanan ang kirot na sumisirit sa ulo niya. Sa subrang sakit ay hindi niya maiwasang sabunotan ang sariling buhok sa dulot na kirot ng kanyang ulo.
Ang mga mata ng babaeng nang-uusig!  Habang nakatingin sa kanya.
"Aray!"  Malakas na sigaw niya habang hawak-hawak ang ulo niyang tila mabibitak sa sakit.
"Anak!" Narinig niyang sigaw ng nanay niya.
"Nay?" Habol ang hiningang sabi niya.
"Anong nangyayare, Sanya?" sugod ng kanyang ina na agad siyang niyakap.
"Nay, natatakot ako." Bulong niya at yumakap din sa nanay niya
"Ano bang nangyayare anak?" Clueless na tanong ng kanyang ina mula sa kanya.
"Hindi ko alam nay, hindi ko alam!" Iling niya at kusa ng namalabis ang mga luhang kanina pa nagbabadya.
"Sssh, tahan na." pagpapatahan ni Maria sa anak.
Hinigpitan niya ang pagyakap sa nanay niya.
"Labanan mo kung ano man ang nararamdaman mo anak, huwag kang padadaig." Mahinang payo nito sa kanya.
"Nay, may babae akong nakita, tila halimaw ang boses nito." Daing niya muli na hindi mapakali sa nakita at narinig sa kanyang isipan.
"Ssshhhh, pahinga ka na anak, napagod ka lang." Seryosong sagot sa kanya ng ina at hinaplos ang kanyang  buhok.
Hinawakan niya ang kamay ng nanay niya.
"Dito ka lang nay, please." Pakiusap niya, dahilan ng pagpapahiga nito sa kanya kasabay ng paghiga rin nito sa tabi niya.
Ayaw tanggapin ng isipan ni Maria, kung anuman ang pinagsisigawan nito. Hindi nababaliw ang anak niya!Hindi!  Ayaw niyang mag-isip ng negatibo, kailanman ay hindi na niya kakayanin pa ang muling mawalan ng anak.
Nawalan na siya dati at ayaw niyang pati ang kambal ng nawalay na anak niya ay muling mawala pa sa kanya. Dahil lamang sa pagtakas ng katinuan nito.
Matalino si Sanya at ayaw niyang sapitin nito ang nangyare sa anak ng kapatid niya! Na nabaliw at hanggang ngayon ay pinagdudusahan ang pagtakas ng katinuan nito.
Napatingin si Maria sa anak na tahimik na nakapikit at animo isang anghel na natutulog. May humaplos na awa sa puso niya. Dahilan ng pagyakap niya sa anak at pumikit kasabay ng isang tahimik na dasal.
Tulalang nakatingin sa kawalan si Aurora. Napakasakit na kaparusahan para sa pag-agaw niya ng anak, ng anak niya. Ang pag-angkin sa anak, ng anak niya. Ang pag-aruga at pagpapalaki sa anak, ng anak niya. Ang pag-hawak ng isipan ng anak, ng anak niya.
Mali ba siya? Mali bang gamitin si Tanya o di kaya'y si Ruby na pinalaki niya. Para paghigantian ang patay gutom na asawa ng anak niya? Mali ba siyang ilayo ito sa tunay na mga magulang nito?  Mali bang palakihin ang sarili niyang apo at ituring itong anak, kapalit ni Roberto na anak niya?  Kung mali nga ito,bakit kailangang mamatay ni Ruby? Para sa kasalanang siya naman ang may kasalanan!
"Bakit!"
Hindi napigalang sigaw niya sa kawalan. Isang tapik sa balikat ang nakapagpagulat sa kanya.
"Rose." Anas niya sa bunsong anak niya.
"Mama, tahan na." Punas nito sa luhang dumadaloy sa pisnge niya.
Ang bunsong anak niya na laging kasa-kasama ni Ruby.
"Wala na siya, Rose." Daing niya rito.
"Alam ko Mama, nalaman ko ang balita sa America at isa pa ilang ulit niyo na pong sinabi."
"Hindi ko matanggap, Rose." mabigat sa loob na muling ulit niya sa anak.
"Mama, Ako man ay nalulungkot, dahil ang tanging pamangkin kong tunay na nagmahal sa akin ay wala na."  Mahinang ika nito at yumakap sa kanya.
Tumingin siya sa anak.
Dalawa lamang ang anak nila ni Rodolfo. Si Roberto at si Rosalina.
Si Roberto ang pinakamamahal niya sa dalawa at si Rosalina naman ang pinakagusto ni Rodolfo.
Nang nalaman ni Rosalina na may kinuha siyang bata at pamangkin niya ito ay ito na mismo ang nag-alaga dito kasama ni During.
Magkasangang dikit ang dalawa at hindi mapaghiwalay kung saan man pumunta ang isa.
Mahilig kasi sa bata si Rose, kung kaya sa edad nitong bente sais (26) ay nakikipaglaro pa ito sa tatlong taong gulang na si Ruby.
Nagkahiwalay lamang ang dalawa pagkalipas ng sampong taon, Dahil kailangan nang pumunta ni Rose sa America para sa Asawa nitong Amerikano.
Magmula noon ay hindi na nakauwi si Rose at tangging tawag na lamang ang naging tulay nila para makausap ang isa't-isa.
"Mama, pitong taon din akong hindi nakauwi para lang makapiling kayo at pati sana si Ruby, pero—"
Napahagulhol ito sa balikat niya. Hindi madaling tanggapin lalo pa't madami din siyang nagawang kasalanan dito. Pero may magagawa ba siya para masolve ang kaso ng tinuring niyang Anak!
Nakatanaw si James sa isang maluwang na bakuran na may nakatayong isang malaking bahay sa gitna ng kakahuyan. Bumukas ang kahoy na bakod ng bahay.
"Anong kailangan ng isang Mendoza dito?" Mayabang na bunggad sa kanya ni Mark Waston.
"Kailangan kitang makausap tungkol sa asawa ko."
Humalakhak ang lalaki, pero halatang may lungkot ang mga mata.
"Kung sa tingin mo ay may makukuha kang impormasyon sa akin ay ikinalulungkot ko, pero wala akong alam."
Naningkit ang mga mata niya sa lalaking karibal niya sa asawa niya.
"Nalaman mo siguro ang nangyare sa kan—" Hindi na niya naituloy ang sasabihin pa dahil nagsalita na ito.
"Kung sa tinggin mo ay hindi ako nalulungkot sa pagkawala ng babaeng alam naman nating walang pagmama-.
Nakatikim ng suntok ang lalaking kausap niya at ngumiti ito sa kanya, habang hawak-hawak ang panggang nadali niya.
"Wala akong alam na kaaway ni Ruby maliban sayo, kung iisipin ko baka ikaw nga mismo ang nagpapatay sa sarili mong asawa!" nang uuyam na asik nito.
"Fu*ck you!" Sigaw niya sa lalaki at akmang susugurin niya uli ito ng suntok pero agad na may tumutok na baril sa kanya.
"Subukan mong padapuhin muli ang kamao mo sa pagmumukha ko at hindi ako magdadalawang isip na patayin ka." mahina ngunit may diing anito sa kanya.
"Huwag mo akong pinagbibintangan sa mga bagay na hindi ko naman kayang gawin at isa pa mas maniniwala ako kung ikaw ang pumatay sa asawa ko!" makabulohang ika niya rito.
Ngumisi ito at tinitigin siya ng mata sa mata.
"Bakit mo ba ipinagpipiltang ako ang pumatay kay Ruby at isa pa bakit ko naman gagawin iyon?"usig nito sa kanya.
"Dahil siguro may gusto kang hindi niya naibigay." Matapang na aniya.
Alam niyang hinuhot-hutan nito ang asawa niya, na minsan ay nasabi sa kanya ni Ruby.
Tumawa ito ng malakas.
"Kung kaya pinatay ko siya?" Ngumisi ito.
"Kung totoong may-isip ka, bakit ko naman siya papatayin para sa isang walang kwentang bagay? Isa pa baka ikaw, nagmamalinis ka lang?"
Napadura siya ng wala sa oras.
"Bakit ko naman siya papatayin?"
Asik niya sa lalaki.
Ngumiti ito.
"Dahil nagseselos ka! Nagseselos ka na hindi ka gusto ng asawa mo, na kahit madaming babaeng nagkakandarapa sayo ay walang-wala ka pa din sa kakisigan ko."
Nakuyom niya ang sariling palad.
Simula pagkabata ni James ay wala siyang ginusto na hindi na bibigay. Lahat ng gusto nito nakukuha niya sa isang pitik lang ng daliri niya.
Pero natigil iyon, nang nagkagusto siya sa isang babaeng hindi siya napapansin. Si Ruby.
Si Ruby na nong panahong iyon ay nobyo ng lalaking kaharap niya. Ang lalaking isa sa mga Playboy ng campus nila.
Agad na nagpatawag ng pulong si Donya Aurora para tuklasin ang hiwaga ng pagkamatay ng tinuring niyang anak.
Kung hindi kayang tukuyin ng mga pulis ang kaso ng anak niya ay siya mismo ang maghahanap ng sagot at uumpisahan niya iyon sa mga nakapaligid sa anak niya.
Ang mga taong nakakakilala rito, ang mga taong nakapalibot dito. Nagpadala siya ng mga mensahe para sa mga taong ito, upang pag-usapan nila ang mga bagay na kailangan niyang malaman. Ang mga bagay na alam niyang mabibigyan din ng kasagutan.

Komento sa Aklat (71)

  • avatar
    Iri Sh

    wow ganda

    09/09

      0
  • avatar
    Gundino EstradaMarilyn

    very nice story

    15/11/2024

      0
  • avatar
    Jovil Pagaran Veloso

    maganda po sya salamat ito yong gusto na mga story po

    15/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata