Ashlyn "So tell me, bakit ngayon ka lang umuwi?" I asked. Habang nakacrossed arms sa harap niya. Nakita ko siyang nakahiga sa Sofa paglabas ng kwarto ko, pababa sa sala. "Napasarap lang kami ng kwentuhan ng mga friends ko, Di ko na namalayan yung oras." sambit niya at saka sya umupo at napahawak sa noo. Umupo naman ako sa tabi niya inilapit ang mukha ko sa kanya pero agad ring akong napalayo. "Sa sobrang lakas ng amoy ng alak sayo, para na akong masu-suffocate." Reklamo ko habang humahawi sa hangin malapit sa ilong ko. "Tigilan mo ako Ash ah, nakainom lang ako pero kuya mo pa rin ako!" Natigil naman ako sa pag i-interrogate sa kanya. Yes that's my kuya. My pasaway na kuya. "Alalang alala sayo si mom, tawag ng tawag sa akin, hindi ko na nga alam kung nakatulog pa ba ako. Please kuya, be responsible. Not because we're old enough wala ng pakealam parents natin sa atin." Inis kong sambit. "Alam ko yun, dont worry magsosorry ako kay mom kaya huwag ka na rin magalit." Saka niya ako nginitian. "Sorry na lang alam ninyong mga lalake." Mahina kong sambit. Aalis na sana ako pero bigla namang nagsalita si kuya. "Oh ayan ka na naman, idadamay mo na naman ako sa lalakeng nang iwan sayo, Please Ash mag move on ka na." Disappointed na sambit nito. Move on? Its been years, I don't even remember his name. Hindi ko na nga rin maalala kung anong itsura niya, height niya, timbang niya. Hindi ko na talaga sya maalala. "Sinabihan na kita dati na hindi seryoso yang Nicholas Kyle na yan sayo, hindi ka nakinig, binalewala mo pagiging kuya ko sayo, tapos ngayon hirap na hirap ka mag move on, si Nicholas Kyle lang nanakit sayo pero dinamay mo lahat ng lalake sa mundo!" That's how my kuya gets mad at me. And now I remember his name. Humarap ako at tumingin ng seryoso sa kanya. "Fine, kasalanan ko na, hindi na ako nakinig sayo noon, pero kuya. It been years, tama bang sermonan mo pa rin ako hanggang ngayon?" Tumalikod ako at isinuot ang sapatos ko at saka naglakad palabas ng bahay. "Sorry." Sigaw ni kuya. Lagi na lang Sorry alam niya. Nagtungo ako sa garage habang hinahalungkat sa bag ko ang susi ng kotse. Pumasok ako sa loob ng kotse. Then I started the engine and drives my way to work Yes. It has been years since I fell in love with a man that, I thought, would be forever. And it has been years since he left me with all these questions in my mind. Bakit mo ako niloko? Bakit bigla kang nawala? Bakit hindi mo ako hinanap? Bakit hindi ka nagparamdam man lang? Every day that past, parami ng parami ang tanong sa isipan ko. Just why... Every time na maaalala ko lahat ng masasayang memories kasama sya, hindi ko alam kung lungkot ang mararamdaman ko dahil hindi na mangyayari yun, or galit dahil hindi ko makalimutan na naging masaya ako sa taong dahilan kung bakit nasasaktan ako ngayon. But no, I've moved on, hindi ko na dapat iniisip yun. ... After an hour nakarating na ako sa Restaurant which I manage and own. I parked the car and went inside. "Good afternoon Ms. Ash." bati ng mga staff ko. Dumiretso naman ako sa kitchen to check if all products are available for today, it's Sunday kaya kailangan ready lahat. "Hi guys, kumusta? Okay ba lahat ng products? Walang 86? Available lahat?" I asked. "Yes ma'am, no need to worry marami tayong stock today." One of my staff's said. "Good, pag nareach natin yung target today, may pizza kayo sa akin." Masayang sambit ko. "Pizza lang ma'am?" "Syempre may drinks din." Sagot ko. Nagtawanan naman sila. Then after that I went to my table, and work with my laptop. This is how I live every day. Home. Work. Work. Home. That's the cycle. I can't say that I'm a businesswoman, pero I'm always busy working and working. Siguro it's my way to forget the things that I should, pero time to time someone will remind me of it. "Ash!" And that's Xena. "How is my friend? How's night yesterday? Sya na ba?" She asked. Umupo sya sa tabi ko habang nakangiti ng bongga na parang batang naghihintay sa sagot ko. "Zee, sabi ko naman sayo wala akong time sa mga ganyang bagay, im a busy woman. Tigilan mo na ako sa date date na yan, ayoko lang maging masama sa kanila kaya nakikipag meet up pa rin ako pero believe me, hindi ako naghahanap." I said while typing at my laptop. "Hindi ka naghahanap kasi hinihintay mo pa rin sya. My god Ash, you always say na nakamove on ka na pero the way you act, its just don't fit your words and your actions." Why do they always have to bring up my past? Hindi ba valid na busy ako? Na may business akong inaasikaso? I mean, is it always about me who can't move on? "Lahat na ng crush ko pina-date ko sayo and you don't like any of them? They're all handsome naman ah, just pick one!" Frustrated na sambit ni Xena. "Xena, it's not always about the looks, it's--" "It's also about your feelings if you do like them or not, or you have moved on or not." Xena "Alam mo ba kung anong naramdaman ko nung nalaman ko na ikaw pala ang gusto ni Nico at hindi ako?" Tell me how can I move on if paulit ulit nilang ipapaalala lahat sakin? ... Years ago... Its been months since I transferred to this school. A lot of things happen. So far okay naman ako. And today is February 14, Valentines day. Araw ng mga puso. Lahat may dala dalang flowers, lahat may natatangap na flowers, except me. Okay lang naman since di ko naman makakain yun. Wala rin naman akong inaasahan na magbibigay sakin. "Hi, this is for you". Sabay abot ng flower kay Xena. "Thank you". Medyo kinikilig pa sya. Then umalis na yung guy. "Ash ikaw na maghawak nung iba, medyo marami na akong hawak, hindi ko kaya." She said. Halos matakpan na ang mukha niya sa ilang pirasong boquet na hawak niya at may ilang pirasong rose na pilit niyang pinagkakasya sa pag hawak niya. "Sayo binigay yan e bakit ko bibitbitin?" Kinuha ko yung bag ko at saka tumayo at naglakad palabas ng classroom. Sumunod din naman sya. "Kasi nga mula kanina wala kang dala dalang flowers. Look, halos lahat ng babae may dalang flowers, di ka ba naiingit?" She asked. Why would I? Kaya ko namang bumili para sarili ko. At hindi ko rin naman kailangan yun, hindi ako mahilig sa bulaklak at malalanta lang din naman yun. Nagulat naman ako sa biglaang paghila sa akin ni Xena papunta sa mga nagkukumpulang tao. "Oh my god Ash feeling ko eto na yung hinihintay ko." sambit ni Xena habang hila hila pa rin ako. "Ano ba yun?" I asked. Medyo naguguluhan ako, lahat ng tao dun lahat papunta. And the girls, they all screaming like, ano bang meron? "Remember your first day of class? Yun din yung unang araw na tiningnan ako ni Nico, and napansin ko mula noon, lagi niya na akong tinitingnan, he always talked to me and I think he likes me." She said. Ah si Nico, si Nicholas Kyle, or Nick or Kyle, ah basta. Yung lalakeng palaging nagpapahinto ng oras ko. I don't know what he did to me but every time na lumalapit sya sa amin ni Xena, I always feel awkward. We're not close, we never talk to each other unless its about our school report or project and whatever related to class. And for some reason, he always gives me that kind of feeling na parang bumabagal yung paligid ko, na parang umiikot ang mundo ko. It's weird and I always asked myself why do I feel that way? "...sya na lang ang hinihintay ko girl, hindi niya pa ako binibigyan ng flower." Kinikilig na sambit ni Xena. At nang nakarating na kami sa kung saan maraming tao. That's when I realize that it was Kyle and his band. "I love you Nico!" Narinig kong sigaw ng mga babae, at pati si Xena, nakikisigaw na rin. Ano bang meron sa lalakeng ito at ganito na lang katindi ang tama ng mga babaeng ito sa kanya? Playing: Ikaw at ako by TJ Lalong naghiyawan ang mga tao nang nagsimula ng kumanta si Kyle. It's my first time to hear his voice. And I admit, I like him. I mean his voice. Yun din siguro ang reason kung bakit maraming nagkakagusto sa kanya. Aside from his looks. Yes, he has this looks na mapapatingin at mapapatigil ka. But the way he sings and plays his guitar, it feels like every lyrics is written just for you. Ikaw at ako... Tayo'y pinagtagpo... I felt it again. Whenever I look at him, palaging humihinto yung paligid ko. I know it's weird and its impossible, pero it just feels that way. "Oh my god Ash, he looked at me again." Sabay hampas sa braso ko. I saw him smiled and to my surprise, napangiti rin ako. Was it also the first time that I saw his smile? Didn't realize na nakatulala pala ako sa kanya, napayuko na lang ako nang nagkatinginan kaming dalawa. ... After that mini concert of Kyle's Band, Xena still can't get over. Its 7:00 PM and pa close na rin yung school at konti na lang ang student sa campus, pero pauwi na rin kami at palabas ng gate. "Ilang beses niya akong tiningnan Ash, my god. Feeling ko may connection na kaming dalawa, he looked at me like he was telling me he likes me. And that smile? Oh my god, nakakinlove. Okay lang kahit hindi niya ako binigyan ng flowers." Then she looked at all the flowers she's holding. Natatawa na lang ako kay Xena, crush niya nga talaga si Kyle or maybe inlove na sya. Bigla namang napahawak si Xena sa braso ko kaya napatingin ako sa kanya. "Kaya ko pa naman humawak ng isa pang boquet." She said while looking in front of us. There I saw him coming towards us, it's Kyle. Medyo patakbo syang lumapit sa amin. "Ash hindi pa naman ako haggard diba? Please tell me I'm okay." Natatarantang tanong ni Xena. "Huh? You're okay." Sabi ko na lang. Nalilito ako. Is he looking at Xena, or is it me? Why do I feel this? Again. Huminto sya sa harap namin ni Xena, he look at Xena and he look at me too. "Hi Nico." Nakangiting bati ni Xena "Hi" He said. While looking at me. "Sorry, hindi ko alam kung paano kita kakausapin, I just waited for this day to give you this flower." And he smiled at me. Tingin ko ay medyo nahiya pa ito sa sinabi niya sa akin. Pagkatapos ng sinabi niya ay agad din syang umalis. Natulala na lang ako habang hawak ang boquet of flowers na binigay niya. I feel butterflies in my stomach, and i dont know what to do. "So... all this time ikaw pala ang gusto ni Nico? Yung mga tingin at ngiti na akala ko para sa akin, para sayo pala? Oh my god, I felt betrayed. Hindi ko kaya." Said Xena. I look at her. "Xena... hindi ko alam, do I have to say sorry?" I awkwardly asked. "No, just don't mind me, uwi na tayo, masyado na akong nabibigatan sa mga flowers na dala ko." Sambit niya sabay hila sa akin palabas ng school. Napatingin ako sa boquet na hawak ko, then I notice a small envelope na nakaipit sa loob. Every year of this day I never expect anyone to give me flower or anything. Palagi lang akong nakatingin sa mga binibigyan at nagbibigay nito, never thought that one day someone will make this day special and unforgettable for me... ... "I didn't get mad at you kahit feeling ko inagawan mo ako ng crush that time, and I was even the first person that is happy for you that time, I supported you and--" "Zee please. Huwag na natin pag usapan kung paano ako naniwala sa kasinungalingan niya." I said. "Nagmahal ka lang naman, we trust people we love, we believe them kahit sa huli hindi pala totoo ang mga pinaramdam nila. You just need to accept that everything you had with Kyle were all in the past, move on, love again and be happy with someone." Sambit ni Xena na bahagya akong ngitnitian. "Im happy Zee, bakit ba ayaw niyong maniwala na masaya ako at naka move on na ako?" "Because you've changed a lot, I just missed the old Ash." Malungkot na sambit ni Xena. Napatingin naman ako sa kanya, nagbago ba ako? For the past years anong bang pinagbago ko? Grumaduate ako, nagtrabaho, nagkaroon ng sariling negosyo. Most people change when they get old, so why can't I? ...
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
Gastos 48 diamante
Balanse: 0 brilyante ∣ 0 Mga puntos
Komento sa Aklat (50)
AnobongCrystal
Ang Ganda subraa tatapusin kuto HAHAHAH NAKAKAKILIG MAY GOD HAHAH
Ang Ganda subraa tatapusin kuto HAHAHAH NAKAKAKILIG MAY GOD HAHAH
26/07/2024
0Nice story
15/07/2024
0nice
29/06/2024
0Tingnan Lahat