logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 8

Sabado ng umaga. Kagigising ko pa lamang nang makita ko ang aking cellphone sa ibabaw ng maliit na tokador sa may sala. Dali-dali ko iyong dinampot at nagtungo muli paakyat sa aking kwarto.
Kabado pa ako nang sandaling buksan ko iyon. Ang kaso ay low battery na pala. Malakas akong napabuntong-hininga saka hinagis iyon sa aking uluhan.
Ang tagal kitang hinintay.
Siguro ay naconsumed ng todo ang battery dahil sa mga running apps. Malapit na rin kasing maubos ang power niyon nang ibigay ko kay Lola noong nakaraang linggo.
Lesson learned: hinding-hindi na talaga ako magpapasulat sa uniform ko.
Tamad akong nagtungo sa ibabaw ng aking maliit na lamesa at kinuha roon ang charger. Mabilis ko iyong isinaksak sa convenience outlet na nasa itaas ng kama ko.
Kabadtrip. Umagang-umaga binabadtrip ako ng cellphone na iyan.
Binuksan ko ang mga bintana sa aking silid. Ang bahay namin ay kagaya lamang ng disensyo sa Casa Comunidad. Dalawang palapag ito. Ang hagdan ay malawak at malaki. Sementado ito at pinakinis gamit ang floor wax. Maging ang sahig sa itaas na gawa sa kahoy ay makinis na makinis at madulas rin.
Pinapanatili itong ganito ni Lola. Gustong-gusto niya sa mga ganitong disenyo. Magkaiba talaga kami. Subalit kahit naman ayaw ko sa mga ganitong bagay ay wala rin naman akong ibang magagawa.
Wala akong ibang matitirahan.
Marahang ihip ng mabining hangin ang sumalubong sa akin nang sandaling buksan ko ang mga bintana. Sinandal ko ang aking kamay sa pasimano na gawa sa kahoy at pinagmasdan ang aming paligid.
May tatlong malalaking puno ng Acacia sa paligid ng aming bahay. Dalawa sa kanan at may isa pa sa likod. Sa harapan naman ay naroon ang iba pang maliliit na bahay sa Mateuna. Sa aming kaliwa ay ang kalsada patungo sa palengke.
Ilang taon na rin akong nakatira rito. Mula elementary ay dito na ako nakatira. May mga natatandaan pa rin naman ako tungkol sa buhay ko noon, subalit ang mga iyon ay bahagi na lamang ng mga alaala ko na gusto ko nang kalimutan.
Eight years na rin...
Pero hanggang ngayon hindi pa rin sila bumabalik. Miski ang bisitahin ako rito ay hindi nangyari. Ni isang beses sa loob ng walong taon ay hindi iyon nangyari.
Nakalimutan na nga talaga nila ako.
Malalim akong napabuntong hininga. My thoughts about them was useless. They are never coming back anyway...
Bumaba ako sa kusina at naghanap ng makakain. Wala si Lola. Paniguradong nasa palengke na naman iyon.
Binagalan ko ang aking kilos para sa mga usual routine. Mas mabuti na iyon, para pag-akyat ko ay full charged na cellphone ko.
Ginugol ko ang aking oras para sa mga walang kwentang bagay. I tried cleaning the house but it was already cleaned. Umakyat ako sa second floor at kumuha ng mga librong mababasa subalit sumakit lamang ang ulo ko. Books and I were never meant to be. Sa iba siya nakatadhana.
I tried playing chess outside our house with bystanders na mahilig sa pustahan pero natalo lamang ako. Gumastos pa ako ng isang daan.
10:00 am pero wala pa rin si Lola. Sa hula ko ay dumaan na naman iyon sa Casa ng mga Crisostomo.
Nitong mga nakaraang araw ay napapadalas ang punta niya roon. Nagbakasakali ako na baka iniwan niya ang cellphone ko sa kung saan subalit wala. Ang galing talaga niya magtago.
Makalipas ang tatlumpong minuto ay umakyat muli ako sa aking kwarto. Fully charged na. Three hours na rin kasi itong nakasaksak.
I immediately opened my mobile data. Kabado akong binuksan ang aking messenger para sa chat ng isang tao.
But my account was flooded with the chats of my exes, suitors, friends and group chat. Inisa-isa ko munang tingnan ang mga nasa pinakauna.
Binasa ko ang lahat ng messages nila hanggang sa mapunta ako sa pinakahuli. I clicked his name, Gregorio Marquez. But I was dissapointed nang makita na seen lamang iyon. He did not reply!
Magpapaliwanag pa naman sana ako na misconduct lamang ang chat na iyon ng mga kaibigan ko tapos wala pala siyang reply.
Naghintay ako ng isang linggo. Nag-abala pa ako sa kahuhula kung ano ang maaari niyang i-reply, halos mabaliw ako kaiisip sa magiging image ko sa kanila tapos seen lang?
Baka naman hindi marunong magtype o magcellphone ang isang iyon? Kung sabagay, makaluma nga pala sila. Malamang hindi marurunong gumamit ng cellphone ang mga iyon. Gagawa- gawa pa ng facebook account 'di naman pala marunong magreply. Nakakaawa siya.
Paano kaya sila manliligaw kapag nagkataon? E sa panahon ngayon mas madami na ang nanliligaw gamit ang social media. Huwag niyong sabihin sa akin na pupunta sila sa bahay ng kung sino mang nililigawan nila, haharanahin, bibigyan ng bulaklak at susulatan ng tula?
No. No.
Hindi pa naman ako naliligawan sa ganoong paraan. Pero kung sakali man, aayawan ko na kaagad iyon. Ayoko nga no'ng bibigyan ako ng tula tapos hindi naman maganda content. Ang makaluma no'n panigurado.
Saka iyong pupuntahan ka sa bahay mo at doon manliligaw? No. Ayoko nga no'n. Ayoko sa makukulit. Mas lalo lamang iyong nakakasawa.
Kunsabagay, ano nga ba naman ang alam ko? Samantalang hindi ko pa naman talaga nararamdaman na nagkagusto o nagmahal ako habang nasa isang relasyon. Kapag nakita kong gwapo, walang maipipintas, sasagutin ko na kaagad kahit wala naman talaga akong nararamdaman.
In the other hand, alam kong sinusulit ko lamang ang mga oras ko habang bata pa ako. Teenage life is the best. Doon mo mararanasan lahat. Doon mo mag-uumpisang maunawaan ang lahat ng mga bagay na nasa paligid mo. Doon ka mag-uumpisang makibagay upang magkaroon ng maraming kaibigan. Doon mo maiintindihan kung bakit mas magandang makiuso.
Sinusulit ko lamang ang buhay ko. Kasi alam ko, in the near future... Hindi ko na mararanasan ang lahat ng ito.
I opened my facebook and tried scrolling post from my friends. Until one notification popped up.
Crisostomo y Ibarra sent you a friend request

Komento sa Aklat (37)

  • avatar
    Kiana Micayas

    wow

    20/07

      0
  • avatar
    AlcaydeKate

    kkk

    15/02

      0
  • avatar
    Tomnob

    tnks

    04/02

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata