logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

I don't like him

I don't like him

unspoken_words


Simula

Grade seven noong una kong mapansin ang grupo nina Ibarra. We were both freshmens during that time. Aminadong mga bata pa rin subalit marunong na akong makisabay sa uso. I was grade four noong una akong magkaroon ng facebook. I faked my birthday and year of birth that's why...
Sa pamamagitan noon ay natuto akong magdamit, magbihis, alamin kung ano ang mga bagong sumisikat, ano ang mga uso---lahat-lahat.
Kaya nga naiinis ako sa tuwing nakikita ko ang grupo ng mga lalaking iyon. Ang dating nila ay... masyadong makaluma. Parang nagmula pa sila sa ibang panahon. Iyong pananamit nila, hindi naman iyong tipong naka-barong tagalog at nagsusuot ng salakot. Only that... the way they act, it was so old-fashioned. Wala sa uso.
Hindi sila ang mga tipo ko. Kaya nga lamang, hindi ko magawang maalis ang paningin ko sa kanila sa tuwing natatanaw ko sila sa malapit. Not because may gusto ako sa isa sa kanila or what. Kaya ko sila pinagmamasdan palagi ay dahil lihim ko silang nilalait sa isip ko.
Well, marami namang tao ang judgemental sa isip nila. Itinatago lamang upang hindi magmukhang masama sa paningin ng iba. Ang pinagkaiba ko nga lamang sa kanila, ako parehas na mapanlait. Sa loob at sa labas.
We were grade eight nang magsimula silang sumikat. Maraming grupo ng mga kalalakihan ang sikat dito sa campus. Halos lahat sa mga iyon ay dahil mga gwapo, malakas ang dating, athletic at badboy.
Sila lamang talaga ang hindi sumikat dahil sa ganoong paraan. Maraming nagkakagusto sa kanila. Mahahalata mo iyon sa mga kababaihang titig na titig sa kanila sa tuwing mapapadaan sila sa malapit. Anila'y tipo raw nila ang mga kalalakihang kagaya nila Ibarra. Mga maginoo at gentleman na bibihira na lamang makikita sa mga kalalakihan ngayon.
Paborito din sila ng mga teachers dito. Well hindi na ako magtataka, mga goodboy sila kung ituring. Hindi lang good boy, study first rin.
Hindi ko alam pero hindi ko talaga tipo ang mga iyon. Isa pa ay hindi ko kailangan ng mga taong kagaya nila. Masaya ako sa mga gwapong kalalakihan na lumalapit sa akin upang makipagmabutihan.
I am not yet in the legal age. Pero marami na akong karanasan sa mga lalaki. Sa panahon ngayon ay hindi ka na magtataka kung ang isang babae ay may kasintahan. Normal lang naman iyon.
Only that, hindi ako kagaya noong ibang mga babae na overacting sa tuwing naghihiwalay sila ng boyfriend niya. I don't do posting in social media saying "Hindi ka kawalan." "Ang sakit ng ginawa mo." "Hiwalay na tayo pero mahal pa rin kita." "Ikaw lang wala ng iba."
Like duh?
That was a big no for me. I won't do such act. Isa pa, kahit marami na akong naging karelasyon, I have never been heartbroken whenever I was in the middle of break ups.
Kung wala na kami, edi wala. Hindi ako maghahabol. Hindi ako iiyak. Hindi ako masasaktan. Ang bata ko pa para magseryoso.
We were grade nine noong una kong nakita ang grupo nila na sumasali sa mga paligsahan during  school events. Lima silang lahat na palaging magkakasama. I heard two of them were great player of football. Ang dalawa ay sa volleyball. Ang isa ay sa chess.
It was High school week celebration when I accidentally watched the competition of spoken word poetry. Naglalakad lang ako noon papunta sa marriage booth para sana manood at makita ang mga hopeless romantic na mga estudyanteng ikinakasal. Well hindi naman ako pupunta roon dahil believer ako ng marriage. Pupunta lang ako roon para manlait ng mga couple na ikakasal.
Kaya nga lamang, bago ako makapunta sa marriage booth ay dadaan muna ako sa grandstand. Doon ako sa ibaba dumaan dahil maraming tao sa itaas pati na rin sa stage. Sunod-sunod akong nabangga at naitulak ng mga kababaihang tumitili nang banggitin ang isa sa mga pangalang kinaiinisan ko sa lahat.
I tried to find way out pero nasa gitna ako. Girls around me gone wild nang magsimula nang magsalita sa mikropono ang lalaking iyon. May background music pa talaga siya. Siya lamang ang narinig kong may dalang background music.
Buti na lamang at tumigil na katitili ang mga babae sa paligid ko. Hindi na ako nagtangka pang umalis doon. Aaminin kong namangha ako ng kaunti sa paraan ng pagsasalita ng isang iyon. Malinaw niyang nabibigkas ang mga salita. May tono, may dating... Magaling. Parang sanay na sanay na siyang magsalita.
Sa tuwing tumataas ang tono niya ay siya ring pagtaas ng background music. Sa tuwing bumaba naman ang tono niya ay ganoon din ang tugtog. Kaya matapos niyang magsalita ay todo ang lakas ng palakpakan ng mga manonood. Wala akong mailait sa kaniya habang nanonood ako. Ito ang unang pagkakataon. Hindi ko naman maaaring laitin ang kamiseta na suot niya dahil iyon rin naman ang suot ng iba. Hindi na rin ako magtataka nang tawagin siya na nagwagi sa unang pwesto. Mas malakas ang naging palakpakan ng mga manonood dahil doon.
Hindi ako nakipalakpak sa kanila. Hindi naman masyadong magaling.
We were grade ten noong nagkaroon kami ng unang interaction. Nagkalaban kami sa chess noong intrams. Nanalo siya, pangalawa ako. Hindi ko naman masasabing magaling siya roon. Nagkataon lang na nagkamali ako ng galaw! At saka hindi ko kaagad napansin iyong bishop niya. Ayan tuloy nakain iyong queen ko.
Kung wala lang sanang mga coach at teacher ang naroroon at nababantay sa laban namin ay baka hindi ko na napigilan ang sarili ko at inaway ko na siya. Inis na inis ako sa paraan niya ng paglalaro. Napakakalmado habang itinitira ang mga piyesa. Animo'y hindi siya natatakot na matalo ko. Siguro, iniisip niya noon na kayang-kaya niya akong talunin kaya nakangiti siya sa akin palagi.
Mas lalo akong nainis noong mahuli ko siyang nakatingin at nakangiti sa akin. Hindi naman iyong tipong nang-aasar o nanunudyo. Basta naiinis ako sa kaniya. Ang yabang-yabang niya.
Nang matapos ang laban namin ay inabot rin niya ang kamay niya sa akin noong huli para sa shake hands.
Tingnan mo itong isang ito, plastic. Ang akala mo hindi ako dinaya. Kung hindi niya nilagay ang bishop niya roon ay baka hindi makakain ang queen ko. At saka kung hindi siya nag-castling baka nanalo pa ako! Madaya!
Tinanggap ko ang kamay niya alang-alang sa pakikipagkapwa. Baka sabihin ng mga nanonood doon na bitter ako dahil nanalo siya. Ang dami ring mga babae noon ang nanonood. Hindi na ako magtatanong kung sino ang ipinunta nila roon. Mga wala naman silang taste sa lalaki.
Hello? Dinaya ako niyang iniidolo niyo.
February, field demo.
Nasa oval kaming lahat para sa practice. Nakakainis ang mga teacher na iyon dahil hindi kami pinaalis kahit umaambon na. Kamalas-malasan pa na umulan noong nakaraang araw. Higit sa limang libo ang lahat ng mga mag-aaral dito sa Luis Palad. Higit sa limang libo na rin ang tumapak dito sa oval.
Kaya naman kanina pa ako magrereklamo dahil sa nakakadiring lupa na naging malambot na putik na katatapak ng mga tao. Lumambot ang lupa dahil sa ulan kaya naging ganito. Mas lalo pang nakakadiri dahil kailangan naming magyapak dahil mapuputikan lamang ang mga sapatos kapag itinapak namin iyon dito.
Para kaming tumatapak sa mas malambot na dumi ng kalabaw. Ang iba ay nagtatawanan pa. Masayang-masaya kahit madudumi na ang mga paa.
Ako hindi ako natutuwa.
"Eclarin! Nakikita kita mula rito!" saad ni Ms. Vital sa mikropono. Siya ang tagapagturo ng mga grade ten sa field demo.
Talaga namang kahit malayo ay napakalinaw ng mata mo ano?
Noong una ay sumasayaw pa ako, noong ikasampung ulit na ay hindi na ako natutuwa. Paulit-ulit sila. Kesyo hindi raw sabay-sabay. Anong magagawa niyo? Hindi naman kami mga professional dancers. Talagang hindi iyan magkakasabay-sabay kahit ipilit niyo!
Hindi nakita ni Ms. Vital ang masama kong tingin sa kaniya. Papaano ay nasa granstand siya, nasa ibaba naman kaming lahat. Nasa oval.
Nagsilingunan din sa akin ang lahat ng mga estudyante. Alam kong hindi na sila magtataka dahil alam na nila ang ugali ko. Walang palag ang mga iyan sa akin.
"Binibini, ano iyang nasa paa mo?"
Inis na inis akong lumingon sa kabilang hanay kung nasaan ang mga kalalakihan sa kabilang section. Nakita ko siya na nakatingin sa mga paa ko.
"Ano bang pakialam mo?" ayan na naman iyong mga pananalita nilang makaluma. Hindi talaga iyon maganda sa pandinig ko! Kung ang ibang kababaihan ay kinikilig sa tuwing tinatawag na binibini, ako hindi!
Lumingon rin ako sa aking paa. Noong una ay puro putik lamang ang nakikita ko. Hanggang may mahabang nilalang ang biglang gumalaw mula roon.
"Ahas! Ahas!"
Kabado akong nagtatalon upang makaiwas sa isang iyon. Kaya pala may nararamdaman akong kakaiba kanina. Ahas pala, puta.
Lihim na nagtawanan ang mga taong nakatingin sa akin. Unang beses nila akong makita sa ganoong sitwasyon. Nakakahiya iyon. Ang mga kaibigan ko ay nagtawanan din. Hindi na ako magtataka sa mga iyon.
Lumapit ang pinakakinaiinisan kong lalaki sa puwesto ko kanina. Kunot na kunot ang noong tumingin ako sa kaniya.
"Ano bang ginagawa mo riyan?!" galit kong tanong sa kaniya. Talagang yumuko pa siya upang mas makita iyong maigi. Kung gusto niyang mamatay sa kagat niyan ay bahala siya!
Natatawa siya sa aking nag-angat ng paningin. Ang mariing pagkakalapat ng kaniyang mga labi ay isang indikasyon ng pagpipigil niya ng ngiti. Subalit hindi yata niya kaya.
Tuluyan na siyang ngumiti sa akin.
"Hindi ito ahas, Binibini. Isa lamang itong insekto. Normal ang mga ito sa mga mapuputik na lugar."
Ang yabang-yabang niya. Ipinahiya niya ako roon. Imbes na mabawasan ay lalo lamang nadagdagan ang inis ko sa kaniya.
Anong insekto ang sinasabi niya riyan, ahas iyon. Kita mo na ngang mahaba tapos sasabihin mong insekto? Tanga-tanga rin ang isang iyon.
At anong binibini ang sinasabi niya, hoy! Alam kong hindi lang ako ang tinatawag mo niyan. Yabang-yabang mo. Pasikat!
April 2 nang magmoving up kami. Chastity ang section namin kaya nasa panglimang hanay pa sa mga upuan. Ang totoo niyan ay pangatlo ang section namin sa mga pinakamatatalino. Kaya nga lamang ay palaging isinisingat sa hanay iyong mga special section kagaya ng SPS at SPJ kaya palagi kaming nagiging panlima sa hanay.  Wisdom ang section ng mga pinakamatatalino sa LP. Integrity ang kasunod. Pangatlo kami. Hindi na rin masama.
Matagal ang naging program lalo na isa-isa pang tinawag ang lahat ng twenty-seven na section ng mga grade ten. Hango sa mga values and virtue ang bawat pangalan ng section. Centro raw kasi ng paaralan na ito ang disiplina at pagpapahalaga. Samantalang hindi naman iyon totoo. Ang dami rin kasing mga latak sa lipunan dito. Higher section lang at homo section ang matitino. Mas madami ang populasyon ng mga hetero kaya naman mas marami rin ang mga pasaway.
Well ako, nasa homo section kami pero marami rin kaming pasaway sa section namin. Normal lang naman iyon. Huwag ka lang pabida.
Matapos ang mahabang speech ng kung sino-sino na hindi ko naman pinakinggan, isa-isa namang tinawag ang lahat ng mga mag-aaral upang bigyan ng certificates. Isang patunay na graduate na nga kami sa junior high.
Akala ko ay mas mapapabilis na ang proseso. Pero inuna nilang tawagin ang mga lower section. Ang bawat adviser naman ay magtutungo sa stage upang isa-isang tawagin ang mga estudyante nila. Sa dami ng section ng grade ten ay inabot kami ng ilang oras.
Nang kami na ang susunod ay maingay kaming tumayo upang magpunta sa ibaba ng stage. Preparation iyon upang mas mapabilis ang ceremony. Talaga namang napakaiingay namin habang nakahanay. Ang mga kaklase ko ay nagtatawanan at nagkukuwentuhan na para bang hindi nila iyon ginagawa araw-araw.
Sabagay, may tiyansa nga naman na ito na ang huli naming pagsasama. Noong career exposition ay marami sa amin sa Chastity ang magpapatuloy ng senior high sa ibang paaralan. Kabilang na ako roon.
Kung dito pa ako mag-aaral sa senior high, masyado na iyong boring. Apat na taon na akong nag-aaral dito. Kahit papaano ay gusto ko pa rin namang bago na ang lugar na ginagalawan ko sa susunod na taon. Boring na rito masyado. Toxic na rin ng mga estudyante.
Katabi ko sa hanay si Sam. Magkasunod din kasi kami ng apelyido. Kaibigan ko rin ang isang iyan. Nagkasundo na kami sa paaralang papasukan sa susunod na taon kagaya ng ilan pa sa mga kaibigan ko. Kagaya ko ay gusto na rin nila ng bagong paligid. Pare-parehas kaming mabibilis magsawa, I think.
"Rose Ysabella Eclarin."
Diretso akong naglakad patungo sa gitna. Wala akong kasamang magulang kaya adviser ko ang nagsabit ng medalya sa akin. May hawak rin akong papel na iniabot sa akin ng principal. Pagkatapos ay  tumabi sa akin ang adviser ko para sa picture taking. Aksidenteng napatingin ako sa unahan kung saan nakaupo ang grupo ng mga lalaking iyon.
Mahina silang naguusap-usap habang nakatingin sa akin. Ang isang loko, nakangiti pa sa akin. Lokong mga 'yon, pinag-uusapan pa yata ako.
Ngumiti ako pero para lamang iyon sa magandang kuha ng camera. Lokong mga iyon, naturingang mga maginoo, mga tsismoso naman.
Nagtagal pa ulit ng ilang mga minuto bago tinawag ang kahuli-hulihang section. Mas matagal ang kanila dahil lahat sila ay may award. Kahit seventh place sa tugsayawit ay binabanggit pa talaga! Samantalang kami na nanalo roon ay hindi man lamang binanggit.
Kainis ang mga mukhang hunghang na ito, pampaubos oras. Porket highest section, may pa-special mention na.
"Ibarra Y. Crisostomo."
Nagpalakpakan ang lahat nang banggitin ang pangalan niya. Nakangiti siyang umakyat sa unahan para sa huling bahagi ng programa. Siya rin kasi ang nakakuha ng pinakamataas na general average sa batch namin.
Sabi ko naman sa inyo, pabida ang isang iyan. Pangiti-ngiti akala mo naman bagay sa kaniya.
Nagsimulang tumahimik ang lahat nang magsimula na siyang magsalita. Lahat ay tungkol sa pasasalamat, mga karanasan at masasayang alala namin sa loob ng apat na taong pag-aaral rito.
Hindi ko rin naman magawang manlait sa pagkakataong ito dahil wala akong maipipintas sa paraan niya ng pagsasalita. Malinaw niyang nabibigkas ang mga salita. Ang mga sinasabi naman ay makabuluhan rin. Lalaking-lalaki ang dating niya ngayon.
"Nawa'y sa susunod na kabanata ng ating mga buhay ay muli tayong pagtagpuin ng tadhana. Doon ay sabay-sabay tayong ngumiti sa isa't-isa at sabihing sa tulong ng mga alaalang ito nakamit natin ang ating mga pangarap."
"Salamat sa ating Panginoon. Salamat sa aking mga kamag-aaral na nakasama ko sa loob ng apat na taon. Salamat sa aking mga ka-escuela na siyang naging kasabay kong mangarap. Salamat sa ating mga naging guro na siyang dahilan kung bakit ako naririto ngayon, kung bakit tayo natuto. Salamat sa aking mga magulang na siyang gumabay sa akin sa bawat kabanata ng aking buhay. Salamat sa aking mga kaibigan na naging kasangga ko sa hirap at ginhawa. Salamat sa lahat ng magagandang alaala. Salamat, paaralan."
That man, he never really misses to impress everyone sa pamamagitan ng mabubulaklak niyang mga salita. Talagang hindi siya nagsalita ng kahit isang English sa speech niya. Edi ikaw na ang makabansa.
Yabang-yabang mo naman.

Komento sa Aklat (37)

  • avatar
    Kiana Micayas

    wow

    20/07

      0
  • avatar
    AlcaydeKate

    kkk

    15/02

      0
  • avatar
    Tomnob

    tnks

    04/02

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata