logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 5

"Ms. Graciano, I've given you enough time to do your task in my subject and this is what I get?" ipinakita sa akin ni Ma'am Peñarejo ang isang page ng ginawa kong summary report para sa subject niyang business law.
Even if I am not a grade conscious and academically competitive, I still find this scenario embarrassing. Totoo ngang ilang araw ang ibinigay niya sa amin para matapos iyon, but I have a lot of problems inside my house. Hindi na ako nakakapag-aral ng maayos dahil kay Papa. These past few days, mas lalong lumala ang mga tantrums niya to the point na napagbubuhatan na niya ako ng kamay. I can't focus in my life and in my studies entirely because I have to look after him.
"Ganitong klaseng gawa ba ang sinasabi niyong pang-college?" nang-iinsultong aniya sa akin. Ang mga kaklase ko ay nanatiling tahimik na nakikinig sa sermon. Ms. Pelarejo is known for being a terror teacher. Bali-balita ay mahilig siyang mamahiya ng mga estudyante. Hindi ako naniniwala noong una hanggang sa dumating ang araw na ito. "What grade do you want me to give you? This is all nonsense!" aniya at gigil na hinagis ang summary report ko. Dinamay pa niya ang ilan na nasa table lang niya nakalagay.
Panigurado namang hindi lang akin ang mukhang basahan. Talagang nasaktuhan lang niyang mabunot ang sa akin. Kainis.
Her whole session ended up with an hour sermon. Puro pamamahiya ang ginawa niya sa buong klase. That made me hate her ultimately. I'll mark this teacher. Tuwing makakasalubong ko siya sa daan ay hindi ko siya babatiin ng good morning.
Nang matapos ang subject niya, kaagad kong hinablot ang bag ko at nagmamadaling lumabas ng classroom. Embarrassment is all over my body. Ramdam ko rin ang mga tingin sa akin ng mga kaklase kaya mas lalo kong binilisan ang pag-alis para mabawasan ang kahihiyan sa katawan.
I am just starting my college life. Pero naranasan ko na kaagad masermunan ng matabang teacher. That made me think thrice that maybe, this would have been better if I chose education rather than accountancy. Kapag naging teacher ako, magiging terror teacher din ako at ipapahiya ang mga estudyante sa harap ng klase. That would be a nice dream.
"Why are you crying?" napatigil ako sa pagsubo ng kanin nang may lalaking umupo sa harap ko.
He didn't mind asking for my permission. Basta na lamang siya umupo roon.
"Sino namang umiiyak dito?" pabalang kong tanong kay Jacques saka pasimpleng kinapa ang pisngi. No. I won't cry because of that chubby teacher.
Ramdam ko namang nanatili ang nanunuring tingin sa akin ng lalaki. I didn't lifted my eyes nor spoke in front of him. Kung kailan ayaw ko ng kasama, saka siya darating.
"What's the matter?" muli niyang tanong. "Mukha kang matamlay." pasimple akong umirap.
Bakit ba siya nakikialam sa akin samantalang may girlfriend na siya? Kung ayaw niyang bigyan ko ng meaning ang mga kilos at sinasabi niya, huwag siyang ganiyan sa akin. Pabayaan na lang niya ako.
Padabog kong nilapag ang hawak na kutsara at tinidor saka siya binalingan.
"Ano papakialaman mo na naman ako? Baka dahil sa pagiging matamlay ko idala mo na naman ako sa disciplinary office."
Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.
"Hindi kita idadala roon ng walang matinong rason."
"Ah talaga? Pakialamero ka talaga." sa iritasyon ay tumayo ako at iniwan siya roon. Akala ko hahayaan na lang niya ang pagwa-walk out ko. Mabuti na lang at sinundan niya ako, sayang naman ang acting ko kapag nagkataon.
"Galit ka pa rin ba dahil sa ginawa ko?" hinigit niya ang kamay ko para patigilin. Nang bumaling ako sa kaniya ay kaagad din naman niya akong binitawan. Frustrated niyang pinasadaha ng palad ang buhok. "Look, I won't do it if it's not for your own sake. Hindi ako nagtitiwala sa James na iyon. Walang matinong lalaki ang makikipaghalikan sa babae sa ganitong lugar. He's not even worth it. Nakakabastos ang ginawa niya. I'm just concern with your safety."
"Eh bakit ka nga concern?" hindi siya nakasagot kaagad sa tanong ko. What's with him sticking his nose with everything that I do? Bakit palagi siyang nakikialam? Concern lang ba talaga siya?
"Nasa iisang grupo tayo at ako ang nakakita sa inyo sa ganoong posisyon. Kapag may nangyaring masama sa'yo, sa akin magagalit sina Sison dahil hindi kita nabantayan ng maayos." he explained.
Bumagsak ang balikat ko sa sinabi niya. I didn't show him that I'm disappointed with his answer. Huminga ako ng malalim at umayos ng tayo.
Ngumisi ako sa kaniya. "Ayoko talaga sa mga kagaya mong tao." anas ko bago siya tinalikuran. It's almost a year since we first met but I can't still explain how he got me captured so easy. I mean, yes he's undeniably handsome and attractive and appealing... but he's an asshole. Pakialamero siya at mabunganga. Palagi pang masama ang tingin sa akin.
Kaya hindi ko talaga maintindihan kung bakit nagkakaganito ako sa kaniya. Malaki ang parte sa puso ko na umaasa na sana gusto niya ako hindi bilang kaibigan. Sana hindi siya concern dahil lang nasa iisang grupo kami. He's not the man of my dream. But somehow... at the deepest part of my heart, he's the man that I want.
"Tagal mong hindi sumama sa amin ah? Muntik ka na naming makalimutan." tinawanan ako ni Twelve nang makitang lumukot ang mukha ko. Inakbayan niya ako habang naglalakad kami papunta sa bilyaran.
Sumama ako ngayon sa kanila dahil nalaman kong wala ngayon si Ezperanza.
"Sus! Baka naman miss na miss niyo na ako? Paniguradong noong mga araw na wala ako ay hinahanap-hanap niyo ang presensya ko." pang-aasar ko.
Pero ako rin ang napikon sa huli nang sabay-sabay silang umaktong nasusuka. Si Jacques lamang ang hindi nakisali at tahimik na naglalakad sa unahan.
"Kakapal ng mukha, parang hindi ko sila ipinanggagawa ng assignments dati!" reklamo ko at sinuntok sa sikmura ang lalaking pinakamalapit sa akin. Napaubo si Twelve at napahawak sa tiyan niya.
"Hoy, Madelaine. Wala kang maipagmamalaki dahil mali-mali naman ang mga sagot mo. Baka nakakalimutan mo rin na lowest kami palagi kapag ikaw ang nagsasagot." pang-aasar sa akin ni Sison. Akmang ko siyang hahampasin nang tumakbo siya at nagtago sa likod ni Nico.
"Mga hampaslupa." inis na bulong ko.
Maaga pa nang makarating kami sa bilyaran. Lahat kami ay natigilan nang makita na wala na roon ang mga billiard table. Wala na rin ang mga dating nagbibilyar. Ang tanging naroon na lamang ay ilang mga teenager at matatanda na naglalaro ng chess.
"Huh? Mali ba tayo ng napuntahan?" takang tanong ko sa kanila. Napatingin ako sa tarpaulin na nasa unahan na may nakasulat na chess tournament.
"Two days pala 'yon? Akala ko isang araw lang." anas ni Cavier sa aking gilid. Napatingin ako sa kaniya. "Wala na kasing space sa Casa kaya dito nila ipinuwesto ang ilang kasali ng chess tournament. Siguro naman ay wala na ito rito bukas."
Tumango-tango ako nang mapagtanto ang lahat. Kasabay niyon ay bumagsak din ang balikat ko sa panlulumo. Ngayon na nga lang ulit ako sumama, sablay pa.
"Saan na tayo niyan?" problemadong tanong ko. Halos alas tres pa lang ng hapon. Medyo may kainitan pa ang sikat ng araw. Masyado namang maagap kung mag-uuwian na kaagad kami.
"Sa inyo na lang, Madz. Pwede naman nating lakarin lang ah?" pang-aakit ni Warton.
"H-hindi pwede!" kaagad akong tumutol. Nagkatinginan sila.
"Ngayon lang naman eh, saka sa bahay niyo na lang kami hindi nakakatambay."
"Hindi nga pwede, makalat pa roon. Maglilinis muna ako."
"Palusot mo lang iyan eh. Ang sabihin mo ayaw mo lang talaga kaming papuntahin sa bahay niyo." pang-gagatong ni Twelve. Kaagad na sumang-ayon sa kaniya ang ilan.
"Hindi kasi pwede sa amin. Next time na lang talaga."
Pero kahit anong pilit ang gawin ko, hindi sila pumayag. Halos magmakaawa na ako sa kanilang lahat na huwag nang pumunta sa amin. Hinihila ko na sila pabalik subalit lahat sila ay ayaw papigil. Nagtaka pa ako kung paano nila nalaman ang daan papunta sa bahay namin. Ni hindi ko iyon tinuro sa kanila. Wala akong sinabi. Hindi ko sila hinahayaan na makatungtong man lang sa may kanto papunta sa amin.
"Finally. Nandito na rin tayo." nagsihiyawan silang lahat nang makarating kami sa tapat ng bahay namin. Pasimple kong kinagat ang labi ko dahil sa hiya.
"Huwag na kasi rito. M-marami pa akong gagawin."
"Tutulong kami." boses ni Jacques ang narinig ko. Napatingin ako sa kaniya at mas lalong nahiya.
Ngayon ay tuluyan na silang nakarating sa maliit naming bahay. Gawa ito sa hollow blocks na hindi pa napapatungan ng semento para kuminis. May kaunting halaman sa labas ng bahay namin pero hindi niyon napaganda ang tanawin.
"Bakit ba kasi ayaw na ayaw mo kaming pumunta sa bahay niyo ha?" nanunuring tanong ni Twelve. Lahat sila ay naghihintay sa magandang rason na ibibigay ko.
But I chose to be silent. Imbes na magsalita ay huminga na lamang ako ng malalim saka binuksan ang pintuan na gawa sa kahoy.
"Pasok kayo." mahinang anas ko. Hindi ko nagawang gantihan ang ngiting tagumpay nila.
Lahat ng kahihiyan ay naiipon na ngayon sa katawan ko. Malaking parte pa rin sa akin ang tumututol na magtungo sila rito. Kita ko ang paggala nila ng tingin sa kabuuan ng salas. Maliit lamang ito at walang kadise-disenyo. May isang larawan na nakasabit sa pader at iyon ay kinuhanan pa noong elementary ako.
"Upo na kayo." ramdam ko ang awkward sa buong paligid. Hindi ko rin mabasa ang nasa isip nila o kung bakit bigla silang natahimik. "Kukuha lang ako ng tubig." anas ko at nagmamadaling nagtungo sa maliit naming kusina. Wala kaming ref kaya hindi malamig na tubig ang maibibigay ko sa kaniya. Pati ang pitsel na paglalagyan ko ng tubig ay labis kong ikinahihiya.
Taranta kong pinunasan ang pisngi nang may patak ng luha akong naramdaman doon. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Para saan? Kaibigan ko naman sila hindi ba? Bakit ako nahihiya ng ganito?
Inayos ko muna ang sarili bago ako bumalik sa salas dala ang tubig. Inilapag ko iyon sa maliit na lamesa sa gitna. Walang ni isa sa kanila ang kumuha niyon para uminon. Hindi ko alam kung bakit pati iyon ay big deal sa akin.
"A-ano nang gagawin natin ngayon?" tanong ko para naman mabawasan ang awkwardness sa paligid. Tumawa si Twelve.
"Magkantahan na lang tayo." suhestyon niya.
"Tama, jamming na lang. May guitarist naman tayo rito eh." segunda ni Sison.
Sumang-ayon silang lahat at nag-isip ng kakantahin. Nakitawa na rin ako kahit pilit at mahina lang. Iniiwasan kong tingnan si Jacques dahil ayokong mas madagdagan pa ang hiya na nararamdaman ko. Kung wala sana siya ngayon, baka hindi ganito katinding kahihiyan ang mararamdaman ko ngayon.
"Kamukha mo si Paraluman. No'ng tayo ay bata pa. At ang galing-galing mong sumayaw. Mapa-boogie man o chacha." sabay-sabay na kantahan nilang lahat. Mas lalong lumakas ang ingay dahil sa tunog ng gitara ni Nico.
"Ngunit ang paborito, ay ang pagsayaw mo ng El Bimbo. Nakakaindak, nakakaaliw. Nakakatindig-balahibo."
Hindi ako sumabay sa kantahan nila. Mas lalo akong kinabahan sa lakas ng mga boses nila.
"Magkahawak ang ating kamay at walang kamalay-malay. Na tinuruan mo ang puso ko na umibig ng tunay-
"Madelaine! Ano ba iyang ingay na 'yan!"
Lahat sila ay sabay sabay na napatigil sa pagkanta dahil sa sigaw ni Papa mula sa kwarto niya. Natigil sa paggigitara si Nico. Napalunok naman ako at naramdaman ang matinding panlalamig ng katawan.
"Punyeta natutulog ang tao rito." anas pa ni Papa na rinig na rinig naming lahat. Pinaghalong kaba at kahihiyan ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko nagawang makatingin sa mga kaibigan. Kita ko rin sa mukha nila ang pagkadismaya. Hindi nila inaanasahan na magiging ganito ang dadatnan nila sa bahay namin.
Sa takot ay nanginginig ang mga tuhod na pumasok ako sa kwarto niya. Nakita ko siya roong naninigarilyo.
"P-papa, may mga bisita po ako. Pwede po bang huwag ngayon?" pagmamakaawa ko sa kaniya.
Nakita ko ang galit na bumakas sa mukha niya kaya mas lalo akong natakot.
"Bakit ba dinala mo pa iyang mga kaibigan mo na iyan dito? Wala tayong maipapakain diyan. Paalisin mo na ang mga iyan!" aniya na alam kong narinig ng mga tao sa labas.
Mabilis akong lumabas ng kwarto at pinigilan ang sariling emosyon. Naroon ang mga kaibigan ko sa salas na parang mga napipi na at hindi na makaimik. Alam kong narinig nila ang sinabi ni Papa, pero hindi nila magawang makakilos para umalis.
Nag-ipon muna ako ng lakas ng loob bago ako lumapit sa kanila. Kaagad akong ngumiti kahit nanunubig na ang mata.
"Pasensya na kay Papa ha? H-hindi lang kasi iyon sanay sa mga bisita." pagpapaliwanag ko. Bumaling sa akin ang mga kaibigan. Hindi ko maunawaan ang reaksyon na nasa mata nila. Kung naaawa ba sila, nahihiya o nadidismaya.
Hindi kalaunan ay narinig ko na lang ang mga pagdadabog ni Papa. Naglalakad siya gamit ang saklay at kahit hirapang-hirapan ay pinilit niyang makalabas ng kwarto.
"Punyeta talagang buhay 'to oh. Buwisit na mga tao." aniya habang nagdadabog na naglakad patungo sa kusina.
Mabilis kong pinahid ang luha na tumulo mula sa mata. Habang nasa salas kaming lahat, rinig na rinig namin ang kalampagan ng mga gamit mula sa kusina. Ang ilan pa ay alam kong sadya niyang ihinahagis para gumawa ng ingay.
"Madelaine! Magluto ka na rito, puro ka barkada! Wala ka namang mapapala sa mga iyan!" sigaw niya mula sa kusina na mas lalong nagpaluha sa akin.
Kaagad akong bumaling sa mga kaibigan at hinila sila patayo.
"U-umalis na muna kayo. P-pasensiya na sa susunod na lang ulit." umiiyak kong pagmamakaawa. Nakita ko ang awa at pag-aalinlangan na bumakas sa mata nila.
"Madelaine..." pagtawag nila sa akin.
Tinulak ko sila palabas ng bahay.
"U-umalis na muna kayo p-please."
Kaagad kong isinarado ang pinto at nanghihinang napasandal doon habang lumuluha. Ito ang dahilan kung bakit ayaw ko silang papuntahin sa bahay. Ayaw kong makita nila kung gaano kamiserable ang buhay ko. Ayokong makita nila na sa kabila ng masigla kong mukha na araw-araw nilang nakikita, nagtatago ang isang tao na hinang-hina at pagod na pagod na sa buhay niya.
Dapat hindi ako pumayag. Dapat hindi ko sila hinayaang magpunta rito. Dapat mas nagpumilit pa sana ako na bawal. Hindi sana nila makikita ang bahagi ng pagkatao ko na ayaw kong ipakita sa mga tao.

Komento sa Aklat (19)

  • avatar
    Sopeya

    😭 😭

    03/07

      0
  • avatar
    Judy Ann Gilbaliga Catedral

    Good

    05/05

      0
  • avatar
    ARINOMA LUDETTE

    ☺️☺️☺️

    29/01

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata