logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 6

Hazel's POV
Anong nangyari?
[Hazel... i love you and i'm really sorry for doing this to you]
Naalala ko na kung anong nangyari, sana pala hindi ko na lang naalala. Napatingin ako sa orasan, napaaga yung gising ko, 6am pa lang at madalas 7am ako nagigising.
Bumangon ako at nagtungo sa CR. Tumingin ako sa salamin at nakita ko yung resulta ng pag iyak ko kagabi.
Kung alam ko lang na mamamaga yung mata ko ng ganito ngayon... sana pala hindi na lang ako umiyak.
Naghilamos ako pagkatapos inayos ko yung sarili ko, saka naman ako lumabas ng kwarto at nag tungo sa kusina.
"Oh, Hazel okay ka lang ba?" tanong ni tita.
Umupo ako at nagtimpla ng kape.
"Okay lang po." saka naman ako ngumiti.
"Iniisip mo siguro kung paano ka nakauwi no?" tiningnan ako ni tita habang nakangiti.
Ang alam ko mag kasama kami ni Enzo kagabi, pero di ko alam kung paano ako nakarating sa kwarto ko. Hindi naman ako lasing bakit wala akong maalala?
"Nakatulog ka kasi sa kotse, hindi ka magising kaya binuhat ka niya papunta sa kwarto mo."
Ganun pala yung nangyari...
"Sinabi sa amin ni Enzo ang nangyari, huwag mo ng isipin yun, siguro nga masakit, pero alam mo na, lahat naman may dahilan diba?" ngumiti naman si tita.
"Sorry po tita, pati si Enzo nadamay, nabigla lang po kasi talaga ako sa nangyari kahapon, ilang araw kaming hindi nagkita, tapos magpapakita sya at sasabihin niyang maghiwalay na kami." mahinahon kong sambit.
"Alam mo ba, napagdaanan ko rin ang mga ganyan drama sa buhay, pero in my case, ako yung ipapakasal sa ibang lalake, pero look, lalakeng mahal ko ang kasama ko ngayon." sabi ni tita.
Ewan ko ba, pagkatapos kong umiyak ng sobra kagabi, parang wala ng luhang tutulo sa mata ko. Oo nasaktan ako. Pero parang wala na akong maramdaman ngayon, bakit parang ambilis ko namang mag move on?
Matapos kaming mag usap ni tita ay nagluto na rin sya ng breakfast namin, at maya maya nagising na rin sila Enzo. At habang nagluluto si tita ay nakatingin lang ako sa kanya. Ewan, parang wala ako sa sarili ngayon.
"Ate, huwag mo ng isipin yun, kung magiging masaya sya, dapat maging masaya ka na rin, hindi lang naman sya ang lalake sa mundo eh." Sambit ni Thrian.
Ngumiti na lang ako, pero tama naman sya, hindi lang sya ang lalake sa mundo. Pero kasi... kahit papaano minahal ko naman sya, at mahal ko pa rin sya. Pero kailangan ko ng mag move on!
"Mom, magtimpla ka daw ng kape sabi ni dad." Enzo
"Ikaw na, nagluluto pa ako."
"Hindi na daw sya kakain, nagmamadali daw sya." sabi naman ni Enzo.
"Ha? bakit naman? teka, Thrian, tingnan mo muna tong niluluto ko." bilin ni tita.
Binantayan naman ni Thrian yung niluluto ni tita. Si Enzo naman umupo sa tabi ko habang nagtitimpla ng kape.
Ako? ganun pa din, wala sa sarili.
"Para ka palang patay kung matulog." sabi niya.
Napatingin naman ako sa kanya.
"Pasensya ka na Enzo, dapat hindi na lang kita inabala, dapat umuwi na lang ako mag isa, sorry." nakayukong sambit ko.
"Okay lang, basta kalimutan mo na lang sya"
"Ha?" Napatingin ako sa kanya.
"Tsk, grabe ka kasi masaktan eh, grabe ka umiyak."
Kumunot yung noo ko sa sinabi niya, hindi naman kasi ganun kadaling tanggapin yun.
"Bakit kung ikaw ba hindi masasaktan?" Tanong ko.
Hindi sya nakasagot agad.
"Ewan." Saka naman sya uminom ng kape.
Naisip ko tuloy kung yung nangyari sa akin kahapon ay mangyari rin kay Enzo, paano niya kaya haharapin yung sitwasyon na yun?
"Huwag mong sabihing iiyak ka na naman?" tanong niya.
"Tama na yung iniyak mo kagabi, huwag mo ng dagdagan, konti na lang magmumukha ka ng sinapak." sabi pa niya.
Grabe naman, tinawanan niya lang ako pagkatapos niyang sabihin iyon. Maya maya ay nagbreakfast na rin kami.
Hindi ko alam kung makakapasok ako ngayon, hindi naman sa oa ako, pero parang wala ako sa mood para pumasok, makipag usap at makinig sa prof.
Hindi nga rin pala alam nina Rikki ang nangyari sa akin kahapon, after kasi namin magusap ni Renz, nanatili lang ako dun sa rooftop, umiiyak lang.
Hindi na ako pumasok dun sa second subject namin dahil nabigla talaga ako sa mga pangyayari kahapon, at nung dismissal na, dumiretso ako sa kotse ni Enzo.
Papasok na sana ako noon sa kotse ni Enzo, kaso hindi ko mabuksan yung pinto dahil nakalock, kaya ayun, hanggang sa gumuho na nga ang mundo ko, hindi naman sa oa ulit ako, pero ganun talaga yung naramdaman ko kahapon.
Pero ngayon medyo okay na ako, buti na lang mabilis akong magmove on!
____________________💕
Enzo's POV
Nasa school na ako at nakita ko kanina yung mga kaibigan ni Hazel, muntik ko na ngang lapitan.
Gusto ko kasi sanang sabihin sa kanila na hindi makakapasok si Hazel, pero naalala ko na kunwari pala hindi kami magkakilala, kaya hindi ko na lang ulit sila pinansin.
Eto nga at nasa classroom na ako, wala namang kakaiba sa araw na to, puro lecture lang, seatwork tapos quiz, yun lang.
Matapos ang klase ay nagtungo naman kami nina Pete sa cafateria para kumain.
"Sya yung lalake kahapon ah" mahinang sambit ni Pete.
Tumingin kami ni Jed sa kung saan sya nakatingin.
"Bakit? anong meron sa lalakeng yun? crush mo?" tanong ni Jed.
"Siraulo! gusto mo sapak?" sabi ni Pete
"Ayaw..." Tumawa naman si Jed
"Eh ano nga bang meron dun?" tanong ko naman.
Bigla naman siyang lumapit sa amin at nagsalita.
"Ganito kasi yan, kahapon tinawag ako nung isang prof, syempre S.A. ako kaya kilala nila ako." sambit niya saka sya tumawa.
"Oh tapos?" tanong ni Jed.
Nakatingin lang ako kay Pete habang hinihintay siyang magsalita.
"Tapos ayun, tinawag nga ako, may pinapakuha kasi syang equipment, andun daw sa main building, dun sa rooftop..."
Nakikinig lang...
"Edi syempre pumunta naman ako dun, kaso pagdating ko dun, may narinig akong nag uusap..."
"...syempre nacurious ako, kaya sumilip ako." dugtong niya.
"Anong nakita mo?" Jed
"Ayun, nakita ko yang lalake may kausap syang babae, umiiyak nga yung babae eh, girlfriend niya ata yun, parang nakikipaghiwalay yung lalake sa babae..." Pete.
Mukhang kilala ko yung babaeng tinutukoy niya. Tumingin naman ako sa lalakeng tinutukoy ni Pete.
"Naaawa nga ako dun sa babae eh, bigla na lang kasi syang iniwan nung lalake, syempre nagtago ako para hindi ako makita nung lalake, tapos nung nakaalis na sya, tiningnan ko ulit yung babae, umiiyak pa nga rin sya eh." kwento pa niya.
"Bakit di mo nilapitan?" tanong ni Jed.
"Yun nga eh, gusto ko sana kaso... hindi kami magkakilala, baka isipin niya nangingi-alam ako."
"Nangingi-alam ka talaga kapag ginawa mo yun!" Jed.
"Kaya nga hindi ko nilapitan eh!" Pete.
Siya pala ang dahilan kung bakit umiyak ng ganun si Hazel kahapon, parang wala lang, parang wala lang sa kanya ang nangyari kahapon... tsk.
_____________________💕
Zoey's POV
I'm with my friends here in our campus, may lumapit saking guy kanina, yung guy na may gusto sakin, i dont brag but he's one of a popular guy here in our campus, she's asking me out pero hindi ako pumayag, i didnt say na ayoko but i just said na may pupuntahan ako, busy and other possible alibi to tell. Anyway wala naman akong pake, i dont hate guys, i just dont entertain them.
"Nakita ko yung girlfriend ni Enzo kanina ah." sabi ni Stacey.
Oo kilala nila si Enzo, at kilala rin nila si Andrea.
"Anong nakakagulat kung nakita mo sya?" Amanda.
"May nakita ka bang... hindi dapat makita Stacey?" i asked.
So syempre nagtaka sila sa tanong ko.
"Kasi... nakita ko sya, with another guy, i thought they were just friends, pero iba kasi yung closeness nila eh, i dont know."
Hindi naman ako magugulat na one day may makakakita kay Andrea na may kasamang ibang lalake.
"So you mean... niloloko niya si Enzo?" tanong ni Amanda
"Sasabihin mo ba kay Enzo?" tanong nila sa akin
Ngumiti ako bago sumagot.
"Let him find out"
After that, dismissal na and as usual, kanya kanyang uwi, at habang naglalakad ako, parang isang de javu ang nangyari sa araw na to. Nakita ko si Andrea, waiting for someone, but this time that someone just arrived. They hugged each other, at bigla akong nakita ni Andrea.
Nagulat sya kaya bigla niyang binitawan yung guy, i decided na huwag silang pansinin, kaya lang lumapit sakin si Andrea.
"Hi Zoey, nagkita ulit tayo." ngumiti naman sya.
"Wala namang nakakagulat dun Andrea since dito ako nag aaral, dapat nga ikaw ang sinasabihan ko niyan... nagkita ulit tayo..." then i smirked.
Hindi sya nakasagot sa sinabi ko, i hope she understand what i really mean.
"Look, he's just a friend." paliwanag niya.
"Okay, he's just your friend." ngumiti ulit ako.
"Yes he is, baka kasi ma-misunderstood mo ang nakita mo." She smiled at me.
"Dont worry Andrea, hindi mangyayari yun, napakalinaw naman ng nakita ko eh, and its so clear that you're cheating Enzo"
"huh?"
Ofcourse, she will never admit it...
"Andrea, sinabi ko na sayo diba? may mga bagay na alam ko, na hindi alam ni Enzo, at yun yung mga bagay na hindi mo  alam na alam ko..."
Bigla namang kumunot yung noo niya, baka naman hindi niya ako nagets. But few seconds her expression change, maybe she did understand me, hindi nga lang ganun kabilis.
"Fine! hindi na ako makikipagplastikan sayo Zoey, from the first place hindi naman kita nagustuhan eh, and i know na ayaw mo rin sakin."
"yes, thats right."
"Sige, niloloko ko nga si Enzo, who cares? kasikatan niya lang naman ang gusto ko eh, yun lang! at alam niya yun (referring dun sa guy na kasama niya) mahal kasi ako ni Enzo kaya hindi ko rin sya maiwan ng ganun ganun lang"
What she said makes me anger, kilala ko si Enzo, since we were kids makakilala na kami, ofcourse we're cousins at close kami, at ayoko ng sinabi ng babaeng ito.
"Andrea, i dont wanna fight, kahit papaano may konting respect pa akong natitira for you kahit malandi ka, sorry for that word. But for now i can only advice you na ayusin mo ang kalokohan mo kung ayaw mong sabihin ko kay Enzo ang mga sinabi mo."
"Tinatakot mo ba ako?" tanong niya
"Bakit? Natatakot ka ulit? Did i scare you again?" I asked sarcastically.
"Hindi ako natatakot."
Natawa ako, bakit nga naman sya matatakot...
"i know Andrea, two timer ka eh, mawala man si Enzo, may isa ka pa" then i looked at the guy from afar na kaninang kasama niya.
"What?"
"Nice to see you Andrea, bye." Then i walked out.
Ayoko ng makausap ang babaeng iyon, but ofcourse sinabi ko lang naman na sasabihin ko kay Enzo, but i will never tell him... for now. And yes, tinatakot ko nga lang sya, mukha namang effective eh. Ayokong masaktan si Enzo at ayoko ring makialam sa kanilang dalawa, kahit na nakakagalit ang Andrea na yan, magtitiis muna ako but i hope Enzo will find out about this soon...

Komento sa Aklat (100)

  • avatar
    LumasagJean

    thank you

    25/07

      0
  • avatar
    Angeline Pablo

    sobrang Ganda pero Hindi ko alama kung paano ma G Cash pero maganda

    15/07

      0
  • avatar
    Garciamaan FernandezGarciamaan Fernandez

    ayy nako

    04/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata